paperbagguy
paperbagguy
Untitled
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
paperbagguy · 4 years ago
Text
Blog #4
Magusara Jassfer M BS Physics 2-2
Blog #4: Mga pagtingin sa dinaanang proseso ng pag-aaral ng panitikan )Must not be less than or exceed 300 words)
 Sa aming pag aaral at pag babasa ng mga artikulo, istorya at mga gawa ng mga manunulat na may kaugnayan sa paksang “panitikan”, pero bago muna yan ano nga ba ang Panitikan? Ang panitikan ay nag sasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, mga hangarin, at mga diwa ng mga tao, ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng mga tuwiran o tuluyan at patula.
Ang panitikan ay my dalawang uri, ito ay Kathang isip at Indi Kathang isip, dito binabahagi ng mismong may akda ang kanilang pananaw, ideya, imahinasyon, at idelohiyo sa buhay. Sumasalamin ito sa kanilang pag ka-tao o sa kanilang karanasan.
Sa dalawang uri may dalawa pang anyo ang Panitikan, ito’y ay tuluyan/prosa at tula/panulaan. Ano nga ba itong dalawang ito? Ang Tuluyan o Prosa ay isang panitikang nag papahayag ng ng kaisipan ng my akda, ito ay sinusulat sa paraan ng patalata. Ang Tula o Panulaan ay pinapahayag nito ang damdamin ng may akda, ito naman ay sinusulat sa pamamaraang pasaknong.
Pero bakit ba natin kailangan aralin ang panitikan? Ano ba ang layunin natin sapag aaral ng paksang panitikan. Sa pag-aaral natin my matutunan tayo tungkol sa kasaysayan, mapa istorya o dokumento man ito, dahil din dito pwede nating maaral ang kaisipan at kultura ng ating mga ni-nuno, dahil din dito nabibigyan natin ng kaunlaran ang kaisapan at kultura natin.
Sa paksang inatasan saamin, ay gagawa kami ng isang piksyong istorya, sa paksang ito nag tulungan kami ng aming grupo para makagawa ng isang istorya na mag prepresenta ng buhay ng isang my problema sap ag iisip, dito kami ay nag bagsak ng mga ideya at pananaw sa paksang aming naiisip, at sa maiksing salita kami ay nakuntento sa kinalabasang istorya na aming nagawa sap ag aaral ng panitikang ito.
0 notes
paperbagguy · 5 years ago
Text
PHblog #2
Ang kasabihang, “Equal rights for men “ang isa sa mga nakatalang amemindasyon ng amerika kung saan naka laad na tanging lalaki lng ang my “rights” o karapatan. Dahil dito mas nabigyan ng kataasan ang mga lalaki, at napag maliitan ang babae. Sa panahon nato ang mga babae ngayun ay my karapatan na di tulad ng dati, subalit mag daan man ang ilang panahon, ramdam parin ng mga ating kababaihan ang pagmamaliit, at di pag respeto ng mga kalalakihan sa mga babae, naka baon parin sa isip ng mga ibang lalaki na sila ang kataasan, at ang mga babae lamang ay isang gantimpala na kanilang naabot.
 Sa lumang panahon, ang mga babae ay nakakaranas ng pang-aabuso, panliligalig at pamamaliit. Ngayun naman ay bagamat konti ang na bago, sila parin ay patuloy na nakaka tanggap nang gantong problema, problemang dahil sa kanilang kasarian, gaya ng sexual na pangharass. Ito ay patuloytuloy nilang nararananasan araw-araw at kung saan man, mapa-sakayan, publikong silid, paaralan, o trabaho. Mga itong problema ang nag paparanas ng hirap at masamang karanasan sa mga kapwa nating babae. Marami ng nag bago sa panahon nato, kaya’t marami ring adbokasiya ang na buo gaya ng “Maraming rapist di dahil sa damit, ngunit dahil sila’y utak rapist”. Ang kasabihang ito ang nag sasabi na kung gaano ka bukas ang isipan ng mga kababaihan. Ang adbokasiyang ito ay di bumaon din sa mag lalaking my pakiramdam na moral, kung saan ang mga kabataang lalaki ngayun ay nag karoon ng kamalayan sa mag problema at pakikibaka ng mga kababaihan, napagtanto rin nila ang mga lumang kaisipan ay di tumutugma sa tamang moral.
