Tumgik
placidoremi-blog · 8 years
Text
Makata
Mahigit isandaang taon na ang lumipas ng pumanaw ang isa sa mga pinakadakilang makata sa kasaysayan, ang ating bayani, si Dr. Jose Rizal.
Batid kong napakarami sa ating mga kapwa niya Pilipino ang mapasahanggang ngayon ay nagugulumihanan kung bakit siya ang naitalaga upang kamtin ang titulo bilang pambansang bayani. Bakit hindi ang mga Pilipinong sumuong sa labanan gamit ang mga sandatang kumitil sa buhay ng mga mananakop? Bakit hindi yung mga taong nasaksihan ang karumal-dumal na pagdanak ng dugo at isa-isang pagputol ng hininga? Bakit napili yung taong ang tanging naging sandata ay papel at tinta?
Nais ko lamang ding itanong, ang tanging panlaban ba sa dahas ay dahas? Ang tatalo ba sa karahasan ay karahasan din? Katumbas ba ng pagkitil ng buhay ay ang pagpatay sa mangingitil? 
Ang basehan ba natin ng kabayanihan ay pagsulong sa labanan at kamatayan? 
Nais kong mabatid ng bawat mamamayan na maaaring hindi sumuong si Rizal sa pagtutuos ng pumapatay at handang mamatay ngunit siya’y may sariling kalaban na hindi kakayaning patayin ng alinmang sandata: ang galit at poot sa mga sakim. Ninais niyang maging malaya, maging siya’y pinangarap ng napakahabang panahon ang kalayaan ng bawat Pilipino. Ninais niyang tayo’y mamulat sa katotohanan at kamangmangang ipinamukha sa atin ng mga dayuhan. Sapagkat maaaring isa sa mga misteryo ng kanyang mga nobela ay ang kanya ding katauhan. 
Si Rizal ay si Simoun, si Rizal ay si Crisostomo Ibarra. 
Napakahabang panahon ang ginugol niya sa pagkatha sa mga akdang inaasahan niyang gigising sa buong bayan. At hindi siya nagkamali. 
Nang sa wakas ay namulat na ang ating mga mata, nang magising na ang ating diwa, buong tapang niyang hinarap ang kamatayang batid niyang sa unang guhit pa lamang ng kanyang pluma’y  naghihintay na sa kanya. Nailigtas niya tayo, pinalaya niya ang ating buong bayan. Iyon ba ay hindi kabayanihan? 
4 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Ang karahasan ay hindi nararapat suklian ng sariling karahasan. Ang kasakima’y hindi dapat tinutumbasan ng kasakiman. Ang paggawa ng kabaluktutan para sa mabuti o masamang nais ay mananatiling isang kabaluktutan. Ang kasamaan para sa kabutihan ay mananatiling kasamaan at kailanma’y hindi magiging kabaliktaran. 
9 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Quote
Nasaan na ang kabataang naglaan ng kanilang magagandang sandali, mga pangarap at kasiglahan na ikabubuti ng kanilang bayan? Nasaan ang kabataang magbubuwis ng buhay upang hugasan ang gayon karaming kahihiyan, ang gayon karaming krimen, ang gayon karaming bagay na nakamumuhi? Malinis at walang bahid dungis kailangang maging buhay na alay upang ang handog ay maging karapat-dapat! Saan kayo nangaroroon, kabataang nagtataglay ng lakas ng buhay, na tumakas na sa aming mga ugat? Hinihintay namin kayo, kabataan!
Padre Florentino, Wakas ng El Fili
9 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Isa sa pinakatanyag na kasabihan mula kay Jose Rizal. 
