Tumgik
pranka-blog · 12 years
Text
miss secretary
sorry sa mga secretary, pero halos lahat ng nakatrabaho o nakausap na secretary, kung hindi TANGA, TAMAD o kaya PAREHO!!
ano ba ginagawa ng sekretarya? di na nga pinag-iisipan yun eh. ang gagawin mo lang padaliin ang buhay ng boss mo at ng mga cliente ng boss mo. HINDI PADALIIN ANG BUHAY MO!
tapos magtataka ka bat maliit sahod mo? ano ba ginagawa mo? utusan ka ng boss mo. yun na nga lang gagawin mo eh, di mo na kelangan mag-isip.
kaya lang please, ayusin mo trabaho mo
0 notes
pranka-blog · 13 years
Text
on the stupid comment of a blogger
hey dude, i'm talking about PROMOS/CONTESTS run by bloggers, not freedom of speech. eto problema sa mga katulad mong makitid ang utak, ang panangga parati freedom of speech. ano namang kinalaman ng freedom of speech sa pa-contest ng mga bloggers? dapat i-regulate ang 'freedom of speech' mo para maintindihan mo ang totoong ibig sabihin nun. it's not just about saying whatever you want; it's also about responsibility and accountability. 
dapat hindi pinapayagan mag-blog ang mga tangang kagaya mo. di puro re-blog ng mga kung anong mga litrato ka lang jan. kelangan may saysay, may laman, di lang maka-comment lang.
kaya ikaw tanga, wag masyadong maraming sinasabi, mag-isip ka muna. magiging pasikip ka lang sa world wide web kung katangahan lang naman yang isusulat mo sa blog mong hango lang sa ipinost ng iba.
0 notes
pranka-blog · 13 years
Text
on DTI and bloggers
there should be someone regulating these promos run by bloggers. it doesn't matter if the total cost of prizes does not reach 1M or if it's blogger or client-initiated. as long as it falls under the description of "promo", then you guys should secure a permit.
di naman sa pagkakakitaan ang mga bloggers ng DTI, pero kelangan may malalapitan man lang ang mga sumasali sa contest niyo kung sakaling may kalokohang mangayari. eh ang kalalabasan niyan, yung blogger na nagpa-contest din ang sasagot sa reklamo na parang di naman yata tama. may ugali pa naman ang mga bloggers na isulat na lang basta ang kanila gustong isulat ng di man lang nag-iisip kung tama pa ba. basta lang makapagsulat ng opinyon. tsaka, ano nga namang laban ng isang taong napasali lang sa contest niyo na nais magreklamo sa mga katulad niyo na napakadaming followers. malamang niyan, isang tweet niyo lang eh pagpipiyestahan na yung kawawang naagrabiyado sa contest niyo.
yun lang naman. kelangan niyo lang ng TOTOONG ahensiya na magreregulate sa mga pa-promo/contest niyo. dahil sa totoo lang, napakadaling gumawa ng mechanics, baguhin yun ng walang pasabi, at palabasin na may nanalo. 
tutal naman gusto niyo lumakas traffic ng blog niyo, eh di kumuha kayo ng permit. eto yata yung win-win na tinutukoy natin.
1 note · View note
pranka-blog · 13 years
Text
on another cool job for ze husband-wife relationship
isa pang magandang trabaho, flight attendant. bukod sa malaki kita at kung saan-sann ka makakapunta, madami ka pang 'me' time. isipin mo na lang, ilang lipad muna sa iba't-ibang bansa bago ka umuwi sa asawa mo. mas maganda 'to, mas may appreciation kayo sa isa't-isa.
sabagay, parang flight attendant din ako kasi sa 90% of our time chat lang kami hehe
0 notes
pranka-blog · 13 years
Text
dear 'darling'
hahanapin ba kita o hahayaan ko na lang? mukha namang may pagka-teenage crush lang ito eh. pero baka nagkakamali ako; medyo malibog si lalake eh, so baka hindi lang crush ito.
hindi naman ka-praningan ito. lahat ng hinala ko naging totoo. hindi man ngayon, may patutungungan pa rin ito.
ikaw na ba yung sinasabing susubok? baka ikaw nga. di naman ako lalaban eh, dahil hindi na dapat kailangan. may class kuno ako. isa lang rule ko, kung ayaw, eh di wag. ayoko yung namimilit. ni-try ko yun dati, ang panget. kaya lang may mga matatamaan, hindi lang ako, sana lang may maipasang batas bago man lang maging full blown ito.
yun lang naman. alam ko di mo kasalanan nung una 'to. magiging kasalanan mo lang pag pinatulan mo.
o sha, di man kita hanapin, magkikita at magkikita tayo. o nga pala, online yung tinutukoy kong 'hanap' ha, baka akalain mo pupuntahan kita. kagaya nga ng sinabi ko, may class ako. tignan mo na lang, di ko pinangangalandakan 'tong blog na to. secret blog 'to hehe
0 notes
pranka-blog · 13 years
Quote
walang babaeng malandi kung matino ang lalaki. tandaan mo, nasa pilipinas ka. karaniwang nauunang magpakita ng motibo ang lalake kesa sa babae. kaya pag dumating yung panahong magkakaroon ka ng iba, mabwibwisit ako sa babae, pero mas tatamaan ka sa akin.
0 notes
pranka-blog · 13 years
Quote
kelan kaya (ulit) may magsasabi sa akin na "your body is a wonderland' ? buwahahaha
0 notes
pranka-blog · 13 years
Text
on a know-it-all friend
hindi porket may konting alam ka, eh pwede ka ng maging authority.
inday, mahirap masyadong naggagaling-galingan, baka masoplak ka.
