Tumgik
ricefieldkulit · 4 years
Text
OPEN LETTER
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula o kung saan ba ako dapat magsimula. It’s been a year since the day I’d said “I love you” and the day you answered “I love you too”. Di ko inaasahan na ibibigay ka sakin ni God before ako sumabak sa mga planong gabi-gabi ko pinagdadasal sa kanya. Mga plano na sayo ko din sinabi lahat.
It’s been a year pero kapag mas lalo kong iniisip at inaalala kung paano tayo nagsimula, mas lalo kitang minamahal. Sa totoo lang di ko inaasahan na mas magmamahal ako ng ganito kumpara noon. Ang akala ko nagmahal na ko ng sobra noon, na alam ko na ang hangganan ng kaya ko ibigay, pero hindi pala. Naging single tayo sa mahabang panahon, dahilan na din siguro kung bakit nagkalapit agad ang mga loob natin. Hinding-hindi ko makakalimutan yung mga sandaling unti-unting napapalapit ang loob natin sa isa’t-isa. Yung mga moments at scenes na yun ang patuloy na nagbibigay saya, kilig at ngiti sakin. Mga moments kung paano tayo nahulog sa isa’t-isa.
I honestly salute you for accepting my heart despite knowing all my plans. LDR. Long Distance Relationship. Miles apart. Isang set-up ng relasyon na di para sa atin. Dahil clingy tayo at gusto natin makasama lagi ang isa’t-isa. Pero kinailangan gumawa ng desisyon at pumili. Sa totoo lang may mga time noon na parang ayoko na umalis kasi ayaw kita iwan. Isang simpleng dahilan. “Ayaw kita iwan”. Gusto ko makasama ka lagi. maka-date ka lagi. Mamasyal sa ibang lugar kasama ka. Pero papano natin magagawa lahat ng yan kung di ako masusumikap? Pano ko mapapatunayan sa sarili ko na kaya ko maging matured enough sa buhay at bumuhay ng sariling pamilya kung sarili kong pamilya di ko mai-ahon sa hirap. Siguro nga we need to make sacrifices to have a better or if not, the best result in life.
Never kong makakalimutan ang pag luha at pag iyak mo noong nasa airport tayo, waiting for may flight. Sa totoo lang pilit kong pinipigilan ang mga mata ko na lumuha. Ayokong makita mong malungkot akong aalis sa tabi mo ng pansamantalang panahon kahit na sa loob ko nagsusumigaw ang puso ko na ayokong umalis. Ayokong makita kang malungkot dahil sakin. Di kaya ng puso ko. Pero kailangan. Di na tayo mga bata na dapat maging makasarili at unahin ang damdamin para lang sa kasalukuyang kasiyahan. We need to look forward para sa future na magkasama tayo. Future plans na tutuparin nating magkasama.
Alam kong ramdam mong naghohold back ako noong magkasama pa tayo dahil na din siguro sa tagal nating naging single, nakakapanibago. Pero mula nung unang araw na nagkalayo tayo. Doon ko binitawan ang sarili ko. Doon ko na binitawan ng buo ang feelings ko para sayo, Alam kong naaalala mo noong unang dating ko dito, walang libreng wifi, no way to communicate. Di ko inasahan yun. Di ako makatulog ng di kita namemessage o di man lang ako makareceived ng message mo. Sa tuwing naalala ko yun, parang ang dilim ng mga oras na yun. Alam kong doon mo din naramdaman ng buo ang feelings ko para sayo. And now malapit nang magisang taon, at isang taon na tayo. A month before my flight. Di enough yung isang buwan na ginugol natin sa isa’t-isa bago ako umalis. It will never be enough.
Every Monthsary is a thing to happily celebrate but sadness always strikes. Though alam mong I’m not into monthsary(s). Pero sa tuwing sasapit ang ika-28 ng buwan, lagi akong humihingi ng tawad sayo. And I guess pati ngayong Anniversary natin. I’m aways looking forward to this day but gaya ng mga lumipas na monthsary, patuloy akong magsosorry. Sorry for not being at your side. Sorry we can’t celebrate each month together. Sorry that I left. Sorry for this set-up. Dapat magkasama tayo, nagde-date, nagi-spend ng time para sa isa’t isa, di dahil yan talaga ang dapat pero dahil yan ang gusto ko. SANA. Kaso malayo ako sayo. Sorry kasi despite of waiting to be loved and love again ganito pa ang set-up. Kung kelan nagkajowa ka di mo naman makasama. Sorry for that. Sorry kung nagiging malungkot ka dahil sakin. Sorry.
