Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Grateful today! 💛 We opened the shop late because we prioritized the Sunday service, but si Lord, di talaga nagpapahuli. We still received more than enough blessings! He remains so faithful when we put Him first.
Have a good night everyone! Tomorrow is another opportunity to trust Him and witness what He’ll do next.
0 notes
Text
Hi Tumblr, I missed this space.
Grabe, 3 years din akong nawala. I disappeared when things got too heavy, especially emotionally.
I had to delete my account back then not because of Tumblr itself, but because it became a timeline of feelings I wasn’t ready to revisit. Most of my posts were about someone who never even saw them my ex. But for me, every word felt like a timestamp of a love that ended.
But now, I’m back. Mas kalmado na, mas okay na.
This blog will now be about what’s currently happening in my life random kwentos, reflections, kalat, at kung ano pa. Back to sharing again. 🫶
Tumblr, let’s do this again.
0 notes
Text
Grabe, kung babalikan ko lang ang sarili ko 3 years ago, sobrang laki na ng pinagbago ko. Dati, ang bilis kong magalit. Minsan, hindi ko pa namamalayan na nakakasakit na pala ako sa salita, sa tono, sa ugali. Madalas akong padalos-dalos, driven by emotion, at hindi iniisip kung ano ang magiging epekto sa iba.
Isa sa mga naging malaking bahagi ng pagbabago ko ay ang isang relasyon na minsan kong inalagaan. Nagmahal ako, pero hindi ko pa pala alam kung paano maging tamang ka-partner. Hindi ko pa kayang makinig nang buo, umintindi, o magpigil. At noong natapos ‘yon, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa halip, tinanggap ko na may mga bagay talagang hindi tinadhana, pero itinuro sa atin ang mahalagang leksyon sa buhay.
Ngayon, I’ve changed in so many ways. Hindi na ako gaya ng dati. Bago ako magsalita, iniisip ko muna. Bago ako mag-react, tinatanong ko muna ang sarili ko kung worth it ba. Mas pinipili ko na ngayon ang peace kaysa patunay. Mas gusto ko na ng tahimik, kalmadong buhay na may respeto, pang-unawa, at direksyon.
And while I’ve grown personally, I’ve also found fulfillment in my work as a Real Estate Virtual Assistant. Being in this field has helped me discover my strength, discipline, and dedication. I’ve learned how to communicate better, manage tasks efficiently, and support clients professionally even from miles away. Hindi siya madali, pero rewarding siya. Each day, I strive to show up with excellence and integrity kahit sa likod lang ng screen.
Nakakatuwang isipin na habang inaayos ko ang sarili ko, unti-unti ring umaayos ang landas ko. At ngayon, unti-unti ko ring binubuo ang sarili kong business. I have dreams for this not just for income, but for impact. Gusto ko itong lumago, para makatulong sa iba, makapagbigay ng trabaho, at maging blessing sa mas maraming tao. I claim it: this business will grow. One day, I’ll look back and say, “Lahat ng ito nagsimula sa pangarap.”
Three years ago, I was uncertain, emotionally reactive, and still figuring things out. Pero ngayon, I’ve gained wisdom, strength, and clarity. Hindi ko man perfect ang lahat, pero alam kong nasa tamang direksyon ako.
Sa lahat ng naging parte ng journey ko salamat. At sa sarili ko, salamat sa pagtuloy kahit mahirap.
And to God, thank You. You never left. You directed my steps even when I didn’t understand. Now I move forward with peace, with purpose, and with so much hope.
1 note
·
View note