Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Thank You For Not Choosing To Stay


That night, when I asked you to leave, at the back of my head, I said, “Please, don’t let me go.”
And the world agreed with what my heart wanted, and it shouted your name.
But still, you left.
I had to agree and surrender.
Thank you for not choosing to stay. Cause I know, if you didn’t leave, I’ll never let you go.
Thank you for not choosing to stay. It became easier for me to accept everything.
When everything seemed right and normal even when at the beginning, it was already wrong.
Thank you for not choosing to stay. You made the right choice.
Finally, we chose something right for us.
No regrets after all, for God has shown me that everything happens for a reason
0 notes
Text
BETTER LEFT UNSAID
MAHAL MO PERO HINDI NA PARA SAYO…
Mahal mo pero hindi nya na dapat malaman pa. Kasi alam mong wala na sya. Na baka lalo lang sya lumayo hanggang sa hindi mo na sya makita.
Mga salitang hindi mo na dapat sabihin pa, mga bagay na hindi na nya dapat malaman pa. Kasi alam mo na nakapagdesisyon na sya, at hinding hindi na un magbabago pa. Kaya kailngan mo nalang tanggapin na hindi na kayo para sa isa’t isa.
Na kahit anong pilit at gusto mo sabihin sakanya na miss na miss mo na sya. Ipaalala sakanya yung mga masasaya nyong ala-ala . Yung mga bagay na madalas nyong ginagawa ng magkasama, Na kayong dalawa lang sa lungkot at ligaya. Sya At Ikaw.
Pero ngayon SYA nalang at IKAW ngayon ay mag-isa. Kahit gaano mo gustong sambitin sakanya na “Bumalik ka na, na sana akin ka.Gusto mo magkwento sakanya ng kahit na anong masaya para lang makausap mo sya. Puntahan kung nasan man sya para maging okay ka at pagkatapos non aalis kana dahil nasilayan mo na yung taong isa nalang parte ng iyong ala-ala.
Certain things must left unsaid. Kasi nga hindi naman na mababago nun ang lahat kapag nalaman nya na baka sa huli magmukha ka lang tanga. Na baka kapag ipinilit mo pang sabihin sakanya mas maging kawawa ka lang sa eksena.
Pero alam mo darating din ang araw na kahit na ano ung kagustuhan mo mangyare ngayon , mas maiintindihan mo na may dahilan din ang lahat kung bakit binigay sayo ni Lord yung sitwasyon na meron ka ngayon. Na darating din ang araw na magiging baliktad na yung sitwasyon. At makakalimutan mo din ang lahat ng sakit. Makakalimutan mo rin yung mga bagay na masakit, makakapagpaalala sayo kung gaano kasakit. Kung gaano ka wasak na wasak. At unti unti rin mag hihilom, dahan dahan , hanggang sa makabangon ka ulit. Matitira nalang yung ala-ala. Ngingiti ka kung saan kayo naging masaya , ngingiti ka dahil wala ka na sa mapait na alaala.

I’LL ALWAYS FORGIVE BUT I’LL NEVER FORGET. Mga katagang paulit ulit kong sinasambit. Hindi ko man makalimutan yung sakit sa paglipas ng panahon ngunit kailngan ko parin magpatawad.
You can start all over again, even if its not the easiest thing to do. Cheer up. Look forward. They are not only the people, na magtuturo sayo kung paano magmahal at mahalin ulit. At isang araw pag gising mo mararamdaman mo na , hindi na ikaw ang naghihinayang dahil nawala siya.
Wala mang permanente sa mundo pero ang katagang IKAW AT AKO ay hindi na muling magiging TAYO.
0 notes
Text
Bakit Ba May Mga Taong Pa-Fall?
