psychowwws-blog
psychowwws-blog
Psycho
5 posts
♣️
Don't wanna be here? Send us removal request.
psychowwws-blog · 6 years ago
Text
Noon, Ngayon, at Bukas
Napakagandang mabuhay sa henerasyon noon. Kung saan ang mga babae ay tinatawag na binibini. At ang mga kalalakihan naman ay gino-o. Ang pinakagusto ko noon ay kung paano ipinapahayag ng mga kalalakihan ang kanilang pagmamahal sa kanilang iniirog sa pamamagitan ng harana dahil dito ay damang dama ang pagmamahal para sa bawat isa.
Tumblr media
Sa panahon ngayon ay umiiral na ang social media kung saan halos ito na ang ginagawang libangan ng bawat isa. Ngunit nalilimutan na nila ang mga bagay na mas mahalaga kagaya ng pagmamahal at pakikipagkapwa. Pati yung pamumuhay noon ay biglang nagbago na, konti nalang ang marunong rumespeto sa bawat isa, at marami na din ang mapanghusga sa kapwa.
Tumblr media
Siguro kung may gusto akong baguhin para sa darating na bukas ay pipiliin kong maibalik ang pamumuhay noon, dahil mas nakikita ko kung paano sila namuhay ng simple at masaya. Lahat ay nagpapakita ng pakikipagkapwa at pagmamahal na walang kapalit. Pero hindi ko naman sinasabing hindi maganda ang henerasyon ngayon dahil dito ay may mga makabagong kaalaman din tayong natutunan na nagpa-unlad sa ating mundo.
Ang buhay ay di permanente at alam nating lahat ay magbabago ngunit huwag nating kalimutan kung paano nagsimula ang lahat ng ito.
Tumblr media
1 note · View note
psychowwws-blog · 6 years ago
Text
Barangay ko, tulong ko
Ang barangay ay kilala din sa dating pangalan nito na baryo, ito ay ang pinakamaliit na pamahalaang lokal na yunit sa Pilipinas. Ang ating barangay ay isang lugar kung saan nahuhubog din ang ating pagkatao. Marami ang nangyayari sa ating barangay, isa dun ang mga problema sa kapaligiran, at sa mga sama sama ng tao.
Mayroon ng kasabihan na sa loob mismo ng ating tahanan magmumula ang inaasam na pag unlad. Tayong lahat bilang isang miyembro ng pamilya sa loob ng isang barangay ay may roong maiaambag para sa kaunlaran. Marami ang problemang pwedeng humarang sa kaunlaran at isa na dun ang problema sa kapaligiran. Ang hindi maayos na pagtapon ng mga basura sa tamang basurahan ay nagdudulot ng sakit sa mga tao, dahil sa mga kumakalat na basura ay nagiging madumi ang ating paligid. Isa pa sa mga problemang kinahaharap ng ating barangay ang hindi pag kakaisa at minsa'y pag aaway ng mga tao dahil sa mga di napagkakasunduang bagay na nagiging dahilan ng di mapayapang lugar.
Ako ay isang parte ng kabataan at alam kung meron akong maiaambag, masasabi man itong limitado ngunit alam ko sa puso't isipan ko na ito ay magdudulot ng maganda at pang matagalang resulta para sa kabutihang panlahat. Ako ay lalahok sa mga programa at proyekto ng ating pamayanan at susunod sa mga batas. Bilang isang kabataan makakatulong ako para mapanatili ang kalinisan, dapat ay malaman ng lahat ang maayos na pagtapon ng mga basura. Maganda ding magpatupad ng programa na Reduce, Reuse and Recycle at programa para sa pagtatanim ng mga puno para makatulong sa ating kalikasan at maiwasan ang mga kalamidad. Bilang isang kabataan gusto ko ding naipatupad sa isang barangay ang tulong kagaya ng Moral Recovery Program para mamulat ang mga mamamayan sa realidad at paniniwala sa Diyos at para maisa puso at maisa isip nila ang mga tamang gawain para magkaroon ng pagkakaisa, pagmamahal, at kapayapaan ang isang lugar. Tanging pagmamahal nmsa Diyos ang magpapabago sa mga maling gawain ng tao. Tayo dapat ay magkaisa at magmahalan lamang para sa ikauunlad ng ating barangay at pati na din ng bayan.
Tumblr media
0 notes
psychowwws-blog · 6 years ago
Text
Nakalimutan kong kalimutan ka
Unang araw palang noong ika'y nasilayan, ako'y nabighani sa taglay mong kagandahan. Nais ko sanang iyong malaman na sa bawat sandaling ika'y nakikita ako'y nananabik na magpakilala.
Nakita kitang nakaupo sa puno ng acacia, nagbabasa ng librong tila romatiko ang tema. At naisipan kung lumapit kung saan ka nakatungo, ako'y nais magpakilala binibining iniirog. Dahan dahan akong lumakad kung saan ka nakaupo, sambit ang mga salitang magandang hapon saiyo. Ika'y napatigil sa iyong librong binabasa at tayo'y biglang nagkatinginan na tila ba isang eksena sa romantikong teleseryeng aking nakikita. "Magandang Hapon binibini, nais ko sanang magpakilala". At ako'y nagalak sa ganda ng tingin mo saakin, mas lalo akong nabighani sa ngiting mas kasamang ningning. Simula noong araw na iyon ay tayo'y nagsama, at ginawa ko ang lahat ng bagay para ika'y sumaya. Labis ang pagod bago kita makita, ako'y nag iipon para lamang makasama ka. Ginagawa ang lahat para lamang maibigay saiyo ang mga bagay na gusto mo. Ako'y naghanap ng trabaho kasabay ang pag aaral ko. Nag aral ng mabuti para sa ating kinabukasan. Sana ay napapansin mo?. Peto lahat ng iyan ay ok lang saakin basta't makita kang masaya ay kompleto na ang araw ko.
