ronastory
ronastory
MY LIFE JOURNEY
29 posts
Journey with God, conquering struggles, and being a VICTOR!
Don't wanna be here? Send us removal request.
ronastory · 3 years ago
Text
Journey#28
December 26, 2022
It’s almost the end of the year :) for me 2022 is a year of breakthrough, pruning and healing.  Sa last journal entry ko I’m waiting for the LET results and ngayon lumabas na siya noong December 16 :D ang galing ni Lord dahil faithful talaga Siya sa promises Niya nakapasa ako sa board exam :D at hindi lang basta nakapasa with high ratings pa ^_^ kinikilig talaga ako dahil 15 points din yun sa ranking sa Deped yung grade na 87 and above, bago lumabas yung results I prayed to God na kung hindi man po topnotcher sana yung rating na papasok sa 15 points ng ranking sa Deped and napakabuti ni Lord He granted it <3 I know talaga that this time ito yung right timing para maging guro ako ito na talaga naeexcite ako sa gagawin ni Lord sa buhay ko at sa school na kung saan Niya ako ilalagay on how He will use me to make a difference sa buhay ng mga students, teachers and staffs na memeet ko doon.
When it comes sa lovelife naman nitong nakaraang araw nakita ko sa facebook na kinasal na si Ralph sa bago niyang girlfriend, I’m so happy for him na nakita na niya ang para sa kanya deserve niya yun :) wala akong bitter feelings na nararamadaman and masaya ako Lord dahil binigyan mo po kami ng maayos na closure sa relationship namin :)
Nagpapasalamat din ako kay Lord for healing me, for answering my prayers sa nararamdaman ko for Humphrey I always prayed to the Lord for the clarity dahil hindi ko napapansin na mas nafafall na ako sa kanya lalo na mas lumiit yung mundo namin na nakaksama ko na siya and nawawala na ako sa focus ko na instead para kay Lord ako magserve hindi ko napapansin na may part doon na I want to serve to see Humphrey which is very wrong dahil I should start with a clear intention and motive in mind and that is to serve the Lord my God with all my heart, my mind and my soul, and ayun thankful ako sa nangyari noong December 17 sa pagsama ko doon sa get together ng campus hangout volunteers doon ko din nakilala yung intimate circle of friends niya at nakita din yung makukulit na side nila. Hanggang sa iyon na nga hinot seat nila si Humphrey and asked about his lovelife and ito na nga iyon Lord yung matagal ko ng pinagppray, You answered me through this na hanggang ngayon pinagppray niya pa rin ung girl and si Ate Chie yun and same sila ng season na willing na to settle down, na nagsink in sakin lahat hindi ko napansin na yun pala yung nagugustuhan ni Humphrey and ngayon sobrang sakit talaga yun nung nalaman ko bumalik sakin yung sinabi ni Yam na paano kapag si Humphrey ay para sa kaibigan ko and sinabi ko sa kanya masasaktan talaga ako, and ito nga nasaktan talaga ako pero ngayon I’m getting better and natatanggap ko na din yung realidad na hindi siya yung para sakin, na naintindihan ko din yung pagkukulang ko na ang selfish ko na binox ko yung sarili ko sa kanya na akala ko siya na dahil same lang kami ng gustong gawin sa buhay, pero Lord You have deeper purpose , You see all things in the bigger picture and You have the masterplan na hindi ko naisip na paano kapag madami pala kaming pagkakaiba and hindi magfoflourish yung relationship kapag naging kami or may isa samin na magiging kawawa ayoko na ulit maranasan yung sobrang sakit na pain sa pagiging brokenhearted and alam ko Ikaw din Lord ayaw mo na umiyak ulit ako sa wrong assumptions and expectations ,sorry po Lord if I relied on myself when it comes to Humphrey I trusted myself to do things and hindi kita cinonsult at pinakinggan, Lord I surrender my heart to You ingatan mo po ito.
