Tumgik
Text
Idk where to start, but lately I feel empty, it feels like I have no energy to do something, thou I'm just sitting, lying in my bed, watching movies. It's so unproductive. Idk what to do anymore, it's weird that I'm looking for a reason to live. -mind
0 notes
Text
Hey! Hello
Kamusta ka na? Wala nakong balita sayo. Pero sana okay ka lang. Hindi ko alam pero ang bigat ng nararamdaman ko kagabi pa. Siguro kasi baka may bago ka na? Siguro kasi baka masaya ka na sa iba. Expected ko naman yun pero hindi pa ko handa na makita yun. Nararamdaman ko lang naman to tuwing may nakakausap kang iba. Siguro konektado pa din yung puso ko sa mga ginagawa mo kaya kahit di ko nakikita, nararamdaman ko naman. Alam mo ba? Hanggang ngayon tinatanong ko yung sarili ko. Kung namimiss mo ba ko? Kung naaalala mo ba ko. Kung may nararamdaman ka pa ba. Pero kahit na itanong ko yan sa sarili ko ng paulit ulit alam ko namang walang makakasagot nyan at alam ko na din yung sagot dyan. Natatawa nga ako sa sarili ko eh kasi natatakot akong makita yung mga post mo sa fb kaya nga inunfollow kita eh. Para di ko makita. Pero alam ko namang darating yung pagkakataon na makikita ko yung post mo. Natatakot din ako isearch yung pangalan mo haha di ko alam kung bakit siguro kasi takot akong masaktan. Takot akong may mabasa. Takot akong may makita. Oo natatakot ako na baka isang araw may bago ka na agad. Pero hindi naman kita masisisi kasi buhay mo yan. Wala nakong karapatan pakealaman yan. Wala nakong karapatang pagilan ka sa mga gagawin mo. In short wala na akong karapatan sa buhay mo.
Alam mo ba? Winiwish ko na sana makahanap ka ng taong makakapagpasaya sayo. Pero natatakot akong makita yun hahaha. Di ko alam kung bakit siguro kasi shunga ako kaya ganun. Sa totoo lang? Namimiss ko na yung dati nating ginagawa na magkausap tayo. Oo nakakamiss yung mga memories. Pero wala eh hanggang memories nalang talaga. Bigla biglang nagpopop up sa utak ko lahat ng memories natin. Lahat ng mga ginagawa natin hahahaha. And oo masakit sobrang sakit kasi hanggang memories nalang talaga yun. Sige na di nako magdadrama. Sana okay ka lang. Sana ayos ka lang. Pagbutihin mo sa buhay. Alam ko namang kayang kaya mo yan. Mag iingat ka palagi. God be with you always.
0 notes
Text
My past.
Hi mahal. Do you still remember? The first time I saw you? Nasa second floor ka nun ng building na pinagtatrabahuan natin. Hindi ko nga alam na nag eexist ka pala that time kasi hindi kita nakikita. Natatandaan mo? Nung time na may hinahanap ako? At ikaw ang napagtanungan ko? Sakto kasi na nandun ka sa pwesto ng hinahanap ko. Hindi ko muna naappreciate kagwapuhan mo nun eh. Kasi nga nagtatrabaho ako. Tinuro moko sa 4th floor. So umakyat ako kasi sabi mo andun yung hinahanap ko pero wala at tinuro ulit nila ako sa 2nd floor. Haha kinwento ko sayo yan at ang sabi mo nagkasalisi kami ng hinahanap ko. After ng first meeting na yun nilagay na kita sa crushlists ko. Because I see you as a good guy and bonus na yung pagkagwapo mo. Ikaw pa nga nasa unahan thou maraming nauna sayo. Then akala ko hanggang dun nalang yun, yung aabangan ka sa bintana ng office. And then kapag nakita na kita buo na araw ko. You're my inspiration kaya ako nagtatrabaho that time kasi tamad na tamad na talaga ako. Everytime na may ipapaakyat sa 3rd floor ay nag-iinsist ako na ako na mag aakyat para makita kita kahit na nakakapagod akyat baba basta makita lang kita okay na ko lalo na kapag nginingitian moko. Naalala ko din nun every time na nakikita moko binigyan moko ng name which is 'gorgeous'. At lalo kitang naging crush. Alam mo na to eh kasi nakwento ko na to sayo ang sabi mo sakin iba yung naramdaman mo nung nakita moko may spark kang naramdaman. Habang naalala ko to nakangiti ako.
