Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo
ISANG YAPAK PATUNGO SA PANGARAP
Sa puntong ito, nagtataka kayo siguro kung ano ba ang pagkakaiba ng Senior High School ng Don Bosco Makati sa iba pang paaralan. Ang DBTI ay isang paaralan na nakapag-antig ng mga puso henerasyon sa henerasyon. Maiging napatunayan ng Don Bosco Makati ang misyon at bisyon ng kanilang eskwelahan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain at aktibidad na hindi lamang pang-akademiko kung hindi pang-espiritwal na din. Bagong estudyante pa lamang ako at wala pa ganoong karanasan ngunit sa unang termino pa lamang ng aking pag-aaral sa DBTI ay alam ko nang hindi ako nagkakamaling pumasok sa paaralang ito. Matatanong ninyo siguro kung bakit ba ako pumasok sa Don Bosco Makati sa simula pa lamang. Sa kuwentong ko ito ay sana masilayan n’yo na din kung bakit hinihikayat ko kayong mag-enroll sa SHS DBTI Makati.
Lumaki akong may dalawang kuya na parehong nakapagtapos ng kanilang High School sa Don Bosco Makati. Bata pa lamang ako, dinadala na ako ng aking ina kapag may mga pagdiriwang o kaganapan ang mga kuya ko rito. Maaga pa lamang ay pinagmamasdan ko na ang loob ng eskwelahan at naaalala ko pa aking pagkamangha dahil sa laki nito. Tuwing Foundation day ng eskwelahan, nasisilayan ko rin kung gaano katunay na talentado ang mga Bosconians mula sa pagkanta ng Boscorale, pagsayaw ng Wolfpack, pagtugtog ng mga instrumento ng sari-sariling banda hanggang sa iba’t ibang pag-arte at pakitang-gilas ng mga Bosconians tuwing mayroong programa o selebrasyon. Higit pa sa lahat, ang hindi mo mahahanap sa ibang eskwelahan at sa Don Bosco Makati lamang ay ang mga shops at programang pangteknikal na may laya kang pumili kung alin ang iyong nais matutunan at maranasan. Naaalala ko pa na aking sinabi sa aking nanay na gusto ko sumunod sa yapak ng aking mga kuya at mag-aral din sa paaralang ito ngunit hindi raw maaari dahil bukas lamang sa kalalakihan ang eskwelahan. Bilang bata pa lamang, nalungkot ako na hindi ko mararanasan makapag-aral sa paaralan ng aking mga kuya. Paglitaw ng ilang taon, laking tuwa ko na nabalitaan naming tumatanggap ng kababaihang mag-aaral ang departamento ng Senior High School. Simula noon, desido na ako at ang aking mga magulang na dito ako mag-aaral ng baitang 11 at 12.
Sa halos tatlong buwan kong nag-aaral sa Don Bosco Makati, hindi ako nagsisisi dahil maligaya akong sinalubong ng mga Bosconians. Kaya sa mga nagbabalak, iniisip, o nagdududang pumasok sa SHS ng DBTI, hinding hindi kayo magsisisi sa inyong desisyon dahil siguradong sigurado kayo ay alagang Don Bosco kapag nag-aral kayo rito.
