Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Buhay ng Pagtitiyaga at Sakripisyo para sa Pamilya










Sa bawat kanto ng mga palengke sa ating bansa ay matatanaw ang mga nagtitinda ng isda at karne na araw-araw ay nagsusumikap upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Sa kabila ng hirap at sakripisyo, patuloy nilang binubuo ang kanilang araw, patuloy na lumalaban para sa isang mas magandang kinabukasan. Ngunit hindi maikakaila na ang buhay ng mga nagtitinda ng isda at karne sa palengke ay puno ng mga pagsubok, paghihirap at mga sakripisyo. Ang pagiging tindero/tinera ng isda at karne ay isang mahirap na trabaho na may kasamang iba’t ibang pagsubok, gaya na lamang ng kailangan nilang gumising ng maaga upang makapagtinda bago pa man magdagsaan ang mga mamimili at dahil sa kakulangan ng oras at kakayahang mag-stock ng maraming paninda, ang mga tinderdahil o tindera ay madalas na nauubusan ng kanilang mga kalakal, kaya’t kailangang mabilis at matalino sa pagnenegosyo.
Bukod dito, ang presyo ng mga isda at karne ay patuloy na nagbabago, madalas tumaas ang mga ito ayon sa panahon, kakulangan ng supply at iba pang pangunahing pangangailangan. Ang hindi matatag na presyo ng mga paninda ay nagiging malaking hamon sa mga nagtitinda. Ang mga customer ay may limitadong kapasidad na bumili. Ito ay nagdudulot ng takot sa mga nagtitinda na mawalan ng kita o hindi matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang sakripisyo sa pagtitinda ay hindi lamang pisikal na mahirap, ito rin ay isang emosyonal at mental na pagsubok. Ang mga nagtitinda ay madalas magtrabaho mula madaling araw hanggang hapon sapagkat walang katiyakan kung magkano ang kanilang kikitain. Sila ay tumataya sa kanilang mga kalakal at oras nang hindi alam kung ang kanilang pagsusumikap ay magbubunga ng tamang kita. Ang kanilang mga kita ay kadalasang sapat lamang para sa pang-araw-araw na gastusin. Ang kanilang buhay ay isang patunay na kahit na ang pinakamahirap na trabaho ay nagiging makulay kapag isinusuong ito nang may malasakit at dedikasyon. Pinapakita nila sa atin na sa kabila ng pagkakaroon ng mga pagsubok sa buhay, ang katatagan ng puso at determinasyon ay may kapangyarihang magdala ng pagbabago sa ating kalagayan.
Ang buhay ng mga nagtitinda ng isda at karne sa palengke ay puno ng sakripisyo at paghirap. Subalit, sa kabila ng lahat ng ito, sila ay mga halimbawa ng hindi pagsuko at patuloy na pag-asam ng mas maginhawang buhay. Ang kanilang dedikasyon at sipag ay nagiging inspirasyon sa bawat isa sa atin. Ang mga nagtitinda ng isda at karne ay hindi lamang mga tindero—sila ay mga bayani na patuloy na nagsisilbing buhay na halimbawa ng tapang, pagtitiyaga, at pagmamahal sa pamilya.
1 note
·
View note
Text
Paglalakbay ng Pananampalataya: Paghakbang Tungo sa Pagpapatawad at Pagpapala sa Kamay ni Hesus

Sa aming paglalakbay patungo sa Lucban Quezon kung saan ay naroon ang isang sikat at pinupuntahan ng libo libong tao upang ma-experience at makarating sa tuktok. Dahil ito ay may kalayuan sa aming lugar, inabot kami ng ilang oras bago makarating doon. Inabot pa kami ng ulan na tila ba pinaparamdam talaga sa amin na kami ay papalapit na. Pagkababa namin sa aming sasakyan ay hindi pa bukas ang gate kung saan ay maaari kang makapasok at marating ang tuktok. Agad naman kaming pumunta sa simbahan upang maka-attend ng misa. Habang kami ay nag hihintay sa pari at magsimula ang misa ay nag kwentuhan muna kami ng aking pamilya tungkol sa nangyari sa amin habang kami ay nasa byahe.

