Tumgik
realistyouth · 1 year
Text
Legatees & Prodigy: The Thorns of Tags
- A Youth Magazine Feature Article
ONLINE ARTICLE
09/29/2023 | Jansen Delmoro
Tumblr media
youth noun
/yo͞oTH/ Cambridge Dictionary
‘the period of your life when you are young, or the state of being young’
Youth, Y-O-U-T-H—is defined as the chapter of someone’s life in the teenage state by the Cambridge Dictionary. Youth can be characterized as transitioning from childhood reliance to adult independence. Notwithstanding prejudice to other classifications adopted by Member States, the United Nations defines 'youth' as people aged 15 to 24 years.
With this compact definition, youth can be seamlessly grasped.
But who the youth are? Who are the youth of today? Who are they in Generation of History? Are they relevant?
While venturing with this argument, the definition becomes enigmatic. Things can be complicated, and as a result, this notion starts to be puzzling. This baffling article opens an avenue to the radical world of youth.
As the dimension of generation shifts to the contemporary age, the young adults become the prominent role of this age. Youth can be depicted as a radical age group. They start to voice and stand firm to their contention and outlook, debating the tradition and suggesting a novel conviction. The long existence of myths began to be debunked, and a vast progressive movement that sought to find the truth commenced. The youth’s ability to assimilate and adapt to society's transition becomes their strength. At that, they’re passionate about learning and act upon it to arrive at their goals.
In addition, youths today tend to prioritize their careers over romantic attachment. They become career-centered. Some become their family's hope, while others are prohibited, or worse, they’re tired of it because of the setting in their home. This is rooted in various factors, such as the environment where they belong. The setting is one of the crucial indicators of the quality of one's life. It could improve or impair one’s outlook. Platonic relationships, on the other hand, become more significant to the youths. As they explore, they become outgoing and build connections and valuable relationships. The friendship bond becomes their backrest in the taxing voyage of life.
Tumblr media
The new torchbearers rise in the taxing, bloody, turmoil, and hopeless society. Yet, they are the so-called “hope” for the dying and rotten system of the exploitative world. From the famous and cliché notes of the Philippine Nation's National Hero, Dr. Jose Rizal quoted “Kabataan Ang Pag-asa ng Bayan,” leaving significant responsibilities and duties to the youth. With this, youth tend to be the prodigies, agents, and backbone of nation-building. Filipinos have held this promising fidelity over the decades, but it was all a false hope.
Did Rizal lie to the Filipino nation? Definitely, no. It was a crystal-clear reflection of the governance and society. The youth got robbed as the prodigy by its society.
Moving along, youth is viewed as the ‘future’ in a discrete industry. Most say they are rising leaders, innovators, science specialists, and promising entrepreneurs. They are expected to be legatees of business, science, and innovation legacy. Youths are also regarded as ‘cultural curators’ or acting agents to conserve and enrich the culture. They are given this valuable privilege to care for and safeguard the cultural heritages. Beyond the shadow of a doubt, youths are the backbone of a nation and distinct industries. This optimistic latitude gives youths a menace to document their marvelous brilliance. Lamentably, there is a lack of opportunities and awareness for the youth. A margin of educated youths is unemployed, unable to participate in the nation’s growth. Poverty, defective quality of education, and injustice in the employment system are the culprits.
The world expects too much from them. Yet, the world has little. How could the world do that?
Youth is becoming a depressed fragment of society. Unemployment, poor governance, and inequality are some challenges that the world poses to be resolved by them—many expectations from an insufficient system. The world pushes away the legatees of the future to a cliff of desperation and hopelessness.
Tumblr media
Despite the drawbacks, the Gospel acts as a moral compass, redirecting the youth from the temptation of desperation and the edge of hopelessness, leading to the virtue of fortitude, courage, charity, humility, and kindness. The Christian Faith empowers the youth, sheds the light of love and service, and serves as a sturdy foundation for the concept of Sequela Christi.
‘And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.’ - 1 Corinthians 13:13
During the pandemic, the flame of passion to serve and spread kindness and love to the neighbors markedly enlivened the hearts of young adults. The simple yet charitable act of the ‘community pantry’ symbolized the gestures of kindness and love. In times of downpour, the youth chose and are still choosing to stand to be the voice of the underprivileged. By any means, they try to reach out and give a helping hand. Youths become the hope of the service of good.
Yet, who are they hope?
Walking to the ‘narrow road’ is tiring but rewarding concurrently. This ‘narrow road’ leads to the path of discipleship. Following Christ became the youth’s hope. His guidance leads them to the fulfillment of grasping their identity and purpose in life.
Prodigy. Legatees. Curator. How magnificent to be called with this title is an honor to be. After the overlong venture of the youth’s identity, it only led to a realization. The given tags exist only to be nothing but a false hope. It resembles the ‘Crown of Thorns,’ a tormenting prestige. Yet, youth still choose to stand firm wearing the thorns of tags. The flame of their identity becomes hope to prevail over the narrow road. Holding the Christian Faith, values, and virtues as a moral compass empowers the youth to apprise a novel narrative.