Isinulat ni: Yesha Hidalgo
0 notes
Text
HINDI LANG AKADS at TEKNIKAL ang AANGAT pati na rin mas mapapalapit ka sa ating PANGINOON
Maraming pwedeng maialok o maitulong ang SHS ng DBTI Makati hindi lang sa mga pangarap na gusto mong maabot kundi pati na rin kung paano ka mas mapapalapit sa ating Diyos dahil ang layunin ng DBTI Makati ay hindi lamang matulungan ang iyong mga akademiko at teknikal na aspeto, ang isa pang layunin nito ay matulungan ka mas maging espiritwal at dahil nasa Don Bosco ka, kasama na rin sa ating mahal na ina. Tuwing oras ng recess at lunch marami kang maaaring gawin gaya ng paglalaro, pagpunta sa silid-aklatan at marami pang iba kung baga para na rin itong playground dahil marami kang pwedeng magawa at mayroon ring mga chapel na maaari kang pumunta tuwing pagpasok, break time, at pag-uwi. Napakahalaga nito dahil ang pagdarasal ay ang ating komunikasyon sa ating Panginoon. Tunay na binibigyan ng pansin ng Don Bosco Makati ang espiritwal na buhay ng kanilang mga estudyante. Isang chapel pa lamang ay puwede na, ngunit ginawa pa nilang dalawa para kahit saan ka patungo, maaari mong daanan upang makipag-usap sa ating Panginoon kahit saglit lamang. Karagdagan pa rito, marami ring mga aktibidad binibigay ang paaralang ito gaya ng “Lakan at Lakambini” tuwing pagdiriwang ng Buwan ng Wika, at mga kontest at palaro na nakatuon sa kaganapan gaya ng Speech Fest, paggawa ng tula, at marami pang iba. Isa ito sa mga dahilan kung bakit kawili-wili pumasok araw-araw dahil alam mong mayroong handa at baon ang paaralan para ikaw ay matuto at maaari ipakita ang iyong talento sa madla. Sa tuwing may mahalagang kaganapan kagaya ng kaarawan ng ating Mahal na Ina at ni Don Bosco, alam mong hindi ito pinapalampas dahil ito ay mga mahahalagang araw kung kaya’t pinaghahandaan nila ito at palaging inaalala kaya nakakatulong ang paaralan na ito na mas mapalapit tayo sa ating Panginoon at sa ating Mahal na Ina. Ang pinakamagandang gawain ng paaralan na ito para sa akin ay mga iba’t ibang programa at gawain upang maipaalala palagi sa mga estudyante na kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng malapit na relasyon sa ating Panginoon sa pamamagitan ng umagang panalangin at sermon mula sa pari. Para sa akin, ito ang pinakamagandang magandang aspeto dahil oo kilala ang paaralan sa pagkanta, pagsayaw, at paglaro pero ang aspeto na ito ay makakatulong sa mga estudyante hindi lang panandalian kundi na rin sa panghabang buhay.
ISINULAT NI: Paul Eusebio
#SERVE THE LORD WITH HOLY JOY!#MARY HELP OF CHRISTIANS#3PILLARS#REASON#RELIGION#LOVING KINDNESS#MELIORA ELIGO
0 notes
Text
Karagdagan pa rito, ang Don Bosco Makati ay kilala sa iba’t ibang talento katulad ng pagkanta, pagsayaw, pag arte at paglaro. Kilala ang paaralan na ito sa pagkanta dahil sa pamumuno ng isang magaling na guro na nagngangalang Alvin Paulin dahil sa husay at talento na ibinigay niya at ng kanyang groupo, sila ay nananalo at naging kinatawan ng paaralan at ng bansa sa pagsali nila ng mga kompetisyon sa Pilipinas at sa ibang bansa. Nakilala din ang paaralan na ito sa pamayanan ng sayaw dahil din sa husay, determinasyon, pagpupursigi na ibinibigay ng kanilang pambato sa bawat kompetisyon na sinasalihan nila sa bansa. Ang paaralan na ito ay kilala sa maraming bagay katulad ng nasabi ko sa pag kanta andiyan ang Boscorale, sa larangan ng pagsayaw andiyan ang The Wolfpack. Sa pag-arte naman ay ang Teatro Busko ang bahala diyan. Sa larangan ng sports, nandiyan ang ating varsity teams at marami pang iba.
0 notes
Text
Piliin Mo Ang Don Bosco Makati
Ang Don Bosco Technical Institute of Makati ay isang katolikong paaralan na itinatag noong 1954. Sa pangunguna ni Fr. Carlo Braga at ang kanyang mga kasapi, ang institusyon ay nagbibigay ng dekalidad na edukasyon mula sa elementarya hanggang sa senior high school na departamento. Ang Don Bosco Makati ay may tatlong departamento ang una ay ang mga bata ito ay ang elementarya na binubuo ng mga baitang 1 hanggang baitang 6. Pangalawa ay para sa mga nagbibinata, ito ay ang Junior High School na binubuo ng baitang 7 hanggang 10. Pangatlo ay para sa kababaihan at kalalakihan upang makapaghanda ng kanilang kolehiyo. Ito ay ang Senior High School. Tumatanggap lamang ng kalalakihan ang Don Bosco Makati mula Junior High School pababa ngunit sa Senior High School ay tumatanggap na ng parehong lalaki at babaeng estudyante. Sa paaralan na ito, kapag ikaw ay tumuntong sa baitang siyam, ikaw ay malayang papapiliin ng isang shop kung saan ito ay magbibigay dagdag kaalaman at husay sa teknikal na maaaring magamit natin sa biglaang sakuna at sa ating kinabukasan. Ang paaralan na ito ay nagbibigay din ng mga programa sa mga estudyante upang maging gabay at tulong sa kanilang sarili.
1 note
·
View note