|loves animals| talks to plants and likes collecting them|
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
IPONING TAYO!!!
Bilang estudyante, minsan mapapaisip na lamang tayo, "Paano nga ba ako makakapagipon nang malaki-laki?"
Mas gugustuhin naman nating makuha ang ating mga luho na nanggaling sa ating mga sariling pera. Hindi ba't mas maganda sa pakiramdam dahil galing mismo ito sa iyong pinaghirapang ipunin na pera, at hindi ka nanghingi upang mabili ang mga gusto mo? Mga gamit tulad ng, relo, bags, sapatos, at lalo na ang ticket sa nalalapit na concert ng iyong paboritong K-pop boy/girlgroup!
Narito ang mga paraan na tiyak na makatutulong sa iyong pag-iipon ng pera!~
Heto muna ang dalawang bagay na dapat mayroon ka nang sa gano'n ay makakapag-ipon ka nang mabuti:
#1 PASENSYA AT DISIPLINA SA SARILI
Unang-una ito talaga ang pinakakailangan sa pag-iipon. Kapag ikaw ay may pinag-iipunan para sa iisang bagay, tulad na lamang ng concert ticket, kinakailangan na tulungan mo ang sarili mo na pigilin ka sa pagbili ng mga bagay na hindi naman madalas ginagamit, at ang pagbili ng mga gamit na 'di mo kailangan. Pagpasensyahan mo ito, at lagi mong iisipin na may isa kang pinaglalaanan sa iniipon mong pera.
#2 DEDIKASYON
Pangalawa, hindi ka naman makakapagipon kung ginagawa mo lang ito sa wala, 'di ba?
Kailangan na may isa kang pinaglalaanan sa perang pinag-iipunan mo, kung para saan nga ba ang lahat ng mga sakripisyo mo sa bawat iniipon mo. Kung gusto mo talagang makuha ang bagay na iyon, tiyak na magiging motivated kang mag-ipon para dito. 😄
Magtiwala ka lang sa sarili mo na kaya mo 'to, mukhang mahirap nga ito sa simula, ngunit masasanay ka rin. Kapag umabot ka sa punto na tila parang imposible na ito mangyari, isipin mo lang ulit kung kanino o saan mo ito paglalaanan, kung para saan ba talaga lahat ang mga ito.
BAON
Ito talaga puhunan ng halos lahat na nagiipon. Dito din halos manggagaling lahat ng ipon ng mga estudyante.
Kunwari'y may baon ka nang pananghalian at pangrecess, at may ₱100.00 ang allowance mo araw-araw, at kung naipon mo ito sa isang linggo, may limang daang piso ka na. Sa dalawang linggo, isang libo na! Oh 'di ba? 😄
Pero kung mas mababa ito sa isang daan yung baon mo, kahit magbukod ka na lang ng singkwenta o bente pesos sa araw-araw mong baon. O kaya'y kalahati ng iyong extrang baon na pera, isa para sa iyong gagastusin at isa naman para sa ipon mo~
Sa mga barya naman, hindi ba't mas madali itong igastos? Tulad ng bente peso, pag pinambili mo iyan eh 'di mababaryahan ito. Kaya hangga't maaari ay bente lamang at mga barya ang gastusin mo. Huwag mong basta-bastang mamaliitin ang mga barya, kapag ito'y naipon mo, lalaki rin ang halaga nito.
TUBIG
Simple lamang ito, MAGBAON KA NG TUBIG.
Isipin mo na lang ang magagastos mo sa tuwing bumibili ka ng tubig na nasa bote na higit pa sa sampung piso ang halaga. ₱12.00 ito sa aming paaralan at ang mas malaki naman ay ₱17.00, hindi ba't malaki pa rin ang mababawas? Sa iisang bote pa nga na iyan ay baka bitin pa sa iyo, kaya bibili ka pa ng isa pang tubig na nakabote. Mas mabuti na lamang na magbaon ka ng tubig, at least dito ay mas makakatipid ka pa dahil kung nabitin ka man sa tubig na nabaon mo, ay may paglalagyan ka pa rin ng tubig at 'yun na ang gagamitin mong pang-refill sa halagang ₱3.00 o mas mababa pa.