0 notes
realistyouth · 1 year
Text
Legatees & Prodigy: The Thorns of Tags
- A Youth Magazine Feature Article
ONLINE ARTICLE
09/29/2023 | Jansen Delmoro
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
realistyouth · 3 years
Text
‘Ang Pagtulong ay nagsisimula sa Maliliit na Bagay’- CCF Coordinator Ronniel Galinato
ONLINE BLOG
5/2/2021 | Jansen Delmoro         
Tumblr media
           Noong ika – 27 ng Abril, taong dalawang libo’t dalawampu’t isa (2021), aking nakapanayam si Ginoong Ronniel Galinato, isang ‘CCF Coordinator’ ng Bicutan Parochial School sa Taguig, patungkol sa kaniyang sariling karanasan sa pagtulong at pagbabahagi sa kapwa.
           Ang pagtulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit ay sumisimbolo sa pagiging isang mabuting mamamayan, na gagampanan ang ating tungkulin sa ating kapwa. Naging malaking parte ng buhay ni Ginoong Ronniel Galinato ang pagtulong niya sa kapwa, at lalo itong umusbong at lumago ng siya ay magsimulang maglingkod sa Diyos. Si Ginoong Ronniel Galinato ay kasalukuyang may hawak sa Center for Christian Formation (CCF) ng Bicutan Parochial School, na namamalakad at pinangungunahan ang halos lahat ng gawain na patungkol sa Katolisismo, gawain ng isang Kristiyano, gawain na may kaugnayan sa Salita ng Diyos at pagtulong sa mga nangangailangan tulad ng Outreach Program, na kinabibilangan ng mga mag-aaral sa Bicutan Parochial School, na may layunin na ipakita sa mga kabataan na may magagawa tayo upang makatulong sa ating kapwa na lubos na nangangailangan ng tulong mula sa kanilang kapwa.
           “Mailalarawan natin ang ating pagtulong, na dapat ito’y nagsisimula sa maliliit na bagay.” Ganito inilarawan ni Ginoong Ronniel Galinato ang kaniyang pagsisimula at pagkakaro’n ng karanasan sa kaniyang pagtulong sa kapwa. Dagdag pa n’ya, na kahit isang tao lamang ang ating matulungan, ay isa na itong malaking bagay na makatutulong sa ating kapwa, na maaari nilang ibalik sa pamamagitan ng pagtulong nila sa kanilang kapwa.
           Wala pa man ang pandemyang ating nararanasan sa kasalukuyan, si Ginoong Ronniel Galinato ay tumutulong na sa kaniyang kapwa sa iba’t ibang paraan na kaniyang alam, na makatutulong sa kapwa, sa pisikal, emosyon o mental na kapasidad at pangangailangan ng isang indibidwal. Isa sa kaniyang binahagi na pagtulong sa kapwa ay sa pamamagitan ng “preaching” o pangangaral sa kaniyang kapwa na may kaugnayan sa Salita ng Diyos, turo ng Simbahan, at sa kaniyang sariling karanasan na naglalaman at magbibigay aral, motibasyon at inspirasyon sa kaniyang kapwa.
           Sa bawat pagtulong ay may mga karanasan tayong hindi makakalimutan at magiging paboritong parte ng ating pagtulong sa kapwa. Para kay Ginoong Ronniel Galinato, ang paboritong parte ng kaniyang pagtulong sa kapwa ay ang makita at matunghayan ang bawat ngiti at saya sa mukha ng kaniyang mga natulungan. Dagdag pa n’ya, na ang mga ngiti sa mukha ng bawat kaniyang natulungan ay sapat na kabayaran o sukli sa kaniyang kabutihan na ipinaramdam sa kaniyang kapwa, sa pamamagitan nang pagtulong sa mga ito. Dagdag pa niya, na kasama sa kaniyang misyon at bokasyon sa buhay ang hikayatin ang mga kabataan at mag-aaral sa Bicutan Parochial School, na tumulong sa kanilang kapwa dahill sa pamamagitan nito, ay mapagtatanto ng mga mag-aaral na sila ay nasa mas maayos na kalagayan kaysa sa iba, na dahilan upang magpasalamat at bigyang halaga ang lahat ng bagay na mayroon sila na nagmula sa Diyos.