Then, one day Ate Dielyn says that she has a boyfriend that time. And hindi ko ineexpect na ikaw yun. So I already cross your name out in my crushlists. Kasi nga may girlfriend ka na. Pero naging close kita dahil sa pagiging pakealamera ko haha. Nakakainis ka kasi alam mo yun? Dp ka ni Ate Dielyn. While ikaw hindi mo siya dp. And I see it rude! Kaya chinat kita at pinagalitan. After nun hindi nako naexpect na mag uusap pa ulit tayo. Pero mali ako June 25, 2016 tinext moko. You greeted me a Happy Birthday. Nung una wala akong pake sa unknown #. Pero that time may nagpupush sakin na replayan ko yung # na yun. Kasi wala din naman akong ginagawa nun at nirerebond ang buhok ko nun. So I texted you back ng "Who you". Pero ayaw mong magpakilala that time. Kahit na sabihin kong "Kung ayaw mong magpakilala di nako magrereply" still nagrereply pa rin ako. I have a huge feeling kasi nun na hindi ko maintindihan. Then I found out na ikaw yun kasi tinanong ko kay Ate Dielyn kung kaninong # yun. At sinabi niya na siya mismo nagbigay. Dahil dun naging close tayo. Everytime na nag aaway kayo ni Ate Dielyn ako ang nag aayos and nagkakaayos naman kayo. Pero yung huli na hindi ko na kayo napag ayos nun. Kasi napapansin kong ayaw mo na talaga. So I decided na hayaan nalang kayo. And I even advice the both of you na kung toxic na better break up and the two of you did it. Then lagi na kitang nakakausap that time. Mula umaga hanggang madaling araw. And then nagpakasunduan nating lumabas and pumayag naman ako since naiisip ko na nalulungkot ka. So nagkita tayo sa 7/11 ng monumento. Nung una kinakabahan ako kasi nafefeel kong mali yun. Then suddenly nung nagkasama na tayo you hold my hand! At hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ko nun. Basta ang bilis lang ng tibok ng puso ko nun. Hindi ko mapaliwanag basta ikaw lang ang nakikita ko habang hawak mo kamay ko. Wala akong pake sa ibang tao basta ikaw lang ang nakikita ko. Nag ikot ikot tayo nun mula first floor hanggang dulo hahaha. Ang ang saya sobra nung napansin mong pagod nako kasi umupo ako sa gitna sa sahig mismo ng parang toms world dun. Ang sabi mo hindi mo ineexpect na ganun ako ka weird. Pero mas nagulat ako kasi tumalikod ka at pinapasakay moko sa likod mo piggy back ride, pumayag ako kasi I see it cute. Tapos nagikot ulit tayo ang saya sobra nung nasa 3rd floor na tayo nun sobrang nagulat ako kasi binuhat moko ng bridal style and natakot kasi baka malaglag pero I feel safe kapag hawak moko. Nasabi ko sa sarili ko nun na sana hindi na matapos yung araw na yun. Sana ganun nalang palagi sobrang saya. Then nung pauwi na tayo natulog ako sa bus na nakasandal yung ulo sayo. Alam mong antukin ako kaya mabilis lang akong nakakatulog. Then hinatid moko hanggang Sm North. Nung nakasakay nako sa Jeep you texted me na may kasalanan ka na ikinagulat ko kasi wala akong matandaan. Umaamin ka na you kissed me while tulog ako. Kaya pala that time may nafeel akong malamig sa labi ko but I ignored it kasi akala ko napasubsob lang ako. Nagalit ako sayo that time kasi you stole my first kiss pero may nararamdaman din ako nun na okay lang yun. Na gusto ko din yun. Naalala ko pa yung effort mo nun. Na nakailang missed called ka sakin tinatadtad moko ng text para lang mapatawad kita. Laging ganyan yung way ng panunuyo mo hindi ka tumitigil hanggat hindi tayo okay. Ikaw lang yung lalaking nakagawa sakin nun kaya nafall ako ng sobra sayo. And aaminin ko sobrang fall na fall na ako sayo nun. Akala ko hindi na masusundan yun eh pero nasundan pa ng nasundan yun. Every sunday umaalis tayo. Every week nagkikita tayo. And habang patagal ng patagal nadadagdagan yung pagkahulog ko sayo.
Then, umamin ka. Umamin din ako kasi para saan pa yung point ng hindi pag amin mahal na kita that time. Pero sinabi kong after 3months saka kita sasagutin respeto sa feelings ng ate ko kasi isa siya sa tinitreasure ko, pero napatagal. Naging 6months. Ayoko kasing isipin nila na inagaw kita. Kasi alam kong sa sarili ko never kitang inagaw. Naalala mo noon 5th day of December? Yung time na magkaaway tayo pero nagkita pa din tayo non. Sa Trinoma, may dala kang bulaklak and that is the sign! Sign na sasagutin na kita kasi binigyan moko ng bulaklak ❤. Ang saya saya ko nun kasi ikaw yung unang lalaking nagbigay ng bulaklak sakin sobrang saya ko that time. Then nanuod tayo ng sine worth 25 pesos HAHAHA. Natatawa ako sayo nun kasi first time mo. First time mong makapanuod sa sinehan and proud ako sa sarili ko na ako ang kauna unahang babaeng nakasama mo dun. Sobrang mahal natin ang isa't isa nun. Na akala ko hindi na tayo maghihiwalay. Na akala ko tayo na hanggang dulo.
