Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Araw na naman nang tungaliaan
Makikisig na mga mandirigma na may mahahabang buhok at nanlilisik na mga mata at may tindig ng isang leon na hindi papatinag kung kanino man. Sa mahabang panahon ganito ang naging imahe ng sandatahang lakas sa mahabang kasaysayan ng giyera sa nakaraan. Ginagawa nila ito para protektahan ang kanilang nasasakupan. Sa paglipas ng panahon tila nga ba naging bulok na ang sistema ng mga mandirigmang ito. Ang kanilang kapangyari ay bumaluktot na
0 notes
Text
Pandaliang Pagkakakitaan
Hirap, pagod at oras.
Kalaban nang karamihang Pilipino sa araw - araw ang hirap ng buhay. Pantustos sa matrikula ng anak, pagkain, luho maski kuryente, bahay at tubig ay kailangan pang bayaran. Upang mairaos ang kanilang pangangailangan, kailangan nilang kumayod. Sa pagsikat hanggang sa paglubog at pagkawala ng araw, karamihan sa mga Pilipino ay nagbabanat pa rin ng buto.
Mga taong handang paghandaan at pagsilbihan ang mga customer sa fast food chain. Mga construction worker na nagbubuhat ng tone - toneladang semento at pumupukpok sa mga pakong kailangang ibaon sa kahoy. At iba pang mga trabaho na kabilang sa blue collar job. Sila ang mga Pilipinong naapi sa Pilipinas. Mga taong kumukuha ng resources ngunit walang benepisyo mula sa kanilang trabaho. Taong nagkulang sa paghinga ngunit kapag sila'y namahinga sa mahabang higaan sa lupa ang kanilang pamilya ay kawawa. Bagama't sila'y napapakinabangan ng nasa itaas sila naman ay nawalan ng karapatan upang makinabang sa mga ito. Benepisyo at pagtagal lang naman sa trabaho ang kanilang hinihingi ngunit bakit hindi maibigay sa kanila? Mga nagmamay - ari ng mga lupa na walang awa na mang alipusta at mangkawawa sa mga manggagawa ay nanatili pa ring ipinagtatanggol at mas binibigyan prioridad ng pamahalaan kaysa sa mga taong nasa laylayan. Karapatan at pagreregular sa manggawa ang kanilang mungkahi lamang ngunit bakit hindi maibigay.
Ang imaheng ito ay kuha ng aking professor sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP). Ang ngalan ng aking propesor ay Mel Matthew Doctor. Pinapakita lamang ng litratong ito na kailan nga ba sisikat ang araw sa manggagawa? Kailan ba talaga? Kung kailan papalubog na ito? Ang mga letrang humuhugis sa isang pangugusap at nakatatak sa lansangan ang siyang nakikipag usap, nagsisilbing boses at koneksyon upang matugunan ang pangangailangan. Ang mga kable ng kuryente na sana rin koneksyon natin sa pamahalaan ngunit bakit nagbibingihan ang mga ito sa mungkahi ng mga Pilipino. Inilalapit ang sining na ito sa mga tao ngunit nahuhusgahan at tinatawag na vandalism ang gawaing ito. Sa tingin ninyo? Paano nga ba talaga wawakasan ang paghihirap sa bansang ito? Paano ba? Ang taong naglalakad sa ilalim ng araw na kawawa upang matugunan ang kanilang pangangailangan ay onting oras na lang ang nalalabi sa kanilang pinagtratrabahuan. Kukuha ng sahod at pagkatapos ay mawawalan na sila ng trabaho. Gaano ba kalupit ang tadhana sa taong mahihirap. Kailan nga ba mawawakasan ang kontraktrawalisayon?
Mel Doctor

1 note
·
View note
Text



Oras at Bola
Ikot ng bola na naglalaro sa ibabaw ng mga manlalaro at gayon din ang paglalaro sa mga manlalaro, hangga't hindi pa dumadating sa linya at lapag ng lupa ito'y may buhay pa at upang makapuntos, kailangan mong umatake at dumepensa.
1st picture: Hulog
Habang kayo ay nag - aantay ng bolang sa tingin ninyong raragasa paibaba hindi ninyo namalayan na isang bomba pala ang ihuhulog sa gitna.
