Ipapasa kay: Bb. Roselle Fabella 🌹👱🌹 Ipapasa ng: Marikit at Mabangis(#1) ng 10-Volta 👸&👹
Don't wanna be here? Send us removal request.
Audio
0 notes
Text
"PATAWAD INA"

Nariyan ka aking ina, Sa paggabay nung ako’y musmos pa. Una mo kong tinuran, Hinango upang mas mahusay ninuman.
Ako’y bata pa, minulat mo na, Pag-aaral ay napakahalaga. Tinatak sa puso’t isip ko, Ako’y nararapat na matuto.
Mga libro ang laging kasama, Sa aking pagtanda. Wag mag-alala ako’y masaya naman, Dahil ayaw kong kayo’y masaktan.
Laking tuwa mo nang umakyat sa entablado, Mga medalya’y nakasukbit sa leeg ko. Kitang-kita sa mga mata mo, Galak sa mga nakamit ko.
Ngunit sa paglipas ng mga araw, Kasiyaha’y tila di ko matanaw. Pag-aaral ay pawang humihirap, Kulang yata aking pagsisikap.
Nabalot ka ng lungkot, Na nagbigay sa’kin ng takot. Sa isip ko ako’y nagkulang, Kapalpakan di na mabilang.
Unti-unting lumabo sa paningin, Mga pangarap mo para sa akin. Pinipilit ko namang abutin, Dahil biguin ka’y masakit isipin.
Ako naman ay natuto, Ngunit hindi sa lahat ng paraang gusto mo. Hindi lang sa parangal at mataas na grado, Nasusukat ang kakayahan ko.
Mga medalya ay alay sa’yo, Sertipikong ito tanda ng pagsisikap ko. Ngunit di yata sapat para sa’yo, Patawad kung hanggang dito lang ang kaya ko.
-Ginawa ni: Pathrisha Toque, 10-Volta
0 notes
Text
"MGA PILOTO"

Mga pilotong matatalino
Naghahanap ng katoto
Buhay na malungkot
Libro lagi ang kabuntot
Akala niyo walang hilig sa pag-ibig
Dahil mga napakalamig
Seryosong seryoso
Nasa pag-aaral ang puso
Kayo'y nagkakamali
Kami din ay nahihirapan
Sakit at hapdi
Aming nararanasan
Lahat kayo'y ayaw saamin
Iba lagi ang inyong mga tingin
Tayo'y pareparehas na estudyante
Ngunit bakit...bakit parang kami'y mali
Malaki ang ekspektasyon
ng aming mga magulang
Walang magawang paraan
Upang ito'y matakasan
Lungkot at pangungulila
Ang bumabalot sa amin
Idagdag pa ang bigat
Ng responsibilidad namin
Ngayon, saya naman ang gusto maranasan
Imbis na libro ang hawakan
Tatambay naman sa gimikan
Gusto din namin maranasan
Ang pagmamahalan
Tanging pagmamahal ninyo
Ang sasaklolo sa amin
Kaya huwag ng matakot
At kami'y mas kilalanin
-Ginawa ni: Ian Manalili, 10-Volta
0 notes
Text
"NAGHIHINTAY NA MAHALIN"

Hindi ko alam kung paano nagsimula
Pero sa bawat oras na nakikita ka
Parang ang mundo ko ay magugunaw na
Dahil sa sobrang kilig na nadarama
Araw-araw kitang nakikita
Nakikita na kasama mo siya
Na masaya kayong dalawa
Na parang hindi na kayo maghihiwalay pa
Minsan pumapasok na lang sa isip ko
Bakit pa siya ang minahal mo, andito naman ako
Ako na matagal ng nagmamahal at naghihintay sayo
Naghihintay na mahalin mo rin ang isang tulad ko
Sabihin man ng iba na wag ka ng umasa
Sabihin man ng iba na magmumukha ka lang tanga
Sabihin man ng iba na pipili ka na nga lang, bakit siya pa?
Bakit siya na may mahal ng iba
Simple lang ang maisasagot ko
Lahat gagawin mo para sa taong mahal mo
Kahit na sabihin ng iba na napakamanhid mo
Ipinagpapatuloy mo pa din ang ginagawa mo kahit na ayaw niya talaga sayo
Pero dumating sa punto na
Napagtanto ko na, tama na, ayoko na
Ayoko ng maging tanga sa pagmamahal ko para sa kanya
Ititigil ko na ang mga kahibangan na aking ginagawa
Dapat ng sukuan ang mga bagay na hindi na kaya
Hindi na kaya kasi pagod na pagod ng magmahal ng sobra sobra
Kalimutan at pabayaan na siyang maging masaya sa iba
Kalimutan na ang masasaya at masasamang idinulot niya
-Ginawa ni: Bea Andrade, 10-Volta
0 notes
Text
"LABAN"