Lord guard my thoughts , emotions and what I speak and feel na lagi ko hanapin yung presence mo and maging dependent lang ako sa Iyo Lord sa mga decisions na gagawin ko, this time Lord I’m surrendering everything to You, protect my heart, heal me and Ikaw at ako lang Lord this time yung eyes ko sa Iyo lang mafix that I will live for Your glory sa Iyo lang po Lord at wala na pong  iba. Ayoko na Lord mafeel yung pain sa maling tao, kung masasaktan man po ako help me to process it to be my strength and be ready para sa partner in life na prinepare mo po talaga para sakin na magkaroon po ako ng emotional stability , spiritual stability, financial stability and relational stability. Lord direct my paths and help me samahan mo po ako ngayon as I conquer my fears and move mountains in my life with You. Lord hawakan mo po ako bigyan mo po ako ng pusong handang magbago at magpaturo sa Iyo a humble heart na Ikaw lamang po ang inuuna at magreflect ito sa ibang tao. I;m entrusting everything to You in this I pray In Jesus Name. Amen <3
But seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added to you - Matthew 6:33
I will instruct you & teach you in the way you should go; I will counsel you with my eye upon you-   Psalm 32:8
Delight yourself in the Lord, and he will give you the desires of your heart. -  Psalm 37: 4
0 notes
ronastory · 3 years ago
Text
Journey #27
October 17, 2022
It’s been two years noong huli akong nakapagsulat dito. Sa totoo lang ang dami na din nagbago hindi lang sa akin kundi sa mundo mismo. Noong last na nagsulat ako dito, kakasimula pa lang ng pandemic, ngayon meron ng mga vaccine na naproduce para sa corona virus and karamihan ay halos vaccinated na din, sa ngayon meron pa din corona virus halos lahat ng tao ay nakaface mask na pero unti unti na ding bumabalik uli sa dati, kung dati ay bawal lumabas halos lahat ng classes sa paaralan ay nagshift sa online learning, ngayon ay unti unti ng bumabalik lahat sa face to face class. Magandang opportunity din dahil natuto ng technical skills sa pag gamit ng computers at internet ang mga tao ngayon ang disadvantage lang ay dahil sa sobrang broad ng internet at kapag hindi mo alam ang tamang pag gamit nito lalo sa mga social media accounts ay mabilis ka madadala ng mga fake news o dagdag problema din sayo dahil pinoproblema mo na din ang problema ng ibang tao. Anyways overall nagpapasalamat ako sa Lord sa faithfulness Niya dahil ang daming blessings and grace Niya ang nagingat sa bawat isa during sa lockdown season ng buong mundo, nagkaroon din ako ng COVID last December 2021 pagsalubong pa ng New Year yun pero I thank God for His healing and hindi naging ganoon kalala yung effect sa akin nung COVID.
Sa buhay ko naman update sa lovelife ko, ito yung confirmation na hinhintay ko and ayun hindi si Ralph ang para sa akin, naghiwalay kami last April 2021 dahil magkaiba talaga kami ng values at gustong paratingan sa buhay, ang purpose ko is to serve the Lord by empowering the youth and sa schools ko nakikita na mas magagamit ko iyon, si Ralph ay hindi pa niya alam kung ano talaga ang purpose niya sa buhay and hindi ko nakikita yung mga pinagppray ko na qualities ng mapapangasawa ko sa kanya like a Man of God, can lead me, can express his emotions and communicate to me, faithful and responsible person, walang bisyo and hindi babaero, meron naman sa list na nagswak sa kanya pero yung top 3 qualities ng non negotiables ko ay wala sa kanya. Kaya nakipaghiwalay na ako that time pandemic pa ilang weeks din kaming hindi nakapagkita and we ended it sa video call, triny pa niya ako ipursue ulit pero wala na talaga I felt like ang dami kong nacompromise sa sarili ko nalimutan ko yung sariling goals ko yung mga bagay na gusto ko na me and God lang muna kasi lagi ko din need iconsider ang gusto niya, ang hirap na yung karelasyon mo ay hindi din deep ang relationship kay Lord yung tipong yayain mo pa para magchurch ako lagi yung need dapat magshare ng word and ang nangyayari nagiging shock absorber ako and wala akong wisdom na narereceive sa kanya when it comes sa word ni Lord which is mahalaga yun na dapat ang lalaki din ang maglelead sa babae at sa kanilang family papunta kay Lord. So ayun inaamin ko nagkasala ako kasi this time na nagsstruggle yung relationship namin ni Ralph nadisconnect din ako talaga totally sa church wala na ako sa UCCP and sa Victory naman bihira na lang ako makapag online service and nawala din yung victory group namin so wala din ako talaga spiritually and ito yung naging way ng enemy to attack me in my weakness which is my emotions, nagkaroon ako ng kachat online and itong tao na ito kabaliktaran siya ng ugali ni Ralph, hindi siya Christian pero siya ay active hindi passive , alam ang gusto sa buhay, malakas ang loob and adventurous which is isa din sa mga qualities na gusto ko so nakuha niya loob ko to make the story short nagkita kami in person Glenn ang name niya 7 years younger than me pero dahil marupok ako that time nadala ako ng emotions ko and naging kami. 
