Tumgik
ricoflrs · 2 years
Text
Pagpili ng RESPONSABLE na lider para sa ating BANSA.
Sa aking palagay o opinion, ang inaasahan kong katangian ng Pangulo o mga Senador ay pagiging responsable sa mga kanyang sinasakupan o tungkulin, dahil tungkulin niyang harapin ang mga ipinangako niya nung siya pa lamang ay nangangampanya palang, Ipininangako nila na mabibigyan ng sapat, walang labis o kulang na serbisyo para sa ating bansa o bayan, Ipinangako nila na magiging mabuti at tapat silang "Lider" para sa atin o para sakanila din pero bakit meron mangilan-ilan ang naiibulsa nila ang pera ng taong bayan?, Isa ito sa mga problema natin sa bansa kaya hindi tayo umuunlad o kaya'ymabagal ang pag asenso ng ating bansa di hamak ang ibang bansa ay may malaking estado sa buhay nila dahil sila ay nabibigyan ng sapat na pangangailangan bilang isang tao o mamayanan kung saan maraming trabaho ang nakalaan sa kanila, at kung ating iisipin maliit na porsyento lamang ang mga naghihirap sakanila. Dahil siguro sa kanila ay hindi binigo ang mga pangako ng Pangulo o Senador kaya sila ay may magandang serbisyo para sa mga taong nangangailangan ng tulong.
4 mga katangian ng mahusay na mga pinuno:
1. Nagpakita sila ng pakikiramay at pag-aalaga tungkol sa input ng kanilang koponan
Sinuman sa isang namumuno sa papel ay sasabihin sa iyo na ang mga tao ay hindi palaging sumasang-ayon sa iyong mga desisyon. Ang mga oposisyon ng oposisyon ay natural sa lugar ng trabaho at dapat itong yakapin, hangga't natutugunan sila ng pag-unawa, empatiya at kahandaang maunawaan ang pananaw ng ibang tao.
2. Nagpakita sila ng kababaang-loob at hindi inaabuso ang kanilang awtoridad
Ang iyong pag-akyat sa pamumuno ay isang salamin ng iyong sariling kasanayan at kakayahan, ngunit mahalagang tandaan na ang mga taong pinamumunuan mo ay kritikal sa iyong tagumpay. Bigyan ang kredito kung saan dapat bayaran ang kredito at maunawaan na ang bawat isa ay may pusta sa laro. Hindi lamang ikaw doon ang gumagawa ng iyong gawain sa iyong sarili.
3. Mayroon silang respeto sa iba at alam na ang bawat isa ay may natatanging mga priyoridad
Ang mga empleyado ay tinanggap upang gumawa ng trabaho sa abot ng kanilang makakaya, ngunit hindi ito nangangahulugang inuuna nila ang kanilang trabaho sa parehong degree na ginagawa mo bilang isang namumuno. Ang mga tao ay mayroong pamilya at personal na buhay. Mayroon silang mga obligasyon sa bahay o personal na mga layunin na kanilang pinagtutuunan. Hindi nila dapat ikompromiso ang mga iyon alang-alang sa kanilang trabaho, at kung sa palagay nila gusto nila, maaaring hindi sila ganyak na manatili sa iyo.
4. Matiyaga sila at mapagpatawad kapag nagkamali
Ang iyong trabaho bilang isang pinuno ay upang matulungan ang iyong koponan na maging mabisa at mahusay hangga't maaari habang pinapanatili ang lahat na may pagganyak at nakaposisyon para sa personal na tagumpay. Ang pasensya at pag-unawa ay kritikal sa pagsisikap na ito. Kung ang mga pagkakamali ay nagawa, ang isang mabuting pinuno ay magiging matiyaga at maunawain habang pinagsisikapang itama ang pag-uugali para sa ikabubuti ng samahan.
Pinagkuhanan ng impormansyon:
27 notes · View notes
ricoflrs · 2 years
Text
Kahirapan, kailan kaya masosolusyunan?
