pitangebuen16-blog
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
INTRAMURALS 2K17
Intramurals ito na siguro yung pinakamasayang naganap sa buhay ng isang estudyante.Masaya kasi dito mo makikitang talagang napakagagaling ng mga estudyante sa iba't-ibang larangan katulad sa basketball,volleyball,badminton,chess at marami pang iba.Dito nagsisilabasan ang mga estudyanteng napakaCompetitive katulad sa cheerdance,dito rin napapakita ang kagalingan ng mga estudyante.Sobrang saya maging isang estudyante kahit na madaming ginagawa at nakakapagod.
Intramurals?Siguro ito na yung nakakapagparelax sa amin.Yung tipong mawawala lahat ng alalahanin mo sa grades,quizzes at mga projects.Nakakapagod ang Intramurals pero alam mo ba yung feeling na sobrang saya kasi nakipagcooperate ka,sobrang saya kasi naiisip mong may magandang nangyari na naman sa buhay eatudyante mo.Kabi-kabilang pagchecheer ng iba't-ibang strand na halos hiyawan na lamang maririnig mo.
Bilang isa sa miyembro ng pamilyang STEM naenjoy ko lalo ang intramurals kasi kasama ko sila,yung mga taong kasama ko araw-araw sa paaralan.Sobrang saya kasi madami kaming napanalunan alam mo ba kung bakit? kasi bawat isa sa amin hindi sumuko at bawat laro ineenjoy lang kahit na napipikon na ang ibang nakakalaban namin.Masaya ako kasi sila kasama ko sa lahat ng laban ng pamilyang STEM sa bawat laro.Nagpapasalamat ako kasi may mga advisers kaming sobrang supportive na mas nagbigay samin ng lakas ng loob para lumaban at sa Diyos na gumabay sa amin para mas lalong tumibay kami at malayo sa lahat ng kapahamakan.
LABAN STEM! PAMILYANG STEM!
0 notes
Text
BUHAY ESTUDYANTE
Pag nakarinig ka ng salitang estudyante anu agad ang naiisip mo? Kasi para sakin ang salitang estudyante eto yung mga kabataang nakasuot ng unipormeng pangskwelahan tapos may mga nakasabit sa na ID sa kanilang leeg na nagpapatunay kung saang skwelahan sila nabibilang.Ang pagiging estudyante ay halo-halo ang mga emosyon, para sakin masaya ang maging estudyante kahit na napakaraming mga gawain,nakakapagod sa pang araw-araw na mga gawa katulad ng:
Una,gigising ka ng maaga para mag asikaso ng kakainin at babaunin mo sa skwelahan
Pangalawa,gabi ka na makakatulog dahil madami ka pang dapat tapusin kumbaga puyat
Pangatlo,mauubos ang oras mo para sa mga test,long quizzes,reports at iba pang mga dapat ireview para sa kinabukasan.
Ika nga ng mga millenials ngayon PARA SA EKONOMIYA.
Nakakapagod din maging estudyante kasi minsan natataranta ka na kung anu yung mga dapat mo pang gawin,yung mga dapat mo pang ayusin.Nakakapagod pero masaya syempre paano mo masasabing masaya High school life mo kung di mo rin naman mararanasan ito,masaya kasi yung mga kaklase at ang adviser niyong sobrang supportive sa lahat ng gagawin ng klase eh tinuring mo na bilang isang pamilya.Hindi mawawala sa klase yung mga binansagan halimbawa: yung kaklase mong maitim eh tatawaging boy kaldero tapos yung kaklase mong kung makalagay ng harina este polbo sa mukha parang wala nang bukas kaya babansagan syang Boy polbo/girl polbo yung mga ganitong biruan talaga namang kasama na sa pagiging estupidyante ay estudyante pala. Kahit nakakastress yung mga sunod-sunod na long quizzes bawat araw eh masaya naman basta ineenjoy mo na lang talaga.Sabi nga ni mama sakin "Kung hindi mo dadanasin ang paghihirap eh wala kang mapapala sa future mo kung puros mga pang madalian lang ang gagawin mo."
"EDUCATION IS THE MOST POWERFUL WEAPON WHICH YOU CAN USE TO CHANGE THE WORLD." -Nelson Mandela
0 notes
Text
SCARED TO FALL INLOVE AGAIN
Ayaw mo na ba? Yung feeling na natatakot ka,naguguluhan ka,yung feeling na iniisip mo pa lang yung mangyayari eh nanghihina at umuurong ka na.Naranasan mo naman sigurong masaktan dahil sa pagmamahal diba? Yes,masarap sa feeling yung may nagmamahal at may minamahal pero before ka pumasok sa isang relationship naisip mo ba ang CONSEQUENCES? Yung consequences na masasaktan at masasaktan ka kasi nandyan yung selos,madaming hadlang,yung di mo maiwasang makapag-isip na baka may nahanap na sya,kesyo ganito ganyan. Tanong ko lang for girls,bakit nyo pa sinagot yung taong nanliligaw sa inyo kung wala kang tiwala? For boys,bakit pa kayo nanligaw kung hindi naman kayo makuntento sa girlfriend nyo? Masakit kasi eh! Yung iiwan ka nya ng walang reason,yung may nahanap na pala syang iba pero ayun,ikaw? Patuloy na umaasa.Ito pa ang ibang halimbawa kung bakit.
1.Rejection 2.Masaktan muli. 3.walang panahon 4.Hindi na priority
Kung bakit ayaw mo nang magmahal because of Physical Appearance. 1. Standards 2.Heartbreak Trauma. 3.Maraming ginagawa 4. Mga bagay na dapat unahin
Ito lang ba? Syempre hindi diba.
Natatakot tayong magmahal ulit kasi masakit pa,may feelings ka pa sa taong nanakit sayo kumbaga HINDI KA PA NAKAMOVE ON. Yung sariwa pa pala yung sugat sa puso mo,masakit sobrang sakit kaso ang UNFAIR naman kung hanggang dun ka lang. Ang UNFAIR kasi di mo pa nabibigyan ng chance yung iba jinaJUDGE mo na agad sila,ang UNFAIR nga kasi di mo pa hinahayaan yung taong seryosong mamahalin ka at gagamutin yung sugat sa puso mo.
Kung ako sayo bigyan mo ng chance na kilalanin mo ang isang tao at hayaan mong kilalanin ka niya bilang tao na kailangan ng magmamahal sayo yung deserving sa salitang DAPAT SERYOSOHIN,deserving sa salitang PAGMAMAHAL,deserving sa salitang RERESPITUHIN.
PS: Para sa mga taong natatakot na magmahal.
Just follow me on Tumblr @pitangebuen16
#SOPHIA
1 note
·
View note