That relationship is very sinful yung sinurrender ko na kay Lord noon na premarital sex back when I was 16 yrs old bumalik siya nainvolve ulit ako doon to the point na willing na ako igive up yung faith ko kay Lord para sa kanya dahil hindi siya naniniwala kay Lord and he is giving me different perspective about marriage and life like I can live without the Lord, the thing that we did are full of lies and sin from the enemy that made me believe that what we’re doing is all a product of love and passion na love na love namin ang isa’t isa, ganoon yung pinaramdam niya sakin, pero yung realidad hindi iyon ang ginagawa niya nagawa niyang mambabae pagsabayin ako at ang ex niya despite doon sa pinaramdam ko na pagmamahal, which is ito yung masasabi kong second lowest point ng buhay ko dahil sobrang basag na basag ako nito yung tipong naiisip ko bakit ko kailangan mastress ulit, bakit kailangan ko magoverthink, bakit kailangan ko mag beg sa pagmamahal na deserve ko naman, nakakapagod at nakakawala ng pag asa sa buhay yung nangyaring yun, hanggang sa Feb 15, 2022 nireveal na sakin ni Lord mali na talaga yung ginagawa ko enough is enough siya na mismo ang nagtouch sa heart ni glenn para aminin sakin na may contact pa sila ng ex niya which is un yung pinagpray ko malaman ko lang Lord galing mismo sa kanya igigive up ko na to then after that walang pagpigil nakipaghiwalay na ako sa kanya, that time nasa trabaho pa ako by the way umalis ako sa APEC schools June 2021 and nagturo sa Duzon after which nakasama ko sina Ate Kai, napakabait ng naging mga kateam ko doon first time ko makaranas ng team na very supportive and open masaya ako dahil karamihan din sa kanila ay Christians din dito ko nakita yung grace ni Lord na kahit nasa gitna ako ng kadiliman ng buhay ko andun pa din Siya and nireremind ako na nagwowork siya, niremind din ako ni Ate Kai nun na  kilalanin muna si Glenn kaso wala marupok ako and still go in my foolish ways kaya ayun nagpatuloy pa din ako as in lahat ng boundaries ko sa sarili ko inalis ko para doon sa taong yun na pinaniwala ako na mahal ako na akala ko siya na. However hindi na narenew ung contract ko sa Duzon so by December nag apply uli ako ng work and ito bumalik ulit ako sa IT Support Specialist napasok ako sa AWB which is napakalayo doon sa purpose ni Lord sa akin, pero dahil yun nga pinangunahan ko si Lord and mas nagfocus ako sa salary dahil gusto ko din ng mas madami kaming maging time ni Glenn para makaalis at makpagroad trip dahil may motor siya I look for a job with higher salary and para din machallenge ko self ko na kaya ko mag IT talaga sa troubleshooting field. So ayun nakapasok nga ako and itong work ko dito ay may maganda at hindi magandang experience din, masyadong disorganized yung proseso sa workplace walang sinusundan na policies kumabaga sabog yung process ang tagal na nung company pero magulo pa din hindi established, ang maganda kahit ganun may mga tenure na makakatulong sakin para sa mga troubleshooting process so ayun unti unti naging comfortable din ako sa pagttroubeshoot.
So balik tayo sa nabroken ako, nagpaalam ako kay Sir Ramil yung manager ko na maghahalf day ako kunyare may emergency pero deep inside hindi ko na kaya magwork kasi wasak na wasak ako I’m not in my perfect mental state that time humaharap pa naman ako sa mga clients and ayoko mafeel nila na may bitbit akong problema habang nagsusupport ako sa kanila. So ayun tinawagan ko yung bestfriend ko si Nicole , thank you Lord dahil ginamit mo si Nicole upang maging confidant ko sa panahon na ito nagpaalam din siya na mag half day sa work niya and nagusap kami sa seaside sa may MOA and doon ko din nilabas sa kanya lahat nung sakit at sama ng loob ko, narealize ko din na ang liit ng circle of friends ko na dapat matuto din ako na makihalubilo sa iba intentionally with a brother and sister intention then narealize ko din na that time hindi firm ang non negotiables ko when it comes sa relationship and dating and doon namin binalikan yun na which is ngayon mas naging clear na sa akin na mahalaga Godly man hindi lang basta Christian pero totoong servant ni Lord marunong mag lead napakahalagang factor nito sakin dahil siya yung magiging leader ng family namin, assertive pagdating sa problema hindi nagpapanic agad kundi si Lord yung unang lalapitan at mas pipiliin namin na magpray, ireremind ako na magdevotion and pray whenever na nasstress ako or dumadaan sa temptation, will partner with me sa purpose ko sa life sa pag glorify and pagserve kay Lord, marunong makisama sa pamilya ko and makipagcommunicate sakin lalo na magshare ng deepest thoughts niya sakin yung very open siya sa akin lalo na mag asawa kami mahalagang bagay iyon, irerespeto ako, walang bisyo , alam din ang goals at purpose niya sa buhay, faithful may self control, knows how to challenge my thoughts hindi lang oo ng oo sa sinasabi ko, may hobbies na same kami na pwede namin gawing bonding time like music, art or games or anime man yan, travel or biking, camping or hiking willing to adjust compromise hear both sides of the story hindi agad nagjajudge sa isang bagay, maalaga lalo na sa bata, financially stable partner kami sa mga bayarin hahah, mature person at higit sa lahat syempre tunay na mahal ako at higit na mas mahal Niya si Lord kaysa sakin :) Iyan Lord mas inispecify ko na po yung non negotiables ko, hopefully ito po yung patuloy na iparemind mo sa akin whenever I feel na gusto ko na naman magmadali at pumasok sa relasyon, help me to remember the importance of savoring the healing season for this is the season of growth, kagaya po ng season ko ngayon.