6 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Dr. Jose Rizal na pambansang bayani ng Pilipinas ay ang may-akda ng dalawang nobelang nagpabago ng buong kasaysayan ng ating bansa. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Isa sa mga adhikaing isinulong niya sa panahon ng mga mananakop ay ang pagmamahal sa ating sariling wika. Mapapansin sa kanyang mga akda ang labis na pagmamahal niya sa sariling bayan at sa wikang Filipino. Hindi maikakailang siya’y nararapat na maging bayani sapagkat hindi man dumanak ang dugo sa kanyang sariling pakikipaglaban sa mga mananakop, ginamit niya ang kaniyang kakayahan sa pagsusulat upang magising ang natutulog nating diwang Pilipino. Inialay niya ang kanyang buhay habang pinaninindigan ang kanyang paniniwala na balang araw ay makakamtan din natin ang kalayaan.
7 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Quote
Kapag may mga uban na po akong tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan at makita kong gumawa ako alang-alang sa sarili lamang, hindi ginhawa ang magagawa’t nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga mamamayang tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang bawat uban, at sa halip na ikaliwalhati ko’y dapat kong ikahiya.
Isagani, El Filibusterismo
9 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
“Nalilimot ng bawat isa sa inyo na habang napag-iingatan ang isang bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kaniyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kaniyang kasarinlan, upang mapanatili niya ang kaniyang sariling paraan ng pag-iisip. Ang wika ang pag-iisip ng bayan.” -Jose Rizal, El Filibusterismo
7 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Text
Ukol sa wika
Basilio: Ang pagkakaroon ng kaalaman sa wikang Kastila ay maaaring makapag-isa sa atin sa gobyerno, na siya namang magbubuklod sa buong kapuluan.
Simoun: Malaking pagkakamali! Hinayaan ninyong madala ang inyong mga sarili sa mga matatamis na salita nang hindi pinag-aaralan ang mga bagay-bagay para siyasatin ang mga epektong makukuha ninyo sa ganyan. Ang wikang Kastila ay hindi kailanman magiging pangkaraniwang wika ng bansa. Hindi ito bibigkasin ng mga tao dahil walang katugma sa kanilang iniisip at nadarama ng kanilang puso. Ang bawat bayan ay may sariling wika at damdamin. Ano ang mapakikinabangan niyo sa wikang niyan? Papatayin nito ang pagkamamamayan ninyo sa bansang ito, mapapasailalim ang inyong sariling pag-iisip sa ibang isipan kaya sa halip na kayo’y may kalayaan kayo’y nagiging tunay na alipin. Kayo na nagsasalita ng wikang Kastila ay tuluyan ng makakaligtaan ang sariling wika samantalang ni hindi ninyo nga maisulat at maintindihan ang wikang yan. Pinipilit ninyong hubdan ang inyong mga sarili ng inyong panbansang pagkakilanlan nakalimutan niyo na hangga’t iniingatan ng mga tao ang kanilang wika ay mapananatili ang kanilang kalayaan.
Katulad ng sabi ni Simoun, madalas ay nakakaligtaan natin na tayo’y hindi mga banyaga. Na mayroon tayong sariling wika’t kultura. Kaya nga nakakadismaya na mas tinatangkilik at mas binibigyan nating halaga ang taglay ng iba. Na imbes na ang magpayaman sa ating kultura ay tayo mismo, nakakalungkot na mga Pilipino rin ang pumapatay nito. 
7 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Si Isagani ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal. Siya ay pamangkin ni Padre Florentino at katipan ni Paulita Gomez. Maliban pa rito, si Isagani ay isa sa mga estudyanteng sumuporta sa hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang Kastila ang Pilipinas na taliwas naman sa mga hangarin at paniniwala ni Simoun. 
Nakapagtapos siya sa Ateneo Municipal. Siya ay isang makata at manunugma. Inilalarawan siya bilang malungkutin at tahimik ngunit sa kabila nito, siya ay tipo ng tao na ipaglalaban ang kung anong sa tingin niya’y tama kaya sa halip na sundin ang plano ni Simoun na pasabugin ang pinangyarihan ng kasal ni Paulita at Juanito matapos siyang hiwalayan ng kasintahan, ay itinapon niya ang lamparang magsisilbing pasabog sana sa enggrandeng kasalanan. Si Isagani ang dahil kung bakit ang pag-aalsang pinlano ni Simoun ay hindi nagtagumpay. 
