**** Place where I can be myself. **** A girl is damaged. A girl feels so little about herself. A girl has no one. A girl just want to express her feelings and thoughts. A girl needs help. A girl seeks hope.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Making Hope #6
January 6, 2020 (Monday)
11:38pm
Hi.
So nabubuksan ko talaga tong Tumblr pag may nangyayaring di maganda sakin.
I have a boyfriend! Yung isang IT. Na classmate ko nung elem. Mahal ko na.
Pero because of this anxiety and trauma due to past love experiece, I'm not in a good condition.
Bakit ganun. Feeling ko kung kelan ako na yung pinili. Hindi na ko option. Nagiging problema naman yung mga tao sa paligid.
There's no perfect love I know, pero kota na ko sa bad experience, can I just be happy? Mag-2mos pa lang kami, pagbigyan naman oh 😅😢
I hope he'll make right decisions para saming dalawa. I hope ako rin.
I want this to last. But this anxiety and his friend and ex are causing the problem. Nahihirapan na naman ako.
Please, I want to clear my mind.
11:43pm
0 notes
Text
Making Hope #5
October 13, 2019 (Sunday)
8:16pm
Wow. Ngayon lang ulit ako magpopost haha.
Update: Yes move on na ko kay ex, matagal na. Nagkabalikan na rin sila ng ex nya, o kung nagbreak man sila dati o pinagsabay kami haha. Anyway, ok na ko, wala na kong pake dun.
But right now, bat pa nga ba ko magsusulat ulit dito kundi I'm not feeling well 😅
There's 2 IT in my life right now.
Yung una, muntik ko na magustuhan dati, kaso binalikan din yung ex. Ngayon wala na talaga sila, at ngayon gusto nya maging kami. Pero kaibigan ko sya.
The 2nd one, yung crush ko. Na sobrang gusto ko. Na hindi na ko masyado pinapansin after September 27-28. Na nagbago after nun. Na pinapaiyak ako kase nag-iba sya bigla. Gago ba sya? O tanga? Gusto ko sya. Pero gusto ko na rin mawala nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko sya maintindihan.
Basta gusto ko na lang ulit magrestart.
Nandito na naman ako sa sitwasyon na hindi ko na alam.
May online reading ako binasa about sa love and career ko. Totoo kaya yun? Mas interested ako malaman yung sa love.
Let's see.
8:23pm
0 notes
Text
Making Hope #4
February 8, 2019 (Friday)
10:14pm
Nag-final interview ako sa Frontline kaninang umaga for the 2nd time. In God's will 🙏
Anyway, nagkita ulit kami ni Lei sa Cafe I'm Here, last friday, Feb 1, nandun din kami magdamag, sinama nya ko after ko mag-iiyak sa SM North dahil 'sa kanya', tapos sinama nya ko sa client haha, then cafe, doon inopen ko na sa kanya lahat, lahat ng tungkol 'samin'. Nakasama rin namin last fri si Gerald, classmate ko high school na madalas ko nakakausap ngayon na feeling ko may something na sakin lol.
Kanina ang nakasama naman namin si Warren, classmate ko college. Habang pauwi kami ni War naopen ko ng briefly mga nagpapastress sakin these days. Career. Love. Family. Financial. Sabi nya inom daw kami sa susunod, pag-usapan daw namin. Actually mas naging interesado sya sa problema ko sa love hahaha. Napag-usapan namin si P, tas 'sya', si X.
So.
1 week na simula nung huling usap natin. Di ka na talaga nagparamdam. I know hindi ka makakachat kse ibang account gamit ko, pero no text ka na rin, no emails. Wala ka na talaga.
Dapat wala na kong pake sayo. Nagsimula ang 2019 sinabi ko sa sarili ko na wala na kong pake kung ano man gagawin mo, ayoko na magbigay ng pake. Pero ngayon ewan, naiisip ko pa rin. Siguro kase wala ka na talagang paramdam e, unlike dati nakakapagtext ka pa, nakakapag-email. Pwede ka rin magchat dun sa Trisha account. Pero hindi.
Tapos na talaga.
Ok lang.
Tama naman.
Pero.... di ko maiwasan isipin.. may iba ka na kayang pinagkakaabalahan?
Inaayos mo na ba yung issue mo dun sa isa?
Nasasaktan ako maisip ko pa lang. Sobrang nadudurog yung puso ko.
Pre. Asan ka na?