After ng paghihiwalay namin ni Glenn I seek God again that time nasa San Juan ako nakatira so naghanap ako ng church community na pwede akong makipagconnect uli and will help me sa journey ko kay Lord until nilead ako ni Lord sa Victory Greenhills, dito ko nakilala ang victory group na makakajourney ko sa life and makakatulong din sa healing season ko to process the things na nangyari sa life ko. Thank you Lord dahil pinakilala mo sa akin sina Vanj, Krizelle, Lyka, Liz and Sam sila po yung mga naging kaclose ko doon hindi lang po doon nagtatapos lahat dahil after I surrendered everything to You inopen mo lahat yung doors ng opportunities nakilala ko po sina Ate Angel, Pastor Bojo and mga nakasama ko pa po sa Kids ministry, yes po sobrang thankful po ako dahil binigyan mo po ako ng opportunity to volunteer sa Kids church and this time You really prepared my heart to surrender to You and You give me that opportunity to renew my faith again in You which is sa Victory Weekend po very refreshing po ito nalaman ko ang mga bagay na ginawang stronghold ng enemy sa akin and how You Lord by Jesus death on the cross free us from that stronghold and Your grace will be the one to hold us and renew us everyday, that we can’t be righteous in You but it is You who will help us to be clean and be Christ like in character as You continue to reveal your attributes to us, we’re able to understand You more and step out in faith.
During my stay in San Juan , you move mountains in my life and made a turn around, You showed me again how faithful You are God how you fulfill Your promises to me in this journal 6 years ago na You’re really a way maker, miracle worker, promise keeper and light in the darkness, sobrang thankful po ako dahil nilead mo po ulit ako sa journal na ito to remind that even if I had the same cycles of struggles nag lelevel up man sila pero Lord You break that chains and hindi mo hinayaan na manatili ako sa chain ng enemy, You Lord alone break it for your Love is powerful within me. Thank You Lord for revealing to me Your promise again, nagresign po ako sa AWB and You use Papa to push me na itake na yung LET exam ngayong taon, noong una hindi ko alam if ito na ba talaga ang tamang time dahil nakalimutan ko na yung mga inaral ko noon sa TCP pero You made a way last batch na ng old curriculum ngayon and I had no choice but to take it unless magrerefresher ako next year para itake ang March 2023 exam which is another gastos ulit, so sakto pagpasa ko ng resignation nag announce si AWB na hindi na magrerenew si Megawide na client namin so babalik kaming lahat sa AWB headquarters talaga and yung iba ay baka mapunta sa ibang site or maging iba ang work, dito ko nakita that if this is your timing Ikaw po talaga Lord ang magwowork at mag aayos, so ayun June this year umuwi na ulit ako sa Cavite and nagpaalam na din sa mga naging kaibigan ko sa San Juan and Victory greenhills hindi ko din sila makakalimutan and magiging part sila ng buhay ko din, after noon sumubok uli ako na magreconnect uli sa Victory Dasma kung saan din ako dati nagsisimba, nagtry ako magconnect sa dating VG leader ko kaso iba na yung season niya since married na siya kaya she connected me sa dati niyang VG leader which is si Ate Majo :) sobrang saya  ko dahil sa VG ko ngayon nakilala ko ang mga sisters ko in Christ iba iba ang age levels namin kaya very diverse and maganda dahil yung wisdom ay naipapasa sa younger generations sobrang thankful ako Lord dahil ginamit mo po sila to journey me to help and guide me din sa emotions ko natutunan  ko na need ko po ipacaptive sa Iyo ang mga thoughts na hindi pleasing and just focus on my healing season right now with you and closed doors muna ako sa romance, I want to rekindle and make my faith firm in You Lord and in Your right timing Ikaw din po lahat ang mag aayos na wala na ako need gawin dahil that is Your plan and it’s for the best gaya po ng ginawa mo sa career ko, Lord I surrender sayo and everyday I know that this will be an everyday battle in this aspect of my life but I believe that it is You that will make it possible, I am limited but You are a limitless God, All knowing and powerful, nothing is impossible for you :)
Right now, naghihintay po ako sa result ng LET exam ko noong October 2, 2022 and I believe that since You are the one who started this plan for me You will help me go through this and I’m claiming the victory na din po ngayon pa lang whatever the result may be I believe that it’s for the best and prepare my heart to be delighted in it, I trust You more than my capacities Lord. Help me to patiently wait, help me to have more patience sa season na ito kung saan nilagay mo din ako para alagaan si Riley and turuan sa pag aaral niya help me Lord and use me to build him up to You and I believe Father You will also use Riley for Your kingdom building , Lord protect him and Maico help them to grow in your word let your Holy Spirit empower and guide them as well as their parents and our whole household. Lord I pray din po kung ano po ang gusto mo na gawin ko po sa part nung sa stepsister ko kay Papa why she want to converse with me Lord lead me by Your Holy Spirit prepare my heart, if this is the right thing or you want to protect me in this, Lord I pray sa marriage ni Mama and Papa Ikaw po ang magprotect Lord don’t let the enemy steal, kill the joy that You bring Lord let your Holy Spirit change and open my parents hearts to You na maging maayos po ang communication nila, gayun din kina Renzo and Rachelle guide their lives Lord huwag mo po hayaan na maligaw po sila ng direction, Lord protect my household and help me to remind myself that my first ministry is my family and huwag ko din po kalimutan na ireach out at maging role model din po sa Kanila, I can’t do this on my own Lord I know I’m weak but with You nothing is impossible.  I entrust everything to You Father, let your will be done, all praises and glory to You. In Jesus Name Amen.
