preciousryn
preciousryn
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
preciousryn · 8 months ago
Text
"Mac & Cheese: Paboritong Labanan ng Lahat"
Tumblr media
Putahing kadalasan mo lang makikita sa handaan, pero pag nasa mesa tiyak ubos iyan. Sa bawat kutsarang kainan, tiyak na magiging paborito ito ng lahat.
Ang Tuna Mac & Cheese ay isa sa paborito kong pagkain. Ang pagkain na ito ay pinagsamang creamy, cheesy goodness ng pasta at tuna. Sa bawat kagat, madadama mo ang tamang balanse ng lasa at texture na siguradong magugustuhan mo lalo na kung mahilig ka sa cream. Bukod sa ito ay masustansya, ito rin ay hindi mabigat sa bulsa at madaling lutuin na maaari mong ihanda kahit sa mga abalang araw. Kaya mula bata pa ako hanggang ngayon paborito ko parin ito.
Narito ang mga sangkap nito:
• Century Tuna
• Macaroni pasta
• Evap or All purpose cream
• keso
• cheese powder
• bawang at sibuyas
• Cornstach
• butter
Paraan sa pagluluto:
• Sa isang kaserola magpakulo ng tubig, lagyan ng mantika at asin.
• Kapag kumukulo na ilagay ang pasta
• Kapag luto na ang pasta, hanguin ito
• Sa isang kaserola, maglagay ng butter tas gisahin ang bawang at sibuyas, pagkatapos ilagay ang tuna.
• Ilagay ang gatas, keso, asin, paminta, paprika at cheese powder at hintayin hanggang kumulo ito.
• pagkumolo na mag lagay ng Cornstach na tinunaw at haluin ito.
• Pagmalapot na ilagay ang pasta at haluing mabuti.
• Ilagay sa lalagyan at ihanda na ito.
P. S : Para sa kaalaman ng lahat, ang Mac & cheese at Bake mac ay hindi magkatulad sa paraan ng pagluluto pero parehas ang sangkap. Ang bake mac ay niluto sa oven habang ang mac & cheese ay niluto sa kawali.
1 note · View note