Alam mo bang swerte ako sayo? Literally, you are my luck charm. You helped me with everything you can even though alam mong ikakalungkot mo. Thank you for that. Thank you for always being understanding. Thank you for being my source of strength here. Ikaw at ang family ko lang ang laging nasaisip ko to keep going. Na kahit mahirap na, pagod na, sige lang. Dahil alam kong lilipas din ang panahon. Tumatakbo ang oras. Magkakasama din tayo. Thank you for being faithful to me. Di ko alam kung bakit pero laging panatag loob ko. Panatag akong di mo sisirain ang tiwala ko sayo. At thank you dahil alam kong may babalikan ako para bumawi at i-date. Alam mo naman yung mga promises natin sa isa’t-isa pag nakauwi nako. Sa tuwing iniisip ko ang lahat ng yon, naeexcite ako lalo.
Happy Anniversary my love. This open letter is a simple gift na naisip ko para sayo. Since we can’t be together to celebrate it, I conveyed all my thoughts and feelings in here. Lagi mo tandaan kung gano kita kamahal. Mula noong unang araw natin, araw-araw kita mas lalong minamahal. Walang araw na dumaan na di ko hiniling na makasama ka. Walang araw na dumaan na di kita iniisip. Kasama kita lagi sa trabaho ko. You always give me strength sa bawat messages mo na nababasa ko habang nasa trabaho ako. I will always be thankful for that, I will always thank God dahil ibinigay ka niya sakin. We have our plans, out bucket list. For now tiis muna tayo. Isa-isa nating tuparin ang mga plano at pangarap natin na magkasama. Gaya ng laging sinasabi ko sayo, I’m always looking forward sa future kasama ka. You are my future. My everything. Let’s keep counting down till the day na magkakasama na tayo. I love you. I will love you always and so much. I’m always missing you from the day na nagkalayo tayo. I love you so much baby. I can’t wait to be with you Miss Christine Joy Racpan Galano.
4 notes · View notes
ricefieldkulit · 8 years
Text
Hi Crush!
Ok. Mabilis lang to. Parang free-style sa mga rap battles na kung ano ang laman ng aking utak ay aking sasabihin. Leh do this!
Hey! Crush! Oo ikaw! Di ko alam kung ano meron sayo at sa unang beses palang kita nakita ay napapatulala na ako sayo. Yung mga ngiti mo na tila anghel sa aking mga mata. Nakilala kita. Nagkapalitan tayo ng pangalan. Naglakas loob talaga akong gawin yun kahit di ko naman talaga gawain yun dahil sa may pag ka torpe ako. Pero para lang malaman ang pangalan mo at ma-add kita sa FB ginawa ko. Mababaw man kung iisipin pero nakagawa ako ng bagay na akala ko di ko kaya.
Di ko alam kung bat napukaw mo ang puso ko. Sana pala di nalang natapos yung mga oras na yun. Pagkatapos kasi ng gabing yun, di na kita muling nakita. Patingin-tingin nalang sa mga post at pics mo sa FB na kumukumpleto ng araw ko. Hoy Crush! Pakita ka naman kahit minsan.
Alam mo bang may kasalanan ka sakin? Natangay mo kasi yung puso ko. Sinubukan ko pumorma sa iba and guess what, ako pa nakipagkilala. Gaya ng sabi ko may pagkatorpe ako, kaya di ko talaga gawain yun. Usually ipapatanong ko pangalan at number. Pero dahil sayo, nagawa ko ulit. Kaso bat ganun, parang may kulang? Nakuha ko pangalan nya, number nya at nagkakasama kami. Pero may kulang. Naalala ko, di pala siya ikaw. Na na sayo pala ang puso ko. Kaya pala.
Oo alam ko may love life ka na. Masaya ka sa kanya. Halata naman sa mga ngiti mo pag kasama mo siya. Wala naman problema sakin yon. Kahit masakit, basta nakikita kitang masaya. Sobrang saya ko na din. Alam ko namang mas gwapo siya sakin e. Kaya wala akong angal. At alam ko namang mahal mo siya, kaya tatahimik nalang ako.