Dumating yung monthsary natin 1st monthsary at hindi ko alam kung anong ibibigay ko sayo. So nag isip ako and nauwi sa isang box na puno ng chocolates and medicines para di ka magkasakit may letter din dun. Ang saya sayang alalahanin. 2nd monthsary natin which is February hindi ako nakapag handa nun kaya bumili nalang ako ng pizza sa Greenwich. 2 para sayo para may maibigay ako and may letter din dun. Hindi ako nag eexpect na may matatanggap that time kasi natutuwa ako kapag masaya ka lalo na kapag may nabibigay ako sayo. Syempre bumabawi ka din naalala ko nun nung umuwi ka galing Laguna may pasalubong akong rambutan yey! Tapos lansones! May favorite. Tapos binilhan mo din ako ng stick o! Ang saya saya ko nun. Nag eeffort ka para sakin. Binibigyan mo din ako ng delights nun kasi favorite ko yun eh. I love chocolates alam mo yun. Binigyan mo din ako ng kumot nun na may Hello Kitty kasi alam mong fave ko si kitty. Nagpapasalamat nako nun kasi nag eeffort ka. Then 3rd monthsary natin pinaghandaan ko na yun nag isip ako nun since fave mo ang fries and coke float ginawan ko ng kaartehan yun. And natuwa ako kasi nagustuhan mo yun. Ang sabi mo ngayon ka lang nakakatanggap ng ganun kaya proud ako sa sarili ko nun kasi napapasaya kita mahal. 4th monthsary which is April mahal, kasabay ng birthday mo. Bumili ako ng couple shirt at gumawa ako ng explotion box. Para maging special yung araw mo na yun. And worth it! Naging masaya ka sobra mahal ko. 5th monthsary binigyan ulit kita ng box! Puro chocolates and letter showing how much I love for you. June nag away tayo kasi nahuli kita. Thats the 2nd time ng malaman kong may 2nd account ka na naman kaya nakipaghiwalay ako nun sobrang sakit kasi same girl na nag eeffort ka para makausap siya and ang pinakamasakit? Yung sinabi mong may pag asa ka ba sa kanya kasi malabo na tayo. Gumawa ka ng paraan after 3days para bumalik ako sayo nag effort ka mahal binigyan moko ng kitty pillow at bulaklak. Sobrang naappreciate ko yun kaya pinatawad kita kasi I really really love you, sobrang mahal na mahal talaga kita. July, August, September. Hindi nako nakapaghanda nun pumunta nalang ako sayo every monthsary natin kasi may family problem ako nun. And may time na pinuntuhan moko just to cheer me up. Naging okay tayo nun masayang masaya sobra. Nagpaplano ng bahay, ilan magiging anak, mga sasakyan para sa future natin.
Bago ka umuwi ng laguna nagdate tayo sinulit natin kasi hindi ka absorb sa company. Bumili ako ng couple ring natin para kahit malayo ka alam nilang akin ka na. Then bumawi ako nung graduation mo. Nagpadala ako ng sapatos mo just to show you how proud I am na nakagraduate ka na. Ang ang sabi mo nun di mo ineexpect at masayang masaya ka nun. Sabi mo nun hindi mo alam na sapatos yung ibibigay ko. Pumunta din ako dyan sa inyo para makita ka. And were happy.
Anniversary natin pinuntahan moko may napansin akong changes sayo. Hindi ka na sweet katulad ng dati madami ng nagbago sayo, kung dati wala kang pake at ako ang may pake kasi PDA ka masyado dati pero nung anniv natin? Hindi ka na ganun kaya nagtaka nako, kaya din siguro nag aaway tayo ng madalas kasi hindi ka na nag eeffort. Hindi mo na pinaparamdam sakin na mahalaga ako. Hindi ko na ramdam na mahal moko.
December 30, 2017 nakipaghiwalay ka. That is the worst thing happened in my life. Sobrang wasak ako nun napakasakit sobra! Hindi ko alam kung bakit, paano, saan, bakit ganun bakit umabot tayo sa ganun. I just found myself wasted. Hindi alam pano magsisimula. Hindi alam anong gagawin para di ka maalala. Napaka wasted ko nun.