0 notes
paperbagguy · 5 years ago
Text
Panitikan
Ano ang panitikan?
Sa payak sa kahulugan nito ay ang panitikang kahit anong nagagawa sa panunulat na gawa ng tao. Ka parte nito ang mga literaturang gawa gaya ng libro,tula, nobela at ibat ibang komposiyong my halaga sa lipunan natin. Ang panitikan ay nagiging isang daluyan ng pagiisip, karanasan, ideya at pangarap ng isang mamayan sa pamamagitan ng pagsulat.
Ang panitikan ay maituturing ding sining na nabuo sa pamamagitan ng mga taong tumatangkilik at my dedikasyong gumawa ng panitikang paksa sa pamamagitan ng pag susulat at pag talakay gamit ang pagtula o ano pang aksyon na gumagamit ng bibig sa pag sasalita.
Ang depinisyong na bago sa “Webster New Collegiate Dictionary” ng panitikan ay, ang panitakan ay ang mga sulatin na pinaglalaman at nag papakita ng mga kasanayan sa lenggwahe at kahusayan sa pag gamit ng salitang kababayan, pinapahayag rin nito ang mga ediya ng mga permanente at pang kalahatang kapakinabangan.
Bakit kailangan aralin ang panitikan?
Ang panitikan ay hindi lang nag bibigay ng aral, ideya at pananaw sa ating mga kapwa kababayan, tinatalakay rin nito ang ating kasaysayan, kung paano nakibaka ang ating ninuno sa mag mananakop, paano nakibaka ang mga bayani natin, Di lang iyun ang paksang meron ang panitikan, dapat rin nating aralin to dahil dito’y my matutunan tayo sa mga nasulat ng akda, para malaman at mag karoon tayo ng ideya sa kanilang pananaw, pangarap at moral na compass. Hinahasa rin nito ang intelektuwal na pag iisip sa pamamagitan ng pag babasa at pag susulat sa sining retorika.
At ang isang importanteng anyong dala ng panitikan ay ang gabay. Gabay sa pag aaral ng mga kamag aral, mapa kolehiyo, highschool, gradeschool or preschool man ay ito ay nagiging gabay nila upang ma abot ang antas ng normal na pag iisip.
Paano pinag aaralan ang panitikan?
Kung iisipin ay hindi baga’t babasahin lamang at iintindihan lamang ang mga ito ay masasabing inaral nating ito? Subalit di man yun ganun kadali. Kaya naman ang mga bihasa sa literatura o panitikan ay nagbibigay ng ibat ibang mga pamamaraan katulad na lamang ng paggamit ng iba’t ibang lente upang matukoy kung ano nga talaga ang pinaparating ng isang akda. Dagdag pa ang mga malalalim na kahulagan ng ilan sa mga ito, nararapat lamang na hindi tayo basta basta kumakagat sa literal na kahulugan kundi inuungkat pa natin ang mas malalim na kahulugan ng mga ito.
Isang halimbawa na lamangay ang paggamit ng mga simbolismo na nagdadala at nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa isang akda. Bukod sa mga ito ay hindi din dapat natin ikinakahon ang kahulugan ng isang akda sa kung ano ang nakasanayan ng nakararami kundi hinahayaan natin ang malilikot ng isipan ng sino man upang tumingin sa ibang anggulo at lumikha ng kahulagan hangga’t suportado ito ng mga matitibay na ebidensyang nakalap ng isang tao. Lumilinaw na ngayun na ang mga dating kasabihan na tungkol sa babae ay hindi na nababagay sa panahong kamalayan. Kung saan ang mga lalaki ngayun ay my simpatya at nakikiramay sa mga karahasang naranasan ng ating mga kapwa babae, sila ay tao na di pedeng i halintulad sa isang bagay na d humihinga at walang buhay. Sila ay tao na my pakiramdam at pagiisip na tulad natin.
1 note · View note