Tumgik
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Text
25 partylist and sectoral groups, nagsama-sama para kay RJ Echiverri!
Sa unang pagkakataon, nagsama sama ang lahat na mga sektor at partylist groups upang suportahan ang kandidatura ni Ricojudge “RJ” Echiverri ng Liberal Party sa pagka-mayor ng Caloocan City.
Pinangunahan ni Echiverri ang isang Multi-Sectoral Convergence Meeting sa Bagong Silang Caloocan City na dinaluhan ng Pilipinos With Disabilities, Sanlakas, Kabagis, Ating Guro, Agham, ACT-CIS, Abakada, Bagong Henerasyon, Akbayan, AMA (Senior Citizens), Bayan Muna, 1-Sagip, PISTON, Akap-Bata ang marami pang ibang grupo.
Sa  nasabing programa ay nagkaroon ng open forum, na kung saan binigyan ng pagkakataon na makapagtanong kay Echiveeri kung ano ang magagawa niya para sa mga sektor na napag–iiwanan katulad ng may mga kapansanan at senior citizens kapag sila ay mahalal na.
Agad namang sinagot ni Echiverri ang lahat na mga tanong ng mga may kapansanan lalo na ang pagbibigay ng lubos na atensyon sa kanilang sector lalo na ang pagbibigay ng sarili nilang tanggapan sa bawat barangay ng lungsod ng Caloocan.
Tiniyak din ni Echiverri ang pagtulong sa mga may problema sa National Housing Authority (NHA) kapag sila na ang naka upo ay pagtutulongan pa nila ng kanyang ama na si Enrico “Recom” Echiverri para lalong mapabilis ang mga programang pabahay.
Sentro din ng nasabing pagtitipon ang paglagda ng mga pangunahin personalidad sa Ten-Point Agenda ang mga pagtugon sa mga pangangailangan ng mga may kapansanan, lalo na ang pagbibigay ng sariling tangapan sa kanila at pagbibigay sarili nilang pondo.
Matapos ang pagpirma sa pangunguna ni RJ Echiverri at mga sectoral at party list groups, saka nagpalipad ng mga lobomg kulay dilaw, bilang tanda ng pagtupad sa mga pangunahin proyekto para sa mga nilalaman ng mga  nilagdaan kasunduan.
###
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Text
Daang-daang lider ni Malapitan, nagmarcha para kay RJ!
Ilang araw bago ang halalan, mahigit apat na daang mga lider at supporter ni outgoing Congressman Oscar “Oca” Malapitan (UNA) ang lumipat sa kampo ni Rico Judge "RJ"  Echiverri ng Liberal Party/Team PNoy.
Upang ipakita ang kanilang pagsuporta kay Echiverri, nagmartsa ang halos 500 na dating lider ni Malapitan mula Monumento hanggang Heroes del ’96 street sa Caloocan nuong nakaraang araw.
Ayon kay Dennis Fajardo, dating Zone Manager ni Malapitan, umaabot sila sa  465 at dumarami pang bilang ng mga pinuno na nagpasya na iwanan na nila si Malapitan.
Sinabi ni Fajardo na itoy sa dahilang kinukutya o tinutukso umano sila ng kanilang mga pamilya at kaibigan na kung bakit si Malapitan ang kanilang sinusuportahan samantalang may mga kasong kinahaharap kabilang na ang tangkang pagnakaw sa Computerized Voters List ng COMELEC, maling paggamit ng kanyang pondo sa Department of Social Welfare Development (DSWD) at ang kasong pangagahasa sa isang menor de edad ni Dale “Along” Malapitan, anak ni Oca, na kandidato naman pagka kongresista ng 1st district ng Caloocan sa ilalim ng UNA.
Matitiis na sana umano nila ang mga kasong kinasasangkutan ng mag amang Malapitan, ngunit ng may biglang ma heat stroke ang kanilang kasamahan lider habang nasa kasagsagan ng pangangampanya, agad na isinugod sa ospital ngunit ni pag silip o tulong man lamang sa kasama nilang na heat stroke di man lang ito tinulungan ni Malapitan.
“Nakakasama ng loob, nagtitiis kami kahit na malipasan ng gutom para ikampanya ang mag-amang Malapitan, subalit pag sapit ng problema di naman pala sila maaasahan,” ani ni Fajardo.
“Dahil sa pangyayaring ito nangangamba kami na kapag mangyari naman ito sa amin ay iiwan din niya kami, kaya binabawi na namin ang aming suporta kay Malapitan,” dagdag pa ni Fajardo.
