Tumgik
pasaherosph · 3 years
Text
LUZON
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Byaheng Museo
Tumblr media
Pambansang Museo ng Pilipinas | Manila
Hindi kapani-paniwala noong nakuha ko ang imaheng ito; sa tinagal-tagal kong nakatira sa Pilipinas ngayon ko lang ito nakita ng malapitan. Biglaan ang pagpunta ko sa Pambansang Museo, umalis ako sa aking bahay ng alas-dose ng tanghali at sa mga oras na ito ay hindi ganun ka-trapik. Sumakay ako ng jeep papunta sa Libertad LRT Station at doon ay sumakay ako papuntang UN Ave., upang maglakad papunta sa museo. kasama ko ang aking mga kaibigan sa aking paglalakbay. Malapit lang ito sa mga sakayan at madali ko napuntahan. Ito ang unang beses kong pagbisita sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Ako ay namangha sa mga magagandang sining na aking nakita. Bawat sulok ng silid ay may mga sining na gawa ng iba't ibang pintor at ito ay hindi kapani-paniwala ang husay kung paano ito nagawa. Bagaman hindi lamang ito mga kuwadro na gawa, ito rin ang kasaysayan ng Pilipinas. Ang bawat likhang sining ay sinasamahan ng mga paglalarawan. Sa pamamagitan ng mga ito, sandamakmak na damdamin ay naipahayag at makahulugang mga kasaysayan ay naikwento. Aking napagtanto na iba talaga ang galing ng bawat Pilipino sa kahit anong larangan; talagang mapapaisip na iba ang gawang Pinoy. Nakakapagod libutin ngunit sulit ang pagpunta rito, sana maisama niyo sa inyong plano ang mapuntahan at lakbayin ang Pambansang Museo ng Pilipinas.
Ryan Andrei A. Reyes
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Lakbay sa Kasaysayan
Tumblr media
Biak-na-Bato | San Miguel, Bulacan
“Maraming bato, korni, sayang oras,” ito lamang ang mga pumasok sa isip ko bago pumunta sa Biak-na-Bato. Ngunit paglabas palang ng iyong sasakyan mararamdaman mo at mapapansin ang linis at ang sarap ng simoy ng hangin kumpara sa mga siyudad. Ito ay na sa lugar ng Bulacan sa barangay ng San Miguel. Hindi lang ang lalawigan ang kamangha-mangha kahit na rin ang kwento dito. Dito naganap ang "pact" o unang rebolusyon. Makulit akong tao at lalo na kapag  kasama ang mga kaibigan ko ngunit habang nagsasalita ang tour guide namin makikita mo sa paligid na lahat ay tahimik na nakikinig, ganun kamangha-mangha ang kwento ng lugar na ito. Meron ditong isang kuweba na sobrang dilim at tahimik, at dahil sa sobrang tahimik dito ay parang mabibingi ka pa. Pagpasok mo sa mga kuweba kailangan mong mag ingat dahil napaka-dilim dito na para ka lang nakapikit at madulas rin. Masasabi kong bagong karanasan ito dahil minsan lang ako makaranas na malinis na kapaligiran hindi lang sa lupa kundi sa daloy rin ng hangin. Masasabi kong ito ay sulit dahil marami kang matutunan, hindi rin maitatanggi na ito ay masayang karanasan na paglalakbay lalong lalo na kapag ikaw ay may mga kasama.