Tingin ko..... baka kailangan ko na ng sign 😞
10:28pm
0 notes
Text
Making Hope #3
February 5, 2019 (Tuesday)
12:43am
Wow. Exactly 1 month after nung last post ko. Same feeling. Namimiss kita. O namimiss nga ba kita? Naiisip kita. Naiisip ko na mag-4 days ka ng di nagpaparamdam. May inaayos ka na kayang iba? Sana sarili mo lang inaayos mo which is career.
Pero dapat wala na kong pake.
January 15 at 16 nagkita tayo. Parang tayo nga ulit nun. Tapos medyo dumalas ang chat, hinahanap-hanap mo pa ko. First 2 weeks ng january ok pa ko, kaya pa kitang balewalain. Last 2 weeks humina na naman ako.
Nag-away ulit tayo, umiyak na naman ako, hindi ako nakuha sa eastwood sa unang interview. Magkaka-baby na si kuya. Namimiss kitang karamay sa problema. Baka kahit friendship pwede ulit ibalik.
Kaso mukhang hindi na nga... sa ngayon.
Naniniwala ako sa power or prayer. In God's time, magiging maayos ulit tayo. Pwede pa. Pwede na. With God's blessing. Mas magiging matatag na tayo, ng magkasama.
Sa ngayon sana kayanin ko na wala ka, sana makalimutan muna kita, para makalimutan ko rin lahat ng sakit. Sana hindi na kita madalas maisip.
Sana wala na kong pake sayo.
Pero sana good boy ka pa rin.
HUG.
12:50am
0 notes
Text
Making Hope #2
January 5, 2019 (Saturday)
11:03pm
Namimiss na kita.
Malayong-malayo sa unang post ko 2 days ako, ok pa ko nun e, ngayon nakakaramdam na naman ako ng mga hindi dapat maramdaman.
Pero ayoko na. Tama na.
Please heart makisama ka, kalimutan mo na sya ha, tutulungan ka ni mind. Tama na muna.
Magkikita pa ulit tayo. Pero hindi muna ngayon. 2 years diba?
Kaya ko to. Kakayanin ko to. Lilibangin ko lang sarili ko.
Sana magkawork na ko in Jesus’ name!
11:06pm
0 notes
Link
"The truth is the relationships we have in life last forever. They last in our memories, in the feelings we have when we think of them, in who we have become because of them, and in the lessons we take forward from them.”
0 notes
Text
Making Hope #1
January 2, 2019 (Wednesday)
11:32pm
NEW YEAR! NEW ME! NEW TITLE! lol
Because I there’s hope. At kailangan sakin magsimula mismo yun.
Anyway, last post ko Nov 2018 pa. Ang daming nangyari simula nun. Nagdesisyon tayo maglayo ulit base dun sa last post ko, pero bumalik ulit tayo as usual, end of Nov may nangyari na hindi ko na naisulat, basta summary involve si ex-smthing ko, at si ex-gf mo. Nagbreakdown ako. Sinabi ko sa parents ko mga napagdaanan ko for the past 2 years. Nagalit sila sayo. Sobrang nasaktan ako kase akala ko kayo pa rin habang tayo, or nag-uusap na ulit kayo. Natrigger kase chinat ko si ex-smthing. Na natrigger kse napaisip ako sa last chat natin na baka may iba ka, dahil dun sa 20 ways to make relationship stronger, ang shady ng reply mo which is baka di talaga ikaw ideal guy ko. Nag-overthink siguro ko. My bad. Pero again, can you blame me? Pero again ulit, my bad.
Pero nag-usap tayo personal nung Nov 30 bago kami umuwing bicol. Sabi mo mahal mo pa sya, mahal mo pa rin kaming dalawa. Putangina. Pero di ako papayag iwan mo ko sa ere ng ganun-ganun lang. Noon, ako gusto lumayo dahil mali, ikaw yung namimilit mag-stay, ikaw naglagay sakin/satin sa sitwasyon na to, masaya naman ako nung friends lang tayo e, i know may kasalanan rin ako, pero bakit iiwanan mo kong magdusa sa bagay na di ko naman ginusto talaga in the first place? Ikaw may gawa to. Naging bestfriend mo rin ako. Sana wag mo ko pabayaan lang ng ganito. So we agreed na magstay in touch pa until year end... as friends. Kase gusto ko lang din makasama yung taong mahal ko sa pasko. This time christmas makasama ko naman taong mahal ko unlike mga nakaraang taon.
Pero hindi na lang tayo naging friends lang, kase parang tulad lang dati na ‘parang tayo pero hindi’. Ayoko na ng ganun. So we agreed din na tayo na lang talaga ulit hanggang year end.
At naging masaya naman tayo ulit.
Pero minsan ulit hindi.