Sinabi naman niya na kay RJ Echiverri, nakakasiguro sila ng nasa mga mahirap ang kanyang puso dahil agaran niyang tinulungan ang kanilang kasamahan. Dagdag dito, wala ding kinasasangkutang kaso o anumang anomalya ang batang Echiverri maliban sa pagiging bata at kwalipikado nito bilang pambansang pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.
xxx
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Text
RJ Echiverri widens lead over rivals
SOURCE: People's Journal Online
SIX days before the May 2013 polls, Caloocan City mayoralty candidate Rico Judge “RJ” Echiverri further solidified his standing in the mayoralty race after he topped a recent surveyconducted by a leading survey firm. If the elections were held today, a commissioned quantitative��survey of the Asia ResearchOrganization, Inc. (ARO) showed that Echiverri would win in at least 11 out of 16 zones in Caloocan City. Of the 1,200 registered voters surveyed and only one percent of the respondent still undecided, 56 percent said that they would vote for Echiverri (Liberal Party) while 41 percent chose outgoing Congressman Oscar “Oca” Malapitan (United Nationalist Alliance) while only 2 percentwill vote for Macario “Boy” Asistio (Independent).  The margin of error of ARO’s survey, conducted on April 29-May 3, 2013, was plus or minus 2.83 percentage points. Echiverri was also in a stronger shape than the two other candidates enjoying 54 percent trust rating compared to 41 percent and 5 percent of Malapitan and Asistio, respectively. Those surveyed were 18 years old and older. In the congressional race for the 1st District, City Mayor Enrico “Recom” Echiverri (LP) was a clear winner garnering 60 percent while Dale “Along” Malapitan (UNA) and Roberto Guazon (Ind.) only garnered 34 percent and 5 percent respectively. The clearest reason for voting RJ Echiverri, 55 percent agreed, is because of his “personal accomplishments; being a performer; and, having completed a lot of projects in Caloocan City.”
RJ Echiverri was also cited for his clean reputation for he has no graft cases or allegations of anomalies and also for his being young yet qualified after having served two  terms as national president of the Liga ng mga Baranagay. The young Echiverri also bested his two other rivals in campaign activities, showing significant edge in campaign materials, barangay caucuses, house to house campaigns, motorcades and consistent media exposure. When reached for comment, Echiverri thanked the public for their support for him. He encouraged his constituents to protect their vote on election day. “Ang pasya po ng taong-bayan ay sagrado at kailangang igalang kaya’t ang kailangan po natin ngayon ay magbantay sa araw ng halalan. ’Wag po nating hayaan na masayang ang ating boto kaya’t sama-sama po tayong kumilos sa May 13,” he said.
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Link
Philippine news compilation from the country's oldest and leading dailies.
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Text
4 na tao ni Malapitan, huli sa pagnanakaw sa loob ng COMELEC
Apat na mga tauhan ni Congresman Oscar “Oca” Malapitan, na ngayon ay tumatakbo bilang alkalde ng Lungsod ng Caloocan, ang inaresto ng mga operatiba ng Caloocan PNP sa loob mismo ng tanggapan ng Commission on Elections District II, Caloocan City.
Nakilala ang apat na mga naaresto na sina Carmencita Simon, 41 taon gulang, Deputy Chief of Staff ni Congressman Malapitan, Kathleen Catalan, 24 years old, Kristine Losantas Desierto,  25  taon gulang, at Penny Lou Verzosa, 25 years old, pawang mga Congressional Staff ni Malapitan.
Ayon kay Police Officer III Eduardo Ronquillo ng Caloocan PNP na may hawak ng kaso, itinawag sa kanila ang pagkawala di umano ng mga files ng COMELEC District II sa opisina nila na nasa Ground Floor ng Cibu Building 1474 A. Mabini Street 1400 Caloocan City pasado alas singko ng hapon.
Nabatid  na laking pagkagulat ng mga empleyado ng COMELEC ng magbulatlat ng mga files ang nasabing mga suspek at lalo ng may mapansin ang mga kawani na may nawawalang mga mahahalagang files, kabilang ang Election Day Computerized Voters List.
Nabatid na tanging ang nabangit lamang na mga staff ni Malapitan ang naroon sa loob ng COMELEC office ng mawala ang mga files ng Precinct Computerized Voters, hard copy na kung saan pawang mga listahan ito ng mga botante ng nasabing lungsod.
Agad na isinara ng mga empleyado ng COMELEC ang kanilang pinto upang mapigilan na tumakas ang mga suspek.