0 notes
pranka-blog · 13 years
Text
on working abroad
di ko alam kung kaya kong pumunta ng ibang bansa para magtrabaho dahil maiiwan ko anak ko. tsaka sa palagay ko, tama naman ang kinikita ko (namin). aanhin ko nga naman yung dagdag na bente/kwarentamil kung ang layo ko na nga, malungkot pa ko. palagay ko naman malaki na kinikita namin. tama na ba ang 100k monthly household income? napagkakasya naman namin, magastos kasi kami. pero maganda shempre kung mas malaki pa. yun nga lang, di namin hahanapin sa pilipinas at hindi abroad.
eto ang computation na nakuha ko: house with 6 people, 2 persons in 1 room
standard na sahod sa singapore: 1800 (maswerte ka na daw nun)
Room Rent, common room (600 / 2 persons) = 300 PUB Share (240 / 6 persons) = 40 cable internet (80 / 6 persons) = 13 food and groceries, home cooking (30 x 4weeks) = 120 transport (5 x 20 days, workdays only) = 100 entertainment/leisure (100 a month) = 100 dine outs, shopping etc = 200 phone bills prepaid = 50
---- total average monthly expense = 923 dollars. ** expenses may change depending on your lifestyle.
so, kung may 1800 ako, sabihin na natin na 1000 yung monthly expenses ko, di bale meron akong 800 pa multiply by 32 equals 25k++
anakngtokwa, pasensya na pero di bale na lang. partida tipid pa ako niyan, tapos may ka-room mate pa.
pero shempre, ayoko magsalita ng tapos. ang sa akin lang, mahirap malayo sa pamilya, kung single ka, mas madali siguro.
ang hirap ng sakripisyo niyo, saludo ko pero teka, baka maling pag-we-weigh lang ng mga bagay-bagay. baka kaya naman dito sa pilipinas, konting tiyaga lang.
0 notes
pranka-blog · 13 years
Text
on retirement
heard from a former colleague that she's retiring. though she's just in her early 30s, she 's been with the company for more than 10 years now. anyway, she said that she's one of the people who are being forced into retirement. apparently, the company can no longer sustain the number of employees after they lost their biggest client.
i left before any of this happened. it's just sad because i would have stayed in that company if not for some personal matters.
oh well, at least mababayaran sila, kahit yung mga na-layoff.
2 notes · View notes
pranka-blog · 13 years
Text
on beautiful, but 'unpalatable' cakes
ang galing nitong cake supplier na 'to, CuppyPuppy Bakeshop, na ni-recommend ng kaibigan ko. magaling nga talaga, ang ganda sobra ng cake. kuhang-kuha niya mga mukha ng characters. kala mo si Cake Boss ng TLC gumawa.
kaso hindi masarap cake niya. hindi moist, matabang, parang cake lang sa bakery sa labas ng village namin. mas masarap pa nga yung cake-cake-kan dun eh.
tapos ang mahal pa! i would have told her about it, but husband told me not to. di na lang daw kami oorder ulit sa kanya at di daw namin siya ir-rerecommend sa iba.
ok. fair enough.
0 notes
pranka-blog · 13 years
Text
oo alam ko sabi ko busy ako, pero baket puro bagong entry ako.
kasi naman teh, ikaw lang nakakausap ko dahil nga subsob ako sa trabaho.
teka nga, makapag-yosi ulit. mamantikain na naman ako pagbalik ko dito dahil sa 'king inang init.
0 notes
pranka-blog · 13 years
Text
on getting old
tumatanda na ko. nagiging baduy na ko kasama, pati sa asawa ko haha.
medyo wala na kami mapagkwentuhan, lalo na't ang baduy ng buhay ko ngayon. eto na yata yung tinatawag nilang 'companionship' dapat eh.
buti pa siya may crush ngayon, ako wala. choosy ako masyado at dahil busy ako sobra, wala kong nakikitang iba. tsaka parang hindi na yata bagay sa akin magka-crush kasi may asawa na ko.
potek! ang tanda ko na nga. naiisip ko na yung mga ganon.
0 notes
pranka-blog · 13 years
Text
on being fat (for now)
times two ang init.
ang hirap mamili ng damit.
mas masikip sayo ang public transpo.
mas may chances na ma-jabar ka.
mas hingalin ka lalo na't kakayosi mo lang.
0 notes
pranka-blog · 13 years
Quote
I think divorce should be available to people who become homicidal at the sight of each other. That's so much better than making each other miserable for the rest of their lives and impacting the lives of their children as well.
Senator Miriam Defensor-Santiago, Philippines
0 notes
pranka-blog · 13 years
Text
on underground music
tigilan ang pag-flood ng mga 'pls like our facebook page'.
kung gusto kayong i-follow hahanapin kayo.
konting hiya kunyari, para magka-record deal.
0 notes
pranka-blog · 13 years
Text
on innocent crush or insightful lust
ang pinagkaiba daw:
CRUSH
"ang bait naman niya, tinulungan niya kong i-plug yung laptop ko "
o kaya, "shet crush ko siya, binigyan niya ko ng yosi kanina"
LUST
"taena ang hot niya, sarap hawakan ng boobs"
o kaya, "ang hot, gusto ko siyang...."
what's the difference?
pareho lang sila. lahat ng naging crush ko, ginusto kong hawakan boobs ko wahahaha (lalo na yung dating offficemate)
0 notes