Likha ni: Jame Chlowei Hortillas Sa tingin ko ang kahirapan ang pangunahing isyung panlipunan ng bawat bansa, dahil lahat ay apektado. Lahat ng tao ay apektado, hindi lang ang mahihirap. Mahirap makamit ang paglago ng ekonomiya dahil sa kahirapan, at isa rin ang kahirapan sa mga pangunahing sanhi ng krimen. Ang hindi pagkakapantay-pantay, sa kabilang banda, ang pinaniniwalaan kong nagdudulot ng kahirapan. Hindi lahat ay may kakayanan sa mga pangunahing pangangailangan, magandang edukasyon, at disenteng trabaho. Gayunpaman, hindi lamang ito ang mga sanhi ng kahirapan; marami pang iba. Ngunit paano natin ito mapipigilan? Bilang mga mamamayan ng ating bansa, bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na dapat gampanan sa paggawa ng mundo na isang mas magandang lugar para sa ating lahat; dapat magsimula sa atin. Bawat isa sa atin ay makakasigurado na walang maiiwan sa pamamagitan ng mga simpleng bagay, kahit tayong mga mag-aaral ay may malaking bahagi bilang ahente ng pagbabago. Walang iwanan dapat.
Masyadong malawak ang salitang kahirapan o napapanahong isyu ng ating mundo, pero totoong isa na nga don ang kahirapan o tinatawag na poverty. Madaming dahilan bakit tayo may ganto sa bansa natin o sa mundo, maging mulat na tayo rito dahil kailangan natin itong ipalandakan sa mundo. Ibibigay ko ang mga dahilan at ipapaliwang bakit. Una may mga taong hindi na ginustong mag tapos o mag trabaho dahil sa mataas na pamantayan ng paaralan na aminado naman tayong hindi pantay pantay ang estado ng buhay natin. Pangalawa korupsyon, kung tutuusin sa taas ng tax ng ating bansa kaya na tayo nito paaralin ng libre sa dami ng taong nag babayad hindi na dapat tayo nag kakautang at sapat na sana para satin ngunit dahil sa korupsyon maraming naghihirap. Pangatlo aminin na natin na nasanay na tayong mga tao na mawalan ng importansya o nasanay na ignorin ang mga nangangailangan, nawalan na tayo ng bayanihan sa bawat isa. Napaka dami pang dahilan ng kahirapan iba’t ibang pananaw iba’t ibang kaisipan at sitwasyon. Sa makatuwid natuto ang mga tao na hindi magkaisa at nag lalamangan ang mga nakaupo sa ating administrasyon imbis na tayo ay tulungan, sila pa tong sanhi ng kahirapan. Ang mga taong nasa itaas ay may pagkasakim. Nawala na sa atin ang importansya ng bawat isa mapamayaman ka man o mahirap may posisyon sa bansa o wala, nawala na yung ika nga nila “We Heal as One”.
61 notes · View notes
ricoflrs · 2 years
Text
Politika, Ugat ng Kahirapan.
Likha ni: Patricia Silvestre
Gaano nga ba kalalim ang epekto ng botohan?
Alam natin na laganap ang korapsyon sa ating bansa simula pa noon. Mga politikong nilulok dahil sa pera, kapangyarihan, at pagkakakilanlan. Kaban ng bayan na sa kanilang mga bulsa lamang napapadpad, mga mahihirap na patuloy na humihirap at mayayamang patuloy na yumayaman. Doon pa lang kita na kung bakit nga ba dapat tayong pumili ng tamang iboboto.
Tuwing papalapit ang eleksyon doon nagsisimula ang "ligawan", o ang pagpapabango ng mga politiko sa kanilang imahe. Tulong dito, tulong doon; 'yan ang karaniwang diskarte nila. Tulong na naka-imprinta ang kanilang pangalan. Ngunit ibig sabihin ba nito'y karapat dapat na sila?