Sumugod ang mga taga suporta ni Malapitan sa tanggapan ng COMELEC matapos na malaman ng mga ito na pinigil sa loob ng COMELEC ang apat.
Dahil sa tensyonado na ang lugar, mga miyembro na ng Specials Weapon and Tactics (SWAT) ng Caloocan City PNP na pawang naka full battle gear o armado ang dumating sa tanggapan ng COMELEC, at saka lamang pinalabas at agad na isinakay sa Mobile Patrol ng PNP ang apat na mga suspek at agad na dinala sa Investigation Division ng Caloocan PNP.
Sa imbestigasyon ni P03 Ronquillo, sinasabi ng mga naaresto  na may request di umano sila na ibiripika ang mga voters list ngunit wala naman silang maipakita.
Ayon sa mga election lawyers, mahigpit nang pinagbabawal ng COMELEC na  galawin ang mga voters list at magagalaw na lamang ang mga listahin ito ng COMELEC sa araw na mismo ng halalan sa Mayo 13.###
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Video
youtube
RJ ECHIVERRI on Studio 23 Balitang Bayan, May 2, 2013
Subscribe to our youtube channel to view all of our videos: http://www.youtube.com/EchiverriCaloocan
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Video
youtube
RJ ECHIVERRI para sa mga karapatan ng kabataan.
1 note · View note
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Photo
Tumblr media
 http://rjechiverri.com/platform/ - Hindi lang po ito simpleng plataporma. Ito po ang kontrata ko sa inyo, mga minamahal kong mamamayan ng Caloocan, na aking taos-puso kong tutuparin bilang Mayor ninyo.
-RJ Echiverri
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Photo
Tumblr media
Bawat araw, handa po akong maglingkod sa inyo.
-RJ Echiverri
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Link
Explore EchiverriCaloocan's photostream on Flickr. This user has 12 photos on Flickr.
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Link
RJ Echiverri is a member of Vimeo, the home for high quality videos and the people who love them.
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Link
View and follow echiverricaloocan's photos and videos on Photobucket.
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Video
youtube
Please subscribe to our youtube channel:
http://www.youtube.com/EchiverriCaloocan
For more updates check: 
https://www.facebook.com/RJEchiverri
https://www.twitter.com/RJEchiverri
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Video
youtube
Please subscribe to our youtube channel:http://www.youtube.com/EchiverriCaloocan
For more updates check: 
https://www.facebook.com/RJEchiverri
https://www.twitter.com/RJEchiverri
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Video
Please subscribe to our youtube channel: http://www.youtube.com/EchiverriCaloocan
For more updates check: 
https://www.facebook.com/RJEchiverri
https://www.twitter.com/RJEchiverri
0 notes
rjechiverri-blog-blog · 11 years
Text
Sino si Kuya RJ Echiverri?
Tumblr media
Bagama’t bata pa, hindi nagkukulang sa karanasan si RJ. At ito ang mga kailangan niya, makabagong pag-iisip at karanasan, upang matupad ang kanyang pangarap na maging kasunod na City Mayor ng Caloocan.
Ipinanganak si Ricojudge Janvier Echiverri noong ika-15 ng Enero 1977, “Kuya RJ” – ang tawag sa kanya ng kanyang pamilya, mga kaibigan at mga kasamahan sa Lungsod ng Caloocan.
Si RJ ang pinakamatanda sa limang magkakapatid. Dito niya natutunan ang maging responsable at maging isang mabuting ehemplo sa kanyang mga nakababatang kapatid.
Ang kanyang mga magulang ay sina Atty. Enrico “Recom” Echiverri, ang Punong Lungsod ng Caloocan ng tatlong termino, at si Purificacion Malabanan. Si RJ ay lumaking may pagpapahalaga sa kanyang pamilya, isang kaugaliang pangkaraniwan sa karamihan ng Pilipino. Bagama’t lumaki sa may kayang pamilya, siya ay pinalaki gaya ng ibang bata, walang bahid ng kapangyarihan, kasikatan at karangyaan.
Ang kanyang may-bahay ay si RTC Judge Madonna Condordia-Echiverri ng Regional Trial Court Branch 81 ng Quezon City. Ang kanilang mga anak ay sina Robert Dominic (Sangguniang Kabataan National Federation EVP at isang estudyante sa Ateneo de Manila University), Enrico Maria Benedict (isang estudyante na nasa ika-unang baitang sa Ateneo de Manila Grade School), at si Enrico Maria Francis (isang estudyante na nasa Prep sa Xavier School). Silang tatlo ay tumutulad kina RJ at Madonna na may simple at responsableng pamumuhay at may tunay na kaalaman sa mga isyung may patungkol sa bayan at lipunan.