Siguro nahulog na ang loob mo sa isang tao na hindi ka sinalo. Sa madaling salita, hindi niya nabalik sa’yo yung feelings mo. Kaya ang ending, nasaktan ka at natakot nang ma-fall uli sa maling tao. You were broken-hearted at ikaw lang ang nakakaalam. Wala kang mapagsabihan. Hindi mo makuwento sa iba kasi nakakahiyang sabihin na sinaktan ka ng isang tao pero hindi naman naging kayo. So, you kept it all to yourself and wondered, “Bakit nga ba may mga taong pa-fall?” Sa una magpapakilig, sa una magpapasaya, sa una palaging andyan. But in the end, mawawala rin na parang bula. Pinakilig ka pero di ka inibig. Masakit? Oo naman. Kasi todo asa ka na may feelings siya para sa’yo, pero ang totoo isa ka lang sa mga other girls or boys na kinakausap niya ng ganyan. Yung feeling mo na special ka sa kaniya, pero isa ka lang pala sa mga special people niya.
So, paano ba natin masasabi kung pa-fall nga ba talaga ang isang tao? You could check out in some of these points kung nabiktima ka na ba ng pa-fall.
1. Bored lang siya.
Yes, bored siya at gusto niya lang ng kausap. Yung magpaparamdam lang siya kapag wala siyang magawa or hindi siya busy. Yung kasing dalang ng full moon yung pagsulpot niya sa buhay mo. Yung namimiss mo siya pero siya wala naman talaga siyang pakealam kung ano nang mga ganap sa buhay mo. At madalas, magkukwento lang siya kapag trip niya. Pero hindi talaga siya interesado sa’yo. Pero dahil sa nagpapakita siya ng atensyon, ayan galante ka rin sa pagbibigay ng oras sa kaniya kaya ang ending, ikaw ang na-fall. Ikaw ang talo. So kapag feeling mo pampalipas oras ka lang niya, confirmed. Isa siyang pa-fall.
2. The “react only” replies.
Yung mga reply niya sa’yo super ikli lang. Yung todo kuwento ka na pero nagrereact lang siya sa lahat ng sinasabi mo. Wala man lang follow-up question para mas makilala ka niya at alamin kung ano ang mga hilig mo. Yung puro “HAHAHAHA” na lang ang kaya niyang i-reply kasi wala eh. Hindi talaga siya interesado. Yung inisip mo na lahat ng pwedeng topic pero that person is still not engaging that much sa mga usapan niyo. Nakakaasar kaya yung ganyan! Kaya huwag mo na siyang i-message, please lang.
3. Nililito ka niya sa nararamdaman niya.
Puro lang siya paramdam pero walang clarity sa lahat ng actions niya sa’yo. Yung napapaisip ka na, “May gusto kaya siya sa’kin?” Pero wala naman siyang sinasabi or hindi naman siya consistent. In short, magulo siya. Kaya kung ngayon pa lang magulo na siya, huwag mo nang hintayin na guluhin din niya ang buhay mo. If that person is confused, then let that person go. Hayaan mo muna na maging malinaw sa kaniya lahat bago mo siya papasukin sa buhay mo. If ever hen has the guts to be sure of what he feels. Major turn-off ito lalo na sa girls kapag magulo ang isang guy.
4. User siya.
Magpaparamdam kapag kailangan. Yung ginagawa kang google kapag may kailangan siyang sagot. Hinihingan ka ng advice, opinions, free food, data, whatever. Basta andiyan siya for his own benefit. And ikaw naman kilig na kilig kapag nagparamdam nanaman, without knowing na hindi ikaw ang kailangan niya, kundi kailangan niya kung ano ang meron ka. Be wise enough to resist ang kilig. Now you know.
5. Allergic siya sa commitment.
Kapag takot ang isang taong mag-commit sa’yo at magsabi ng feelings niya, ibig sabihin hindi lang ikaw ang kinakausap niya. Marami kayong gusto niya. Isa ka lang sa options niya at kapag hindi nagwork-out sa iba, ikaw ang fallback niya. Ouch. Sad but true. You are just one of the many options. Hindi ka niya priority. So magisip-isip ka na kung bakit walang label kung ano man ang meron kayo. Kasi nga reserba ka lang pala in case wala na siyang ibang mapuntahan. If that person can’t commit, then that person doesn’t deserve a place in your heart.