mahal ko, hindi ka ba nagsasawa?
Sa pagkapit sa isang relasyong
ikaw nalang ang may sandata?
At ang tanging kalaban
ay ang taong ipinaglalaban;
kung saan hindi ka na nga mahal pero nagpupumilit ka paring lumaban
sana'y itaas mo na ang puting bandila sa kanya
biglang simbolo na sumusuko ka na
bilang simbolo na sawa ka na at ayaw mo na
dahil ikaw nalang ang kumakapit sa relasyon niyo at wala nang iba
sana matuto kang mag-isip at huwag magpaka tanga(sana huwag ka magpaloko sa bibig niyang)
pero mukhang hindi mo siya susukuan
mukhang masaya kana,masayang nasasaktan
ayan ka na naman at nagmamaangmaangan
kawawa ka naman at hindi mo siya magawang iwan
pero,masaya ka na sa buhay mo may karapatan ba akong manggulo?
ano ba namang magagawa ko kung siya ang laman ng puso mo?
naguguluhan na ako di ko na alam ang gagawin ko
mga magulong damdamin,ako'y natutuliro
alam mo,salamat nalang,salamat nalang sa iniwan mong mga ala-ala
pasensya na,di na ako mangungulit pa
pasensya na sa oras na ginugol mo na nasayang lang
dahil sa isang taong tulad ko na wala namang halaga
magpapaalam na ba ako?
sa sobrang kirot na nararamdaman ng aking puso
pero sana kahit sa huling pagkakataon
makita ko at marinig ko ang bibig mong naglalayong
magsabi ng "oo,mahal kita di na ako magkakaila pa,na ibigin ka"
sa tingin ko ito na ang huli
paalam na sa mga gabing panay ang aking hikbi
lalaban narin ako sa aking buhay
maraming salamat sa inspirasyon na iyong binigay
-Ginawa ni: Jasper Guzman, 10-Volta
0 notes
Text
"WIKANG FILIPINO, WIKANG MAPAGBAGO"

ang ating wika , dapat ipagmalaki.
hindi lang dito,kahit san ka man magawi
Sa panahon natin ngayon
marami ng nagbago sa ating wika
may nadagdag at nabawas na salita
ngunit ang ating wika ay nananatiling buo
parang puso ng bawat pilipino
hindi nyo ba alam na may sarili tayong alpabeto.
nagmula pa sa ating mga ninuno,
hindi Hangul ng Koreano,
o nihongo sa hapon,
walng iba kundi baybayin sa pilipino.
Nais ko lang iparating sa inyo na mahalin natin ang ating wika
dahil pamana ito sa atin ng Iang bansa.
-Ginawa ni: Lhorenz Mazo, 10-Volta
0 notes
Text
"ANG BANSA"

Sa hitik na yaman nitong kalikasan,
Hindi magugutom, hindi magkukulang,
Pilipino na lang ng mamamayan,
Kumakandili nga sa buting kandungan.
Ang mga dagat at kailaliman,
Saganang pagkai't mga pangisdaan,
Ang lalim ng tubig na asul sa kulay,
Ay siyang panlinis sa lupa
Ang mga gubat na hitik sa bunga,
At pati hayop sa dulong kabila
Nabubusog din at nagpapakasawa
Ito ay lupang maganda't mayaman.
Taong masipag ang nananahanan
Di takot masunog sa sikat ng araw;
Handa ring gumawa kahit umuulan
Nang taos puso't laging nasa dibdib.
-Ginawa ni: Isabella Biaco, 10-Volta
0 notes
Text
"KARAMDAMAN"

hindi ko alam kung bakit
Di ko magawang ngumiti ng tunay,
Makisama sa iba,
At lubusin ang buhay,
Meron akong pamilya
At Mga kaibigan
Wala namang problema
Pero bakit ganito ang nararamdaman
Minsan napapaisip
Kung ano ang nararamdaman na ito,
Kaba,nerbyos,at hiya
Ang bumabagabag sa puso
Ang dilim sa aking isip na kung saan gustong makalaya
Mga imahinasyon at sariling kahibangan
Ang matagal ko ng kalaban
dilim at lungkot
Ang tanging nakikita
Hindi magawang sumaya
Kahit wala namang problema
-Ginawa ni: Allison Arturo, 10-Volta
0 notes
Text
"DATING TAYO"