Benjamin III T. Batara
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Kagandahan ng Nasugbu
Tumblr media
Club Punta Fuego | Nasugbu, Batangas
Tuwing isa o dalawang taon, kami ay bumibisita sa Club Punta Fuego, Nasugbu, Batangas para magpahinga at tamasahin ang daloy ng tubig-alat tuwing kami ay mag-island hopping. Mula pa noong May 19, 2019 sa Club Punta Fuego, ay kasama ko ang aking nanay at kanyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang katapusan ng aking junior hayskul. Inabot kami ng halos dalawang oras na byahe bago makarating sa aming destinasyon,sa aming pagdating sinubukan kaagad namin ang buffet na kanilang inaalok tuwing gabi. Kinabukasan, kami ay dumiretso sa maliit na pier na paradahan ng mga yate para simulan ang aming lakbay patungo sa iba’t ibang isla sa Batangas. Ang ilang mga isla na aking napuntahan ay ang  Santelmo Cove, Angara Cove at ang Fortune Island na makikita sa larawan aking ipinaskil sa itaas. Ang mga alon ay malakas at hindi mapagpatawad, ngunit nagawa kaming dalhin ng aking tito sa isla nang ligtas. Papalapit sa unang isla na Fortune Island, ang Grecian Ruins ay buong ipinagmamalaking binati kami. Ang simoy ng tubig-alat ay tila napaka-sarap sa pakiramdam at ang linaw ng tubig ay di maitatangging halos linaw langit ang kulay. Kasunod naming napuntahan ay ang Santelmo Cove na isang santuwaryo sa dagat at tinatawag ng mga lokal bilang lugar ng pagpapakain ng isda sa dami ng mga isda at istasyon na pwede makasama silang lumangoy. Panghuli, kami ay nagtapos sa Angara Cove para masubukan ang gabing sarap ng boodle fight na maraming pagkain-dagat na nakahain. Ang napuntahan naming mga isla at pagpapahingang lugar ay tila di nakakapagod at napaksaya dahil maraming pagkakataon para magmuni muni magisa, mahiwalay sa social media at masiyahan sa pwede mailok ng kalikasan.
Angelina P. Arquines
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Gala sa Mount Samat Cross
Tumblr media
Mount Samat Cross | Pilar, Bataan
Ang Bataan Cross o mas kilala na Mount Samat Cross ay matatagpuan sa itaas ng Mount Samat sa Pilar, Bataan. Ang Mount Samat Cross ay sang dambana o 'shrine' para sa mga lumaban at namatay na sundalo noong ikalawang digmaang pandaigdig. Noong 2019 ang huling punta namin kasama ang aking mga kamag-anak. Nang dumating kami sa Mount Samat, ang una naming pinuntahan ay ang museo na nagpapakita ang mga kagamitan at plano ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo noon. Pagkatapos, kami ay naglakad at umakyat pa sa tuktok ng bundok upang makita ng malapitan ang krus. Sa itaas, makikita ang napakapayapa at napakagandang 'skyline' o 'landscape' dahil ang matatanaw doon ay daang-daang ektarya ng lupa, pati na din ang karagatang pasipiko. Maaaring umakyat sa pinakataas ng krus upang magkaroon ng nakamamangha na karanasan, subalit, nung panahon na iyon, maraming tao ang nakapila kung kaya't hindi na ako umakyat. Ang pinuntahan naming Bataan Cross ay isang napakasayang karanasan dahil napapahalagahan ang kasaysayan ng Pilipinas at nagrerelaks ang napakagandang tanawin sa itaas.
Daniel Clemence D. Cailles
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Kaarawan sa Simbahan
Tumblr media
Minor Basilica of Our Lady of the Rosary | Manaoag, Pangasinan
Ang aking napuntahan na lugar ay isang simbahan na nangangalang Minor Basilica of Our Lady of the Rosary na makikita sa Manaoag, Pangasinan. Kinuha ko itong litratong ito habang na sa sasakyan kami ng pamilya ko,  bago ang pandemya noong Enero 4, 2020 pagkatapos ng kaarawan ng aking kapatid. Ang kasama ko sa byaheng ito ay ang aking mga pamilya, tradisyon namin na magsimba sa Manaoag tuwing kaarawan, anibersaryo, at kahit ano pang okasyon. Sa araw na ito ay nagdasal ako ng taimtim dahil tahimik ang tanawin ng simbahan at lumuhod kami sa harap ng altar, walang simba noong araw na iyon dahil sabado ito ng hapon. Napakaganda ng simbahang ito dahil maraming mga naka-pinta sa itaas na bahagi ng simbahan at maganda rin ang kanilang hardin na kung tawagin. Sa paligid ng simbahan ay madami-dami ang makikitang mga souvenir shops kung saan maaari basbasan ang mga pinamiling rosaryo at iba pa, ng pari kapag nagsisimba ang mga turista Naging mas masaya ito dahil kasama ko ang buong pamilya at kumain kami sa tabi ng simbahan. Halos dalawang oras ang byahe galing Maynila papunta sa simbahan. Pagkatapos namin kumain ay tumungo naman kami sa bahay ng kakilala ng aking pamilya malapit sa Manaoag church  at pagkatapos noon ay tumungo na kami sa aming bahay sa Tarlac at nagpahinga ng isang gabi. Kinabukasan ay umuwi na kami sa bahay namin sa Fort Bonifacio upang maghanda sa kinabukasan dahil may klase.
