parakaybesh-blog
parakaybesh-blog
Para Kay Bes
4 posts
Koleksyon ng mga liham ko para kay Bes
Don't wanna be here? Send us removal request.
parakaybesh-blog · 8 years ago
Text
Ako, si Bes at ang kasaysayan namin
Bes
Minsan nang sinabi na ang kasaysayan ay ang pagbalik sa nakaraan. Sinabi na rin na sa pamamagitan ng kasaysayan, panandalian tayong nasasangkot sa mga mahahalagang pangyayari noong nakaraan. Hinuhubog ng kasaysayan ang tayo ng kasalukuyan.
Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa’yo na maging ang teleseryeng kinahumalingan natin noon ay parte rin ng kasaysayan? Oo, kasaysayan din ‘yon.
Ayon nga sa sanaysay ni Resil Mojares na, “The History in The Text,” 
Any literary text is a point of entry into the historical world.
Ibig sabihin, mapa-kanta o bugtong man yan, ang lahat ng mga tekstong pampanitikan ay nagsisilbing pasukan na magdadala sa atin sa kasaysayan. Oo, kasama na rin ang teleserye rito. 
Kung muling gagamitin ang sanaysay ni Mojares, makikita na sinabi niyang hindi lamang isang paraan ng pagsabi ng nakalipas o nakaraan ang kasaysayan kundi, isa itong paraan ng pag-iisip.
Sa papaanong paraan?
Balikan natin ang Mara Clara. Sa unang liham ko para sa’yo, sinabi ko ang buod ko ng banghay nito...
Ang kuwento ng Mara Clara ay umiikot sa dalawang dalaga na ipinagpalit noong kapapanganak pa lamang sa kanila. Ang pagpapalit na naganap ay bunga ng pagnanasa ng isang ama na makaganti sa kanyang karibal. Sa huli, lalabas din ang katotohanan at muling babalik ang mga dalaga sa tunay nilang mga magulang.
Hindi ko alam kung napansin mo ngunit kung hindi ko sasabihin ang pamagat ng teleserye, kapansin-pansin na ang buod na ito ay maaaring maging buod ng kahit anong teleserye na mapapanood sa Philippine television. Hindi ka pa rin naniniwala? Oh eto,
Pinagpalit/hiwalay ang dalawang bata noong sanggol pa lamang sila? Tayong Dalawa
Paghihiganti? Sana Ay Ikaw Na Nga
Mayaman pala talaga ang bidang karakter? Pangako Sa’yo
Love Triangle? Till I Met You
Iilan lamang ang mga nabanggit sa mga teleserye na nabibilang sa parehong tema. Cliché ang turing sa pagiging magkakatulad ng banghay ng mga ito. Kung tutuusin, nakakasawa ang pagiging paulit-ulit ng ibang kuwento at palabas ngunit bakit nananatiling patok ang mga ganitong uri ng palabas sa madla?
Una, sinasalamin ng tema ng kahirapan ang kuwento ng bawat karaniwang Pilipino.
Nakapagbibigay pag-asa ang mga ganitong uri ng palabas sa mga karaniwang Pilipino sapagkat karamihan ng mga manonood ng lokal na TV ay nabibilang dito. Sinisikap ng mga manunulat ng kuwento na maging relatable ang kuwento sa masa na nais nilang akitin na manood ng teleserye.
Mula pa noong nasasakop pa tayo ng mga Amerikano, labis nang nahumaling ang mga Pilipino sa mga kuwento na nagpapakita ng tagisan sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Marahil ay naimpluwensiyahan ng mga pangyayari noong panahon ng Amerikano ang paraan ng pag-iisip natin ngayon. Maaari rin na walang pinagkaiba ang panahon noon at ngayon kung kaya naman ay ganoon pa rin ang umiiral na tema sa mga teleseryeng napapanood natin.
Sa halimbawa ng Mara Clara, ipinapakita ang mga paghihirap na dinaranas ng mga David (sina Mara, ang kanyang ina, lola, at ama) dahil na rin sa kahirapan ng buhay. Hindi lamang iyon kundi pati na rin ang limitasyon na dulot ng pagkakakulong ng ama ni Mara, pagsusugal ng kanyang lola, at ang mahinang benta ng ina ni Mara. Tila kapag napapanood ito ng karaniwang Pilipino, umiiral ang damdamin niya na naglalaro sa pagitan ng pagkaawa at pagkaugnay sa kuwento. 
