Tumgik
peaceangel-25-love · 4 years
Text
Tumblr media
Palihim akong naiinis sa’yo,
Palihim akong umaasa sa’yo
Ngunit, labis kitang iniibig,
Kaya patago akong kiligin sa’yo.
0 notes
peaceangel-25-love · 4 years
Text
Ikaw at ako
Natagpuan kita
Paroo’t parito
Ang daming tao
Ikaw lang ang nakikita ko
Kaluluwa yata
Tuwing nagtatama
Ang mga mata
Hindi mo ako makita
Iisang daan
Pareho ng tinatahak
Ngunit ang puso mo’y
Iba ang hinahangad
Hindi naman ako umaasa
Pero nabigyan ako ng pagkakataon
Na lubusan pa kitang makilala
At ako’y iyong madama
Tayo’y naging ikaw at ako
Tila, ako’y naging isang ganap na tao
Nahahawakan, nayayakap
Ipinagmamalaki sa lahat
Maligaw man sa kawalan
Wala na akong iba pang inaasam
Kundi ang mahawakan ang iyong kamay
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
0 notes
peaceangel-25-love · 4 years
Text
Tumblr media
Doon sa kawalan
Sa ganitong uri ng senaryo ako masaya
Waring sa isang iglap, walang maalala kahit isang problema.
Nakatanaw sa kawalan, walang ibang inaalala
Tanging pansariling kaligayahan lamang, wala ng iba
Preskong hangin, maingay na huni ng ibon, walang tinig ng sinuman ang naroroon.
Maaliwalas na panahon, kulay bughaw na kalangitan, tunog ng malalakas na kampay ng mga dahon.
Tanging ako lang... doon sa kawalan.
0 notes
peaceangel-25-love · 4 years
Text
I love you, Arvin
Nakakakaba pala talaga kapag umamin ka sa isang tao ng tunay na nararamdaman mo.
Lalo na noong binalak ko ito;
Magkatabi kami ng upuan ni arvin. Siya ang unang crushmate ko. (Crush+classmate)
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pasikretong inilagay sa loob ng bag ng crush ko ang kwintas na binili ko sa labas ng eskwelahan bago magpasukan.
Kwintas iyon na hugis bote na maliit. Pwedeng malagyan ng maliit na papel sa loob. Kaya ayon ginawa ko. Nilagyan ko ng maliit na papel ang boteng kwintas na iyon. At ang nakasulat ay “i love you, arvin”.
Kanang kamay ang nakasanayan kong gamitin. Pero, noong nagsulat ako ng “i love you, arvin”, ginamit ko ang kaliwang kamay ko. Para hindi mahalata.
Ayon. Nagtagumpay ako. Nanahimik ako habang hinihintay ang susunod na mangyayari. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni arvin kapag nakita niya ang kwintas at mabasa ang nakasulat sa papel. Makikilala kaya niya agad ang sumulat nito?
😖 kinakabahan talaga ako kapag naiisip ko ang ginawa ko. Kaya, tahimik lang ako sa isang tabi. Sa tabi niya.
Matagal bago niya napansin ang kwintas sa loob ng bag niya. Nagtaka siya paano nagkaroon ng kwintas doon. Nagtanong siya agad sa buong klase kung kanino iyon. Hinala niya, may nawalan lang ng gamit na iyon.
Walang sumagot kung kanino iyon. Siyempre, di rin naman ako aamin dahil nakakahiya.
Kunwari, kinokopya ko yung sulat sa board. Pero ang totoo, pasimple ko lang siyang pinagmamasdan.
Ang cute niya talaga 😍
Napansin niya ang papel sa loob ng kwintas.
Binuksan niya ang bote, kinuha ang papel, at binasa ang nakasulat doon.
“I love you, arvin”
😳 Gusto kong mataranta. Kasi inisa-isa na niya ang mga kaklase namin!
Pati ako tinanong niya;
“Sa’yo ba’to?”
💗💗💗 my heart! My soul! I don’t know what to do. Siyempre, hindi ako umamin. Hindi ako direktang tumitingin sa mga mata niya. Baka kasi maramdaman niyang akin nga iyon.
Nagtataka pa rin siya kung kaninong kwintas iyon. At pinagpipilitan niyang akin iyon. Todo tanggi ako. Sobrang kabado. Palaging umiiwas ng tingin. Pakiramdam ko, hindi niya naman nahahalatang akin iyon.
Pero... nagulat ako sa isang bagay na ginawa niya.
Habang nakatingin sa akin,
Habang nakangiti sa akin,
Habang pinipilit niyang alamin kung ang kwintas ay akin,
Hinawakan niya ako sa ulo at bahagyang ginulo ang buhok ko.
“Ikaw talaga”
Ang sabi niya sa akin.
1 note · View note