May time na umaayaw ka na, may time na umaayaw na ko.
Pero kumapit pa rin tayo. Ewan kung ano reason mo. Pero ako, kase gusto talaga kita makasama magpasko. Though minsan nung Dec, gusto ko na rin matapos, gusto ko na mag-Dec 31, parang di na kase kita maramdaman talaga. Dalas ko ulit umiyak. Pero mahal talaga kita gusto pa kita makasama, kahit itong Dec na lang. So may time na nagdecide talaga ko na ‘sige, 1mos pa kong magpapakatanga’. Ramdam ko naman na mahal mo ko e. Ewan. Minsan.
Yung week na wala si mama, pwedeng-pwede ako nun e. Pwede ka magwork sa bahay, yes cheat day yun kase di ko papaalam kay mama, pero hanggang 31 na nga lang e. Gagawin ko lahat, ite-take lahat ng chance makasama ka kase limited na lang araw natin. I’ve decide na sa 2019, tama na muna tayo e. Kaso nung week na yun, wala hindi mo talaga pinagbigyan, busy ka kamo, at dahil nahihiya ka na mag-stay samin. Pero sana mas nangibabaw yung gusto mo ko makasama kase ilang araw na lang tayo magkakasama. Anyway, natulog ka naman sa bahay ng dalawang gabing magkasunod. Dec 20 at 21. Yung first night umiyak pa ko kase di kita ulit naramdaman, pero inintindi ko na pagod ka nga galing work. Second night dapat di pa matutuloy, kung hindi ka pumunta nun di na kita talaga kakausapin e. Kase yung last na gabi sobrang hindi kita naramdaman, sobrang sama ng pakiramdam ko nun. Mas ok yung pangalwa mong tulog.
Simula Dec 24 nung umuwi kaming quezon, hanggang makabalik nawawalan na ko ng gana. Di kase ulit kita maramdaman. Parang hinihintay ko na lang ulit matapos ang taon. Pero napapansin ko nag-eeffort ka naman ulit magchat. Kaya happy naman ako. Dec 27 sinundo kita, kaso pag-uwi nagtalo pa tayo kase sa bulacan ako umuwi. Dec 29 yung pag-labas (date lol) na natin, instead of moa, sa crossing tayo napunta, sinundo mo muna ko sa litex, gabi na tayo nakaalis, pumunta tayo sa Estancia Mall para dun sa mga room na may lights, tapos nag-tramway tayo, ehem libre ko lahat, tas nag-megamall tayo kase nga titingin ako ng gusto kong sapatos kaso wala na talaga. SOBRANG SAYA KO. Feeling ko naman sobrang saya mo rin nun haha. Ang saya ko po :)
Dec 30 dapat magkikita ulit, kaso boom umiiyak na naman ako ng umiiyak, kase dapat susunduin mo ko ulit sa bahay, tas sabi mo hindi na, so binlock agad kita, sabi mo sinabi mo lang yun kase nainis ka, nagsisi rin ako nun kase ang dami mo ngang text e late ko na nareceive kase binlock ko rin # mo nun tsk. Pero kinabukasan 31, magkasama ulit tayo, nagpasundo na talaga ko kase nga masama pakiramdam ko tas dami kong dala. Huling pagsasama natin sa bahay sa litex. Bumaba tayo sa fcm para bumili ng burger king na kinain natin sa bus. Bumili ako sa SMSJDM ng pizza at donut pang-new year namin tas ikaw pinabili ko ng bigas kase pinapabili ako ni mama. Hinatid mo ko ulit hanggang bahay sa bulacan, pero labas lang ulit. Dahil akala ko last kita na yun, pagkahatid mo sakin, lumabas ako ulit para sundan ka kaso wala ka na, tinext kita tapos sabi mo andun ka pa, lumabas ako tapos hinatid kita hanggang sakayan.
Magkachat pa rin tayo, sabi mo bukas (Jan 1) usap pa rin tayo. Pumayag ako. Then Jan 1, nagkita pa ulit tayo, nagpasama ko magwithdraw para kay mama tsaka bumili ako ng body spray sa SM, nagpabili ka pa ng wax. Tas hinatid mo ulit ako hanggang bahay. At yun na huling pagkikita natin up to date.
Ang sarap alalahanin.
Masaya ko masaya yung last memories natin dun sa bahay sa bulacan, yung last na tulog mo. Masaya ko nakasama ulit kita sa bahay sa litex, marami rin tayong memories dun. Masaya ko nakasama kita umalis at maggala sa labas.
