Tumgik
renenelenn-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
O PAGBABASA MINAMAHAL KITA Libro, Wattpad, Ebook, PDF, Manga, Webtoon at Comic, kung saan-saan na ako napunta dahil sa hilig ko sa pagbabasa, wala akong pakialam kung nasa papel ba o screen nakalagay ang mga salita, basta may mabasa lang ang mata ko at may pagkaka-abalahan ang imahenasyon ko ay ayos na. Dahil sa mahilig nga akong magbasa ay halos hindi na ako kumain ng recess may maipon lang para pambili ng libro sa katapusan ng buwan. Napakatagal ko na ring matulog dahil sa kababasa sa cellphone ko ng manga, webtoon, wattpad, ebook, o di kaya naman ay PDF. Palipat lipat lamang ako ng binabasahan, kapag may kuwento na akong natapos sa wattpad ay lilipat na naman ako sa manga, kapag naman tapos na ako sa manga ay sa webtoon na naman, at sa tuwing nagkakaroon naman ako ng pagkakataon ay magbabasa talaga ako. Sa tuwing nagbabasa naman ako ay para akong baliw dahil bigla-bigla na lang akong ngingiti, matatawa, tatahimik, magagalit, maiiyak at hahalakhak. Ilang beses na nga akong natanong ni Papa at ng mga kapatid ko kung nababaliw na ba ako, eh ano bang magagawa ko eh sa madali akong madala sa mga binabasa ko eh. Siguro isa sa mga dahilan kung bakit ako mahilig magbasa ay dahil madali akong madala sa mga ito. Sa pamamagitan ng pagbabasa ay nakakaramdam ako ng marami at iba't-ibang emosyon, minsan pa nga ay naghahalo-halo ang mga ito eh kaya nagmumukha akong baliw. Isa rin sa mga dahilan ay sa pamamagitan ng pagbabasa ay nakakapaglakbay ako at nararanasan ko ang mga bagay na maaaring malayong mangyari sa totoong buhay. Tawagin nyo na akong bookworm, nerd, geek o kung ano-ano pa dahil sa hilig ko sa pagbabasa, hindi ako maiinis, sa totoo lang ay matutuwa pa nga ako eh kasi bakit naman ako magagalit eh mahal ko ang pagbabasa.
0 notes
renenelenn-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
DAHIL SA GRANADA NI BRUNO MARS Kanina habang naghuhugas ng aming pinagkainan ay nakikinig ako ng mga musika sa aking cellphone habang nakapasak sa tenga ko ang aking headset. Aliw na aliw ako habang naghuhugas dahil sa mga musika at awitin na aking naririnig, nang hindi ko namalayan ay Grenade na kanta na pala ni Bruno Mars ang pinapakinggan ko at habang nakikinig ay naalala ko rin na nalalapit na ang aming unang pagsusulit, at dahil dun ay naalala ko ang isa sa mga sobrang nakakahiya kong ala-ala. Nasa ika-anim na baitang pa ako noon at huling pagsusulit na namin. Noon pa lamang ay mahilig na akong makinig ng mga musika habang naka-headset kaya pati ang araw na iyon ay hindi ko pinalagpas. Habang sumasagot ay nakikinig ako ng musika dahil hindi naman yun ipinagbawal ng aking guro, nasa pinakamalakas na volume yun at naghe-head bang pa ako habang sumasabay na kumakanta ng pabulong. 🎶Easy come, easy go That's just how you live, oh Take, take, take it all But you never give Should've known you was trouble From the first kiss Had your eyes wide open Why were they open?🎶 Unti-unting bumilis yung beat nung kanta kaya mas lalo pa akong ginanahan sa pagsabay dito. 🎶Gave you all I had And you tossed it in the trash You tossed it in the trash, you did To give me all your love is all I ever asked 'Cause what you don't understand is...