At pagkatapos naman ng misa ay agad kaming nagtungo sa gate upang kami ay makataas na. Dahil sa dami ng tao na tumataas at nagsisiksikan naisip namin na bumalik muna rin sa aming sasakyan dahil medyo malakas pa rin naman ang ambon. Kumain muna kami upang sa gayon ay may lakas kami sa pagtaas hanggang sa tuktok. Ilang oras lamang ay natanaw namin mula sa aming sasakyan na marami rami na rin ang nakaabot sa tuktok, agad naming tinapos ang aming pagkain upang kami ay makataas na rin. Habang nagsisimula ako sa aking paglalakad ay ramdam ko ang halakhak ng hangin at ang tahimik na pagninilay ng aking puso na naglalaman ng mga tanong at pangarap. Habang ako ay patungo sa direksyon kung saan naroon ang mataas na hagdan patungo sa banal na luar, ang hakbang ko ay tila isang simbolo ng mga pasakit at pagsubok na aking dinanas. Ang palagid ay nababalot ng maraming tao at puno ng kasaysayan, at habang ang mga tao ay dumadaan, naramdaman ko ang isang malamim na koneksyon sa bawat isa—isang pagnanais ng pagpapatawad at pag-asa. Sa aking bawat hakbang ay para bang isang paghahanda ng puso ko upang yakapin ang pagpapatawad na alam kong matatagpuan ko sa harap ng Kamay ni Hesus. Sa layo at haba ng lakarin o ahunin ay may pagkakataong ako’y napapagod.

Habang naglalakad patungo sa tuktok ng Kamay ni Hesus, ramdam ko ang bawat hakbang na parang mas nagiging malalim ang aking pagninilay sa buhay. Ang daan patungo sa tuktok ng Kamay ni Hesus ay puno ng mga puno at halaman, nagbibigay ng malamig na hangin na nakatutulong sa aking pag-papakalma. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, nararamdaman ko ang hirap ng katawan, ngunit patuloy akong nagpupursige upang makarating sa tuktok. Ang mga hagdang-hagdang bato ay tila hamon sa bawat hakbang, ngunit ang tanawing makikita sa itaas ay nagbibigay ng pag-asa at lakas. Habang papalapit ako sa tuktok ng Kamay ni Hesus, nararamdaman ko ang taimtim na pananampalataya at ang magaan na pakiramdam na dulot ng bawat hakbang. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay nagiging pagkakataon ko ito upang magmuni-muni at magdasal, humingi ng lakas upang magpatuloy. Ang mga pagod at pawis ay parang nawawala sa bawat hakbang ko patungo sa Kamay ni Hesus, sapagkat ang pagnanasa na makarating sa tuktok ang nagsisilbing motibasyon ko. Sa kalagitnaan ng daan, napansin ko ang mga deboto na naglalakad nang buo ang pananampalataya, nag-aalay ng mga dasal habang paakyat.

Makalipas ang ilang oras na paglalakad ay narating na namin ang tuktok ng Kamay ni Hesus, ramdam na ramdam namin ang pagod at tila pagkahabol ng aming mga hininga dahil sa napakataas na hagdan ang aming nilakad. Ang matatik na pag-akyat namin ay nagpapagod sa aming mga katawan, ngunit ang lahat ng pagod ay napawi at napalitan ng kapayapaan. Nang makarating ako sa tuktok ay nakaramdam ako ng tagumpay na nagsilbing pahinga sa aking kaluluwa. Ang tanawin mula sa tuktok ay nagbigay ng kasiyahan at nagpapatahimik sa aking isipan na tila ba lahat ng aking problema ay nawala. Pagkalipas ng ilang oras namin na pagpapahinga ay nag picture kami doon at kita ko sa kanila ang ngiti na hindi mapapantayan ng iba. Pagkarating ko naman sa tuktok ay natutunan ko na ang bawat pagod at hirap ay may layunin at sa sandaling iyon ang pahinga ay nagsilbing gantimpala para sa bawat sakripisyo.

At pagkalipas ng ilang oras na pananatili namin sa tuktok ng Kamay ni Hesus ay nagpasya na kami na bumaba na rito upang sa gayon ay makabili na kami ng aming pagkain. Habang pababa na kami ay unti unti kong nararamdaman ang kaginhawahan at tila ba lahat ng aking pagod noong kami ay pataas na ay hindi ko naramdaman, sa bawat hakbang ay mas magaan na kaysa sa inaakala ko, hindi ko manlang naramdaman ang pagkabigat ng aking katawan napalitan ito ng pagkakalmado at kaginhawahan. Nasa baba na ako nito at ramdam ko ang pagkakaroon ng bagong lakas at inspirasyon mula sa banal na karanasang iyon. Marapos ang matinding pag akyat, ang pagbaba at pagtuntong sa ilalim ng Kamay ni Hesus ay nagbigay sa akin ng isang malalim na kasiyahan, ang bawat sandali ay naging pagkakataon para magpasalamat sa biyaya at gabay ng Diyos nan nagsilbing ilaw sa aking landas.
3 notes
·
View notes