Gaya din ng ibang bata, nangarap si Kuya RJ maging isang abogado, pari o guro. Ngunit hindi gaya ng iba, siya ay nagsikap at nagpunyagi upang maabot ang kanyang mga pangarap. Gayunman, ang sigaw ng kanyang mga ka-lungsod at tadhana mismo ang maghahatid sa kanya sa ibang propesyon.
Nakatapos siya ng elementarya sa San Beda College at sa Manila Central University naman sa Caloocan siya nagtapos ng high school. Nagbalik siya sa San Beda College para sa kanyang Bachelor of Arts degree sa larangan ng Pilosopiya.
Dahil sa kanyang labis na paniniwala sa Diyos, pumasok si KUYA RJ sa De Mazenod Seminary of the Notre Dame University sa Cotabato City. Gayunpaman, ang Diyos ay may ibang plano para sa kanya. Ang kanyang karanasan sa seminaryo ang nagmulat sa kanya sa mga pangangailangan at suliranin ng mga maralitang Pilipino. At dahil dito ay nadagdagan ang kanyang pagmamahal para sa kanyang komunidad.
Si KUYA RJ ay nagtapos ng abogasya sa San Sebastian College of Law. Higit na nakakatulong si Kuya RJ sa mga nangailangan sa kaalaman niya ng batas.
Ipinagpatuloy din niya ang kanyang pangarap na ibahagi ang kanyang karunungan at husay, at naging isang guro sa De La Salle University-Araneta at Manila Central University. Siya din ay miyembro ng University of Caloocan City Board of Regents – at hindi ito katakataka dahil sa kanyang pagkahumaling sa edukasyon at mga isyu patungkol sa mga kabataan.
Tumblr media
At dahil si KUYA RJ ay nalantad sa serbisyo publiko dahil sa kanyang ama, nag-aral sa mga pinakamahusay na institusyong pang-edukasyon sa bansa,at baon ang kanyang malawak na karanasan, tumakbo at nanalo si KUYA RJ bilang 1st Kagawad of Barangay 84, Morning Breeze, Caloocan City noong 1992.
Hindi naging sorpresa ang kanyang paglipad sa serbisyo publiko dahil ito ay parte ng kanyang buhay bilang isang estudyante o maski sa mga pribado at pampublikong sektor man.
Bilang anak ng isang tagapaglingkod ng publiko, nakita niya ang premyo at hamon ng paglilingkod sa bayan. At dahil dito, handa na siyang magpatuloy.
Sa kasalukuyan, siya ang pangulo ng Liga ng Barangay ng buong Pilipinas at Liga ng Barangay Caloocan, pinakabatang Councilor ng Lungsod ng Caloocan, at tagapangulo ng City Council’s Committee on Education, at naninilbihan bilang Punong Barangay ng Barangay 84 ng Caloocan.
Sa pamamagitan ng tamang kumbinasyon ng makabagong pag-iisip at karanasan, nagpapatuloy si KUYA RJ sa paglikom ng mga pagkakakilanlang nararapat sa kanyang dedikasyon sa paglilingkod. Kanyang pinalawak ang kanyang paglilingkod sa pambansang antas at siya ngayon ay nasa kanyang pangalawang termino bilang pinakabatang National President ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.
Bagama’t siya ay 36 taong gulang pa lamang, ang kanyang karanasan, kadalubhasaan, at edukasyon ang naging batayan ng kanyang plataporma: edukasyon, trabaho at kabuhayan, kalusugan at kalinisan, komunidad at social empowerment, kapayapaan at seguridad, imprastraktura, at pamamahala.
Sa pamamagitan ng lahat ng ito, at sa kanyang pagtakbo bilang Punong Lungsod ng Caloocan, si KUYA RJ ay nagnanais na palaguin ang pamana ng kanyang ama habang nagdadala ng kanyang sariling tatak ng reporma sa lungsod.
Siya ay nanatiling mapagpakumbaba sa kabila ng lahat ng mga papuri sapagkat siya ay naniniwala na ang reseta ng tagumpay ay hindi kailanman magbabago, mapa-sino, ano, o saan pa man. Naniniwala siya na sa pagtatapos ng araw, ang lahat ng gawa ng tao ay hindi uunlad kung walang basbas ng Panginoon. Kaya inaanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan sa kanyang mantra sa buhay na:
“Pray hard, it works.”
0 notes