Dan Gerard T. Visario
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Ang Alon ng Baler, Aurora
Tumblr media
Baler | Aurora
Marami kaming pinuntahan ng pamilya ko bago mag pandemya at isa sa hindi ko malilimutan ay noong nagpunta kami sa bayan ng Baler sa lalawigan ng Aurora, Pilipinas. Kilala ang bayan ng Baler bilang surfing capital ng bansa bunsod ng naglalakihang alon mula sa dagat Pasipiko. Dito ko unang naranasan magsurfing, sa totoo lang hindi talaga ako nakatayo sa surfboard dahil mahirap pala talaga mag balanse sa ibabaw ng dagat. Ganun pa man, masasabi ko na maganda ang karanasan ko dito, hindi lang sa lugar, kundi dahil sa mga tao na nakasalamuha ko. Mababait ang mga tao doon, kahit yung mga nagtuturo sa amin mag surfing, napaka bait dahil hindi sila nauubusan ng pasensya kahit hindi talaga ako makatayo sa surfboard, patuloy pa rin sila sa pagtuturo. Isa rin sa hindi ko malilimutan sa paglalakbay namin ay ang  tinutuluyan namin na bahay. Medyo maliit lamang ang kwarto ngunit mayroon itong malaking kainan at mayroon itong sariling swimming pool. Ang lokasyon din ng aming tinuluyan ay sa tabi lamang ng dagat kaya maganda ang tanawin namin pagkagising. Siyempre masaya ito dahil kasama ko ang pamilya ko, ang magulang at ang mga kapatid ko. Wala man signal ang aming mga selpon, ayos lang dahil marami kaming napag-usapan ng pamilya ko, mas naging malapit kami dahil lumayo muna kami sa social media at sa mundo habang nagsasaya kami. Kung mag rerekomenda ako ng lugar, isa ito sa irerekomenda ko na puntahan ng mga kilala ko. Sisiguraduhin ko na babalik kami dito sa Baler pagkatapos ng pandemya at pag nangyari yun makaka tayo na ako sa surfboard.
Carmelo Marku C. Chugani
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Kapayapaan sa Bundok
Tumblr media
Sagada | Mountain Province
Ang Sagada ay isang lalawigan ng bundok na matatagpuan sa Hilaga ng Luzon. Kilala ang Sagada sa mapayapang lambak at palayan, maulap na bangin at talon, at kamangha-manghang mga kuweba. Ako at ang aking pamilya ay nagbyahe papunta roon sakay ng bus; ito ay 12-15 na oras na byahe mula sa Maynila. Bagaman, ito ay malamig sa Sagada sa parehong basa at tuyong panahon, ang pinakamainam na oras upang pumunta doon ay sa panahon ng tag-lamig (October-January) dahil ang temperatura ay inaasahan na bumaba ng 4℃. Maraming gawain na magagawa doon maliban sa pamamasyal. Kung nais mong tingnan ang kagandahan ng Lumiang Cave, ang spelunking ay isang kinakailangang aktibidad. Upang makalabas sa kabilang dulo ng yungib-ang Sumaguing Cave, kinakailangan ang pagdaan sa mga butas ng kweba. Gayundin, upang masaksihan ang ilan sa kanilang mga kamangha-manghang tanawin tulad ng Bomod-ok Falls at Bokong Falls ang trekking at hiking ay isang paraan upang pumunta doon. Sulit ang pagbisita sa Sagada; maaaring may ilang mga aktibidad na kinakailangan upang galugarin ang lugar, ngunit sulit ito dahil sa iyong paglakbay, sumasama sa iyo ang mga magagandang tanawin at kalikasan. Kung nais mo lamang magpalamig, nag-aalok ang Sagada ng magaganda at komportable na mga hostel. Mayroong maraming mga log cabin na maaari mong magamit para sa iyong paglagi kung nais mong maging malapit sa kalikasan. Hindi mahirap makipagsalamuha sa mga lokal. Matatas sila sa parehong ingles at tagalog kaya madaling makipag-usap sa kanila. Kung ikaw ay mapili, ang pagkain na pinaghahatid nila ay pamilyar sa ating panlasa. Huwag mong papalampasin ang kanilang Lemon Pie, subukan mo habang nandiyan ka. Kaya't kung tatanungin ako, hindi ako magsasawa sa pagbisita sa Sagada. Kung pagbibigyan ng pagkakataon, ako ay maninirahan doon.