Those were just some of the many signs na pa-fall nga ang isang tao. That is why it is really important for us to guard our heart. Hindi lahat ng nagpapakita ng motibo ay seryoso. Kaya be careful who you make time for. Be careful on your investments sa isang tao. Kasi when a person’s true intentions are revealed, it could make or break you. Kaya ingat na lang tayo
0 notes
Text
Paano mag move bhelove
Maraming nag tatanong sakin, “Anong gagawin ko?”, “Pano makalimot?”, “Makakapagmove on pa kaya ko?” Haayys. Pano nga ba?
In to days reality, many of us are getting and involving to relationship without any idea or plans before going to this kind of closure. Maraming nadala lang just because of “BUGSO” ng damdamin, love at first sight, infatuation and idolizing. Then, after a short period of closure, magsasawa at maghihiwalay. Tapos ngayon, ang problema, hindi maka move on. Madaling magkagusto, matagal maka limot. Haays
Hmm. Fortunately, it’s impossible to move on. Yes. Lalo na kapag AYAW mo tlga? mahirap nga.Dalawa lang naman ang choices ng tao. It’s either, they don’t want to move on or they don’t know how to move on.Aminin man natin, madami tayong pasakalye kung paano tayo mag momove on kunwari. 🙂
I have listed here some steps in moving on it’s totally upto you if you want this idea or not. (well, hindi naman ako ang broken hearted) 🤭mga Hugot ko lng ang broken😂
Isa isahin natin ha
Ganito lng mag Move on si bhelove
-Una. Accept it
Before you can move on, you need to accept the reality of your situation.You broke up, it’s over. Let reality sink in – even if it takes a while.Don’t allow yourself to harbor secret fantasies of getting back together or how he’s going to come crawling back to you.Respect that this chapter of your life has closed and tell yourself that you’re going to have to get over it and move on.
-Pangalawa. Distance yourself
Maybe one day the two of you can be friends again, but now is not the time.Your heart is still freshly wounded and seeing him or contacting him will only make things worse.
-Pangatlo. Stop talking about him
In the beginning, you’ll probably need to get everything off your chest with your closest girlfriends and other people you’re close to.Bottling up emotions is not conducive to the moving on process and can be very unhealthy.
Your emotions are real and valid; talking about the break up can be good for you, initially.
Once you’ve “let it all out,” you need to stop talking about the situation.
Not only will you start sounding like a broken record to your friends if you constantly talk about him, you will also keep him fresh in your mind and continue to dwell on the relationship-that-was.
Make an effort to talk about something else – or, better yet, let your friends talk instead.
somewhere, or take a class.Keep yourself busy, but be careful that you don’t overload on activities just to distract yourself from your ex.Do something to boost your self-esteem, which has likely taken a bit of a beating since the break break-up.Get a new haircut or hairstyle, get a makeover, go to the spa for a mani-pedi, buy a new outfit, etc.Pamper yourself and take a girlfriend along, if you’d like.
-Pang apat. Skip the blame game
While it’s tempting to play the blame game after a break up, it won’t help you get over him.
Get the closure you need and figure out how to move on. Resist the urge to blame yourself, him, or anyone else (your meddling parents, his annoying friends, etc.), for what went wrong in the relationship.
You both tried, you both made mistakes.
In a typical, healthy relationship that suddenly goes sour, it’s not anybody’s fault.
It didn’t work out and it probably wasn’t meant to be. Accept that fact and move on.
-Panglima. Learn from it
Instead of blaming yourself or him, learn from the relationship.Part of learning how to move on after a break up is learning from your experience, which includes the break up itself as well as your entire relationship with him. Everything in life – good and bad – is a learning experience and breaking up is no exception. Think about your relationship from a completely unbiased, objective point of view.Look at what was great about the relationship, what wasn’t so great and what led to the demise of the relationship.Write it all down and use these notes to help you improve your overall relationship skills.