Dumaan ang mga araw, buwan, at taon. Tayo parin ang magkasama. At ganun pa din ang aking sistema. Sinasabay ang pag-aaral at pag tratrabaho para lamang masilayan ka. Ngunit ako ay nagtataka kung bakit parang biglang nagbago ka. Minsan ka nalang masaya, ano bang problema o aking sinta?. Sambit mo lamang ay aalis ka muna at may pupuntahan lang. Lumipas ang isang linggo na wala kang paramdam kaya naisipan kong kunin ang perang aking itinitipin para ako'y maka-tungo sa iyong tahanan. Labis ang pag aalala ko dahil baka ika'y may pinagdadaanan.
Noong malapit na ako sa iyong kinatutunguhan dala dala ang mga regalo na aking pinaghirapan, ang tanging aking nasilayan ay ikaw at siyang naghahalikan. Parang gumuho ang mundo ko sa araw na iyon, biglang tumulo ang luha sa aking mukhang nakangiti sana dahil masisilayan ka, ngunit kabaliktaran lang pala.
Tumblr media
0 notes
psychowwws-blog · 6 years ago
Text
Mga ayaw ko
Hindi sa lahat ng oras ay magugustuhan natin ang mga bagay bagay sa mundo. Tayo ay iba iba. Ang ibang gusto ko ay ayaw ng iba. Ang ayaw ko naman ay minsan gusto ng iba. Siguro ganyan naman talaga. Gusto ko sanang ibahagi sainyo ang nga ayaw ko, at siguro ang iba ay makakarelate din dito.
Ayaw ko ng mga problema. Siguro lahat naman tayo diba? Pero natural na yan sa buhay natin. Ang kailangan lang natin ay maging matatag at laging manalangin. Ayaw ko din ng mga makakalat na bagay kase nakakagulo ng aking isipan. Gusto kong maayos ang mga kasangkapan kase para maging malinis ang kapaligiran. Ayaw ko ng mga bagay na nakakasira ng relasyon kagaya na lamang ng nangyari sa pamilya ko, sa totoo po ay hindi kami buo, kaya sa magiging pamilya ko ay nangangako akong pa-pangalagaan ko ang mga ito. Ayaw kong maging malungkot. Alam ko lahat naman tayo diba?pero di parin natin maiiwasan ito Ang pagiging malungkot ay di maganda kaya gusto ko lamang ay maging masaya para saakin at para na din sa iba. Pero ang ayaw ko ay mawala siya, yung taong saaki'y nagdulot ng saya, yung taong kahit kailan ay di ako iniwan sa mga problema, yung taong laging andiyan kapag ako'y nawawalan ng sigla. Kaya nais kong maiparamdam sakaniya na sa lahat ng bagay ay susupportahan at ipaparamdam palagi na siya ay mahalaga. At ayaw ko ding mawalan ng pananalig sa Diyos dahil siya ang nagbibigay ng tunay na ligaya, at pagsasakripisyo para tayo'y maligtas sa mga kasalanang nagawa.
Lahat tayo ay may mga ayaw mangyari sa buhay nating ito, pero ating paka-tatandaan na lahat ng bagay ay may rason. Basta tayo lamang ay huwag mawalan ng inspirasyon, huwag susuko at maging matapang sa pagharap at pag abot ng ating nais maisakatuparan. Yan lamang at maraming salamat po.
Tumblr media
0 notes
psychowwws-blog · 6 years ago
Text
Sino nga ba ako?
Sino nga ba ako?. Isang tanong na nais maisagot ng napakaraming tao sa sarili. Sa tuwing napapatingin ako sa salamin yan ang tanong na paulit-ulit na bumabagabag sa aking isipan. Sino nga ba ako?
Ako si Franklin Bryan Sunga at sabi nila mabait raw ako. Oo handa akong tumulong sa mga taong mahalaga saakin dahil gusto kong malampasan nila ang problema. At simple lang ang buhay ko. Maganda ang mamuhay ng simple, ngunit hinahangad ko ding mabuo ang pamilya ko. Pero masaya naman ako dahil may mga taong handang sumuporta at mahalin ako, at kasama na din dun ang taong mahal ko.
Sino nga ba ako? Ako ay magaling sa subject na matematika, mahilig din akong lumaro ng mobile games, basketball at tumugtog ng piano. Simula nung bata pa ako ay tumutugtog na ako, dahil magandang makinig at sabayan ang liriko ng mga awit.
Sino nga ba ako? Ako ay determinadong abutin ang mga pangarap ko, nais kong mai-tungtong ang mga paa ko sa entabladong sumisimbolo na sa kabila ng mga hirap at pagod ay kinaya ko, dahil gusto kong mai-sukli ang paghihirap at sakripisyo ng mga taong sumaksi sa pag abot ng mga pangarap ko.
Sino nga ba ako? Ako ay isang taong kagaya mo, na unti-unting inaabot ang pangarap. Binigyan ng Diyos ng buhay at iba't ibang katangian. At dahil ako ay ako -di ko na kailangan pang itanong kung "sino nga ba ako?" . Dahil ngayon ay nasagot na ito.
ni Franklin Bryan Sunga
Tumblr media
9 notes · View notes