Alessandra F. Alcaraz
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Paglalakbay sa Hagdan-Hagdang Palayan
Tumblr media
Banaue Rice Terraces | Nueva Vizcaya
Enero 11, 2018, gumising ng maaga kasabay ang aking pamilya at mga kamag anak papunta sa Banaue rice terraces. Masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin sa aking paggising, para bang gusto kong humigop ng mainit na sabaw at uminom ng kape. Nakakalula ang biyahe dahil sa pasikot-sikot na daan, pero sa kabilang banda maraming dadaanan na stop over para kumuha ng magagandang litrato sa mga magandang mga tanawin. Pagbaba namin ng kotse, naglakad kami papunta sa rice terraces na kung saan medyo matarik ang aming dinaanan. Pagdating namin sa rice terraces nasulit lahat ng pagod sa paglakad at paggising ng umaga dahil sa mapayapang lupain at lamig ng simoy hangin. Ngunit, may limitasyon lamang na kung saan may ibang parte ng bukirin na bawal na akyatin. Dati nakikita ko lang ito sa mga aklat o sa internet pero ang sarap sa pakiramdam ng mapuntahan ang nasa dating kathang isip ko lamang.
Wayne Gerald L. Abordo
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Visayas
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Kaganapan sa Boracay
Tumblr media
Boracay Island | Aklan
Ito ay ang kauna-unahang beses kong pumunta sa Boracay at hinding hindi ko makakalimutan ang mga araw nito. Ito ay gumanap nung 2019 bago ang pandemya. Isang linggo bago kami lumipad, nakaayos na lahat ng gamit namin dahil kami ay sabik na sabik nang pumunta sa Boracay. Pagkalapag namin sa Caticlan, kami ay sumakay pa ng barko papuntang Boracay dahil walang airport doon. Pagpunta namin sa Boracay ang ganda ng paligid, malinis na malinis at tahimik ang paligiran. Nagcheck-in kami sa aming hotel at kami ay nagpahinga ng saglit bago kami pumunta sa station 2 para kumain at dito nagtatapos ang unang araw. Sa aming ikalawang araw sa Boracay, kami ay bumalik sa station 2 dahil maraming pwede gawin dun, ang unang-una kong ginawa ay nag pahenna tattoo sa aking braso, kami din ay kumain dun at nakahanap kami ng marerentahan na jet ski. Ito ay ang unang beses kong mararanasan ito, sa sobrang sabik ko, muntikan nang tumaob ang jet ski ko. Kami din ay nakahanap ng island hopping na may kasama nang tanghalian, kami ay pumunta sa crocodile island at crystal cove island. Sa ikatlong araw, kami ay umikot-ikot sa white beach at humanap kami ng paddle boarding at flying fish dahil ito ang paboritong gawin ng tatay ko sa Boracay. Sumunod sa aming agenda ay ang scuba diving, ito ay ang pinaka paborito kong naranasan sa Boracay dahil ang ganda ng ecosystem ng mga isda at ng mga koral; madaming iba’t-ibang klaseng isda ang makikita mo rito. Pagkatapos, kami ay kumain ng pamilya ko at bumalik sa hotel namin habang kami ng pinsan at tatay ko ay nagbar-hopping sa Station 2. Nung pabalik na kami sa hotel, nakita namin ang sunset sa Diniwid beach at kumikinang ang aking paningin sa ganda ng paglubog ng araw . Ang huling araw namin sa Boracay, kami ay umikot para bumili ng mga souvenir para sa pamilya namin at kaibigan ko, kumain kami ng tanghalian sa station 2 at kami ay bumalik sa Caticlan upang makabalik kami sa Maynila.