🎶 Pagdating sa koro ng kanta ay napapikit na ako dahil talagang nadadala ako sa beat at tuno kaya mas tinodo ko rin ang pagkanta 🎶I'd catch a grenade for you (yeah, yeah, yeah) Throw my hand on a blade for you (yeah, yeah, yeah) I'd jump in front of a train for you (yeah, yeah, yeah) You know I'd do anything for you (yeah, yeah, yeah) Oh, I would go through all this pain Take a bullet straight through my brain Yes, I would die for you, baby But you won't do the same🎶 Aliw na aliw ako sa pagsabay sa kanta pero naputol iyon nang may tumapik sa likod ko. Tumingin muna ako sa harap para tinggnan kung naroon pa ba si Maam bago lumingon sa aking likuran pagkatapos tanggalin sa pagkakapasak ang aking headset sa aking tenga tsaka tinanong yung tumapik sa akin kung ano ba ang kailangan niya, akala ko magpapatulong sya sa isa sa mga tanong pero iba ang sinabi nya. "Ren, ang ingay mo, rinig na rinig ka namin." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya, at dun ko lang namalayan na lahat pala sila ay nakatingin sa akin, may ibang natatawa at may iba namang mukhang galit o naiinis dahil ang ingay ko. Sobrang nakakahiya!Parang gusto kong maghukay sa lupa at ibaon doon ang sarili ko dahil sa hiya nung mga oras na iyon! Ang sarap kutusan ng sarili ko! Bakit ba kasi ako kumakanta?! Ayan! Yan ang napala mo Ren! May pa background music pa kasing nalalaman eh kahit nasa kasagsagan ng pagsusulit! Ilang beses kong pinagalitan at sinermonan yung sarili ko nun at agad-agad na umuwi pagkatapos ng aming pagsusulit. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasang manliit sa hiya sa tuwing naaalala ko yaong pangyayaring iyon at pinapangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako kakanta habang nakaheadset at maraming tao dahil ayaw ko nang maulit pa ang nakakahiyang pangyayaring iyon.
0 notes
renenelenn-blog · 7 years
Text
ISA AKONG BALIW NA WORRYWART
Sa mga nagdaang araw ay wala na akong ibang ginawa kundi isipin at problemahin kung ano bang strand ng senior highschool ang kukunin ko at kung anong kurso ang gusto ko. Noon gusto kong maging Architect, tapos gusto ko na namang mag Business Management, tapos gusto ko na namang maging Neurosurgeon, tapos gusto kong mag Law, sunod ay Flight Attendant, tapos Phycologists at kung ano-ano pa. Isang gabi nga ay tinanong ko si Papa kung ano ba ang gusto nyang kurso na kunin ko pero ang sabi nya ay kunin ko kung ano yung gusto ko, kaya sinabi ko sa kanya na hindi ko alam kung ano ang gusto ko at sabi naman nya na malalaman ko rin yun. Para na akong mababaliw sa kakaisip kung ano ang kukunin ko dahil diba dapat kung ano ang kursong kukunin mo ay nandun yan sa strand na papaukan mo sa senior high, magse-senior high na ako sa susunod na taon at napre-pressure na ako hanggang sa naiiyak na lang ako habang nag-iisip dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tapos isang araw habang kumakain kaming dalawa ni Mama ay sinabi nya sa akin na pumunta si Ante Liliw sa bahay at sinabing pakukunin nya raw ako ng DUST Test at Scholarship sa Ateneo, sabihin ko lang daw kung gusto ko dahil si Ante Liliw na raw ang bahala. Pagkarinig ko nun ay nablangko ang utak ko sandali at unti-unti na naman akong kinain ng kaba habang iniisip kung kukunin ko ba o hindi, tapos tinamaan na naman ako ng takot habang iniisip na paano kung sinubukan ko nga ngunit hindi ako na tanggap, kapag nangyari yun sa tinggin ko iiyak talaga ako ng sobra. Hanggang sa natapos na kaming kumain ay nasa isipan ko parin yung sinabi ni Mama at para na naman akong mababaliw sa kaiisip kung ano ang gagawin ko. Lutang ako habang naghuhugas ng pinggan dahil dun at sa sobrang pag-iisip ay kinain na naman ako ng pressure at para akong baliw dahil umiiyak ako habang naghuhugas ng aming pinagkainan. Hindi ko alam kung bakit ako ganito, sa tingin ko nga ay mababaliw na ako eh, tapos iyak pa ako ng iyak. Gusto ko nang malaman kung ano ba talaga yung gusto kong maging sa hinaharap para mapaghandaan ko kung ano ba ang mga dapat kung gawin pagdating sa kolehiyo dahil gusto kong magkaroon ng maganda at matiwasay na buhay ang aking pamilya.
