Text
Ano ba sa palagay mo?
Pakiramdam mo ba lahat nang ito’y ginusto ko?
Pakiwari’y hindi mo alam ang dinadanas ng ibang tao sa mundo?
Sa tingin mo’y alam mo na ang lahat dito?
Bakit hindi mo subukang magtanong upang hindi ka makasakit ng damdamin ng ibang tao?
0 notes
Text
P a g - i b i g ?
Nakakalito, hindi ko alam ang gusto.
Minsan nariyan ka, ngunit minsan biglang naglalaho.
Sigurado ka na ba kung saan mo gusto tumungo?
Kung hindi, sabihin mo sa akin, kahit mundo ko’y maaaring gumuho.
0 notes
Text
S I M U L A
Ito ang simula, ang unang pahina.
Damdami’y may pagnanais, hindi ka na matiis.
Lubos na may takot, ika’y tila kakawala.
Oras ay kay bilis, puso’y muling maghihinagpis.
1 note
·
View note