pepesmyth-blog
pepesmyth-blog
*~JUANDERWOL
1 post
Minsan ka na nga lang magbasa, bakit ito pa? Mga usapan o chika-chika na punoong puno ng ka-pepe-an. Rakrakan na!
Don't wanna be here? Send us removal request.
pepesmyth-blog · 13 years ago
Text
Ang pagbabalik sa *~wonderland*~
Matapos ang tatlong araw kong pagiisip na magsulat ulit, naiuntog ko ang sarili sa ideyang magbalik muli. Bukod sa dalawa kong nanganganib na grado sa eskwelahan, sa tatlong buwan kong pag-ibig, at sa lumalaki kong bewang at balakang, wala na yata akong iba pang inatupag mula nang magsimula ang bakasyon kundi ang tumunganga, matulog, at humilata. Gusto ko sanang sabihin na ako'y certified KATUGA (kain, tulog, gala), lugi ako sa salitang gala dahil walang wala akong pera. Kaya ito ako ngayon. Magsisimula na naman ng panibagong tapunan ng kung ano anong kabalbalan. 
Kung ikaw naman ay napadpad lang dito dahil sa salitang nilalaman ng URL ko at sa litratong umagaw sa atensyon mo, sorry.
Hindi po ito porn site.
0 notes