Tumgik
qualitydazecoffee · 3 years
Text
Try to look on the brighter side of life.
0 notes
qualitydazecoffee · 3 years
Text
Loveeeee
2 notes · View notes
qualitydazecoffee · 4 years
Text
Tulong ng Internet at Social Media sa pag-aaral sa kasalukuyan
Ang Internet ay isang sistemang ginagamit upang mapagkonekta ang kompyuter o groupo ng kompyuter na dumadaan sa iba't ibang klase ng telekommunikasyon na di na gumagamit ng kable na kung saan ang iba't-ibang impormasyon ay naibabahagi sa madla.
Ang Social Media ay isang internet-based na komunikasyon na kung saan naglalayon na makipagkonekta, lumikha at nakikipag-bahagi ng impormasyon sa isang virtual na komunidad at mga network.
Ang Internet at Social Media ay isa sa mga naging daan upang maisakatuparan pa rin ang pag-aaral ng mga kabataan sa panahon ngayon. Dahil sa pandemyang ating pinagdaraanan madaming bagay ang nagbago, sa dating nasa silid-aralan ngayon ay nasa kanya-kanyang kwarto at nakaharap sa kompyuter, teleponong sellular, at iba pa para makinig sa itinuturo ng mga guro.
Ang Internet ang naging daan ng daan-daang guro upang maibahagi ang kanilang kaalaman patungkol sa iba't ibang asignatura. Sa paggamit ng Internet isang pindot lang ay makikita na ang nais nating malaman patungkol sa mga bagay-bagay.  Sa umuusbong na pagbabago ng teknolohiya, ang dating komplikado at mahirap intindihin na bagay mas napapadali na ng Internet at Social media. Noon ang mga estudyante ay nagpupunta sa silid-aklatan upang magbasa ng kanilang susunod na tatalakayin sa klase samantalang ngayon konting pindot lang sa teleponong sellular ng nais hanapin ay makikita na agad.
Ano ano ang mga benepisyo na makukuha mo sa paggamit ng Internet at Social Media?
1.Ang Internet ay nakakatulong saming mag-aaral upang mas mapadali ang pangangalap ng impormasyon at kahulugan ng mga bagay-bagay.
2. Ang Social Media ang naging daan upang makipagpalitan ng impormasyon at ideya. Maaring ding kumuha dito ng mga larawan at iba pa.
3.Isa sa mga benepisyo ng pagamit ng Internet at Social Media ay mas napapadali ang mga pag-intindi sa mga asignatura gaya ng sipnayan, ingles, at iba pa.
4. Sa makabagong pamamaraan ng pag-aaral ngayon mas kailangan gamitin ang Internet at Social Media dahil hindi lahat ay nakakasunod sa mga naibibigay na gawain.
Dulot ng sakop at impluwensya ng internet sa kalukuyang panahon ay naisulong ang ibat ibang akademikong pansulat, literatura at kalakalan sa ating bansa. Malaki ang naitutulong ng social media upang mapabilis ang pag transaksyon ng mga balita at maiinit naissue sa ating lipunan.
Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyang panahon mas naging makabuluhan ang mga dating akala na hindi maisasakatuparan tulad ng "online learning". Nasanay tayong lahat na nakaupo sa silid-aralan at nakikinig sa itinuturong leksyon ng mga guro. Dahil sa tulong ng Internet at Social Media na naging daan upang kahit na tayo ay nakakaranas ng pandemya nagawan pa rin ng paraan upang makapag-aral. Sa paggamit ng zoom, google classroom, google meet, at iba pang mga alternatibong ginagamit ngayon upang kahit nasa kani-kanilang tahanan ay nakakapag-aral pa din. Ngunit tandaan na limitahan din ang paggamit ng social media at internet dahil may mga di angkop na bagay ang maaring makita dito. Maging isang mabubusising mag-aaral at gamitin ang Social Media at Internet sa wastong pamaraan.
Tumblr media
https://pin.it/1DV5eZy
Credits to the owner of the photo.
0 notes
qualitydazecoffee · 4 years
Text
AAAAAAA
1 note · View note