Text
To Babu
Before I got hooked on UNHhhh, around last year if my memory serves me right, my go-to series was Schitt's Creek. It was easy to digest, and the comedy was genius. I am not lying if I say that I have watched the entire series more than ten times. But UNHhhh was a breath of fresh air. The humor was spontaneous and complex, grounded from popular and queer culture. I also become obsessed with the chicken inasal of JT's and I regret not knowing about it sooner. I was not used to receive flowers. Often times I give them. I didn't know how good it feels. Most of the things I love, I learned from you.
1 note
·
View note
Text
A horror story
I once had the chance
to look at someone's heart.
I knew right from there
that it will take some time
and that it's better if
we just had our eyes on
the things we most value.
But it was him, all along.
I am usually not scared of anything
Because I have faced worse battles.
In every fight, I might get
some tiny bruises and cuts
Though I always come out victorious
I never give up.
It’s just that, now that I am facing you
I’m offered a once in a lifetime chance
And I’m getting scared not of you
But of the idea that I might blew it
And drive you away from me
Im scared that if I don’t play my cards right,
I might end up hurting you.
I am most afraid
I might break myself and not be able
To love.
0 notes
Text
wars
yesterday, i wrote stories
of hearts losing to battles
defeated on what vowed to die for.
a cloud of despair covered my lands
i cant walk through mere puddles.
confused, i cant seem to see light.
it was bad that there came a time
when all i know was only chaos
i was restless and angry
and left with nothing but nothing
so today, i write poems,
with music, syllables, and rhythm
because my dear mind can not fathom
how to get out of the crazy
to live in silence and not seek noise
even to sounds as faint a weak heartbeat
trust that if i ever get meek
i was only trying to keep the wars within me
i ought not to let those conquer you too.
0 notes
Text
Araw, Puso; Araw ng mga Puso
Nais kong manalig muli sa pagibig.
Sa pag-asang bukas, ang araw ay sisikat.
Bukang-liwayway ay sasalubungin,
Nang may ngiti sa labi ng mga tao.
Maligaya na ang araw kong masaksihan ang iyo. 😊
0 notes
Text
When my Starbucks cup had your name on it...
I think it was crazy. I have been thinking of that one time when we waited for hours just to grab a couple of drinks at a Starbucks location we barely knew existed. We had all the time in the world, not one phone call arrived. I just wish it would have been always like that.
But it would be selfish if I just kept you for myself as you have been preparing all your life for your dream to be of service to the people, and they need you.
But, I need you too.
I'm sorry if I can't be selfless enough for you, or if I learned how to not compromise my feelings for what the other people needs. I still love you and you know that, but I also need to protect my peace because I can not sit by or walk around with an empty heart.
So if I am to be asked these questions:
Do I want to go back in time? Absolutely, I would love to grab some coffee with you again, if God permits.
But what I want more is to spend my forthcoming days on Earth with you. Unfortunately, it's clear that I can't.
0 notes
Text
Sunflower
Open your eyes.
Imagine a field of flowers,
Looking towards the bright of day.
I , for one, am lucky enough,
to have ever seen your beauty
though only in the dark of night
Or the shades of your room.
We still haven’t felt
the sun shine on our skins,
but the warmth of your touch lingers on me.
That may be enough for now
but know that I still crave for more of you.
And know that I will wait still
until the next break of dawn
or the next one…
or the next…
For your glowing smile
Will eventually glare a beam to my face
Like the sun giving love to a mere flower
and it will all be worth it.
0 notes
Text
🌈
Ikaw ay ang bawat patak ng ulan sa pisngi ng langit; biyaya kang maituturing sa sangkatauhan.
Nababalot ka ng mga kulay na nagtitingkaran sa ganda. Ang aking tanging hiling ay mabigyan ako ng pagkakataong matangis ang iyong kahel o maalalayan ka sa iyong bughaw.
Ngunit kung ako ma’y nagmamalabis at ibig mo lamang ariin at pagingatan sa iyong sarili ang iyong mga kulay, asahang walang bahid ng aking puso ang magdaramdam.
Ako’y magtatago na lamang ng iyong alaala sa aking isip at ika’y aking lagi na lamang tititigan.
0 notes
Text
Muli bang iibig?
Hindi na ako matatakot sumugal,
dahil ang puso'y napagod nang magtago.
Ang tanging takot na haharapin,
ay ang takot na alam kong hindi ko ginawa ang lahat.
Hindi na rin ako natatakot pang masaktan,
dahil mas malaki ang gantimpala ng hindi napagod umibig.