-Pang animPicture yourself over him
Picture yourself completely over your ex, if you can. Feel the pride and accomplishment of having gotten over him and moved on.Picture yourself looking and feeling fabulous, hanging out and laughing with your friends, meeting, talking to and maybe even flirting with other guys (even if that prospect sounds downright scary) and just living life again.
-Pangpito Focus on you
Make sure you give yourself plenty of time to focus on you before beginning another relationship.Do something just for you and give yourself some time to connect with your inner self.Spend some quality time with close friends and family members.Take up a hobby, volunteer somewhere, or take a class.Keep yourself busy, but be careful that you don’t overload on activities just to distract yourself from your ex.Do something to boost your self-esteem, which has likely taken a bit of a beating since the break break-up.Get a new haircut or hairstyle, get a makeover, go to the spa for a mani-pedi, buy a new outfit, etc.Pamper yourself and take a girlfriend along, if you’d like.
8. Get out there!
If you haven’t gone out since the break up, now is the time.This doesn’t mean that you should try to pick up the first cute guy you spot at a bar, but you need to get yourself out in the real world to socialize and possibly meet new people.Meeting new people is the key to eventually meeting a new guy.
You’ll also want to re-learn the art of flirting since you’ve been out of practice for awhile.
9. Take it nice and slow
Figuring out how to move on after a break up doesn’t involve going overboard with excessive socializing, meeting new people and flirting.You don’t want to come across as desperate or overly-needy.Just relax, go slow and enjoy yourself – but don’t play hard to get, either.Soon you’ll find that the men are approaching you.Also, take your time getting to know new people and don’t just jump into a relationship blindly.
10. Don’t generalize and don’t compare
Not every guy is like the guy you dated and not every relationship will be like the one you just had. In fact, every guy and relationship is different.Don’t expect the new guy in your life to be like your ex and don’t expect your new relationship to be similar to your previous relationship.Many women do this without even realizing it. Remember, the two of you broke up for a reason, so have an open mind.
These tips should make it easier for you to move on with your life and find happiness again.
The most important thing to remember after a break up is to stay positive.
A positive attitude can provide strength when you’re trying to move on.Tell yourself that you can get over him and that you will get over him. You’ll be back to feeling like yourself again in no time.
0 notes
Text
Bakit nga ba mahalaga ang " Break up "
Ito kasi ang paraan para ilayo ka o lumayo ka sa maling tao na akala mo tama para sayo..
Wag kang umasa na pipiliin ka nya kasi hindi mo yun kailangan hilingin sa kanya..
kusa nya yang bibigay kung mahalaga ka talaga..
Wag mo hingin sa kanya na magbago sya kasi kung totoong mahal ka nyan kusa yang magbabago para sa prinsesa o sa hari nya..
Wag kang laging magmakaawa o magpakababa kasi yang mga yan habang pinapakita mo na mahal mo sya o lagi mong pinatatawad at inuunawa aabusuhin ka nyan..tingin nyan sayo ta-nga ka..
Di masamang maging mabuting partner o asawa pero ibigay mo yun sa taong pinahahalagahan ka hindi sa taong araw² kang ginagawang ta_nga
Ang hindi mo alam habang niloloko ka ng mga yan pinagtatawanan ka dahil alam nila na konting suyo at I Love you nila mapapatawad muna sya..
Gumising ka sa katotohanan..napaka daming tao na hinahangad ka na mapunta sa kanila tapos iiyakan mo lang ang isang taong WALANG KWEN-TA
Bhelove

0 notes
Text

Dalawang mukhang nag kukubli ng nararamdaman,
Isang puno ng kalakasan,
At isang mahina't sugatan..
Isang sa pag ngiti nanlilinlang,
At isang gumuguho na ang pakiramdam..
Buong lakas problema'y hinaharap..
Pero ang totoo di alam pano uusad..
Yung sakit na tinatago sa pagngiti,
Yung kirot na pilit kinukubli..
Ngunit mga paa sa kadena'y nanatiling nakatali..
Sa bawat paghakbang.. Bigat tanging pakiramdam..
Hawak ko yung susi, subalit pagtakas paano? -- di ko alam..
