reiner-echaure
reiner-echaure
reinere-stuff
8 posts
blog for school
Don't wanna be here? Send us removal request.
reiner-echaure · 3 years ago
Text
Ang Paglalakbay Sa Hundred Island by: Christian Cabanas
Tumblr media
Ang aking travel blog ay tungkol sa Hundred Islands kung saan matatagpuan ito sa Alaminos, Pangasinan na mayroong 124 na isla. Binubuo ito ng 101 pulo, ngunit 100 pulo lamang ang makikita tuwing tataas na paglaki ng tubig. Nakakalat sa Golpo ng Lingayen ang mga pulo at may lawak na 1,844 ektarya. Ang aking paglalakbay sa Hundred Island ay isang espesyal na araw para sa akin dahil ito ang gusto kong matanaw simula pa nung bata pa ako, Ang mga isla sa Hundred Islands ay may kanya kanyang pangalan na nagsisimbolo ito sa mga isla at sobrang maganda ang mga matatanaw mo dito, Marami ding mga turista ang dumadayo dito para matanaw ang mga magagandang isla, Ang mga tao sa Hundred Islands ay malalapitin dahil mabilis ang serbisyo nila sa pag aalalay sa inyo papunta sa mga isla, may mga seafoods vendor din sa mga bawat isla at ang di ko makakalimutan na alaala sa Hundred Islands ay 20 na islands ang aming nalibot at isa sa aking pinaka naibigan ay ang Pilgrimage Island na may statwa ni Hesus
2 notes · View notes
reiner-echaure · 3 years ago
Text
Siargao: Pag-alala by: Anton Gonzales
Tumblr media
Siargao, isang isla na mahahanap sa Pilipinas. Kilala bilang isang hot spot para sa mga turista para sa mga magagandang dagat, sikat dahil sa dami ng dagat na puwede mag-surf ang mga tao. Dahil sikat siyang tourist spot, madaming option para sa hotels, resorts, at mga kakainan. Ngunit sa kasalukuyan ay bumabawi pa lamang ang Siargao dahil sa mga masamang palad na dala ng bayong Odette.
Ilang taon na ang nakalipas nung huli namin nabisita ang Siargao. Hanggang ngayon isa pa rin siya sa mga lugar na gusto kong balik-balikan. Marami akong natutunan tungkol sa sarili ko sa panahon na andun kami sa Siargao. Sa lahat ng naranasan ko sa Siargao, merong dalawang taglay na pangyayari noon na hindi ko kahit kalian pa man makakalimutan. Ang isa dito ay nung natuto kami ng ate ko na mag surf. Mabilis akong natuto, at mabilis din akong na mangha sa saya, ligaya at nakakalayang pakiramdam na nakuha ko nung unang beses na naka-surf ako ng maayos. Ang pangalawang pangyayari ay nung tumaob ang bangka namin, at muntikan na kaming malunod. Ang ala-ala ko ng pangyayari na iyon ay isang malaking paalala na di’ ko alam, at wala akong kontrol sa kung anong mangyayari sa susunod na sandal.
Sa kabila nang nakaka-trauma na pangyayari na iyon, gusto ko muli makabalik sa Siargao. Naghilom na ang mga sugat ko galing sa pangyayari na iyon, at handa na ako muli na  makapaggawa ng maligaya at magandang ala-ala sa lugar na.
1 note · View note
reiner-echaure · 3 years ago
Text
Ang Paglakbay sa Asul na Karagatan by: William Chuawee
Tumblr media Tumblr media
Ang Batanes ay matatagpuan sa pinakahilagang lalawigan ng Pilipinas, mas malapit pa ito sa Taiwan kaysa sa Luzon! Ito rin ang pinakamaliit na lalawigan sa bansa kung ang pag-uusapan ay  lawak ng lupa at populasyon. “Home of the Winds” ang bansag sa lugar na ito dahil para kang winawalis sa lakas ng hangin. Malalaman mong nasa Batanes ka na dahil hindi makababa ng diretso ang inyong eroplano na para bang nakikipagmatigasan sa haring hangin. Ngunit sa kabila nito talagang mabibighani ka dahil din sa mga kakaibang likas na atraksyon, tradisyonal na arkitektura, at mahusay na napanatili na kultura dito.