           Para sa mga kabataan at mag-aaral, ang mensahe ni Ginoong Ronniel Galinato, ang CCF Coordinator ng Bicutan Parochial School:
           “Ang pagtulong ay hindi kailangang malaki, hindi kailangan na-bo-broadcast, hindi kailangan na-po-post, ang pagtulong ay nangyayari araw-araw, everyday. I believe that God is giving us opportunity to help our friends, the people around us, our family, the Church. Ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng kakayahang tumulong, at sana, gawin nating positibo itong katagang ito, na sana pagpunta natin sa langit sasabihin ng Diyos, “Ako’y nagutom at ako’y iyong pinainom. Ako’y nauhaw at ako at iyong binigyan.” At tatanungin natin ang Diyos, Lord kailan ka nauhaw at pinainom, kailan ka nagutom at binigyan kita ng pagkain. Sasagutin tayo ng Diyos na kung ano ang ‘yong ginawa sa mahihirap, ayon ang ginawa mo sa ‘kin. Mahirap maging Kristiyano na walang pagtulong sa mahihirap, dahil kapag lalapit tayo kay Kristo, ituturo tayo na tumulong sa mga mahihirap.”
           Sa mga nakaraang linggo, nabalitan natin ang kaliwa’t kanan na pang-re-redtag ng pamahalaan sa mga taong nasa likod ng “community pantries” sa ating bansa. Nakaranas ng pangamba at takot ang iilan kaya narito ang mensahe ni Ginoong Ronniel Galinato para sa mga taong nasa likod ng “community pantries” sa ating bansa.
           Para sa mga taong kasapi at bumubuo ng “community pantries” sa ating bansa, ang mensahe ni Ginoong Ronniel Galinato, ang CCF Coordinator ng Bicutan Parochial School:
           “Ipagpatuloy lang nila ang kanilang ginagawa, as long as wala silang inaapakang tao, at syempre, sana they do it with prayer kasi alam naman natin na sa pagtatatag nila ng “community pantry”, maaari silang mahawa at pwede silang ma-redtag, pero kung alam mong tama ‘yong ginagawa mo at humingi ka ng patnubay sa Diyos, ipagpatuloy mo lang kasi at the end of the day, mabuti man o masama ang ginagawa mo, mayro’n pa rin masasabi ang tao because we cannot please everybody, but we can always please God, na sana ang Diyos ang maging bida sa mga programang tulad nito.”    
           Dahil naging malaking parte ng buhay, misyon at bokasyon ni Ginoong Ronniel Galinato ang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng “preaching” o pangangaral sa kaniyang kapwa na nagmumula sa Salita ng Diyos, turo ng Simbahan at sa kaniyang sariling karanasan; at pamamahagi ng tulong tulad ng pagkain at pangunahing pangangailangan o “Outreach Program.”
           Para sa mga taong natulungan at natutulungan ni Ginoong Ronniel Galinato, ang mensahe ni Ginoong Ronniel Galinato, ang CCF Coordinator ng Bicutan Parochial School:
           “Para sa mga taong aming natulungan at natutulungan, isa lang naman  ang aking mensahe na mahal sila ng Diyos. Itong pagtulong namin na ‘to ay hindi sa amin kundi ang Diyos ang may dahilan kung bakit kami nakakarating sa inyo, at kahit itong mga community pantry na nag-uusbong sa mga simabahan, ang Diyos ang may dahilan nito, bakit ito nakakarating sa kanila. It is a testament how God truly love them. Pangalawa sana kapag dumating ang pagkakataon, na sila naman ang may kakayahang tumulong, ay gawin ito sa iba, kasi kung gusto natin baguhin ang mundo, we have to pay it forward, na kung anong kagandahan na pagmamahal ang iyong natanggap, ayon din ang ‘yong ibibigay at ise-share sa iba.”
           Natunghayan natin ang karanasan at pananaw ni Ginoong Ronniel Galinato patungkol sa kaniyang pagtulong sa kapwa. Nalaman natin na hindi dapat palaging may dahilan upang tumulong tayo sa ating kapwa bagkus tumulong tayo sapagkat may maitutulong tayo anuman kaliit o kalaki ang bagay na ating itutulong. Ika nga ni Ginoong Ronniel Galinato, “Na anumang magaling, kahit maliit, basta’t malimit ay patungong langit.” Ang ating pagtulong sa kapwa ay parte ng ating responsabilidad bilang mamamayan ng lipunan at ng isang bansa. Nalaman din natin na ang naging sandigan o motibasyon ni Ginoong Ronniel Galinato ay ang kaniyang pananampalataya sa Diyos sapagkat para sa kaniya, na ang pananampalataya natin sa Diyos ang maglalapit sa atin upang tumulong sa ating kapwa na nangangailangan ng ating pagmamahal.
           Nawa’y may natutunan tayong magandang aral na napulot natin sa binahaging karanasan at pananaw ni Ginoong Ronniel Galinato patungkol sa kaniyang pagtulong sa kapwa. At gawin sana nating inspirasyon ang isang tulad ni Ginoong Ronniel Galinato sa ating pagtulong sa kapwa, na gawing sentro ang pananampalataya sa Diyos sapagkat ito ang magiging tulay at maglalapit sa atin na tumulong sa ating kapwa, at tumulong ng walang dahilan.
1 note · View note