Ngayon, matatapos ang araw at matutulog tayo na hindi tayo nag-usap. Nagsabi naman na tayo ng mga paalam natin sa isa’t-isa kagabi. Nangyari na to dati, ilang beses na tayo naglalayo, ilang beses hindi nag-uusap ng ilang araw. Pero ramdam ko iba to.
Ramdam ko sa sarili ko na buo na yung desisyon ko, medyo ok ako, i mean kahit papano ok lang na di na kita nakakausap. Kase nga for the past weeks nireready ko na sarili ko. Though gusto ko makabasa ng chat mula sayo, per wag na nga lang din, mas ok na yung ganito. Gusto ko na lang isipin yung mga reason bakit kailangan na natin maglayo.
Gagawin kong everyday goal yung hindi ko na ichecheck kung may chat ka. Hanggang sa di ko na maisip, di na kita maisip. Ayoko na rin kase isipin ano mga gagawin o balak mong gagawin. Gusto ko lang mawala ka na sa sistema ko.
Mahal pa rin kita pre.
Magkikita pa tayo ulit. Yung better na tayo.
Ang Nag-iisa Mong,
Pre / Bear Bear 💙💙💙
12:21am
0 notes
Text
I + A = 💙
November 4, 2018 (Sunday)
3:07 pm
Tinanong kita pano kayo nagtagal, sabi mo pinagbibigyan isa't-isa. Tulad pag nagrereview kayo noon.
Ah ok.
Pero ganun lang ba kasimple yun?
Estudyante pa lang tayo nun, maliit pa mundo, parehas lang din kayo ng ginagawa. Nasa school lang madalas. Pero tayo, lumapit ka sakin nagtatrabaho ka na diba?
Nung review para sa board, may limitadong oras lang din naman tayo diba? May oras sa review, sa oras para satin. Minsan pumupunta ka pa sa bahay kahit oras ng review ko. Noon ba pre napagbibigyan din naman kita diba? Maayos naman diba? Kase nga pareho lang tayo ng ginagawa, pareho ng goal. Parang kayo lang din.
Sa inyo, kilala mo mga tao sa paligid nya, kilala mo halos kundi man lahat, mga kaibigan nya. Ganun din sya sayo. At ease ka. Kampante.
Hindi tayo ganun e.
Sa relasyon natin nagkaron ng challenge. Mula review hanggang work, nag-iiba yung perspective natin sa buhay, during those times na may changes sa buhay natin, tayo na magkasama, oo kayo pa rin that time pero yun din yung time na meron ng ako e. Yun pa lang itself may changes na sa buhay mo.
Challenge din na hindi natin kilala mga kaibigan o kakilala ng isa't-isa kaya di ka rin kampante pag may kasama ko kahit kaibigan ko lang. Kase sanay ka at naranasan mo na kampante ka kase kilala mo kasama ng gf mo.
At ako rin naman. Pero alam mo akala ko, nung lumipat ka ng work, kahit dun man lang sa new work mo free na tayo, yung kahit papano may makakaalam na may 'tayo'. Kaso di rin pala, kala ko pwede kita sundu-sunduin dati tapos makita ng mga katrabaho mo. Pero hindi ka ganun na sinasabi ka mga katrabaho mo, naintindihan ko, pero umasa lang din ako, kase naisip ko, baka naman may nagtanong kahit papano kung may gf ka? Anyway ok lang.
Challenge din na nakilala kita after ko masaktan ng dalawang beses. Kaya lahat ng resulta at panget na impact sakin, sayo ko nabaling. M Naglagay ako ng wall sa sarili ko, mas inisip ko yung sarili ko kase ayoko na masaktan.
Pero habang pinoprotektahan ko sarili ko, nasasaktan na kita.
Nagsinungaling ka sakin dati, at sa takot na pagsinungalingan mo ulit, halos hirap na ko maniwala sa mga sinasabi mo at nauuwi na tayo sa away. Sa takot na saktan mo ulit ako, ikaw na nasasaktan ko. Di ko alam kung ano ang totoo kaya unahin ko na lang sarili ko kesa maulit ulit yung dati.
Sa takot na ayaw mo ko masaktan kaya hindi mo na lang sasabihin, mas gusto kita layuan.
Nagbabago ka pero nalamatan na ko.
Nagkakilala tayo na ikaw galing ka sa relasyon na kampante ka, yung mga naranasan mo noon at hindi mo makuha satin ngayon ang isa sa problema. Ako na galing sa masasakit na pagsasama, yung experience itself at yung epekto sakin ang problema.