Si Isagani ay labis labis kung magmahal sa kasintahan maging sa kanyang pinakamamahal na bayan. 
14 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Si Kabesang Tales ay anak ni Tandang Selo at ang ama ng magkapatid na Tano at Juli. Napakaraming pagpapahirap at pasakit na pinagdaanan ng kabesa sa kamay ng mga prayle. Siya lamang ay naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga mananakop. Dahil sa paglaban niya sa mga ito sa korte upang makuha ang talaga namang sa kanya ay siya ring naging dahilan ng pagkakakulong nito na nag-udyok sa kanyang anak na si Juli upang manungkulan kay Hermana Penchang para makaipon ng perang ipantutubos sa kanya. 
Nang dahil sa labis na galit na kinimkim niya laban sa mga prayle ay nakita ni Simoun ang hinahanap sa kanyang katauhan ang makakatulong sa kanya upang maipatupad ang kanyang mga plano. Nauwi si Kabesang Tales sa pagiging mamamatay tao na naging daan niya upang siya’y umanib sa mga tulisan.  
Si Kabesang Tales ay larawan ng isang ama at anak na hindi hahayaang tapak-tapakan ng sinuman ang kanyang pamilya’t pagkatao sapagkat sa kabila ng lahat ng ginawa niya, hindi maikakaila na isa siya sa mga iilang naglakas loob na lumaban para sa sariling karapatan. 
9 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Ang Kapitan Heneral ay ang may pinakamataas na posisyon kaya taglay niya ang kapangyarihan sa buong nasasakupan niya. Siya rin ang taong pinagsisilbihan ni Simoun bilang personal na tagapagpayo nito. 
Kung susuriin, ang Kapitan Heneral ay walang sariling kakayahan upang magdesisyon para sa kaniyang sarili kaya niya kailangan ang mga taong katulad ni Simoun upang tulungan siyang mapanatili ang kaniyang posisyon. Nais niyang respetuhin siya ng mga tao sapagkat maging siya’y mataas ang tingin sa kanyang sarili. 
7 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Katulad ng sinabi ni Simoun, nasa kamay natin ang ating sariling kapalaran. Walang sinuman ang may kakayahan na tayo’y manipulahin o kontrolin sapagkat lahat ng tao ay pantay-pantay sa kabila ng pagkakaiba-iba ng posisyon. Lahat tayo ay binigyan ng sariling karapatan ng Lumikha upang magdesisyon para sa ating sarili. Kumbaga ang sinumang hawak sa leeg ng iba ay siyang nagbigay kapangyarihan sa taong ito laban sa kanya. 
6 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Quote
Ang poot walang nililikha kundi mga dambuhala, mga kasamaan, mga salarin. Tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang nakakalikha ng mga bagay na tunay na kahanga-hanga.
Jose Rizal, El Filibusterismo
7 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Si Basilio ay ang anak ni Sisa at ang nakatatandang kapatid ni Crispin sa Noli Me Tangere. Inampon siya ni Kapitan Tiago matapos maghirap nang mamatay ang kanyang ina’t kapatid kaya nakapag-aral siya at nakuha ang kanyang pinapangarap na kursong medisina sa San Juan de Letran.  Si Basilio ay kilala sa kanyang kabutihan sa panggagamot at kahanga-hangang pagpapagaling.
Si Basilio’y kasintahan ni Juli na siyang babaeng ninanais niyang makaisang-dibdib sa oras na siya’y makapagtapos ng pag-aaral. Subalit ang kanyang mga paniniwala’y taliwas sa nais ni Simoun sapagkat isa siya sa mga mag-aaral na isinusulong ang pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila na siyang pilit pinipigilan ng mag-aalahas. Ngunit sa kabila nito, isa siya sa mga taong nakitaan ng potensyal ni Simoun na makakatulong sa kanya upang makamit ang kanyang mga hangarin para sa bayan. Ito’y dahil sa batid ng mag-aalahas na sila’y pawang nakaranas ng mga pasakit at paghihirap.  