Last week ng January nakapag usap tayo and I decided na pumunta dyan kasi naging okay tayo. Sinabi mong mahal mo pa ko so I believed in you and I miss you a lot kaya pumunta na din ako. That is the most special day kasi pinaramdam mo saking mahal na mahal na mahal moko. But it's temporary.
Now February Last Week. You found another girl. Na sa tingin mo makakapagpasaya sayo. And this is the 4th time I got a heart break. 3rd time na naghiwalay tayo. Sobrang sakit this time kasi umasa ako na tayo na hanggang dulo tayo pa rin talaga. Na yung break up is part ng struggles lang na haharapin natin.
This time naisipan ko ng sumuko, titigilan ko na ding umasa. Pang ilan mo na ba yan? Kahit na napakadami na still bilang na bila ko pa yun. Nung nalaman ko yung pass mo kasi sinabi mo, you searched my friends name like Clarice and Mia na alam kong crush na crush mo kasi nung kasama natin sila iba na tingin mo but sad to say they are loyal to their boyfriends. At hinayaan kita nun kasi natural lang yun eh. Lalaki ka eh. Alam mo ba? Nung kinakalkal ko fb mo? Hindi kita nakakakitaan na apektado ka sa break up natin. Masakit sobra kasi alam mo yun? Wasted na wasted ako samantalang ikaw? Napakasaya mo. Naisip ko nga eh. Ganun ba ko kadali palitan? Na yung 1 taon ay 8 buwan natin is kaya mong itapon ng ganun ganun nalang? Naisip ko nga eh. May halaga bako? Na ang bilis bilis ko lang palitan. Na ang bilis bilis mo lang makahanap ng iba. Nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako.
Mahal, Im so sorry not to hold you till my last breath. Napakasakit na kasi. The last convo we're shared. I will treasure it a lot mahal. Thankyou for always there when I need you the most. Maraming salamat sa loob ng 1yr and 8months. Siguro hanggang dito nalang yung story nating dalawa at magsasara na yung libro ng pagmamahalan natin. Im so sorry sa pagkukulang ko. Sa lahat ng pagkakamali ko. Sa mga masasakit na salita na nasabi ko sayo. Kung nasasaktan kita dahil sa paulit ulit kong binabalik yung past patawarin moko mahal. Patawarin moko. Ayokong lang na iwan moko natatakot ako kaya nagawa ko yun. Pero hindi rin pala yun yung way para mag stay ka. Yun pa yung magiging caused para iwan moko.
Hindi ko na din kasi ramdam na mahal moko. Ramdam kong nababawasan na. And napakasakit nun, yung puso ko pinupunit ng pinong pino. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita sobra na kaya kitang palayain kasi hindi na ako yung happiness mo. Hindi na ako yung nagpapasaya sayo. Ang sakit lang kasi ibibigay na kita sa taong nagpapasaya sayo. Maraming marami salamat sa pagmamahal mo. Sa effort mo. Sa lahat ng nagawa mo. Maraming salamat sa lahat. Hinding hindi kita makakalimutan. Malaking parte ka ng buhay ko. Dahil sayo nabuo ako. Dahil sayo naramdaman ko yung pagmamahal. Kung pano mahalin at kung pano magmahal.
Sana hindi ka na magkasakit kasi alam kong maalala moko, naniniwala ako na maalala moko, ayokong naalala mo ko. Kasi evertime na nagkakasakit ka dito sa Manila. Madalas ako yung nag aalaga sayo. Umaabsent pako para mapuntahan ka. Para makita kung okay lang ba. Para maalagaan ka. I really really loved you na masakit sakin na nakikitang nagkakasakit ka. Always take care mahal. Always take care specially your health. Sana siya na yung para sayo. Sana siya na yung babaeng hinahanap mo. Sana sa kanya maging masaya ka na ulit. Sana maibigay niya lahat ng pagkukulang ko. Gusto kong maging masaya ka na ulit. Gusto ko kapag nakita kita ulit masayang masaya ka na and pangako hinding hindi ko kayo guguluhin.
Ganto kita kamahal na kaya kitang ibigay sa kanya kasi alam ko sakin hindi ka na masaya. I love you so much John Dave Losanez mahal ko. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita sobra. Sisikapin kong wala kang mabalitaan sakin. Sisikapin kong hindi moko maalala para hindi na din ako makagulo sa bago mo mahal ko. This is the last time na sasabihin ko yung endearment natin na mahal na ikaw ang tinutukoy ko. Mag iingat ka lagi ha?
Lagi kitang pinagpapray, na sana maging successful ka, na sana maging masaya ka, na sana maging maayos ka na. Yung pangarap natin? Ako nalang siguro tutupad mag isa. Kaya kong tuparin yun ng ako lang na hindi kita ginugulo.
I love you so much mahal ko. I always do.
0 notes