Tumgik
purshu · 2 years
Text
Ayoko naman isipin na ako yon, kasi malamang, may iba kang nakakausap pag may problema ka. May iba kang napaglalabasan ng sama ng loob mo, hindi rin ako ang nakakapagpakalma sayo.
Pero sana, ako nalang 'yon
7 notes · View notes
purshu · 2 years
Text
Gusto ko na sa bawat pag-iyak mo, kasama mo ko.
0 notes
purshu · 2 years
Text
Sarilinin nalang natin. Wala rin naman makikinig 😊
0 notes
purshu · 2 years
Text
Baka pwedeng ako naman 🥹
0 notes
purshu · 2 years
Text
Ikaw ang unan sa bawat gabing puno ng lumbay, mahal, salamat
0 notes
purshu · 2 years
Text
NOT A LOVE STORY
CHAPTER 2
Summer vacation noon, halos kakatapos lang ng moving up ceremony ko. Ininvite ako ng classmate ko sa church nila. Dahil sa sobrang kabored-an ko, sumama ko, gala lang kumbaga.
Pero, akalain nyo? Usher pala sya sa church nayon!!!? And isa sya yung nagwelcome sa amin HAHAHAHAH. Pero di na ko magsisinungaling, nung umpisa, SIYA TALAGA ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO PALAGI UMAATTEND SA CHURCH NA'YON🤭😂
And noong first week of June 2017, nagkaroon ng Campus Revolution na event ang church, 3 days yon and kahit almost 1 month palang ako sa church, umattend na ko HAHHAHA, and yes! Kasama sya don 🤭😂 di ko naman expected na kasama sya, basta sumama ko, pero yun nga, HAHAHAHHA nandon din sya at doon ko sya mas nakilala, kasi dahil same kami ng campus, naging magkateam kami.
At doon na nagstart lahat ng kilig ko HAHAHAHA. Naging facebook friend kami, naging magkaibigan din kami sa totoong buhay. Year 2018 mas naging magclose pa kami, classmate nya kasi yung kabarangay ko and madalas sya nandito kaya napadalas din na magkasama kami. Lagi ko sya hinahatid sa kanila kahit gabi na, kasi malayo bahay nila dito, dalawang barangay pagitan. At doon ko nalaman na may boyfriend pala sya. Wala lang naman din sakin, sikretong humahanga lang naman ako sa kanya, sino ba naman ako diba? Haha. Pero nagbreak sila non, yung lalaki yung umayaw.
Ramdam ko na sobrang lungkot nya, I know, masakit talaga na iwan ka ng taong mahal mo, o MAHAL NA MAHAL MO. Saakin din sya noon naglabas ng mga heart aches nya. Habang tumatagal, lalo akong naiinlove sa kanya. Yes, siguro hindi lang paghanga, MAHAL KO NA SYA.
After nila magkahiwalay nung boyfriend nya, pumunta sya sa ibang probinsya, nagtrabaho muna sya, gusto raw nya makalimot. Pero hindi natapos ang communication namin, kahit naroon sya sa malayo, palagi parin kami magkausap. Sobrang close namin, at sobrang naattach ako sa kanya.
Nakailang ulit akong subok, at magpaalam na ligawan sya, pero ayaw nya. Alam ko na mahal pa nya yung ex nya. Umaasa parin sya na pag nakatapos sila sa pag-aaral, babalikan sya.
Lately, nag open ulit ako sa kanya, ang sabi ko, gusto ko syang ligawan, i-try ko lang, bigyan nya ko ng chance na patunayan ang sarili ko. Pero ayaw nya talaga, maybe because hinihintay parin talaga nya yung ex nya, at ang magiging paraan lang para makamove on sya, kapag may naging iba na yung ex nya.
Pareho lang kami, pareho kaming umaasa sa taong ayaw samin.
Ang sabi pa nya, kung ang pagblock sakin sa facebook ang susi para makamove-on ako sa kanya, gagawin nya. Pero pinigilan ko sya. Sabi ko, hindi ko na itutuloy ang panliligaw sa kanya, hindi ko na rin ioopen yung ganoong topic.