 The fear of the LORD is the beginning of knowledge, but fools despise wisdom and instruction  Proverbs 1:7 -
Delight yourself in the Lord, and he will give you the desires of your heart -Psalm 37: 4
A person without self-control is like a city with broken-down walls—a defenseless city, because its guard failed to protect it. -Proverbs 25:28
0 notes
ronastory · 5 years ago
Text
Journal #26
May 18,2020
Thank you po Lord sa araw na ito dahil po nakasama ko ang family ko, thank you po dahil dumating na po yubg samgyup griller na inorder namin online at sa super excited nga po kami ay gusto na namin mag samgyup actually Lord super challenging din po ang nangyari sa araw na ito dahil nakakaubos din ng patience at medyo nakakahiya, nakakubos ng patience dahil po ung inorderan namin ng samgyup ng una ay hindi kumpleto ang order na idedeliver samin kahit nag approve sya na available lahat, hinintay namin sya hanggang 3 pm para lang sa wala, nkakalungkot po kasi sina rachelle at riley ay pumunta ng maaga sa bahay dahil magsasamgyup kami at gusto ko din na makabonding ang family ko kaya naghati kami ni mama sa pang samgyup, pero ayun nga po yung nangyri, tpos nacancel din tapos nag hanap si rachelle ng another seller kaso naman po hindi cod ang mode of payment which is mahirap ndn po maglabas ng pera online kaya wala din po, at yung last na option ay yung nakita ko po sa fb medyo late ndn po un mga mag 5 pm ko na ata sya nakausap dahil nga po naghahanap dn kami ng mga seller ng samgyup, aun responsive po si seller at kahit na bukas pa ang deliver nila ay inask nya ako kung anong flavor daw po ang need ko baka daw po may stock sila thank you po Lord dahil meron at good thing pa sa kabilang subdivision lang sila nakatira kaya po wala ba kaming shipping fee nilakad nlng po namin at naenjoy ko po ang samgyup kasama ang mga kapatid ko si riley at si mama ☺️ super nabusog po talaga kami at nagenjoy din
Natutunan ko po sa experience na ito na minsan sa buhay natin may mga bagay tayo na gusto maabot pero nakakameet tayo ng ibat ibang tao along the way akala natin sila na ang tamang tao na tutulong sa atin, umasa tayo pero hindi pala, may ddting uli pero wala din pala hanggang sa mawawalan na rayo ng pag asa pero ikaw pa din Lord ang nakakaalam ng lahat ang need lang po namin ay magtiwala sayo kahit na mahirap at inposible basta ipinagpray at pinagkatiwala namin sayo lahat ay ilalagay mo kami sa the best na makakabuti samin which is gaya sa samgyup nakamura pa po kami bagamat sorry din po dun sa nagawa ko kay manong guard kanina kabado po kasi talaga ko nun, sorry po di ako nakapagsorry sa kanya sana mapatawad po ako ni manong guard kasi medyo sarcastic din pagsagot ko sa kanya kanina kasi nga po dala ndn ng stress sa mga nangyyri sa samgyup na un, parang sa buhay po minsan dahil sa stress di natin napapansin na nakakasakit na pala tayo ng kapwa natin dahil nakafocus lang tayo so problema natin, natutunan ko po dun na need ko na maging kalmado sa mga sitwaston na nakakastress at maging considerate din sa nararamdaman ng iba.
Thank you din po Lord dahil nakapag usap na kami ulit ni Ralph at shinare ko po sa kanya ung nararamdaman ko I hope Lord na sana guide mo po kami at I pray for blessings po sa aming relationship at I am still patiently waiting for a confirmation if siya na po ba talaga ang nilaan mo para sa akin, thank you din po dahil hindi ko na masyado naiisip si Makoto at narealize ko po na may mga tao na hindi namin dapat iretain sa buhay namin lalo na yung wala naman pakielam sayo, kaya Lord salamat po sa kaliwanagan ng isipan.
Patawad po Lord sa lahat ng aking pagkukulang, pagsigaw, pagsagot sa magulamg, di makontrol na emosyon dalangin ko po na iguide mo po ako Lord upang mag grow po ako Sayo. Ito po ang aking dalangin Lord In Jesus Name I Pray. Amen
0 notes
ronastory · 5 years ago
Text
Journey#25
May 17, 2020
Ngayon nagsstart ako muli, sinimulan ko ang araw ko sa devotion, ang ganda ng message sakin ni Lord about sa peace at iset ang isipan ko sa mga heavenly things at hindi sa earthly things, ni remind din ako ni Lord na kaya Niyang gapiin ang plans ng enemy dahil napagtagumpayan na Niya ang mundo, I just need to put my trust in Him that in this season of waiting may irereveal sakin si Lord.