Baka ngayon, baka kaya pinagtagpo tayo kahit di pa tayo ready pareho, kase para matuto. Hindi na tayo mga bata pero immature pa tayo. Lumalawak na mundo natin pareho. Hindi na lang to basta makatapos ng pag-aaral at makapasa sa board.
Pinagtapo tayo para marealize yung mga nangyayari at nangyari sa buhay natin. Para makita ano ang mga dapat baguhin at itama.
Nakakalungkot kase sa panahon na to tayo nagkita kung kailan pareho tayong hindi pa handa, kung sana college pa lang tayo na lang para mas madali pa.
Pero kung iisipin kong mabuti, mas gugustuhin ko pa na ngayon tayo nagkita. Kase mas bata pa tayo noon. Kase ngayon, hindi lang puro saya, may sense of responsibility na.
Sa lawak ng mundo na meron tayo ngayon, mas masusubok kung talaga bang mahal natin isa't-isa.
At hiling ko, sana malampasan natin individually ang mga pagsubok, tapos babalik tayo sa isa't-isa na maayos at sabay na natin lalampasan lahat. Tutulungan ang isa't-isa imbes na pahirapan pa.
Mahal kita pre. Mahal na mahal kita.
Gusto ko ayusin sarili ko para sayo.
Ilang beses ko sayo sinabi na hindi ko nakikita sarili ko na ikaw pakakasalan ko, o naiimagine na kinakasal ako sayo. Takot ako isipin kase baka hindi matuloy.
Kase pre gusto ko ikaw na. Ayoko mag-expect o umasa. Ayoko isipin. Ayoko i-picture out sa isip ko. Pero pinagdadasal ko.
I love you pre.
3:57pm
0 notes
Text
My Hope
November 3, 2018 - Saturday (Friday night)
12:12 am
Nandito ko sa kwarto ko ngayon nakahiga, katabi kita. Tulog ka na. Ako, tahimik na umiiyak.
Maglalayo na tayo. Naka-ilang paglalayo na tayo, pero iba to, totoo na talaga to, ramdam ko. Ang sakit.
Sabi ko sayo kanina after neto wala ng last and long goodbye messages kase hindi ko kakayanin, pero marami ako gustong sabihin sayo. Dito ko na lang muna sasabihin.
Pre, SORRY.
Sorry sa lahat, sa lahat ng paghihirap, sakripisyo at sakit na nabigay ko sayo. Ang sama ko sayo, ang sama-sama ko. Hindi mo deserve yun. Hindi kita deserve. Mahal na mahal kita pre, mahal na mahal. Sorry.
Sorry. Sorry. Sorry. Sorry mahal ko.
😭😭😭💔💔💔
Takip ko yung bibig ko habang tahimik pa rin na umiiyak, lumingon ako sayo, tinitigan kita, mahal na mahal kita pre, bakit kita sinasaktan? Bakit kita pinapahirapan?
💔
Ako unang may gusto maglayo diba? Hiniling ko pa sayo na palayain mo na ko. Nakiusap ako. Ako lagi unang umaayaw. Ikaw sumusuyo. Ayaw mo ko pakawalan.
Ngayon binigay mo na.
Mawawala ka na talaga sakin.
Tangina ako may gusto nito diba???????
Pre ang sakit-sakit, ang tanga-tanga ko, ang sama-sama ko 😭
Sana mapatawad mo ko.
Parang di ko kaya pre, pero kakayanin ko kase di mo to deserve. Ayaw na kita masaktan dahil sakin. Gusto kitang sumaya. Tangina mahal na mahal kita pero sinasaktan kita.
Pre mahal kita sana naramdaman mo pa rin. Ikaw lang. Ikaw lang minahal ko. Ikaw lang.
Ngayon hindi na kita sasaktan, hindi na kita pahihirapan. Malaya ka na pre.
Malaya ka na sakin.
Sa mga susunod na araw, pipilitin ko ayusin sarili ko, pipilitin ko maging ok. Kaso pre ang hirap e, paano? Paano ko magiging ok? Nung nasaktan ako dati sa iba, andyan ka, meron akong ikaw, at aileen. Ngayon wala ka na, busy rin si aileen. Alam kong kailangan ko bumangon na sarili ko lang tutulong sakin. Kaya ko noon. Kakayanin ko rin ngayon. Kahit alam kong sobrang mahihirapan ako ngayon kase durog na durog na naman ako ngayon.
Pero para sayo na to. Ayusin mo rin buhay mo para sarili mo at para sa pamilya mo.
Sana wala munang iba ha. Sana wala kang ibang babalikan. Sana ok na ko para matanggap ko kung may bago kang makilala. Pero hindi ko talaga matatanggap pag may binalikan kang iba.