Jayden F. Jadwani
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Byahe sa Isla ng Boracay
Tumblr media
Boracay Island | Aklan
Kung usapang tanawin at magagandang lugar na pwedeng bisitahin, buong pagkatao ko ang aking itataya sa pagsabi na ang Pilipinas ay ang bansang hindi matatalo sa larangan na ito. Maraming trahedya at natural na kalamidad ang bumibisita sa ating bansa ngunit biniyayaan tayo ng pitong libo na isla na nagbibigay satin ng iba't ibang uri at klase ng tanawin. Marami na akong napuntahan kasama ang aking pamilya at mga kaibigan ngunit ibang klase ng karanasan ang iyong matatamo sa Boracay. Hindi lamang isang normal na baybayin ang Boracay sapagkat ito'y kilala sa buong mundo sa mga katangi-tanging kagandahan nito. Mula sa mga simpleng bagay tulad ng kalinawan ng tubig at ang mapinong buhangin na inihahandog nito, hanggang sa mga masasarap na pagkain at masayang aktibidad tulad ng jetski, banana boat at iba pa. At dahil kilala ang Boracay sa buong mundo, marami ang mga dayuhan na pumupunta dito at nakakatuwang isipin na ang Pilipinas ay tinatangkilik ng buong mundo. Mula sa paglangoy, pagkain at ang nightlife naman na para sa mga mas nakatatanda at nasa tamang edad, hinding hindi ka mauubusan ng gagawin dito. Talagang masasabi ko na ang Boracay ay isa sa mga pinakamagandang lugar na aking napuntahan kahit na marami na rin akong napuntahan sa iba't ibang panig ng mundo. Walang halong pagkampi sa ating bansa ang pagsabi ko na kaunti lamang ang mga lugar na makakapantay sa ganda ng ating bansa.
Casey Antonio N. Villasan
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Bakasyon sa Palawan
Tumblr media
Puerto Prinsesa at El Nido | Palawan
Ang Palawan ay pinarangalan bilang pinakamalaking lalawigan pagdating sa lugar ng lupa, at isa ito sa mga dapat bisitahin na lugar ng mga Filipino at international turista. Bilang karagdagan sa nabanggit, ito ay dahil sa mga nakamamahang atraksyon katulad ng mga isla na pwedeng puntahan pati na rin ang magandang tanawin nito. Noong Marso 2017, nagpunta ako sa Palawan kasama ang aking pamilya upang makapag relaks at makita ang sikat na pasyalan ng mga turista. Nung nagpunta kami sa Puerto Prinsesa, pinuntahan namin ang sikat na underground river na naging parte ng “7 Wonders of the World” noong 2012 at pinarangalan “UNESCO World Heritage Site”. Nagpunta rin kami sa “crocodile farm” na isa sa mga pasyalan, kung saan makakakita ka ng mga nanganganib na species kasama ang buwaya, at mayroon pa silang zoo na kung saan makakakita ng mga iba’t ibang uri ng hayop tulad ng ibon, ahas at iba pa. Huli naming pinuntahan ang El Nido, kung saan nag island-hopping at sumisid upang makita ang kalinawan ng tubig pati na rin ang mga iba’t ibang uri ng isda. Ang pagpunta ko sa Palawan ay isa sa mga pinaka-paborito kong destinasyon at tila di ko makakalimutan. Tiyak na sulit ang perang nagastos upang mapuntahan ito, at pag natapos na itong pandemya, sisiguraduhin kong babalik ako dito. Kung sakaling hindi pa kayo nakakapunta ng Palawan, dapat niyo itong puntahan dahil sigurado ako, hinding-hindi kayo magsisisi.