Sa eleksyon din mailalarawan ang katagang "Ang taong gipit, sa patalim kumakapit". Habang lalong lumalapit ang botohan, doon lumalabas ang tunay na kulay ng mga politiko. Nagaganap ang tinatawag na "pagbili ng boto", bakit nga ba naman tatanggi ang pobre sa ₱500? Ayaw man nilang ipagbili ang kanilang moralidad, ano namang ilalaman nila sa kumakalam nilang sikmura kung apektado lang din naman sila ng bulok na sistema?
Malalim ang ugat ng kahirapan at isa na rito ang patuloy na pagbubulag bulagan ng mga Pilipino sa mga maling gawain ng mga politiko. Tayo ay nasa demokratikong bansa, boto natin ang gagawa at bubuo sa kinakabukasan ng ating bayan. Dahil kung hindi natin sisimulang baguhin ang sistema, magpapatuloy lang ito at posibleng hindi na tayo makabangon sa pagkakalubog natin sa utang. Dahil kung ating iisipin,
Ilang taon na ba nang maitatag ang Republika? May nabago na ba? Nakawala na ba ang Pilipinas sa pagkakagapos sa kadena ng korapsyon at kahirapan? Ilang henerasyon pa ba ang maghihirap sa kamay ng mga naka-upong magnanakaw? Kaya sa papalapit na halalan, sana bukas at handa na ang kaisipan ng mga Pilipino. Na hindi dahil mayaman, ay makakatulong na sa bayan; Na hindi dahil naniniwala sa Diyos, ay maisasalba na ang bansa sa mga utang; Na hindi dahil mabuti sa harap ng kamera, gano'n na rin sa likod ng maskara. Huwag na muling bumoto ng mga sinungaling at magnanakaw.
Huwag maging panatiko, dahil ang katapatan dapat natin ay sa bansa, hindi sa kahit sinong politiko. Laging tatandaan, karapatan mo ang pagboto mo at ito ang makakapagdikta at makakapagpabago sa bansa!
60 notes · View notes
ricoflrs · 2 years
Text
“Kawalan ng trabaho, hadlang sa pangarap ng mga Pilipino”
Kawalan ng trabaho ay matagal ng suliranin sa PIlipinas, ngunit sa mga panahong ito tila'y lumala lamang at walang tanda na ito ay mareresolba at masosolusyonan sa mga darating na panahon. Ayon sa datos, noong Setyembre 2021 ang naitalang porsyento ng mga Pilipinong walang trabaho ay umabot sa 8.9%, ito’y kasabay ng pagsiklab ng COVID-19 na naging dahilan ng pagtigil iba’t ibang trabaho at nagpahirap sa napakaraming Pilipino.
Ang kawalan ng trabaho ay tumutukoy sa pagiging walang kakayahan o hindi kwalipikado sa isang trabahong ninanais at gustong tahakin. Karamihan sa mga Pilipinong walang trabaho ay hindi nakapagtapos o walang karanasan sa pag-aaral, kung kaya’t kadalasan hindi nila matugunan ang kwalipikasyong hinahanap sa hanapbuhay na kanilang ninanais.