2nd picture: Sa ibabaw ng pader
Gaano man katindi ang depensa kung ang oras sa pagtalon ay hindi umakma sa bilis at bagal ng atake, ito'y bibilang.
3rd picture: Kumpulan
Tara at habulin ang bola, matira, matibay!
1 note
·
View note
Text
Pagtalakay at Pagsusuri sa kahulagan ng Aesthetics mula kay Alice G. Guillermo
Sining, iba't iba ang porma nito, maaring isang pasulat na teksto, larawan, pinta, kanta at marami pang iba. Sa madaling salita lahat ng bagay na may kaugnayan sa buhay ng isang tao ay maaring tawaging sining. At sa bawat sining may aesthetics na tinatawag. Mayroong pamantayan sa pagkilala ng isang sining sa pamamagitan ng aesthethics. Sinasabing ang teknikal na kahulugan ng aesthics at tumukukoy ito sa; pormal, linya, texture, composition at visual arts ng isang sining. Ngunit, sa pagpapakilala ni Guillermo sa aesthetics ito ay isang uri ng pilosopiya sa sining na kung saan uusian ang nilalaman at kahulugan ng obra na ito mula base sa kasaysayan, kultura at lipunang kinagisnan ng may likha nito. Dagdag pa ni Alice, dapat ay mayroong katangi - tanging mukha ang sining na siyang nagkwe - kwento sa kung ano mang buhay ang nakita at naranasan ng may likha nito sapagkat ito ang magpapakilala sa identidad at kung ano mang uri ng sining mayroon ang partikular na lipunan na ito na inilalarawan sa mismomg obra.
Mayrong mga premise na binanggit si Guillermo sa kaniyang pagpapakahulugan ng Aesthetics. Na kung saan ang sining ay socially and historically situated na kung ating papalawigin ang kaniyang ibig sabihin dito na ang sining ay nakaugnay kung paano kumilos ang lipunan base sa kasaysayang kaniyang natamasa upang madetermina kung bakit ganito ang itsurang kinalabasan ng sining na ito. Dagdag pa niya na ang sining ay socially and historically situated based on particular time and place. Na kung ating tatalakayin na ang itsura, teksto o nilalaman ng isang sining ay dapat magkaugnay ang oras at lugar kung kailan at paano ito nangyari sa panahon na ito. Ito man ay moderno o luma na. Sa madaling salita, ang aesthetics ay pagdetermina sa nilalaman ng sining hindi lang basta ito nakabase sa composition, linya, texture at pagiging pormal nito kundi nakaugnay rin ang kasaysayan, oras, lugar at kulturang mayroon ang lipunan na siyang pinoportray sa sining na kinikilatis gamit ang kahulugan ng aesthethics.
Maari rin maimpluwensiyahan ang pamantayan ng aesthethics ng isang sining. Dahil nga ang Pilipinas ay nasakop ng mga dayuhan ang mga likhang sining ng bansang ito ay nahuluan na, kung saan walang sariling identidad o natural na katangian mayroon ang lipunang ito. Maaring ito ang kadahilanan ngunit sa pagpapatuloy... May mga artist ang nagbabalak gumawa ng sariling imahe ng sining sa bansa ngunit sa paglipas ng panahon ang mga bagong sibol sa larangan ng sining ay nabuhay lamang sila sa pang - gagaya at ang mga kinikilala bilang dalubhasa kalaunan ay bumababa sa hagdanang inakyat nila noon upang maipakilala ang sining mayroon ang kanilang lipunan na ngayon ay siya na mismong nagalis ng pagkakakilalan sa identidad mayroon ang sining ng bansang ito. Aaminin ko na ang ilan sa pagsusuring na aking binanggit ay narinig ko kung kanino man. Ngunit, mas mabuti na ito upang ipapakilala at ipakalat kung ano ba talaga ang gustong ipamungkahi ni Guillermo sa kaniyang akda sa pagpapakahulugan at pagpapakilala sa aesthethics.
REYES, RYAN EMMANUEL HUMSS 12 - 5
3 notes
·
View notes