Hindi ko alam pano ko magsisimula ulit. Sa lahat ng pagbangon ko andyan ka e. Pre pano????
Pero eto na nga yata yung panahon na dapat maglayo na tayo. Bukas paggising natin, gusto kitang yakapin at magsorry ng magsorry sayo.
Sana tayo na lang sa huli pre. Pahabol ko para sa birthday wish ko, sana tayo pa rin hanggang huli.
Pero kung hindi man..... ayoko, sana tayo na lang, sana tayo pa rin.
Mahaaaaaal na mahal kita. Sorry at SALAMAT sa pagmamahal at pag-aalaga. Sana hindi mo pagsisihan na ako yung pinili mo, sana naging masaya ka pa rin sakin.
Sana naalagan kita.
Sorry 😭
Tatapusin ko na tong post ko. Yayakapin na kita at matutulog na din.
Babye pare ko.
Salamat sa pagmamahal.
I love you 💙
- Yang
12:49 am
0 notes
Text
Finding Hope #13
Sept. 17, 2018 (Monday)
8:48pm
I'm sad na naman. I'm bothered. Di maalis sa isip ko mga pinagkwentuhan namin ni Aileen kahapon. Tungkol sayo. Bakit nga kaya di mo pa rin binubura mga picture nyo sa IG mo? Bakit di mo pa pinapaltan profile pic mo na couple dp nyo? Bakit sya nagpalit naman ng picture, normal naman yun e, break na kayo e. Bakit nga kaya? Bakit ayaw mong ipakita phone mo? anong tinatago mo?
Nakwento ko kay Aileen yung time na hinatid mo ko sa bahay, tapos umalis ka agad, tapos sabi ko hindi ko dadaanan si gf mo, kayo pa nun, tapos dinaanan mo pala, dinaanan mo matapos mo sabihin sakin yung kabaliktaran.
Sinabi ko rin sa kanya yung time na gusto ko mabasa convo nyo tapos nagalit ka, pinipilit ko makita kse alam ko pag ayaw mo, pag nagagalit ka may ayaw ka makita ko, dun ko nalaman yung dinaanan mo sya after mo sabihin na hindi mo sya dadaanan.
Sinabi ko yung reason bat ako nakipagbreak sayo, na mas pinili mo yung phone mo kesa sakin. Na ayaw mo lang ipahawak sakin, na kung wala ka namang tinatago madali lang naman ibigay sakin, mapapahiya pa nga ko kung wala naman pala talaga. Ngayon tuloy lagi ko na maiisip na meron talaga.
Kaya yun, mas naiintindihan na nya ko, kung san pinanggalingan ng paghihinala ko sayo, ng pagiging praning ko.
Bias ba sya? Actually nung unang kwentuhan namin kampi sya sayo, sinabi ko kse rin yung pang-aasar ko sayo sa ex mo, sabi ko naiinis ka, talaga maiinis ka daw, kumbaga may care ka pa rin sa kanya, alam ko naman yun, pero nakakainis pa rin, ang immature ko daw. So kampi sya sayo.
Tapos kinwento ko na nga yung iba, di mo nilalabas mo pag magkasama tayo, pag magkalayo tayo dun mo lang nilalabas minsan, profile mo di mo pa pinapaltan, ig mo puro picture nyo pa rin, phone mo puro picture nyo/nya pa rin. Dun na rin sya nainis haha. Sabi ko pa ni hindi nga ko malapit sa pamilya mo. Baka nga naghihintay pa sila magkabalikan kayo e.
So may sense naman pagkapraning ko no? haha.
Kahapon ko pa naisip, sinabi ko rin kay Aileen, maybe i'm just a phase???
Anong plano mo sakin pre? Satin?
Walang pagbabago. So wala ring pagbabago sa isip ko na mas mabuti talagang maglayo tayo. Pero mukhang di pa ngayon e. Ewan. Time to heal kase kailangan.
Pero masaya ko sayo. Mahal kita.
Pero baka, baka lang naman, baka di ka pa rin handa, handa na ibigay yung buong ikaw sakin, ramdam ko, kaya nga may mga ganito kong pag-iisip.
Hindi naman tayo magtatagal e. Hindi ko rin naman nakikita na ikaw yung pakakasalan ko. Mahirap e. Nakakatakot ka. Di ko sigurado talaga minsan ano ang totoo sa hindi.
Kung hanggang kailan man tayo magkasama, sana maging successful na lang tayo sa career.
Yun lang.