Kanina din nanood ako ng online worship service sa victory ung verse is about sa Psalms 23:4-5 “Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil for you are with me” ang ganda ng message ni Pastor kung paano niya nirelate tayo sa sheep at si Lord ang Sheperd natin, may mga point sa buhay natin na dumadaan tayo sa edge ng valley madilim ang paligid hindi natin alam kung saan tayo patungo, may mga crossroads tayong mapupuntahan pero lahat ng iyon ay para sa better purpose need natin iyon malagpasan upang makapunta tayo sa greener pasture at magagawa natin iyon kapag kasama natin ang Diyos at nakikinig tayo sa Kanya, ang sheep ay naliligaw kapag hindi niya naririnig ang Sheperd niya, tayo din na mga tao ang hirap ng buhay na walang direksyon at kapupuntahan yung feeling na hindi mo alam yung purpose bakit mo nga ba ginagawa ang bagay na ito, gaya ng nangyayari sakin ngayon hindi ko alam bakit nga ba ako nag aaral ng Japanese, bakit gusto ko magtrabaho doon? Iyon ba ang greener pasture sakin? Yun ba ang will ni Lord para sa akin? ano ang purpose bakit nay desire ako na ganito, bakit din ako nakikipagchat kay Makoto anong purpose nakikita ko ba sya as may partner in life? anong purpose bakit ako nakikipagrelasyon kay Ralph nakikita ko din ba sya as may partner in life? Ang daming mga tanong at uncertainties sa buhay ko ngayon na hindi ko pa alam ang sagot, nasa season ako ng waiting ngayon and iyon ang isa sa pinakamahirap to wait for God’s confirmation ang dami kasing mga temptations habang naghihintay ka nandyan ung matetempt ka mag decide on your own pero again hindi din magiging successful kasi hindi mo alam ang purpose bakit mo nga ba gingawa ang abgay na ito, I pray Lord bigyan mo po ako ng clear heart and mind upang ma discern  ko po ang voice mo kung ano po ang nais mo na gawin ko, help me Lord to be obedient to you, because I know Lord you know what’s the ebst for me, help me Lord to stand in your presence. Thank you for guiding me this day. In Jesus Name I Pray Amen.
0 notes
ronastory · 5 years ago
Text
Continuation..
Ayun si Ate Kai madami sya naturo sakin especially sa classroom management na mahalaga din minsan maging strict at maging firm sa decision na ssbhin sa mga bata, paano maging kalmado sa nakakapabic na situation lalo kapag kausap mo ang mga magulang, paano maging flexible sa actions mo lalo na pag may nga events na biglaan nangyayari, si ms kai ang matturing kong pinaka naging close ko sa apec nakakasama ko sya sa pagbili ng foods sa labas and nakakapagkwentuhan about buhay namin, sobrang mamimiss ko sya :'( madami mang nambubully ngayonsa office nag babad talk samin pero tinatawanan nlng namin sila dahil di naman iyon totoo ang mahalaga kilala ko si ms kai at mabuti siyang tao, isang taon kami nagkasama at madmi na sya naturo sakin, nakakalungkot dahil hindi na makakapag extend si ms kai hindi na sya nakapagretract sa resignation nya, di ko alam kung may makakaclose pa ba ako sa apec pero usually online na ang magiging setup ng mga klase dahil sa pandemic ng coronavirus ngayon, oo ang dami na nagbago usually quarantined na wala na klase sa schools dahil mabilis kumalas ang virus na ito at hindi lang sya sa Pilipinas sa buong mundo nangyayari ito, Lord I pray na strengthen mo po ang bawat isa sa pagsubok na ito, I pray na kung ano man po ang nais mo ituro sa amin sa panahon na ito especially ang pag trust Sayo ay maisagawa namin, Lord I pray for healing sa mundo and vaccine na macreate upang matapos na itong coronavirus, I pray Lord help us to strengthen our faith sa panahon na ito, magpatuloy pa din ang pag share ng Iyong salita, ganun din po ako sa pamilya ko at sa gusto mo na ireach out ko.
Sa spiritual ko po madami din ako naging struggles ang dami nging issues sa church na halos magkaroon na ng division sa pagkakaiba ng belief kaya nastress ako at umalis muna sa uccp sabang, sina mariel at nicole ay hindi na din nagchuchurch sa sabang si nicole ay busy sa kanyang work dahil sa pasay ndn sya at si mariel ay nagkaroon din ng struggles dahil sa nangyyri sa church at gusto Niya ng Discipleship kaya lumipat muna siya ng victory, ganun din ako lumipat din muna ako ng victory dahil gusto ko ng peace sa puso ko at healing sa mga nangyyri, ngayon nasa victory group kami at tapos na ako sa one to one pero hindi muna ako pumapasok sa ministry dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa, hindi na din ako nakakapg pray at devotion at napapansin ko nga na ang mga decisions ko lately ay driven ng emotions at gusto ko kaya ayoko ng ganito.
