Tumgik
Text
Tumblr media
"KITA KITA"
Starring:
Empoy Marques
&
Alessandra De Rossi
Unang beses kong marinig ang palabas na kita kita noong nakaraang taon. Marami sa mga katrabaho, kaibigan at pati narin sa mga kamag anak ko ang nakapanood na sa pelikulang ito, at halos lahat sila sinasabi sa akin na panuorin ko daw ang pelikulang kita kita kasi sobrang ganda daw bg istorya nito.
Sa totoo lang noong napanuod ko ito sobrang nagandahan talaga ako, sobrang ganda din kasi ng lugar na pinagshootingan nila, syempre Japan lasi. Para sakin sobrang nagalingan ako sa production team sa likod nito. Kasi sobrang nakuha talaga nila ang loob ko.
Kung tutuusin "common" lang ang mga kaganapan sa istoryang ito. Pero yung "way" ng pagkakadeliber ng linya, yung "feelings", yung "timing" naandon lahat! Kung sa pagkain, natimpla nila ng maayos kaya masarap ang kinalabasan! Dito ko napagtanto sa pelikulang ito na kaya naman pala gumawa ng mga Filipino ng isang pelikulang ganito.
Alam niyo sa totoo lang hindi talaga ako mahilig mag bilang pero dahil sa pelikulang ito mapapa bilang ka talaga...
Isa,
Isang beses o unang beses kong narinig ang pelikulang ito gusto ko na siyang panuorin dahil sa maraming tao ang nag sasabing sobrang ganda daw ng pelikulang ito, pero dahil sa palagi akong "busy" hindi ko sa mapanuod.
Dalawa,
Nag dadalawang isip akong panuorin ang pelikulang ito dahil hindi sikat na "leading man" ang bida dito. Napatanong ako sa sarili ko bakit si Empoy? Pero grabe noong napanuod ko na. "Hands down" talaga. Ang galing ni Empoy. Effortess, kayang kaya niya magpatwa kahit ifocus mo lang sakanya ang kamera. Sa sobrang natural ng mga "jokes" niya, "feeling" ko "adlib" nalang yung ibang "jokes" niya dun.
Tatlo,
Mahigit tatlong beses ata ako napahagalpak ng tawa dahil kay Tonyo na kulang nalang sapakin ko ang mga katabi ko.
Apat,
Mahigit apat na beses ko na yatang napanyod ang pelikulang ito. Ang sarap kasing ulit-ulitin.
Lima,
Limang patak ng luha ang tumulo sa mga mata ko noong pinatugtog ang "two less lonely people in the world" na si Kz pala ang kumanta. Pasimpleng punas nalang dahil naiiyak na.
Anim,
Anim na beses kong pinigilan ang sarili ko na hind murahin si Tonyo habang pinapanood ko ang pelikulang ito.
Pito,
Pitong tungga ng sapporo bi Tonyo. Marami nanaman ang mangangarap na makapunta ng Sapporo Japan.
Walo,
Sa huling walong minuto ng movie na ito, sobrang sarap mag mura. Hindi kasi talaga ako makapaniwala sa mga kaganapan sa huling bahagi ng pelikula.
Siyam,
Siayam na beses kong nakita sa mga mata ni Lea na totoo ang tuwa niya. Yung "natural" na natawa talaga siya kay Empoy at hindi pilit, na siyang nagustohan ko sa pelikulang ito.
Sampu,
Sampung minutong katahimikan para sa nadurog kong puso💔😭
Ayoko na! Ayoko ma talagang makakita ulit ng "banana, heart and paper cranes". Kasi sigurado maalala ko lang si Lea at Tonyo. Lalo na kapag marinig ko ang "two less lonely people in the world" naiiyak talaga ako.
Kaya masasabi ko lang po sa mga hindi pa nakakapanuod, subukan niyo pong panuorin siguradong hindi po masasayang oras niyo kasi po sobrang ganda po talaga ng istorya. Hindi ka lang basta bubusugin, may ipapabaon pa sayi...
Noong nakakakita ka, di mo ko nakita. Noong mabulag ka doon mo lang ako nakita.
-TONYO
2 notes · View notes