At kung ako ma'y madurog ng paulit-ulit,
maniwalang bubuuin ko rin ang sarili ng paulit-ulit.
Asahang walang sakit ang tutumbas
sa sarap ng pagkakataong umibig muli.
0 notes
Text
sa mata ng isang umiibig...
Araw-araw akong dinadalaw ng samu't saring mga alalahaning hindi ko naman talaga dapat napagiisip. Kahit dalhin ko ang aking tuon sa ibang baitang ng kamalayan, tanging ikaw lamang ang nais nitong pagtuunang-pansin.
Alam kong dapat kong gamitin ang aking sintang panahon sa mga mas makabuluhan pang mga bagay ngunit nakatitiyak akong ikaw ay ang magiging sanhi ng mga makukulay ko pang mga araw. Wala akong ibang nais kung hindi ang makapiling ka dahil sa piling mo, natagpuan ko ang tunay na ligaya.
Nagiging maramot ang aking puso sa mga maaring makapagnakaw ng aking pagtingin mula sa'yo. Sa mga sandaling tayo'y magkapiling, bawat bahagi ng iyong pagkatao'y ninanais kong masariwa.
Mula sa bawat hangganan ng malalambot mong mga kamay hanggang sa bawat guhit sa ilalim ng iyong mata tuwing ika'y aking napapangiti, sapat nang paghugutan ko ito ng lakas sa aking bawat umaga habang ang iyong malamyos na tinig sa telepono ay sapat ko nang pahinga sa aking bawat gabi. Walang sinuman ang nakapagpadama sa akin ng ganito.
Ngunit natatakot pa rin ako. Alam kong may hangganan kahit ang masasayang mga tagpo. Maaaring tumamlay ang ating damdamin o mapagod ang ating mga pisikal na pangangatawang payak. Ngunit isa lang ang aking natitiyak, kahit na ang ningas na ating taglay sa ating mga puso ay manlamig, asahang pipiliin ko lagi ang umibig.
0 notes
Text
𝘐𝘵'𝘴 𝘢𝘤𝘵𝘶𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘥𝘢𝘯𝘨𝘦𝘳𝘰𝘶𝘴 𝘵𝘰 𝘧𝘪𝘯𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘧𝘪𝘨𝘶𝘳𝘦 𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘢𝘭𝘭 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘦𝘥 𝘪𝘯 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘪𝘴 𝘵𝘰 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦𝘭𝘧 𝘮𝘰𝘳𝘦. 𝘠𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘦𝘷𝘦𝘯𝘵𝘶𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘴𝘦𝘦 𝘩𝘰𝘸 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘦𝘯𝘦𝘳𝘨𝘺 𝘪𝘴 𝘰𝘯𝘤𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘧𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘦𝘢𝘤𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩𝘪𝘯 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘰𝘶𝘭.
𝘐 𝘤𝘢𝘯'𝘵 𝘧𝘪𝘯𝘥 𝘢 𝘣𝘦𝘵𝘵𝘦𝘳 𝘢𝘭𝘭𝘦𝘨𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘯 𝘵𝘩𝘢𝘵.
0 notes
Text
𝙬𝙤𝙧𝙙𝙨...
I believe that it is truly magical,
to find the right words to tell.
I believe that at some point,
we can run out of words,
Or repeat the words we once avoid.
I once felt that in words,
I was never voiceless.
Words have been running in my head,
over and over and over...
I will always have it all,
though more often than not, I might lack it too.
Words often lose the right feelings,
and somehow it finds its way back,
and makes all the sense we need.
I believe that words can be wrong as well.
It can break one's heart
or the other, flutter.
But ultimately, words are ever capable
Words are never empty.
0 notes
Text
For RJ
Hope I can keep a good train of thought while writing this. As you already know, I have the shortest attention span in the world. That's why, I refuse to tell stories whenever we had the chance to speak. I enjoy listening to your stories about med school anyway even if some times I don't understand the words you use or the emotions you convey. All I know is, if I ever had the chance to speak with you again then that is more than enough for me.
You are the reason why I'm reminded everyday that I didn't make the wrong choice. Eventually along the way, I learned a whole lot of new things about me; about how I express my heart, or about how I indulge it. Luckily, I have you and not anybody else. I know that you are good for my soul. I know that you will not take advantage of me or break my young heart, because you have loved before.
I just wish we can see each other more often though. I've seen you only once in person and I fell a little way too deep than what I expected for a first meet. I thought I had my heart on check but you just made me let my guard down. Right then and there, I decided to keep you close to me, if not let you go anywhere anymore.