Tumblr media Tumblr media
Kami ng aking pamilya at mga pinsan ay sadyang nabighani sa mga natural na tanawin at kultural na karanasan sa Hilaga at Timog ng isla ng Batan. Feeling matapang? Sumakay sa mga alon sa Sabtang o Itbayat habang nasa isang faluwa. Honesty Store? Tapat talaga sila at palakaibigan. Makararanas ka ng ibang uri ng road trip habang nagbibisikleta sa maburol na lupain ng Basco. I-treat ang iyong sarili sa ilang Ivatan delicacy tulad ng Lunyis, ang lokal na bersyon ng Adobo, at Dibang, o flying fish. Isa na namang hindi malilimutang paglalakbay ito ng aking pamilya dahil sa mga natutunan na bagong kaalaman na lalong nagpatibay sa aming samahan. At syempre, sino ba naman ang hindi makakalimot na magbigay ng iyong pinakamainit na ngiti sa mga palakaibigang Ivatan
0 notes
reiner-echaure · 3 years ago
Text
Paglakbay sa Quezon Province by: John Manguiat
Tumblr media
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may magagandang tanawin. Lalong lalo ang mga lugar na tinatangkilik ng mga turista o may malalim na historya. Noong 2019 nagkaroon kami ng Student leaders camp at ito ay tuwirang isinagawa sa Quezon Province. Sa aking napuntahan dun ay Liwayway na matatagpuan sa Mauban. Naging unang camp site namin at isinigawa ang unang mga pagsubok at aral na makukuha namin dun. Ang lugar na ito ay nakatago at di madaling makita kapag di ka taga dun. Sobrang saya namin noong mga araw na lumangoy at naligo kami sa tabing ilog na narito na napakalinis at inalagaan ng mga tao ito. Nung kumain at inihanda ang mga pagkain ay nakasarap at sariwang-sariwa.
Tumblr media
Sunod naming pinuntahan ay ang Mauban seawall na matatagpuan sa Quezon province, napakaganda at mababait ang mga tao na nakasalamuha namin. Kumpara sa liwayway ay munting mas maganda ang tanawin dito dahil tabing dagat siya. Ang sunod naming pinuntahan ang cagbalate island, dito naming naranasan masunog talaga sa araw dahil sa sobrang init at tapat ang araw. Nakakilala kami ng mga tao masayahin kahit simple lang ang buhay ngunit may mga tradisyon sila na kaaliw-aliw at may mga pagkain na magugustuhan at matatakam ka sa lasa kada pag gising mo dito. Maganda itong tambayan pampalipas oras, napaka relaxing din ng tanawin. Nakalangoy at nakasaay kami sa mga bangka na naging isang pinaka magandang naransan naming sa buong paglakbay sa quezon province. 
Tumblr media
Sa buong paglakabay namin at isinigawa ang mga aktibidad di namin inaakala na napakalamig ng simoy ng hangin kahit tirik na tirik ang araw gayun pa man maiinit pa rin. Ang pagsikat at paglubog ng araw na nakita namin sa taltlong lugar ay munting di makakalimutan. Para sa akin may aral lahat ng naranasan namin at ito’y huwag kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat ipagmalaki na dito lang sa pilipinas matatagpuan. Higit sa lahat magpasalamat sa panginoon na binayayaan tayo nito.
0 notes
reiner-echaure · 3 years ago
Text
Ang Unang Paglalakbay by: Lorenzo Obera
Tumblr media
Taong 2012 ay pumunta kami ng aking Ina sa paliparang nangangalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sobrang saya ko noon dahil mararanasan ko na rin makasakay sa eroplano at makakapunta na rin ako ng ibang lugar. Halos abo’t langit ang aking ngiti sa pagsakay sa pagsakay sa eroplano dahil pangarap ko din itong sakyan at nais ko ring maging piloto balang araw. Ang aming eroplanong sinasakyan ay pabiyaheng Mactan, Cebu, kung saan pinanganak si Lapu-Lapu. Ang Cebu ay matatagpuan sa Central Visayas (REGION VII), ito ay tinaguriang “The Queen City of the South”, pinakalumang siyudad at unang kabisera ng Pilipinas. Ang unang pinuntahan naming sa Cebu ay ang Magellan’s Cross kung saan kami ay kumuha ng litrato ng aking Ina at sumimba. Halos lahat ng simbahan dito sa Cebu ay aming pinuntahan at dahil pumunta rin kami sa lugar na ito ng Mahal na Araw. Talagang napakakaganda pa rin ng mga simbahan kahit na ang mga ito ay antigo na at madaming tao pa rin ang dumadayo dito para magdasal.