14 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Si Juli ang pangunahing babaeng karakter sa El Filibusterismo. Siya ang kasintahan ni Basilio. Naging biktima siya ng mga pangyayari nang ang kanyang ama, si Kabesang Tales, ay may malaking utang sa gobyerno. Hindi siya pinaaral sa Maynila sa halip ay nagpaalipin kay Hermana Penchang upang mabayaran ang utang nila at  matubusan ang kanyang ama na hinuli ng mga tulisan. Mas gustuhin niya pa ang maging katulong kaysa ibenta ang agnos na binigay ni Basilio. Ang agnos na ito ay dating pinag-aarian ni Maria Clara. Ngunit ibinigay ng kanyang ama ang agnos kay Simoun.
Kalauna’y nalaman ni Juli na ang mga mag-aaral ay ikinulong. Nalaman niya rin na napasama si Basilio sa mga ikinulong. Si Hermana Bali, ang kanilang kapit-bahay, ay nagmungkahi kay Juli na magsumamo ng tulong galing kay Padre Camorra. Kahit alam niyang may pagnanasa ang prayle sa kanya, nagpatulong pa rin si Juli sa kanya. Ngunit namatay si Juli dahil tumalon siya sa bintana upang makatakas mula kay Padre Camorra. Nalaman ni Basilio ang kamatayan ng kanyang kasintahan mula kay Sinong. Ang pagkamatay ni Juli ay naging dahilan upang umanib kay Simuon sa paghihiganti.
Si Juli ay ginamit ni Jose Rizal bilang sagisag ng kadalisayan at kamusmusan ng mababang estado na mga babae sa panahon niya. Siya angtipo ng babae na mas gugustuhing magsakripisyo kaysa isuko ang kanyang uliran.
31 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Si Simoun ng El Filibusterismo ay siya ring si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere. Habang naniniwala ang mga tao na si Ibarra’y pumanaw na labintatlong taon na ang nakalilipas, siya’y nagbalik sa katauhan ni Simoun na kilala bilang isang mayaman na mag-aalahas. Siya ay ang personal na tagapagpayo ng Kapitan Heneral kaya’t ang presensya niya’y kinatatakutan ng karamihan. 
Nagbalat-kayo siyang kakampi ng pamahalaan ngunit ang totoo ay isa siyang rebeldeng balak sirain ang pamahalaan ayon sa sarili nitong kasakiman at kasamaan. Bukod pa rito, naniniwala siyang upang magapi ang mga mananakop ay kailangan munang dumanak ng dugo. Tutol rin siya sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila sapagkat ito’y taliwas sa kaniyang mga paniniwala ukol sa pagkamit ng kalayaan ng ating bansa. 
Sa katauhan ni Simoun, binigyang-diin ni Rizal ang paggamit ng kayamanan upang pag-igihin ang katiwalian sa mga naghaharing-uri kasabay ng pagbuyo sa mga naapi upang kasuklaman ang mga nang-aapi
16 notes · View notes
placidoremi-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Si Placido Penitente ay isang magalang, matipid, masunurin at matalinong mag-aaral. Masipag siya sa pag-aaral ngunit noong lumipat siya ng Unibersidad ay ang katalinuhan na’y di nabiyang pansin ng mga guro. Dahil din sa kagalingan niya, naisip siyang tumigil nalang sa pag-aaral. Sa tingin niya’y matatapos niya ang pag-aaral sa pamamagitan ng sariling pag-aaral. Hindi na niya kailangan ang tulong ng mga prayle’t mga guro dahil wala naman siyang natutunan sa kanila.
Mabait na bata si Placido’t magaling sa klase. Madami sa ating mga mag-aaral ngayon ang hindi nabibigyang pansin ng mga guro kaya’t para mapansin ay gagawa ng paraan para mapansin. Mula noon din ay napaginitan siya ng kaniyang guro. Magmula noon, naiba ang landas ng binata’t nasangkot sa mga plano ni Simoun
8 notes · View notes