GALA
"Nagiipon akㅡ"
"Tara Milktea?!?!"
"H-hehe, G."
Minsan, ang mga kaibigan din natin ang isa sa mga dahilan kung ba't hindi tayo makaipon masyado 🤣. Subukan ding tumanggi kapag kada linggo ang mga galaan.
Ayos na siguro kahit dalawa o tatlong beses lang kayo mag-walwal. At tulungan mo ang sarili mo na hindi mapagastos nang malaki tuwing kasama mo sila, at kapag nakakita ka ng bagay na gusto mo 'wag mo agad-agad bibilhin. Tandaan mo kung saan o para kanino ang pinaglalaanan mo ng ipon mo.
WALLET
Wag niyo dadalhin lahat ng pera niyo. 'Yung tama lang, para iwas tayo sa tukso!
Kinakailangan na may dalawa kang wallets. Ang isa ay para sa hindi mo gagalawin na pera, at ang isa nama'y ang gagamitin mo.
Ilagay ang wallet na may maraming laman sa pinakaloob-looban ng iyong bag, nang sa gayon ay hindi ka mapapagastos at matukso, at nasa magandang lugar pa ito.
Sana ay nakapagbigay tulong ako sa inyong pag-iipon 'yon lamang at maraming salamat sa pagbabasa. 😁
GOOD LUCK!~
0 notes
Text
❗❗OPM IS NOT DEAD❗❗
Karamihan sa ating mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan ngayon kung saan ako'y nabibilang, sa panahon daw na ito, ay patay na ang Musika ng mga Pilipino. Higit daw na binibigyang pansin o tinatangkilik ng mga tao sa henerasyon na ito ang mga musika galing sa Western side o kung saan nabibilang ang mga sikat na American artists, isama na rin natin ang Korean-Pop music na laging kinagigiliwan ng mga mas nakababata. Ngunit huwag nating isipin na nililimot na nga ang ating sariling musika, at sabihing tunay nang patay ang ito.
Nangangailangan lamang na handa tayong galugarin ito, dahil para sa'kin kung tayo'y handang tumuklas ng mga bagong bagay ay palalahuin ng mga ito ang pagiging ignorante natin. Gayunpaman, sa kabila nito ay may pag-asa pa ang ating bansa, dahil may mga mahuhusay tayong musikero na nakapagsusulat ng magagandang kanta. 'Yun lamang ay kung susubukan din nating tuklasin ito, at tatangkilikin din ang sa atin. Bigyan natin sila ng pagkakataon na makilala sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang mga kanta.
Narito ang mga ilan sa mairerekomenda kong indie bands and artists na may mga kanta na sa tingin ko'y magugustuhan niyo rin at dapat ninyong bigyang pansin. 😁 :
1. Johnoy Danao

Photo by: Carmz Lopez & Mike Campillanes
Site by: @joelsantiago
2. Bullet Dumas

Photo from: myxph.com
3. Leanne & Naara

Photo from: Wish 107.5
4. Clara Benin
Photo from: genius.com
5. Reese Lansangan

Photo from: Reese Lansangan
6. Unique Salonga

Photo from: IV of Spades
7. IV of Spades

Photo from: IV of Spades
8. Autotelic

Photo from: Autotelic
Mabuti na lamang, mayroon ang Coke Studio at Wish 107.5, dahil sa kanila ay nashoshowcase ang mga mahuhusay na mga banda at artists tulad nila. Dahilan para makilala pa sila ng nakararami.

Photo Copyright as Watermark
SALAMAT!!!
#opm#philippines#philippinemusic#filipinoartists#filipino#bands#artists#pinoy#johnoydanao#bulletdumas#reeselansangan#leanneandnaara#clarabenin#unique#ivos#ivofspades#autotelic#pinoymusic
1 note
·
View note