Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Taya
So, nagstart ang video na naglalarawan ng demolisyon sa kanilang lugar. Ang unang batang nagpakita ay nagngangalang junjun, Kakalipat lamang nila sa lugar nayon kung saan may mga bata siyang unang nakita sa video na naglalaro, tila gusto niyang sumali sapagkat si jun jun ay mahilig maglaro. Inanyayahan itong maglaro at ang una nilang nilaro ay ang “Bangsak” na hindi niya pa alam kung papaano laruin. Ang bangsak ay kabaliktaran ng nangyayari sa realidad na ang “bang” ay ang tunog ng baril at ang sak naman ay shortcut ng Saksak. Ito ay taguang kapag ikaw ay madaling nakita ikaw ay talo, dapat dito sa larong ito mabilis ka. Habang pinapaliwanang ang larong ito nailalarawan nito yang kaganapang madalas mangyari sa totoong buhay kung saan ang police at ang adik sa droga,kriminal ay nag papatayan at naghahabulan. ito yung pinaka tumatak sakin sa lahat ng mga nilaro nila. sapagkat kuhang kuha at malalim ang kahulugang ipininakita’t pinadama ng video na ito lalo na sa part ng bangsak ang realidad. Hanggang dumating sa punto na hindi ko namalayan ang nais ipakita o ipadama ng video, simula nung giniba na yung mga bahay nila at pinakita ang demolition sa lugar nila napaisip ako sapagkat ito pala tlga ang nais ipahiwatig ng video. napakalakas ng impact ng naunang laro. grabe ang plot twist. in a scale of 1-10 ang pipiliin kong punto ay 10/10 napakahusay.
Ah, Pwede palang mangopya.
Sa video naman nato dito pinapakita ni Mr. Dela Cruz kung ano ang iba’t ibang uri ng pangongopyang ginagawa niya sa tuwing sila ay may test o di kaya ay quizzes. Ang production ng video sa una ay magandaa hanggang kalagitnaan ay ang camera angles at ang audo sa surroundings ay unti unting nanaig imbis na ituon ito sa mga nagsasalita. Dito makikita ang pagdating ng isa niya pang kaklase at katabi niya ito, Habang nag t-take ng exam ay pasimpleng nangongopya si MR. Dela Cruz dito. Dumating ang teacher nila’t nagumpisang muling magtake ng exam sa panibagong asignatura. Dito sinabi ng kanilang guro na mahigpit niyang pinagbabawal ang pangongopya sa kanyang exam na inihanda at baway tumingin sa katabi. Ang muhuli nitong mangopya ay may karagdagang parusa. Dito mas nahirapan si Mr. Delacruz na muling mangopya sa kanyang katabi ng bigla siyang tinawag. Dito pinakita na flashback lang pala ang kanyang mga ginawang yun at ikinwento ang mga nangyari at dahilan bakit niya ito ginagawa. Ang lesson na natutunan ko sa video na ito ay ang pangongopya ay walang mabuting maidudulot sa isang magaaral, sapagkat ang pangongopya at pagpasa ng isang asignatura o exam ay oo nakakagaan sa mga bagay bagay lalo na’t makakapasa ka ng d nahihirapan. Subalit pag pinagpatuloy mo ito, lahat ng mga lesson na natutunan ng kinokopyahan mo o ang mga kinokopya mo ay hinding hindi mo maiintindihan at makakamit ang buong impormasyong ito na madalas kakailanganin mo sa future. Dahil habang tumatagal ay unti unti na tayong mawawalan ng masasandalan,makakapitan, at makokopyahan sa buhay. Kailangan nating maging independent at magtiwala sa sarili sapagkat kung kaya nila, Kaya rin natin ito.
in a scale of 1-10 i’ll rate this as 8/10
GUTOM
Tungkol naman ito sa lalaking may karelasyong nabuntis niya. ipinaalam niya ito sa kanyang ama’t nalaman na ito ng kanyang ama na nabuntis niya tlga ang kanyang kinakasama, Dito pumasok ang pagpaalala sa kanya ng kanyang ama na ok lang umibig at kailangan may limitasyon, sapagkat naghihirap na nga ang kanyang ama sa pagpapaaral sakanya ay dinagdagan niya pa ito ng dagdag pasanin. Dito na pumasok ang pagpapatiwakal nalamang sapagkat marami nang problema ang dumating sa bida nang siya ay magpapatiwakal na dahil sa kawalang trabaho sapagkat wala pa itong trabaho. Sa tulay niya naisip kitilin nalamang ang kanyang buhay. Bago man niya maituloy ang kanyang binabalak bigla siyang pinigilan ng isang pulubo at ito ay nanghihingi ng makakain mula sa lalaking balak ng tapusin ang lahat. Dahil sa pagpupumilit nitong makahingi ng pagkain ay tumigil ang lalaki at ibinigay ang kanyang natitirang sandwich at tubig. Nagkausap ang dalwa at nagkumpara ng mga paghihirap. dito ako naantig sa storya ng pulubi na ang buhay ay parang pagkain “Hindi sa lahat ng pagkakataon, Nakukuha natin ang gusto natin. Pero hindi ibig sabihin kailangan nanatin tumigil. Kailangan lagi tayong gutom at patuloy lang mamuhay.” Dahil mismo ang pulubi ay wala nang pamilyang maasahan at makakapitan. subalit nananatili parin itong mamuhay. kamuntikan nakong maiyak sa sinabi niyang sagot sa “Ayon naman pala.wala kanang pamilya , wla kapang pera palimos limos kanalang sa daan. wala kanarin namang naman palang dahilan para mabuhay e. ano? para makakain kalang ng sandwich? at sumagot ang pulubi ng “Simple lang namn po kuya e, GUTOM pa po ako.” Napakaganda ng video na ito. ayos ang camera angles at pagkakaedit, ito mismo nang nasa kalsada pero napakaganda parin ng quality ng audio kaya the best.
in a scale of 1-10 i’ll rate this as 10/10
1 note
·
View note