Dinaraan sa pagtawa,
Mga luhang di mapakawala.
Luhang nagiging malaya lang sa tuwing gabi,
Basang unan dulot ng paghikbi..
Tanging kumot nalang yumayakap at nananatili..
Dinaraan sa paghalaklhak, kahit ang totoo gusto ng umiyak..
Pilit pinapaniwalang puso'y puno ng galak,
Kahit ang totoo durog ito't wasak..
Kailan kaya darating ang oras,
Na matatapos itong madramang palabas..
Kailan kaya muling maabot ang alapaap,
Nang walang halong pagpapanggap..
Kailan kaya makakalaya sa pagtatago..
Pagkat di na nagdurugo..
Nakakapagod, pero kaya ko..
Hindi.. Kinakaya ko..
Nakakapagod, pero alam kong akin tong maipapanalo..
Balang araw, tatawa ako.. Yung totoo't walang damdaming tinatago..
Uusad ako't pekeng ngiti'y mahuhubad..
Balang araw, sasaya ako..
Walang suot na kahit ano..
Di suot suot tong maskara ko, sa dusat lumbay.. Makakalaya ako. Makikita nyo.. Kaya ko!
#hugotlove
Bhelove
0 notes
Text
Madali lang sabihin ang salitang move on ka na
kalimutan mo na siya pero pag ikaw ang nasa sitwasyon
ang akala mong madaling gawin HINDI PALA
Pag nasaktan ka hindi naman talaga
madaling mag move on
Hindi naman agad makakalimutan
ang taong naging parte ng buhay mo
Hindi mo naman mawawaglit agad
ang mga bagay na pinagsamahan ninyo
Mga pangarap na binuo
STEP BY STEP lang yan kailangan mo lang
tulungan ang sakit mo para makalimot
Pero sana sa pag hakbang mo
iwasan mong humakbang pabalik
Iwasan mong ibalik ang nakaraan
Kailangan mong harapin ang katotohanan
na siya ay parte na lang ng nakaraan
at hindi na pwedeng makasama sa hinaharap
Na ang mga pangarap ninyo mananatili na lang pangarap.
#love
0 notes
Text
"Broken family"
May mga bagay na kailangan
Kung tanggapin kahit hindi ko maunawaan
Na ang dating buo ngayon ay sira na
Na ang dating masayang pamilya ngayon ay wala na
Paulit ulit na binubulong ng aking isip
Maraming tanung sakin isip
Paano nga ba ? Anu nga ba?
Wala na bang pag asa ?
O kailangan ko nalang tanggapin
Na aking magulang ay wala na
Wala na??? Wala na ?? Wala na!!
Wala ng pag asa na maging isa muli
O hindi na ba ma bubuo muli
O kailangan kung tanggapin na
Aking magulang ay may iba ng pamilya
Siguro nga kailangan ko Ng tanggapin
Ngunit sakin may biglang bumulong
Ito ang sagot nya sakin mga hinaing
Oo meron ng ibang pamilya !
Aking sambit sapagsapit ng pasko
Sabi ko kahit walang handa sa pasko
Basta buo ang pamilya masaya na ako
Pero nagkamali ako sapagkat ako'y mag isa nalang
Ito ang unang pasko na hindi tayo magkakasama
Ito ang unang pasko na ako lang mag isa.
Lagi mo sanang tandaan sakabila ng ulan meron bahaghari
Magkakaroon muli ng mga ngiti sa labi
Lage mo sanang tandaan iwan ka man ng iyong ama't Ina
Ako'y nasa tabi mo na
Ako'y mananatili sayong piling
Handang sumagot sayong hiling
Ika'y manatili lamang sakin piling
At ako'y mananatiling sayong piling
Ang mga sinira ay aking bubuoing
Ang mga nawala ay aking hahanapin
Sapagkat nung Una pa man ito na aking layunin
Sakin lamang ay magtiwala at manalig
Buong puso sakin ay isalig
Hindi kita pagkukulangin
Patuloy kitang mamahalin
Ang iyong magulang aking gigisingin
Sa maling mga hangarin
Upang ibalik sa dating nitong layunin
Kung sa tao ito'y impossible
Sakin ay possible
Magkatiwala ka lang sakin
Lahat ay aking gagawin
Diyos ay may layunin.