Lord I pray help me to draw back to you, to discern your will sa life ko na maalala lagi ang mga promises mo, patawad po sa lahat Lord ng pagkakasala at kakulangan ko, help me Lord to revive my brokenheart.
Sa lovelife, amazingly 3 years na kami ni Ralph sobrang nakakagulat di ko akalain na tatagal kami at thankful ako kay Lord dahil wala pa nangyayari samin I pray Lord help us to say no to temptations and remain in purity hanggang sa wedding day namin, sa ngayon Lord wala pa talaga sa isip ko fully ang pagpapakasal kaso gusto ko muna maging stable sa career ko pero so Ralph gusto na medyo napapaisip din ako if siya na ba talaga ang will ni Lord para sakin, may nga ugali siya na medyo nasstress ako meron din naman na ugali sya na natutuwa ako, pero Lord I still pray and wait for your confirmation kung si Ralph na ba talaga Lord yung gusto mo na mapangasawa ko, help me Lord still my heart and emotions and help me hear your voice.
I also wait Lord for your confirmatuon if will mo po na magwork ako talaga sa Japan as english teacher or nadadala lang ako ng emoayon ko, lately nag aaral ako ng Japanese at may Japanese ako na naging kaibigan yung isa sa kanila medyo naiinlove na ako pero mali to dahil una may boyfriend ako at pangalawa magkalayo kami at pangatlo hindi kami talaga magkakilala, kaya po Lord I pray bigyan mo po ako ng linaw ano po bang path ng teaching ang gusto mo na puntahan ko, kung saan maseserve ko ang purpose ko, at makakapagbigay ngiti Sayo. I entrust everything to you Lord guide me as I start my fasting tomorrow, In Jesus Name I Pray. Amen
0 notes
ronastory · 5 years ago
Text
Journey #24
May 16,2020
Ayun it's been 4 years na since ning huli ako nakapagsulat dito 🤣 ang dami ng bago ang dami nang nangyari sa buhay ko.
Siguro simulan natin sa career, tumagal ako sa stefanini ng almost 3 years okay ang naging career ko dun naging Senior Helpdesk Technician ako and thankful talaga ako kay Lord dahil ginabayan Niya ako all through out, hindi ako nagkaroon ng weekend shift ng matagal siguro nagkaroon lang ako nun nung mga last months ko na sa Stefanini pero struggle talaga kasi hindi na din ako makapagchurch nun kasi sunday ng umaga ang uwi ko, pero ang amazing ni Lord kasi lagi ako nakakapagleave kapag may mga youth camp kami 😊 tapos nakapag ipon din ako ng pera bago ako makaalis ng stefanini kaya super thankful talaga ako kay Lord nun, ano ang rason bakit ako umalis? Kasi gaya ng nangyari sa Alorica naging routinary nlng din ang ginagawa ko at ayoko na ng may pasok ng weekend gusto ko na talaga ng normal na oras ng trabaho at weekend off kaya nag decide ako umalis, this time conflict ako network engineer ba o teaching?
Nagpurchase ako ng online inr ccna class pero di ko natapos hindi yung gusto ko talaga gawin kasi hindi naman din ako ganoon ka techy, kaya ayun Feb 2019 nung umalis ako sa stef and that time din nag decide ako na magteteacher na ako, pinagpray ko din yun kay Lord at humingi ako ng confirmation, may mga missionaries na bumisita nun sa church and during our youth service pinagpray nila kami at nagbigay sila ng vision samin, tinanong ako ng missionary kung ano ba ang nasa heart ko sabi ko nalilito ako kung anong career ang kukunin ko by the way bago mangyari nanaginip ako and sabi ko pag gising ko gusto ko mag TCP or teaching units parang I can't see myself na hindi maging teacher, then ayun nga balik tayo dun sa tanong ng missionary sabi ko I want to be a network engineer or a teacher sabi niya anytging will do just follow what God is saying to you right now and yun nagflash sa mind ko na nagtuturo ako tapos sabi ko gusto ko maging teacher, sabi niya gamitin ko daw ang natutunan ko ituro ko sa mga bata ang power ng mind gamitin nila ito medyo di ko magets yun pero ayun isang confirmation sakin yun na magteacher na talaga ako.