Tumblr media
Pagkatapos naming bumisita sa mga simbahan ay pumunta muna kami sa isang resort na mayroong beach na may puting buhangin upang magpahinga. Napakaganda ng beach na ito ngunit onti lamang ang mga tao sapagkat pribado ang resort na aming pinuntahan. Napakalinaw ng dagat dito at kulay bughaw, marami ring mga namamangka sa beach na ito. 
Tumblr media
Ang sunod naman naming pinuntahan ay ang lugar na nangangalang Bohol kung saan matatagpuan ang “Chocolate Hills” at ang hayop na “Tarsier”. Umuulan ng araw na iyon kaya kulay berde ang mga burol at kumuha kami ng mga litrato bilang ala-ala sa napakagandang tanawin na ito. Ang alamat ng mga burol na ito ay luha na nahulog mula sa isang higante na bigo sa pag ibig. Naninirahan ang mga maliliit at cute na Tarsier sa kagubatan ng Bohol. Talaga nga namang napakaswerte natin sapagkat biniyayaan tayo ng ating Panginoon ng mga bagay na ito, kaya nararapat nating pahalagahan ang kanyang mga nilikha para sa atin. Ito ang aking pinaka-una at hindi malilimutang paglalakbay, hiling ko na sana ay marami pa akong mapuntahang lugar kasama ang aking Ina at tratuhin sya para sa lahat ng mga bagay na nagawa niya para sa akin. Dahil ang buhay ay napaka-iksi para lamang manatili sa isang lugar.
1 note · View note
reiner-echaure · 3 years ago
Text
Lakbay sa Sand Dunes ng Paoay by: Reiner Echaure
Tumblr media
Noong 2019, ang aming pamilya ay pumunta ng Paoay Sand Dunes sa Ilocos para magbakasyon. Kami ay natuwa rito sapagkat maganda ang tanawin at marami ang aktibidad na puwedeng gawin ang pamilya. Pagkadating namin dumeretso kami kaagad sa mga masasayang mga gawain sa sand dunes.
Isa sa aktibidad na ginawa ng aming pamilya sa Paoay ay ang pagsakay sa mga dyip kung saan umikot kami sa buong sand dunes. Habang kami ay nakasakay, inenjoy namin dahil mahangin at nakakathrill ang mga sand dunes. Dahan-dahan pa ang pagmamaneho ng mga kuya roon kaya ligtas ka sa pahamak.
Pagkatapos namin sumakay sa dyip, kami ay nag sandboarding pababa sa mga matataas na mga sand dunes. Ako ay natuwa dahil nakakatibok ng puso pag ikaw ay mahuhulog na pababa ng mga sand dunes. Hindi ko makakalimutan ang aming paglalakbay dito dahil nakatatak sa aking isipan ang saya na aming naranasan nung kami ay pumunta sa Paoay Sand Dunes.
0 notes
reiner-echaure · 5 years ago
Text
Ang ating wikang kinakalimutan
blog ni Reiner Echaure
Tumblr media
Ang ating wika ay tuluyan na kinakalimutan. Ayon sa aking bidyo na napanood, ang asignaturang Filipino at Panitikan ay tinatanggal sa kurikulum ng kolehiyo. Sinasabi pa ng ibang mga eksperto na hindi daw kailangan pag-aralan ito sa mataas na paaralan sapagkat itinuro naman na ito sa K-12. Dahil sa mga rason na ito ay namamatay ang ating sariling wikang pambansa at kinakalimutan ng ating mga mamamayan. Kaya na rin ako ay hindi sumasang-ayon sa ginawa ng CHED at DEPED sa mga kurikulum ng mga ekuwelahan.