#love
0 notes
Text

"KUNG TAYO AY MATANDA NA"
Hindi hadlang ang edad kung tunay mong mahal ang tao,
Hindi masusukat ang edad sa pagmamahalan na nabuo.
Sisimulan natin sa salitang ikaw at ako;
kasama ang bulaklak na nasa likuran ko.
Napaglipasan man tayo ng mundo,
Ako'y ulit tatayo sa harapan ng iniibig ko.
Bibigyan ng bulaklak na kinuha lamang sa kanto;
at sasabihing "mahal, bulaklak para sa'yo."
Sapagkat ngiti mo ang nais kong masilayan,
Habang tumatanda tayo ay ibig kong may kilig parin at kagalakan.
Sa'yo ko lang natagpuan ang tunay na kasiyahan;
sa Diyos at sa'yo lamang ang aking kanlungan.
Dahil ikaw ang aking tula sa paksang kaligayahan.
Ikaw ang kanta sa paksang gawa ng ating pagmamahalan.
At ikaw ang iniibig hanggang sa katapusan;
tulad ng bulaklak ay mamatay ng may kabuluhan
#love
Picture by Veck Cartagena
0 notes
Text
If I get takot, would you hawak me tight?
If I gawa something mali, would you make it right?
If I build an apoy, would you bantay the flame?
If I sabi I miss you, would you ramdam the same?
Minsan caring is better than loving.
Minsan tea is better than coffee.
Minsan smile is better than laughter.
Pero nobody is better than you.
Wag na wag mo akong tatanunging kung gusto kita,
Kasi baka pag sumagot ako, Kiligin ka. 🙂
#Love

0 notes
Text
Kapag nag mahal ka, kahit na inaalagaan ka ng taong mahal mo.
Masasaktan ka.
Yun ang tinatawag na package deal.
Kapag nagmamahal tayo.
Nagbibigay tayo ng halos di na natin kayang ibigay,
kasi nga nagmamahal tayo.
Minsan kailangan mong matutong bumitaw.
Mas ok maging malungkot ng panandalian.
Kaysa naman mukha kang tanga ng pangmatagalan.
You know the only reason
bakit hindi mo ma let go ang taong mahal mo
kasi na papasaya ka nya,
kahit minsan na sasaktan ka na.
Eto ay para sa mga lalaki,
Be a man enough to say na “ayaw mo na”
Hindi yung basta basta ka na lang hindi magpaparamdam
Isa kasi sa pinakamasakit ang umasa na meron pa,
Pero sa totoo lang, walang wala na
SACRIFICE is the only language of LOVE.
Huwag humingi ng paliwanag kung wala kang balak maniwala
At lalong wag kang magmamahal kung wala kang balak magtiwala.
Love is really unpredictable.
Kung hindi nagwork ang relationship,
Minsan hindi nay an dahil sa partner mo,
Kundi sa sitwasyon ninyo.
#LOve

0 notes
Text
Bakit sa dinami- dami ng tao sa mundo
Sayo ko lang nadarama ito
Bakit sa paglipas ng oras at minuto
Ikaw lng ang inaalala ko
Bakit nga ba inaalala kita
Kahit di naman ako importante sayo
At bakit nga ba ako nagmamahal
Kahit wala namang katuturan ang mga ito.
Di mo kasi nararanasang masaktan
Tulad ng aking nararamdaman
Sa mga araw na nakikita kita
Saya at lungkot ang aking nararanasan
Ngunit sa mga ngiting ito
May nababalot na mga sikreto
Saya dahil araw- araw kitang nakikita
At lungkot dahil alam kong may mahal kang iba.