NAREALIZE KO, MASAKIT ANG MABUSTED NG TAONG GUSTO KO, PERO MAS MASAKIT KUNG MAWALAN AKO NG KAIBIGAN.
Until today, nagkakausap kami, salamat talaga kay #BBM sya yung palagi namin topic, about politics HAHAHHAA.
Yes, I love her. Super. Pero siguro, mamahalin ko nalang sya ng palihim. Malay natin, pagdating ng panahon, sa pananalangin sa Diyos, Ibigay nga siya sakin.
The end.
1 note · View note
purshu · 2 years
Text
NOT A LOVESTORY.
CHAPTER 1
Noong junior high school ako, may nakikita ako isang babae sa campus namin, di sya gaano kagandahan pero sobrang cute nya. Ahead sya ng 1 year sakin, grade 10 ako, grade 11 sya.
Napakacute nya! Nangingiti ako palagi pag nakakasalubong ko sya, parati ko kasi sya nakikita pag bumibili sya sa canteen na medyo malapit sa room ko recess nila, uwian naman namin.
But to make the long story short, humahanga ako sa isang babae na hindi ko alam kung ano pangalan, kung taga saan, wala akong lakas ng loob magtanong. Napakamahiyain ko kasi noong junior high ako.
Pero after so many months, narinig ko na may pinag uusapan yung mga kaklase ko na lalaki, umattend daw sila sa cellgroup sa school namin, at nandoon daw si Ms. K (siya yung bida sa kwentong ito). Nung una, wala naman ako pakialam, dahil nga hindi ko naman alam kung ano pangalan nung babaeng palagi kong nakakasalubong sa canteen pero, nagulat ako nung isang hapon, habang pauwi kami ng kaklase ko, nakasalubong ko ulit sya, at napasabi ako ng "ANG CUTE TALAGA NYA🤭" napatanong tuloy yung classmate ko kung sino raw, sabi ko "SIYA, YUNG NADAANAN NATIN". Sumagot sya na "Ahhh, sya ba? Oo ang Cute nga ni K." Napasagot ako na "Ahhh, K pala pangalan nya".
Akala ko, doon na matatapos, mananatiling ako lang ang makakakilala sa kanya, kumbaga, secret admirer nya HAHAHAHA.
0 notes
purshu · 2 years
Text
Kung babalik ako sa nakaraan, gusto ko bumalik sa oras ng high school palang ako, tayo, yung di mo pa nararanasan na masaktan at iwanan ng mga lalaking nanakit sayo. Ako na yung mauunang pumorma sayo, para di mo na naranasan yung sakit na ginawa nila sayo. At higit sa lahat, baka ako na yung mahal mo.
#JustThoughts
0 notes
purshu · 2 years
Text
Okie,, last na yun 😊
0 notes
purshu · 2 years
Text
Alam ko, ito din naman ang gusto mo, mawala yung ibang nararamdaman ko para sayo, gusto mo na maging magkaibigan lang tayo. Mas goods nga kamo yun diba? Pero I will trust in God. Si Lord na bahalang sumulat ng sariling kwento ng pag-ibig ko, pag-ibig naten,
Ikaw parin ang ipagdarasal ko. Pero kung hindi talaga ikaw ang nais ng Diyos para sakin, malugod kong tatanggapin. I love you, ingat ka palagi K❤️
0 notes
purshu · 2 years
Text
Sana, kayanin ko. Mahal kita, sobra, pero mahal ko din ang sarili ko. Ayokong maubos, ayokong magising nalang ako isang araw, wasak na wasak na pala ko
0 notes
purshu · 2 years
Text
Bakit ang dali lang tayo kalimutan ng tao?
Bakit parang wala lang tayo sa kanila?
0 notes
purshu · 2 years
Text
Kahit paulit-ulit kang nasasaktan, masakit parin
0 notes
purshu · 2 years
Text
Ang hirap ng ganito, na kahit gustuhin mong matuto, wala kang resources
0 notes
purshu · 2 years
Text
Lord. Bakit ang sakit?
0 notes
purshu · 2 years
Text
Bakit naman hanggang sa panaginip, magkachat tayooo 😭😭
0 notes
purshu · 2 years
Text
Ano kaba?
0 notes