Masakit isipin na wala ng tayo.
Ang tayo na dating kay sayang nagtatawanan at nagmamahalan ay bigla na lang nauwi sa hiwalayan.
Hiwalayan na hindi ko inaasahan.
Ang sabi mo saakin hindi mo ko iiwan, pero bakit bigla kang lumisan?
"Mahal kita, hindi kita iiwan, hindi kita sasaktan" mga katagang binanggit mo nung nag-uumpisa pa lang tayo.
At eto namang si ako, naniwala at umasa sayo.
Unti-unting nagbago ang pagmamahal mo.
Parang hangin na bigla ko na lang naramdaman, ngunit bigla rin namang lilisan.
Hayaan mong balikan ko kung paano nagkaroon ng ikaw at ako.
Para kang ulan na lagi kong hinihintay.
Panahon na siyang lagi kong inaabangan.
Sabay sa pagdating ng ulan, ika'y biglang napadaan.
Kay saya ko tuwing nandyaan na ang ulan. Sing saya din ng pagdating mo sa buhay ko.
Pagbuhos nito'y parang walang katapusan tulad ng pag-ibig natin sa isa't-isa na walang hangganan.
Ang pagbuhos nito'y kay sarap pagmasdan. Kay sarap ding damhin ang malamig na simo'y na hangin. Ngunit, kagaya din ng ulan, ikaw ay naging malamig. Pag-ibig mo'y tila'y unti-unting nanlamig.
Pabugso-bugso kung minsan bumuhos ang ulan. Bubuhos ng malakas subalit titila rin ito ng biglaan. Parang pag-ibig mong pinadama. Sa una'y kay saya natin na tila ba hindi na ito matatapos. Pagmamahalan natin na akala ko'y walang hanggan, ito na pala ang magiging katapusan.
Kasabay nga ng paghinto ng ulan, pag-ibig mo rin ay huminto at naglaho.
Ngunit hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga ngiti mo, ang pagsuyo ng labi ko sa mga labi mo, ang paghawak ko sa kamay mo at sa hindi ko pagbitaw nito. Ang mahigpit mong yakap na siyang aking hinahanap-hanap. At hindi ko pa rin maalis sa isipan ko kung bakit mo ako nagawang saktan. Mahal, alam kong pinalaya na kita. Pero bakit nandito pa rin ang sakit at alaala nating dalawa? Nagtatanong ako sa sarili ko kung bakit di mo pa sinama ang sakit at alaala noong lumisan ka. Ito ba? Ito ba ang sinasabi mong "Di kita iiwan." O baka naman ika'y nagkamali lang at dapat na iyong sinabi na "ako'y mag-iiwan lang ng sakit at kalungkutan".
Ang daya mo. Bakit ako? Bakit ako pa? Bakit ako pa ang nagawa mong saktan. Sa pagkakaalam ko ay inibig lang kita ng tapat at totoo. Mali na ba ang umibig ngayon? Siguro nga kailangan na lang natin tanggapin na kung minsan ang pag-ibig ay mapaglaro. Na pati si tadhana'y nakikisali pa sa laro. Sa laro ng pag-ibig na sa umpisa pa lang wala ng kasiguraduhan pero pipilitin ko pa ring tapusin kahit ako'y talunan.
Ayoko na. Tama na. Ititigil ko na to. Kabaliwan na dulot mo buhat ng paglisan mo.
Sakit na gustong gusto ng kumawala pero nandito pa rin ang pag-ibig ko sayong ayaw pa ring mawala.
Siguro, kailangan ko na lang tanggapin na sa pagitan ng ikaw at ako ay bigla na lang nagkaroon ng dating tayo.
-Ginawa ni: Krizia Parreño, 10-Volta
0 notes
Text
"INANG KALIKASAN"

Oh Kalikasan, Paano ang bukas kung wala ka na? Lupa, Hangin, Tubig ay puro polusyon na. Ang mundo ay ang pinakamagandang regalo, Ngunit nagkaroon ng negatibong pagbabago.
Walang permiso sa pagputol ng punong kahoy, Nais mo pa bang maranasan ang isa pang Ondoy? Kung saan sa baha ka lumalangoy? Haggang kailan magpapatuloy.
Malaking Pinsala sa kagubatan, pati sa buong kaligiran. Paano na inang kalikasan? Patuloy na pinapabayaan. Labis labis na ang polusyon, Dapat tayo'y mag-isip ng solusyon.
Dapat magkaroon tayo ng bokasyon, Upang ang mundo'y masilayan pa ng susunod na henerasyon.
Bakit nga ba kailangang mangyari ito? Dahil ba walang disiplina ang mga tao? Sana mabalik ang dating paraiso na ngayon ay pirapiraso. Kanino natin isisisi sa kanya? sa kanila? o sa iyong sarili?
Oh kaibigan kailan natin sisimulan? mamaya, bukas, o sa makalawa? Ating bilisan, tumatakbo ang orasan.
Habang may buhay, may pag-asa, Oh kay daming umaasang maibabalik pa ang ating mundong kay ganda. Oh Kalikasan, Paano ang bukas kung wala ka?
-Ginawa ni: Randell Morillo, 10-Volta
0 notes