Ikalawa, palaging biktima ang bidang karakter.
Kagaya na lamang ng tema ukol sa kahirapan, isa ring paboritong karakter ng mga Pilipino ang mga underdogs. Sa pamamagitan ng sikolohiya (link ay nakalakip sa salitang, “underdogs”), nabibigyan ng mas matinding damdamin ng pagkapanalo o sense of accomplishment ang madlang nanonood kung mananalo ang karakter na sa umpisa ay may mas maliit na tsansa sa pagkapanalo.
Marahil ay ito rin ang dahilan kung bakit sa isang palabas, mayroong grupo ng mga kontrabida (kalimitan ay nasa tatlo ang bilang o higit pa) na higit pang nilulugmok ang bida upang lalo siyang kaawaan ng mga manonood. Bandang huli, makukuha ng bidang karakter na ito ang suporta ng publiko.
Wala itong kinaiba sa Mara Clara kung saan makikita natin na labis na minamaltrato at sinasaktan nina Clara at Desiree si Mara bilang kanilang paraan ng pagganti rito. Isa na ring dahilan ng kanilang pananakit kay Mara ay dahil sa kanyang kahirapan (isa ring cliché na tema sa mga teleserye). Dahil alam natin na mali at hindi makatarungan ang pagtrato nila kay Mara, magagalit tayo kila Desiree at sa kabilang banda naman ay susuportahan si Mara. Paniguradong labis na natutuwa ang mga manonood sa tuwing hindi nagpapatalo si Mara sa mga pang-aaway na ginagawa nila Desiree at Clara.
Huli na, bes. Marahil ay ito na ang huling liham na isusulat ko para sa’yo. Isa lamang ang hinihiling ko mula sa iyo. Gusto kong ituring mo ang mga liham na ito bilang kasaysayan natin. Sa sarili niyang paraan, naging isang malaking parte ng pagkakaibigan natin ang Mara Clara. Hinubog nito ang paraan natin ng pag-iisip mula noon at mapa-hanggang ngayon. Kung anuman ang mga pinagdaanan natin sa mga nakalipas na taon, hindi na natin mababalik. Ngunit palagi mong tatandaan, maging tayo ay parte na rin ng kasaysayan na kasalukuyang kong sinasabi rito. 
Parte ka ng kasaysayan ko. Parte ako ng kasaysayan mo. Parte tayo ng kasaysayan na umiiral sa kulturang popular sa Mara Clara.
Nasa sa atin ang kasaysayan at tanging tayo lamang ang makapagsusulat nito para sa kinabukasan.
Nagmamahal, Bes
(iba pang sanggunian:
cliché:  https://entertainment.inquirer.net/162393/teleserye-cliches-to-watch-out-for-and-avoid
            http://www.pep.ph/guide/tv/11369/commentary-clichs-that-plague-filipino-teleseryes
            https://beyonddivergenceonepercent.wordpress.com/2013/07/02/life-is-a-big-soap-opera-for-most-filipinos/
underdogs: http://www.slate.com/articles/health_and_science/science/2010/04/the_underdog_effect.2.html)
0 notes
parakaybesh-blog · 8 years ago
Quote
Hindi na natin mababago ang nakaraan
Dimples Romana bilang Alvira David, Mara Clara (2011)
0 notes
parakaybesh-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Bes, Naaalala mo pa ba?
Hinding-hindi ko malilimutan ang gabi-gabing pag-antabay natin sa palabas na ito. Hindi na lang ito isang simpleng palabas na inaabangan natin, umabot pa sa punto kung saan madalas nating ihalintulad ang pagkakaibigan natin sa relasyon nina Mara at Clara.
Hindi ko alam kung sadyang sumasakto lang ang mga ganap sa teleserye at ang mga pangyayari sa tunay na buhay o marahil ay isinusunod natin ang kuwento ng buhay natin sa palabas ng hindi natin namamalayan.
Ako si Mara at ikaw naman si Clara.
Si Fatima si Mara. Si Danna naman si Clara.
Magkasama, tayo si bes
Oo, alam kong hindi naman puro saya ang nangyari sa pagitan ni Mara at Clara ngunit alam naman nating pareho na nauna munang maging magkaibigan ang dalawang bida bago sila magkahiwalay at mag-away dahil sa problemang dulot ng kani-kanilang pamilya. 
