Tumgik
Text
Distansya
Malayo man tayo sa isa’t isa hindi hadlang ang ilang kilometrong pagitan natin para ako’y sumuko sa ating pagmamahalan. 
Bawat oras mahalaga, kahit maliliit na bagay mahalaga. yan ang natutunan ko habang minamahal kita. 
Ilang beses kong inisip na sumuko dahil ang hirap.... Ang hirap ng sitwasyon nating dalawa. Bawat oras, araw hinihiling kong hawak ko ang iyong mga kamay, Bawat oras hinihiling ko na sana ikaw ay makatabi, makasabay sa aking paglalakad kahit sandali man lang.
Mahal, Babe... Hindi ito tula pero gusto kong sabihin sayo ang nararamdaman ko ngayon. Maraming salamat at tinaggap mo ako kahit ilang kilometro ang ating pagitan sa isat isa. Salamat dahil nagtiis ka kahit sobrang hirap ng ating sitwasyon. Babe salamat. Mahal na Mahal kita at Maligayang kaarawan sa iyo.
0 notes
Text
Magulo
May mga bagay na dapat pagisipan munang mabuti dahil baka pagsisihan din natin sa huli kung padalos dalos ang desisyon natin. Ngunit may mga taong dadating sa buhay natin na magpapagulo sa ating pagdedesisyon kaya minsan nakakapag desisyon tayo ng biglaan dahil sa opinyon ng iba. 
0 notes