Malaki ang epektong naidudulot ng pagbabagong ito sa ating pambansang wika. Tulad nga ng sabi ng isang guro sa bidyo, "Ang hina na nga ng pagmamahal ng kabataan sa kanilang bansa, tatanggalin mo pa yung ilan sa kakaunting instrumento na tutulong sana na bukawin yung pagmamahal nila sa kanilang bansa." Sa pahayag na ito masasabi na ang epekto ng pagbabagong ito ay may magtatanggal sa pagmakabayan ng ilang kabataan ngayon. At sabi din ng guro na iyon na ang edad na labing-lima hanggang labing-walo ay mga importanteng mga taon para sa kbataan sapagkat dito maitatak sa kanila kung ano yung paniniwalaan nila habang buhay. Isa pang epekto na rin ng pagbabagong ito ay ang pagtanggal ng mga libu-libong guro sa kanilang mga trabaho. Sinasabi ng CHED at DEPED na puwede naman sila mag retooling o yung pagpapalit ng asignaturang ituturo. Ito ay mali sapagkat sila ay nag-aral ng asignaturang Filipino para maturuan ang ating kabataan ng kanilang wikang pambansa. At dahil sin sa pagbabagong naganap, ang mga kabataan ay makakalimot ng kasaysayan ng kanilang bansa. Sa isang mock diagnostic test na isinagawa sa mga etudyanteng baytang sampu tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, pito sa benteng mag-aaral ang pumasa. Dito pa lamang ay makikita na natin na sa pagtanggal ng kasaysayan ng Pilipinas sa mataas na paaralan, makakalimutan ng mga kabataan ito. Kahit napag-aralan na nila ito noong sila ay nasa baytang lima at anim, sa paglipas ng oras ito ay makakalimutan. Kaya dapat ibalik ang asignaturang Filipino at Panitikan sa matataas na paaralan.
At sa wakas, madaming mabubuting maidudulot kapag ang mga asignaturang Filipino at Panitikan ay ibinalik sa mataas na paaralan. Sapagkat dito maibubuhay ang pagmamakabayan ng ating mga kapwa Pilipino. Dito na rin mapapag-aralan ang lahat ng kailangan mapag-aralan tungkol sa ating bansa. Dahil kapag ito ay mangyayari, ang ating wika ay hindi mamamatay at marami sa atin ay mas mamahalin ang sariling bansa.
0 notes
reiner-echaure · 5 years ago
Text
Ang ating Wikang Pambansa
blog ni Reiner Echaure
Ang ating wika ay isa sa mga pinakamakukulay na wika sa buong daigdig. Ang ating mga ninuno ay nagsikap upang ito ay mapalaya sa kamay ng mga banyaga. Ngunit sa kasulukuyang panahon, madami sa atin ay patuloy na nakakalimot nito. Dahil sa nagbabagong panahon, marami sa ating mga kababayan ay mas pinipili ang wikang banyaga kesa sa wikang pambansa. Sa aking napanood na video, aking nakita na madami sa kabataan ngayon ay nahihirapan sa paggamit ng ating wikang Filipino. Pati sa pagsasalita ng derederetso sila ay nahihirapan sapagkat hindi tama ang pagsasalita nila. Ang mensahe na nais ipahiwatag ng video ay aking sinasang-ayunan sapagkat madami sa atin ngayon ay mas pinipili ang salitang Ingles kesa sa Filipino.
Sa aking napanood, nalaman ko na pati ang mga guro sa Wikang Filipino ay nahihirapan sa pagtuturo dahil sa dami ng pinagbago sa ating wika. Ang sabi pa nga ng guro sa video ay nung simula ang dekada nobenta, andami kaagad nagbago sa ating wika. Isa sa mga rason nito ay sa pagkauso nga mga text at salitang jejemon kaya't nahihikayat ang kabataan para ibalewala ang wastong paggamit ng ating wika. Dahil dito sumasang-ayon ako sa mensahe ng video na dapat ang ating Wikang Filipino ay mas paigtingin ang pagtuturo sa mga paaralan. Ito ay dahil ang ating wika ay dapat minamahal ng sobra sobra. Ang ating wika ay ang ating sariling identidad at ang tatak na nagsasabi na tayo ay Pilipino.
Para sa aking konklusyon, masasabi ko na dapat mas paigtingin ang pagtuturo ng ating Wikang Filipino sa ating mga paaralan para ang kabataan ngayon ay mas magiging magaling sa pagsasalita nito. Dahil na rin ito ay ang ating pambansang wika kaya dapat hindi kinakalimutan. Katulad na nga ng sabi ng ating Pambansang Bayani, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda." Ito ay kaya dapat mas pinapaigting ang pagturo ng Filipino sa mga paaralan.
2 notes · View notes