Tumblr media
Bukod pa rito, siyempre, hindi ko makakalimutan si Christian. Ano nga ba naman ang isang palabas tungkol sa mga high school students na nagdadalaga kung walang leading man ‘di ba? Sa palabas, ang karakter ni Christian ay ginampanan ni Albie Casiño. Siya ang itinuturing na leading man sa palabas, isang masugid na manliligaw ni Mara at crush naman ni Clara.
Tumblr media
Sa tunay na buhay, mayroon din tayong sarili nating Christian, si Ryan. Bagaman isa lamang siyang happy crush, sa pagkakatanda ko ay sineryoso mo ang pagkakagusto kay Ryan lalo na noong binatay na natin siya sa karakter ni Christian. 
Sunod, sana ay naalala mo pa si Butch? Siguro ay mas maalala mo siya kung sasabihin ko ang salitang, echoserang frog. Oo, siya ‘yung karakter sa palabas na isinunod natin kay Louise. “Bessie,” pa nga ang tawag natin sa kanya nun ‘di ba? Tamang tama kasi ‘yung mga hirit niya para sa mga sinasabi ni Desiree.
Huli, matatapos ba naman ang kuwento kung walang kontrabida? Siyempre, kung may Desiree sa palabas, may Desiree rin tayo sa klase. Sa totoo lang, ngayong binabalikan ko ang mga nangyari noon, hindi ko alam kung bakit siya ang pinili nating Desiree sa klase. Siguro, sa maliit nating mundo, mayroon siyang ugali na may pagkakatulad kay Desiree. Siguro, wala naman talagang nararapat malagay sa karakter ni Desiree ngunit hindi tayo pumayag na magkaroon na lamang ng gap o blanko sa tabi ng pangalan ng karakter dahil baka hindi mabuo ang kuwentong ating isinusulat.
Bes, naaalala mo pa ba? Kung saan tayo nagsimula? Kung paano tayo nanatili? At kung paano tayo magtatapos?
Naaalala mo na ba?
0 notes
parakaybesh-blog · 8 years ago
Text
Ang simula
Bes 
Naaalala mo ba nung nasa ika-anim na baitang pa lamang tayo? Dalawang taon na ang nakalilipas noon mula noong maging matalik maging matalik tayong magkaibigan. Isa sa pinakaimportanteng bahagi ng pagkakaibigan natin ang panonood....
.... gabi-gabing pagsubaybay sa paborito nating teleserye, ang Mara Clara.
Teka nga, maiba muna tayo. Sa tagal na mula nung huling pag-uusap natin, tila nalimutan mo na ata ang Mara Clara. Oh eto, ipapakilala ulit kita. 
Unang lumabas ang Mara Clara noong Agosto 1992. Ipinalabas ito ng ABS-CBN at pinagbidahan nina Judy Ann Santos na gumanap bilang Mara at Gladys Reyes naman bilang Clara. Nagtagal ang teleserye ng mahigit anim na taon bago ito tuluyang matapos noong Pebrero 1997. 
Dahil sa tinamong tagumpay ng naunang bersiyon ng Mara Clara, nagkaroon ng anunsyo noong 2010 na muling ipapalabas ang Mara Clara para sa Madla. Ang muling pagpapalabas ng teleseryeng umantig sa puso ng marami ay talagang pumukaw sa pansin ng publikong manonood nito. 
Tumblr media
Sa muling pagbabalik ng Mara Clara, si Kathryn Bernardo (itaas) ang gumanap bilang Mara David samantalang si Julia Montes naman ang gumanap bilang Clara del Valle (ibaba).
Tumblr media
Ang kuwento ng Mara Clara ay umiikot sa dalawang dalaga na ipinagpalit noong kapapanganak pa lamang sa kanila. Ang pagpapalit na naganap ay bunga ng pagnanasa ng isang ama na makaganti sa kanyang karibal. Sa huli, lalabas din ang katotohanan at muling babalik ang mga dalaga sa tunay nilang mga magulang. (link para sa mas detalyadong pagsusuri)
Sa pangkalahatan, hindi naman gaanong nagbago ang banghay ng palabas mula sa 1992 na bersiyon nito ngunit hindi rin naman maiiwasan na magkaroon ng kaunting pagbabago upang mas bumagay ang kuwento sa paraan ng pag-iisip ng madla at sa kulturang popular na sikat sa henerasyon na ito.
Nagmamahal,  Bes
1 note · View note