Ang kawalan ng trabaho ay may malaking epekto sa kahirapan, porsyento ng krimen, ekonomiya, kalusugang pangkaisipan, at marami pang iba. Ang kahirapan ay isa sa epekto ng kawalan ng trabaho, ito’y dahil sa patuloy na hindi pagdating ng kita o pera; Dahil dito ay hindi nila matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao tulad na lamang ng pagkain, tirahan, at damit. Isa pang epekto ng kawalan ng trabaho ay ang porsyento ng krimen, ang isang tao ay napipilitang gumawa ng krimen para gaya ng pagnanakaw upang may maipangkain sa araw-araw. Dahil sa pagiging hindi kwalipikado sa iba’t ibang trabaho, ang paggawa ng krimen o hindi mabuti ang tangi nilang naiisip na paraan upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Ang karagdagang epekto nito ay ang pagbaba ng ekonomiya ng bansa, ang patuloy na pagtaas ng Pilipinong walang trabaho ay nakakaapekto sa pondo ng bansa dahil kailangan nilang tugunan at tulungan ang mga Pilipinong walang kakayahan na suportahan ang kanilang sarili at pamilya. Dahil sa patuloy at walang tigil na nagagamit ang pondo ay naaapektuhan ang ekonomiya ng bansa lalo na’t ang kawalan ng trabaho ay nagreresulta sa hindi pagbabayad ng buwis. At ang huling apektado ang ang kalusugang pangkaisipan ng taong patuloy na naghahanap ng trabaho, dahil sa pag iisip ng solusyon sa napakaraming problema ay napapabayaan na nila ang kanilang kalusugan. Ito ay iba lamang sa epekto ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas.
Sa aking palagay, ang kawalan ng trabaho ay isa napakalawak na suliranin sa ating bansa dahil sa patuloy na pagdami ng pamilyang naapektuhan nito. Ito ay isang bagay na dapat pang pagtuunan lalo ng pansin dahil isa ito sa sumisira ng pangarap ng mga kabataan sapagkat ito ay nagdudulot ng kahirapan na humahadlang sa mga layunin at ambisyon ng Pilipino. Ang solusyon na aking iniisip ay ang pagbibigay ng pagkakataon na makapagtrabaho ang ating kapwa Pilipino na hindi nakapagtapos o kaya’y mababa lamang ang antas na natapos sa pag-aaral. Isa pa sa solusyon na aking naiisip ay ang paglikha ng mas direktang ugnayan sa pagitan ng edukasyon at trabaho. Ang ibang Pilipino na nakapagtapos ng pag-aaral ay nawawalan ng oportunidad na makapagtrabaho dahil sa limitadong trabahong inaalok sa ating bansa, dahil dito ay nasasayang ang kanilang pinag-aralan at mas ninanais na tahakin ang ibang trabahong walang kinalaman sa kurso na kanilang natapos. Kaya isa sa solusyon ang pagsulong ng mas malawak at direktang ugnayan ng edukasyon at trabaho.
Ang mga solusyong aking nilahad ay walang ibang layunin kundi mapabuti at mapaunlad ang ating bansa. Ito’y upang mabigyan pa ng oportunidad ang ating kapwa Pilipino at maglahad ng kaalaman sa mga napapanahong isyu sa ating bansa na dapat pang pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno at nating mga Pilipino. Dapat tayong kumilos at mag isip ng solusyon na makakapagpaisa sa ating lahat.
41 notes · View notes
ricoflrs · 2 years
Text
"Pandemyang Gumiba sa Buhay ng Karamihan"
Sa kasalukuyang panahon, pinalalala ng Covid-19 ang mga suliranin sa ating bansa, mula pang kabuhayan hanggang sa pang araw-araw na pamumuhay ay apektado. Ayon sa datos ng Wikipedia ang unang kaso ng sakit na Covid-19 ay naitala noong Enero 30, 2020, matapos nito ay tuluyan nang kumalat ang sakit dahil ito'y ay kumakalat sa pamamagitan ng mga patak na galing sa pag-ubo, pagbahin, o pagsasalita ng isang tao na apektado nito. Mabilis itong kumalat dahil sa kakulangan at kabagalan ng aksyon ng Gobyerno at idagdag mo na rin ang mga taong walang disiplina na hindi marunong sumunod sa mga patakaran na ibinibigay ng pamahalaan. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay apektado rin, bumaba ng 9.6% ang GDP ng Pilipinas noong 2020 dahil sa epekto ng Covid-19; sa kadahilanang may kumakalat na sakit, limitado lamang ang operasyon ng mga negosyo sa bansa. Hindi lamang ang ekonomiya ng Pilipinas ang apektado ngunit ang pag aaral din ng mga bata at matanda sa bansa, naging limitado lamang ang edukasyon sa mga paraan na kagaya ng online learning; dahil limitado lamang ang pag-aaral sa ganitong klase ng pagtuturo, onti lamang ang nakalahok at nakapag patuloy ng kanilang pag-aaral. Karamihan ay hindi na natututo dahil sa kakulangan ng gamit, o dahil hindi kaya ibigay ng magulang ang sustento na kailangan pag dating sa online learning. Naitatala na sa 2.3 milyong bata ang hindi na naituloy o hindi na kayang ituloy ang kanilang edukasyon.