To more memories with you.
0 notes
Text
Ang Bakunawa
Ang dilim ng langit sa gabi ay punung-puno ng kapayapaan. Nagsisikislapan ang mga bituin na tila kumukurap na mga mata; nang-aanyaya ng mga tapat na alagad na magmamasid sa kanilang ganda.
Walang anumang halimaw o nilalang ang makagagambala sa akin kahit ako pa'y nakapikit. Ngunit isang araw, nagkaroon ng pagkakataong sumulyap ang kalangitan sa lupang taluktok ng aking nayong pinamumugaran ng mga bangkay.
Inakala kong nasaksihan ko na ang lahat, ngunit nang magningning ang liwanag ng iyong ganda sa aking daigdig, alam kong nakapagbahagi ka ng kaunting init sa puso kong nabalot ng ginaw. Nakaugalian ko na ang pagtitig sa pabago-bago mong anyo sa bawat lumilipas na gabi at ligayang mamarapatin kung ako ma'y mabigyan ng pagkakataong lumapit. Pinadama mo sa aking hindi pala dapat ako nagkukubli sa dilim.
Tila ang ligayang iyong pinadarama ay nagbabadya ring magwakas. Dumating ang araw na nagkulay dugo ang kalangitan.
Ang araw ay pumikit...
nagdilim muli ang aking paligid...
at hindi na kita matagpuan.
Labis ang aking naging pangamba sa bilis ng mga pangyayari at akin na ngang napagtantong ika'y napahamak na pala. Sumulpot ang isang halimaw mula sa kailaliman ng karagatan at kinain ka nito ng buo. Ang iyong dagitab ay naglaho at ika'y nabilanggo sa loob nito nang kung aking ipagpapalagay, ay tatlong habambuhay.
Bumalik muli sa pusod ng dagat ang halimaw baun-baon ka sa loob nito. Isinumpa ika'y akin hahanapin, maubos man ang hininga sa pagsisid sa kailaliman.
Papunta na ako. Humanda ka. Asahang lagi kitang sasagipin mula sa bakunawa.
0 notes
Text
On local folklores
Bilang ako'y pinalaki sa mga salaysay ukol sa mga engkanto at mga diwata, natutuhan kong ang puso ng mga tao'y may kakayahang magpatuloy ng mga nilalang. Pinipili natin ang mga bagay na labis na nagpapaligaya sa atin at binibigyan natin sila ng puwang sa ating mga puso. Inaaruga natin sila sa ating mga hinuha hanggang sa lumaki nang lumaki ang kanilang puwang.
Sa kapusukan ng mga tao, minsan ay nakapagpapatuloy tayo ng mga nilalang na wala namang ibig manatili; mga nilalang na maaring nakapagpadama ng mga damdaming nakapagpapabago sa tao o mga nilalang na tahasang magpapaligaya at maglalaho na lamang kasabay ng ihip ng mga hangin sa huli.
Nag-iiwan sila ng puwang na mahirap takpan ng kahit anong panglanggas na maaaring magpahilom ng sugat. Sa kasamaang palad, walang orasyon, panalangin, o alay sa mga anito ang makatutulong sa pagpapagaling. Kahit na ang pagbibilad ng puso sa tapat ng araw at ang pagbulong ng mga munting tula sa buwan kada gabi ay hindi rin nakikitaan ng bisa. Tanging pagtalima lamang sa dikta ng panahon ang makapanggagamot.
Ngunit ang mga sugat ding ito ang nagpapalaki at nagpapalalim ng kakayahan nating umunawa ng mga nilalang. Ang maluwag na puwang na kanilang iniwan ay hindi na makababalik pa sa munti nitong hugis noong nagsisimula pa lamang ito sa pagpapatuloy.
Hindi na maaring ang puso ng isang paslit ang magpatuloy sa mga nilalang na may mas malaking pangangailangang pag-unawa. Napagtanto kong kahit nababalot pa ang isip ng tao sa pangambang maaring mapunit na ang mga sugat sa pusong lumalaki sa mga naiiwang puwang, sikapin pa ring magpatuloy at umunawa. Walang sakit ang maaaring makapagpapunit sa puso dahil ang puso'y nilikhang matibay.
Kaya't hanggang sa dulo ng lahatla ng mga matatanda, ito ang tanging bukang bibig nila; hanggang maubos na ang mga dahilan upang umunawa; hanggang huminto na ang isip na unawain ang mga nilalang at tanging puso na lamang ang nagdidiktang kumapit pa, huwag mapapagod magpatuloy at umunawa.
0 notes