Jeannea Lyza Zuniega
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Turista at Mananayaw sa Iloilo
Tumblr media
Molo, Iloilo City
Noong 2018, ang aking ballet company ay nagkaroon ng show sa IloIlo. Kami ay nagtagal ng tatlong araw dahil sa mga preparasyon at mga events na kailangan naming salihan doon. Ako ay nabigyan ng pagkakataon irepresenta ang aking pangkat, kasama ang aking mga kaibigan. Sa pangalawang araw ay tumungo kami sa iba't-ibang tampok na lugar sa IloIlo tulad ng Molo Church at ang Molo Mansion. Pinaka nagustuhan ko ang Molo Mansion dahil dito ko nakita ang pagkamalikhain ng Pilipino. Ako man ay isang mananayaw na nanggaling sa Maynila, nagustuhan ko pa rin ang lugar na ito dahil sa istruktura at iba pa. Ang mansyon na iyon ay pinagsamang souvenir shop at museo. Iba’t-ibang larawan ng mga hanapbuhay tulad ng pagtatanim ng palay ang makikita dito. Ang mismong mansyon ay may wood flooring na hanggang ngayon ay tampok pa rin sa mga bahay sa IloIlo. Sa labas ng mansyon ay makikita ang isang maliit na ice cream cart kung saan ang nagbebenta ay nakasuot ng barong tagalog. Ang binebenta ay kakaibang flavor na 'ternate'. Ang ternate ay isang bulaklak na makikita sa IloIlo, ito ay kalasa ng avocado. Pinatikim kami ng taga-benta nito ng mismong bulaklak at naglasa itong parang gulay. Masasabi ko na sulit ang saglit namin na pagpunta doon dahil hindi lang ako nakapagbahagi ng aking talento sa pagsasayaw, pati na rin ang pagbisita sa iba’t-ibang mga lugar na sikat sa IloIlo.
Beatrice Therese R. Agustin
0 notes
pasaherosph · 3 years
Text
Isla del Fuego
Tumblr media
Salogdoong Beach Resort | Siquijor
Ang larawan na ito ay aking ini-screenshot sa GoPro video noong huli naming paglalakbay ng aking pamilya (kaya’t mababa lamang ang kalidad ng nakuhang larawan). Mula pa noong Hulyo 20, 2019 sa Salagdoong Beach Resort sa Maria, Siquijor, kasama ko ang aking pamilya sa panandalian naming pag-uwi sa aming probinsya sa Negros Oriental. Matagal na panahon na rin ang nakalipas mula pa noong huli akong nakabalik sa isla ng Siquijor, at dahil sa karanasan ko dito ay nakaramdam ako ng nakakarelaks na kaligayahan nang nakipag-usap ako sa aking mga pinsan ko sa tagal naming di nagkikita. Nakakain na rin ako sa wakas ng aking mga paboritong espesyal na lutuing bisaya na niluto ng aking mga tiya, at ang mga kapatid ko naman ay nakipagusap at nakipag-laro ng basketbol kasama ang aming tiyo sa may dalampasigan. Ang lugar ng Siquijor ay maaari kong ilarawan bilang misteryong paraiso, sapagkat alam naman natin na kinikilala rin ang “Isla del Fuego” sa karamihan bilang lugar ng engkantadong isla dahil sa kuro-kuro ng mga tao dito, ngunit di naman daw iyon totoo ika-nga ng ama kong lumaki sa islang ito. Dito sa Siquijor ay mailalarawan nga nating misteryoso ngunit may ibang positibo at magagandang bagay naman ang tunay na nakaukit sa likod nito. Bukod sa maraming mga turista at dayuhan na pumupuno sa resort naming ito, kilala din ang Siquijor bilang “Magical Island of the Philippines” ‘di lang dahil sa mga mahiwagang pamahiin pero dahil sa nakaaakit nitong ganda at nagbabaga nitong kalinisan at kadalisayan. Ang maliit na bayan namin sa Isla ng Siquijor ay para ko na ring ikalawang tahanan sa halip na ako ay pinalaki sa Maynila, ngunit kung di pa kayo nakakabisita sa lugar na ito, sulit ang hinihintay niyong bakasyon dito. Aira A. Maglinao
1 note · View note