Hay. Mahal kita. :(
9:09pm
0 notes
Text
Happy birthday best guy(boy)friend! 💙❤️
July 28, 2018 (Saturday)
40mins max before this day ends. Naalala mo last year sinulatan kita ng letter sa bday mo? 27 ng gabi ko yun sinulat tapos pinost ko muna dito yung draft, kaso aksidente ko syang nabura kanina, irereblog ko lang dapat e, sign kaya yun? haha. Sinubukan ko irestore kaso wala e. Buti yung word file nasa laptop ko pa. Yung title sa taas yan yung title nung post na nabura ko, may dinagdag lang ako - eto pa nga yung link> https://thegirlwhofindshope.tumblr.com/post/163487264163/happy-birthday-bestguyfriend . Nag-usap tayo noon na 2 weeks wag muna tayo mag-usap para maayos natin kung anong meron tayo, pero binigyan muna kita ng letter so nag-usap pa rin tayo, sabi ko kase once a year ka lang magbday so babatiin pa rin muna kita. Send ko sayo yung letter ko last year, basahin mo kung gusto mo, balikan natin kung ano yung mga sinabi ni 2017 arianne kay 2017 bday boy ian. Dati 2 weeks lang usapan natin na walang usap. Ngayon, alam natin hindi lang 2 weeks na hindi tayo mag-uusap.
Ang lungkot pre, ang lungkot na mawawala ka na sa mundo ko, ang lungkot na yung dating kasangga ko, kakampi ko, confidant ko, ngayon halos hindi ko na kilala. Hindi na tayo magkakilala. Anong nangyari?
Yung kasama ko nung namomroblema ako kay kenneth, paul, sa mga dati kong kaibigang babae. Yung kasama ko sa view deck. Yung kasama ko nung burol ni kuya. Yung kasama ko nung review. Yung imbes na nasa review school pag weekend, nasa bahay namin. Yung minsan na dumadaan sa bahay pag weekdays nung review at bago sya pumasok ng trabaho. Yung kasama ko pumunta sa mga simbahan. Yung kasama ko sa St Jude, Quiapo, Sto Domingo, divisoria, recto, fishermall, delta, timog, circle. Kasama ko bumyahe sa quezon ave at maynila. Kasama ko matraffic sa edsa mula makati. Kasama ko maghanap ng trabaho. Kasama ko pag ginagabi o inuumaga ng uwi nung audit. Kasama ko umuwi galing trabaho. Kasama ko sa makati, sa bgc, guadalupe, megamall, ortigas, farmers, kamuning. Kasama kong hinahatid nina kuya jom sa tandang sora. Kasama ko sa st peter at maglalakad sa sandigan, coa, riverside hanggang makarating manggahan hanggang sa makauwi sa bahay.
Ngayon, nasamahan na ng yung taong sobra din magselos, dumidiin ang hawak sakin pag nagagalit, nakikipagtalo sa daan, madalas galit na, ayaw ipahawak yung phone nya, mas pinili pa yung device na yun kesa sa maliit na chance na baka magtiwala ulit ko sa kanya.
Bes anong nangyari? 😢
Ibang-iba yung nangyari nagyong birthday mo. Oo sinabi ko na ayoko makipagkita sana sayo, naiinis pa rin ako. Pero may plano ako. Nakakaloko no? haha. Umaga plano ko bibili ako ng cake sa goldilocks, yung singles lang para afford, para may cake ka lang, tapos bibili ako sa burger king para yun na mismo handa natin, tipid tayo e haha. Tapos bibilhin ko yung gift ko sayo. Tapos uuwi ako. Darating ka sa bahay. Magkasama tayo sa araw ng bday mo. Tapos ibibigay ko yung cards na ginawa ko. Kaso wala hahaha. Eto tayo ngayon. Sabi mo may meeting ka. Tapos kagabi naghiwalay na tayo. Di ko rin naman natapos yung card, di na kailangan tapusin.
Anong nangyari satin? 💔
Pero thankful pa rin ako na nakasama kita. Masaya ko na nakasama kita. Kung mature na sana tayo pareho siguro hindi ganito. Malungkot. Mahirap. Pero eto nga siguro yung dapat. Eto muna. Mahal kita, pero di na natin kaya pareho. Sana makapagfocus tayo pareho sa pamilya at trabaho at sa pagpapabuti sa sarili natin.
Ikaw na halos mundo ko na tingin ko hindi na tama kase parang ikaw yung baterya ko, hind ako gagana pag wala ka. Oo ang tigas ko rin sa tuwing nag-aaway tayo kase mahina talaga ko deep inside dahil sayo, pero hindi ko ipapakita yun.