Malaki ang epekto ng pandemyang ito sa pang araw-araw nating pag-aaral, kabuhayan, at ekonomiya, kailangan itong maresolba sa mabilis na panahon, o lala ang epekto nito hangga’t hindi na natin kayang bumangon. Ako'y nagtataka na hindi umaksyon ang ating pamahalaan ng agaran noong malaman na may ganitong uri ng sakit na kumakalat. Nakapagtataka rin isipin na ang pamahalaan ay nakatuon pansin sa ibang problemang hindi naman kailangang iresolba agad, hindi nila tinuon sa Covid-19 ang kanilang buong atensyon noong ito'y nag sisimula pa lamang. Ang aksyon ng gobyerno laban sa pandemya ay magulo rin, sapagkat sila'y nag travel ban lamang noong nakapasok na ang virus sa ating bansa, sila ay naglunsad ng isang bagay na nagngangalang face shield na hindi naman lubos ang tulong at marami pang negatibong apekto sa ating kapaligiran. Pinalala lang din ng mga Pilipino ang pagkalat nito dahil sa hindi pagsunod ng maayos sa mga patakaran, gaya ng pagsusuot ng tama sa kani-kanilang mga facemask. Nakakapagtaka rin isipin na ang mga pampublikong pasyalan ay bukas na, ngunit ang mga establisyimento para sa pag-aaral o sa mga mahahalagang bagay ay hindi pa nagbubukas. Tingin ko'y maghanap na lamang tayo ng paraan upang pabagalin ang sakit na ito hanggang ito ay mapuksa na at mawala na sa bansa natin, ang bakuna ay iisa sa mga magpapabagal sa sakit na ito. Hinihikayat ko ang ating mga kapwa Pilipino na magpabakuna na para sa sarili nating kaligtasan at sa kaligtasan ng iba. Bakuna ang sagot upang tayo ay makabalik na sa dati nating pangkabuhayan, at paraan ng pag aaral. Gusto ko rin talakayin ang hirap ng pag aaral para sa iba nating kapwa Pilipino, maraming pangarap ang natigil dahil lamang sa paraan ng pagaaral na ito, marami na rin ang nagpatiwakal dahil sa hirap ng bagong paraan na ito, karamihan ng mga paraalan ay masyadong mataas ang tingin sa kanilang mga studyante at hindi na binibigyan pahinga ang mga mag-aaral sa kadahilanan na “nasa bahay lamang sila”. Lahat tayo ay nahihirapan sa sistemang ito, maging guro ka man o mag-aaral, may trabaho ka man o wala, bigyan pansin natin ang solusyon sa suliranin na ito upang tayo ay makabalik sa dati nating gawi at mawakasan natin ang patong-patong na problema na ibinibigay nito. Tayo'y magtulungan at umaksyon laban sa pandemya, maging bahagi tayo ng solusyon at huwag maging bahagi ng suliranin, tayo'y iisang bansa at malalagpasan natin itong lahat ng sama sama.
Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandemya_ng_COVID-19_sa_Pilipinas
https://ihsmarkit.com/research-analysis/philippines-economy-hit-by-rising-covid19-wave-Apr21.html#:~:text=The%20Philippines%20economy%20suffered%20a,the%20Philippines%20commenced%20in%201946.
https://www.rappler.com/nation/gatchalian-says-millions-dropouts-schools-adapt-pandemic
30 notes · View notes
ricoflrs · 2 years
Text
"Kahirapan ng mga Pilipino"
Kahirapan ang pinaka matinding kalaban ng ating bansa, halos 17.6 milyon na tao sa Pilipinas o 16.6% ng ating populasyon ang dumadanas ng kahirapan.
Bakit nga ba madaming mahirap sa ating bansa? Dahil ba ito sa kurapsyon? dahil ba ito sa kakulangan ng trabaho sa ating bansa? o dahil tamad ang mga tao sa Pilipinas?
Sa aking palagay ang rason kung bakit maraming nag hihirap sa ating bansa ay sa kakulangan ng trabaho sa ating bansa. Madaming taong mahihirap na kayang kaya pang mag trabaho ngunit wala silang mapasukan dahil hindi sila binibigyan ng pagkakataon na makapag trabaho. Isa pang rason ng kahirapan sa ating bansa ay ang kakulangan sa edukasyon. Isa rin itong dahilan kung bakit hindi makapag trabaho ang nakakarami sa ating bansa. Dahil sa kakulangan sa edukasyon maraming tao ang hindi maka pag trabaho dahil isa ito sa kinakailangan sa karamihan sa mga companya. Isa rin sa pinaka MATINDING rason kung bakit maraming nag hihirap sa Pilipinas ay ang korapsyon. Maraming kababayan natin ang nag hahangad ng tulong mula sa ating gobyerno, paulit-ulit ng paulit-ulit silang kumakatok sa gobyerno upang humingi kahit na kaunti lamang na tulong para sakanilang pamilya. Ngunit ang ating gobyerno ay walang maibigay. Nasaan na ang pondo ng bansa na puwedeng makatulong sa ating mga kababayan na nag hihirap? Naibulsa na ba? Naitakbo na ba? Naitago na ba? Nasaan na? Dito na pumapasok sa isipan ng mga tao ang salitang "KAPIT SA PATALIM". Maraming tao ang kumakapit sa patalim dahil sa wala silang makuhang trabaho dahil walang trabahong bukas para sakanila o dahil kulang sila sa edukasyon. O dahil sa hindi sila kayang bigyan ng kahit kaunting tulong lamang ng gobyerno. Sino pa ang tutulong sakanila? Paano pa nila bubuhayin ang pamilya nila o ang sarili nila? Maraming Pilipino ang natututong magnakaw, mang akyat-bahay, mang caranap, at ang pinaka matindi ay pumatay para lamang sa pera. Sa katotohanan ay 39.59% ang crime rate saating bansa noong 2020 iba sa dahilan ng krimen ay ang pera para sakanilang pamilya. Mahirap mang isipin ngunit maraming nag papakamatay sanhi din ng kahirapan. Maraming kababayan natin ang nag papakamatay dahil wala silang makain at wala silang permanenteng matirhan. Sa katotohanan ay mayroong 25.7% suicide rate in 2020 ang Pilipinas at karamihan sa dahilan ay ang kahirapan. Ang aking opiniyon para sa solusyon ng kahirapan sa ating bansa ay Tanggalin ang mga corrupt sa gobyerno, para hindi lalo mag hirap ang ating bansa at may maitulong na ang gobyerno sa ating mga kababayan. Mag bukas ng ibang trabaho para sa ating mga kababayan, para mayroon ng pag kakitaan ang ating mga kababayan. At ang huli ay mag bigay ng libreng edukasyon para sa mga batang mahihirap o sa iba pa nating mga kababayan upang hindi na maulit ang kahirapan na nangyayaring ito sa mga susunod pang dekada dahil sila ay may sapat ng edukasyon at maari silang makapag trabaho.
41 notes · View notes