Tumgik
Text
300
ni Jaynard Corpuz
Ang Pelikulang 300 ay isa sa pinakamagandang pelikula sa kasaysayan ng mundo. Ito ay tungkol sa tatlong daang mandirigma ng Sparta na pinamumunuan ng haring si Leonydas. Nagsimula ang kwento ng tangkaing sakupin ng Persia ang Sparta, upang maging parte ng kanilang teritoryo o Kaharian at upang kumuha ng mga alipin.
Dahil sa kanilang paninindigan at pagmamahal sa kanilang bayan, si Leonydas at ang kanyang tatlong daang mandirigma ay nakipaglaban para ipagtanggol ang kanilang bayan laban sa mananakop na Persia. Naging madugo ang labanan habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong nagiging mahirap ang sitwasyon ngunit hindi sila nagpatinag
Ang tatlong daang mandirigma ay lumaban hanggang sa huli, naging matapang sa kanilang ipinaglalaban at paninindigan hanggang sa kanilang huling hininga kasama ng kanilang magiting na haring Leonydas. Hindi man sila nagtagumpay, ang kanilang ginawang pakikipaglaban ay nagsilbing daan at inspirasyon sa iba pang mamamayan ng Sparta na ituloy ang pakikipaglaban laban sa mananakop.
0 notes
Text
Hindi ko mahanap yung file ng ginawa kong story sir😔 Pewdiepies world
0 notes