0 notes
renenelenn-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
IYAKIN NA DADDY'S GIRL Habang nag-iisip kung ano ang gagawin ay napadako ang aking mga mata sa cabinet kong maraming nakadikit na ribbon at medalya, at dahil doon ay naalala ko yung graduation day ko. Bago paman ang graduation day ay pinaalam na ang mga pangalan ng mga estudyanteng nakasali sa ranking at nung nalaman ko na ako yung naka salutatorian ay ang saya-saya ko kaya pag-uwi ko ay agad ko iyong binalita kina Mama at pati sila ay sobrang saya, nahihiya na nga ako eh dahil si Mama panay ang tawag sa mga kapatid nya binabalita yung pagka-salutatorian ko pero syempre ang pinaka-unang tinawagan ni Mama ay si Papa at tudo congratulate naman si Papa sa akin. Nung sinabi na ang araw ng aming graduation day ay syempre sinabi ko kaagad kay Mama pero nung malaman yun ni Papa ay nalungkot sya dahil hindi sya makakauwi noong araw na iyon at panay ang hingi nya ng tawad sa akin habang nagpapaliwanag, syempre naiintindihan ko naman kung bakit at hindi rin naman ito ang unang beses na hindi sya nakapunta sa awarding ceremony ko kaya sabi ko kay Papa na ayos lang dahil nandito naman si Mama, pero kahit na sinabi ko iyon at naiintindihan ko ang dahilan nya ay hindi ko parin maiwasang malungkot dahil hindi si Papa makakapunta, gusto ko pa naman na sya ang kasama kong maglakad at tumanggap nung award at medalya ko at dahil sa madali lang akong malunod sa aking mga emosyon ay umiyak ako nang gabing iyon ng patago. Dumating ang araw ng graduation day at bago pa man nagsimula ay nakatanggap ako ng text galing kay Papa na nagsasabing ipinagmamalaki nya ako at humihingi sya ng patawad dahil hindi sya makakapunta, muntik na naman akong maiyak nun ngunit pinigilan ko dahil ayaw kong naiiyak sa harap ng maraming tao. Hanggang sa natapos ay si Mama lang ang kasama ko at masaya naman ako. Makalipas ang ilang araw ay nakauwi na si Papa at ngumiti sya sa akin at ibinigay ang pasalubong nya at muli na namang humingi ng tawad dahil hindi sya nakapunta, muntikan na naman akong maiyak ngunit ginawa ko ang lahat para lang hindi nila makita ang nanunubig kong mga mata dahil ayaw ko talagang may nakakakita sa akin na umiiyak. Kinabukasan nun ay ipinasyal kami ni Papa at kumain kami sa labas, hindi kami kumain sa isang mamahalin na lugar kundi sa barbeque lang sa night market ngunit kahit na ganon ay masayang masaya na ako. Madali lang akong maiyak, sa totoo lang iyakin ako, pero umiiyak lang ako kapag ako lang mag-isa, ngunit dahil sa pagiging-OA ni Papa minsan at sa ugali nyang hindi nakokontento sa isang sorry lang ay ilang beses na akong muntik na umiyak sa harap ng iba. Kapatid ko na nga ang nagsabi eh, na isa akong iyakin na Daddy's girl.
0 notes
renenelenn-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
MALIGAYANG PAGBATI Magandang araw po sa inyong lahat at maligayang pagdating sa aking mumunting personal bog. Ako nga po pala si Renalenn ngunit Ren nalang po ang itawag nyo sa akin kung maaari. Mahilig po akong magbasa,gumuhit at kumain. Mahilig din po ako sa anime, manga, mga libro, sorbetes at tsokolate. Hindi ko na po sasabihin ang personalidad ko dahil gusto ko na kayo na po mismo ang magdiskobre nun sa pamamagitan ng pagbabasa ng blog ko, kaya subaybayan nyo po ito. Yun lang po at maraming salamat!
0 notes