Mahal pa rin kita at hindi ko alam kung kakayanin ko to, pero oo kakayanin ko, kailangan. Tatanggapin ko na tapos na tayo. Tatanggapin ko na pamilya na kita pero ako di pa rin ako magiging parte ng mundo mo. Na hindi pa rin ako makakapasok sa mundo mo, ni pasilip sa phone mo di mo naisuko. Kung iisipin, phone lang ba dahilan ng paghihiwalay natin? Hindi. Tiwala. Pero bakit ako nagdududa in the first place? Bakit ko pinagdududahan yung lugar ko sayo? Hindi dapat ganun diba?
Pero tama na.
Tapos na.
Sorry mahal 😭💔

Sorry sa lahat. Sorry wala na ko para suportahan ka. Sorry wala na ko para tulungan ka. Mahal na mahal kita pre pero sorry kase mas nangingibabaw yung kawalan ko ng tiwala sayo. Sorry nawala yung tiwala ko. Sorry nawala yung ako na nagtitiwala na hindi mo ko iiwan, hindi mo ko sasaktan, hindi mo ko lolokohin. Sorry nawala yung bestfriend mo. Sorry sumuko na ko. At sorry kase sinukuan mo na rin ako.
Sorry hindi na tayo makakagawa ng adventures together.
Sorry mas nangibabaw yung ‘ako’ kesa sa ‘tayo’.
Sorry sa lahat ng hirap mo sakin.
Sorry.
At salamat. Salamat sa lahat lahat ng ginawa mo para sakin. Sa lahat ng pag-intindi, pag-alaga, pagsakay sa mga sumpong ko, pagtitiis sa katigasan ng ulo ko. Akala ko noon maiintidihan mo na kung bakita ganito ang attitude ko kaya ginusto ko din noon na maging tayo. Pero sorry kase nasasaktan at nahihirapan ka na.
Wala ka ng makakasamang sumpungin. Wala ng matigas ang ulo. Wala ng magpapaiyak sayo pag nasa trabaho. Wala ng magpapaantay sayo ng matagal. Wala ng magdududa sayo. Makakapagpahinga ka na ng maayos. Makakapagtrabaho ng maayos. Focus ha.
Hindi na kita guguluhin.

Wala na rin ako maaway. Wala na kong mayayakap. Wala na kong aabangan na chat. Wala ng subway, turks o burker king na kasama ka. Wala ng ikaw.
Salamat sa pagiging lakas at kahinaan ko ha. Salamat sa pagiging tawa at luha ko. Salamat sa minsang pagkakaibigan. Sa minsang buong-buong tiwala na halos walang makakasira. Salamat sa masasaya at masasakit na alaala. Salamat sa minsang pagiging mundo ko. Salamat sa pagmamahal na minsan binigay mo.
Pero tapos na tayo.
Hanggang dito na lang tayo.
Sobrang sorry. Maraming salamat. At mahaaaaaal na mahal kita.
Happy birthday bes, pare ko, mahal ko 💙
Magpakatino ka ha. Wag puro trabaho. Wag ka magkakasakit. Magsimba ha. Kahit magpray ka lang sa simbahan once a week.
Huling I LOVE YOU 🙂😞👊😘
Babye na.
- Arianne 💙 (Yang. Bes. Pre. Men. Mahal)
*HUG*




P.S. Hindi na kita nakatabi sa pagtulog. Hindi na kita makakatabi sa pagtulog.
i love you pre, goodnight 💙
0 notes
Text
Finding Hope #12
May 27, 2018 (Sunday)
11:04pm
Mahal na mahal kita pre. Ang sakit-sakit. Pero either way, ituloy man natin to o itigil nasasaktan pa rin ako. At least eto nasa tama diba? Namimiss kita. Bakit tayo nauwi sa ganito?
Kaya ko to. Kakayanin ko. Malalampasan ko ulit to.
11:06pm
0 notes
Text
Finding Hope #11
May 27, 2018 (Sunday)
9:38pm
Ang lungkot. Ang sakit. Ang unfair.
Bakit lagi ganito? Bat lagi akong umiiyak sa iisang tema? Everything happens for a reason? Anong reason? Umiiyak na naman ako. Ang sakit-sakit.
Masaya ka na ba? Masaya na ba kayo? Sa sobrang sakit, iyak lang ako ng iyak, ang dami ko gustong isulat pero nanghihina ako.
Bakit mo to ginawa? Bakit mo to ginawa sakin? Satin?
9:46pm
0 notes
Link
0 notes
Link
0 notes
Link
0 notes