Sa totoo lang, isa kang bituin na kahit kelan alam kong di ko maabot. Di dahil sa di ko kayang baguhin estado ng buhay ko ngayon. Kundi dahil alam kong wala akong lulugaran sa mundo mo. Di naman tayo close e. Nag paka-FC (feeling close) lang ako nun. Pero alam mo, sana pala pumayag ako nung sinabi mong “Tara dun picture tayo.” para sana kahit papano may pic tayo. Kaso umandar pag ka torpe ko at nahiya ako e. Sayang talaga.
Sa ngayon, crush parin kita. At mukang di na maaalis yun. Since alam ko namang di tayo magiging close, di mo din naman na ko mapapansin, may mahal ka nang iba, may nagmamay-ari na sa puso mo at wala akong lugar sa mundo mo, ginawa nalang kitang inspirasyon sa buhay. Isang bituin na titingalain ko. Magsusumikap ako di para maabot ka at makuha, kundi para kahit papano e mapalapit ako sayo. Para kahit balang araw maging bituin din ako, na nagnining-ning malapit sayo. Hi Crush! Yang mga ngiti mo, nakakafall...
0 notes
ricefieldkulit · 8 years
Photo
Tumblr media
Stepping out of Comfort Zone.
0 notes
ricefieldkulit · 8 years
Text
Single
Got some quotes from a movie na kapapanood ko lang.
“I've been thinking that the time we have to be single, is really the time we have to get good at being alone.”
“Isn't there a danger that you'll get so good at being single, so set in your ways that you'll miss out on the chance to be with somebody great?”
Sa totoo lang, naramdaman ko yang mga linyang yan. It’s been 2 years since my last relationship. Totoo naman yung sinasabi nilang masarap maging single. You’re free to do whatever you want. Do things you can’t do pag nasa relasyon ka. Masaya. Wala kang iintindihin na text at di mo kailangan intindihin kung may pipigil sayong gawin ang isang bagay.
But as days passed by, the feeling of loneliness will hunt you down. Yung maiisip mong nakakamiss din pala mainlove. Nakakamiss din pala yung may kasama ka sa lahat ng bagay. Yung may masasabihan ka ng problema mo, handang makinig sa kadramahan mo. At pag naramdaman mo yun, wala kang ibang magagawa kundi tumigil at magisip. Darating ka sa point na maiisip mong, “humanap na kaya ako ng partner?”. 
Pero di magiging ganun kadali sa dahilang magiging mapili ka na, choosy kung tawagin ng iba. Isa yan sa mga side effects ng pagiging single nang matagal na panahon. It will take a lot of courage para isugal mo ulit ang puso mong antagal mong binuo at inalagaan. Mahihirapan kang magtiwala, mahihirapan kang isuko ang tahimik mong mundo, mundo na walang iniintinding iba kundi sarili mo lang. Oo, masasabi kong nakaka-addict maging single. Malungkot na masaya. Pero ganu ka man katagal maging single, umikot man ang mundo, hindi magbabago ang katotohanang kailangan mong sumugal sa pag-ibig para mahanap yung taong gugulo sa tahimik mong buhay. Yung taong kukumpleto sayo. Yung taong magpapatunay sayo na mas masaya yung may kasama sa buhay. Yung taong magpaparamdam ulit sayo kung ganu kasarap magmahal at mahalin ulit.
it’s just a matter of time. Don’t rush things.
0 notes
ricefieldkulit · 8 years
Text
Di ko alam kung paano ko to sisimulan. Madaming tumatakbo sa isip ko, mga bagay na tanging sa loob ko lang makikita at nagsusumigaw. Matagal ko nang naisip na ilabas ang mga ito sa pamamagitan ng pagsusulat, kaso sadyang nilalamon ang bawat plano ko ng mga kaisipang "wala din namang magbabago" at "nakakawalang gana". Pero heto ako ngayon at susubukang isulat ang bawat letrang lumilipad, mga katagang tumatakbo at mga kaisipang patuloy na umiikot sa isipan ko. 
Di ako fan ng formal writting. Mas gusto ko yung madali lang maintindihan ng iba, yung parang tropa lang na nagkukwentuhan. Sa totoo lang may isang bagay na nangyari sa buhay ko na masasabi kong naging turning point kung kayat napuno ang saloobin ko ng mga sari-saring tanong sa buhay, mga tanong na kahit obvious naman ang sagot eh paulit ulit mong itatanong sa pag asang mabago ang sagot at bumaliktad ang katotohanan.
0 notes