Sa mga oras na kapiling kita
Para bang ayaw kong bitiwan ka pa
Dahil baka paggising ko sa umaga
Mawala ka na lng nang parang bula
Bakit di mo maramdaman yung pagmamahal ko sayo
Dahil ba may mahal kang iba kaya napakamanhid mo
O sinasadya mo lng ang mga ito
Dahil ayaw mong masaktan ako sa piling mo.
Nakakaramdan ako ng saya
Sa tuwing ika'y aking nakikita
Nakakaramdam ako ng kilig
Pag pinagmamasdan ang iyong mga mata
Ngunit sa kabila ng sayang ito
Sakit ang aking nadarama
Nang malaman kong may mahal kang iba
At sa buhay mo'y kaibigan lng pala.
Masakit isiping kaibigan lang
Ang turing mo sa akin
Masakit isiping mas mahal mo siya
Kaysa sa akin
Masakit isiping wala nang pag-asa
Upang ako'y iyong mahalin
Pero salamat dahil binigyan mo ako nang oras upang makasama ka man din.
Alam kong hanggang kaibigan lang
Ang turing mo sa akin
Pero sana wag ka namang
Lumayo sa aking piling
Di ko kasi kayang iwasan ka
Nang basta basta
Dahil alam ng puso at isip ko
Na MAHAL NA MAHAL KITA.

0 notes
Text
Minsan you just need someone na iintindihin ka once di mo na rin maintindihan sarili mo. Someone who will be strong for you kapag feeling mo down ka na, kapag feeling mo pagod ka na.

4 notes
·
View notes
Text


Trust is one of the most fragile things in this world. Once you break it, you cannot put it back together the way it was.
#djchelo
1 note
·
View note
Text
BATA BATA PAANO KA GINAWA?
Ni:Sherielove Ocampo
4th year Rizal
BNHS
Bumalik tayo sa umpisa
kung saan tayo'y mga bata pa
noong mga panahong tinatakasan natin ang pagtulog sa tanghali
na sa t'wing darating si inay
pipikit at mananaginip kunyari
Doon tayo sa simula
kung saan sa pagsapit ng alaskwatro'y lalabas na sa kalsada
makikipaghabulaan kahit nakapaa
gagawin ang lahat mapatumba lang ang lata
tatalon sa goma
makikipagaway pa kung sino ang ina
maglalaro ng luksong baka
pero ingat, baka madisgrasya
maglalaro ng piko o patintero
pero bago ang lahat
tayo muna'y mag kotsero kotsero
Bumalik tayo sa panahon
kung saan marunong tayo makuntento sa baon
na ang pinagkukuhanan ng saya
ay nasa loob lamang ng pisong chichirya
Bumalik tayo sa umpisa
noong natatakot pa sa tsinelas ni ina
sa sinturon ni papa
noong panahong iiyak sa kama
dahil hindi nabili yung gusto mong paninda
yung umiilaw ba at nakakaakit sa mata
sana, bumalik tayo sa una
kung saan sa alaskwatro'y puno ng bata ang kalsada
hindi puro bangkay ng mga nalulong sa droga
kung saan nakikipagtaya-tayaan ang mga bata
hindi nakikipaghabulan sa pulisya
Sana ang kasiyaha'y nakapaloob na lang ulit sa pisong chichirya
hindi yung nakapaloob sa nakaw na pera
sana makuntento na ulit sa baon
hindi yung pahirapan pa lalo ang magulang makasabay lang sa panahon
sana takot parin tayo sa tsinelas ni ina
sana isang talak niya na lang ay sumusunod na
sumunod sana sa utos, hindi yung pagiging ina
sana yung kama iniiyakan na lang
hindi ginagawang tambayan ng mga natitigang
sana ay nagtutulog-tulugan na lang
hindi yung papatay at pagsasamantalahan
sana pipikit na lang at mananaginip
hindi yung sarili ay isinasabit
sana yung umiilaw na lang ang gusto mong paninda
hindi yung mga babaeng nakakaakit sa mata
Bumalik tayo sa umpisa
kung saan lahat ay masaya
kung saan walang problema
sa likod ng mga sana.
#HUGOTLOVE
#bhelove
#Djchelo

0 notes