Then ayun after ko umalis sa stefanini sabi ko sa sarili ko mag teaching units na ako so naghahanap hanap ako ng maeenrollan at work din at the same time para matustusan ko ung tuition fee ko tapos ayun medyo desperate ndn ako maghanap ng work sa isip ko kahit part time job lang sana makahanap ako mapangdagdag lang sa tuition ko kasi 3 months na ako na walang work nun, then ayun nag apply ako sa jobstreet out of desperation hinanap ko ung keyword na teacher, tapos apply apply ako sa isip ko if ever matanggap ako as teacher magandang opportunity ito dahil mattrain ndn ako then ayun nga tapos may nakita akong Science Teacher na position sa jobstreet sa isip ko gusto ko din naman ng science kaya sige inapplyan ko na, nagulat ako maya maya tumawag na ang apec sakin at iniimbitahan na ako sa demo lessons ng tuesday napa oo ako kasi naexcite dn ako pero wala din ako alam sa pag gawa ng lesson plan o demo ito talaga nag pinakabiggest turn around sakin kasi wala akong alam sa career na ito, pero sobrang nakatulong yung experience ko sa sunday school at outreach yung pagtuturo sa mga bata para mabuild up ang confidence ko, thankful talaga ako kay Lord dahil planned Niya talaga lahat tapos gunamit Niya si ate honey para tulungan ako sa pagpprepare ko ng demo lessons, troubleshooting kasi yung topic ko bun sakto kakagraduate lang ni ate honey sa tesda ng computer troubleshooting course 😊 kaya thankful talaga ako kay Lord prinepare Niya lahat. Then to make the story ahort natanggap na ako sa Apec schools! Senior Highschool Learning Facilitator SciTech ung domain na ihahandle ko, excited na kabado ako dahil first time ko to na mag high school eh hindi ako ganun ka kumportable pa kasi madalas bata tinuturuan ko, pero tinulungan ako ni Lord na maconquer ung fears na yun He gave a friend that will support me sa Apec si Ate Kai sobrang madami ako natutunan sa Kanya.
0 notes
ronastory · 9 years ago
Text
Journey # 23
December 26,2016
- It’s been six months since I last write down here in my online journal. Napakaraming nangyari after six months, mahirap man aminin pero, hindi ako naging consistent sa pag jojournal. After ako matanggap sa stefanini, masyado akong naging busy and nadala sa emotions ko dahil sa kasiyahan ko sa new work ko.
After 2 months nakaroon ako ng boyfriend unexpectedly, because I really planned to have a boyfriend at the age of 24, I just turned 22 this year and ang dami ng nagyari. Narealize ko ang daming tempatations na sumubok. I prayed to God na yung man na magiging partner ko in the rest of my life, is a Godly man, no vices, a man whom I really loved because we’ve been friends for a long time, however again it turned out the other way. 
Nadala ko ng emotions ko, I was so excited to have a boyfriend 2 years din akong single and to be honest at first I’m not that sure pa sa relationship namin. Many times ko inisip na huwag ng ituloy baka wala din mangyari and masaktan namin ang isa’t isa but now narealize ko sa 3 months ng relationship namin na may purpose si Lord kung bakit Niya pinahintulutan na maging kami ni Ralph, it’s for me to know that I’m weak and I need God to continually give me strength and depend on Him. I don’t have self control sa emotions ko, yung kiss hindi pa talaga ko ready I want that to happen in our wedding day, however di pa din nangyari. I was so frustrated of myself, I continually set goals or we can say boundaries/limits pero hinahayaan ko din naman na mawala ito. Lord I pray na continually na isupply mo po kami ni Ralph ng heart to have self control and to have a glorifying relationship sa iyo. Hindi man po Siya spiritually mature but I believe Lord na you can turn him into something that I can’t even think of. Despite of our differences, You created each of us uniquely and may purpose ka po kung bakit mo po kami winired ng ganoon. I pray Lord na ishape mo po ang heart ni Ralph na maramdaman po Niya ang pag ibig mo, ma encounter Niya ang saving grace and love through our savior Christ Jesus. Lord help me to be patient huwag iya madaliin  sa mga bagay na gusto ko lang mangyari and maipakita ko po sa buhay ko yung faithfulness ko po sa paglilingkod ko sa Iyo and yung joy and love ng buhay na nasa Iyo O Diyos.
Verse of the day:
“but those who hope in the Lord will renew their strength." -Isaiah 40:31
i CAN DO ALL THINGS THROUGH CHRIST WHO STRENGTHENS ME ! :)
1 note · View note
ronastory · 9 years ago
Text
Journey#22
June 26, 2016
- Salamat sa Panginoon sa Kanyang patuloy na pagpatnubay at pag gabay sa bawat isa sa araw na ito. Sinimulan ko ang araw sa devotion, revival ang nireveal sa akin ng Panginoon na handa Siyang baguhin ako if  I will have a willing heart to follow Him.  Thankful ako kay Lord dahil napaka fruitful ng Kanyang message sa akin sa araw na ito, nagsimula kami sa devotion ng teachers kanina, tungkol sa pag gabay ng holy spirit  ang aming nagpag usapan kung paanong ginagamit ng Diyos ito upang makapagturo ng tamang landas sa ating buhay, salamat din sa Panginoon dahil nakapag assist ako muli sa sunday school namiss ko din ang makasama ang mga bata, nakakatuwa rin at nakaattend din ako muli ng practice ng choir 2 sundays din kasi akong wala dahil sa pagbantay kina tatay , Salamat din sa Panginoon dahil nakapagmeeting din muli kami para sa teacher’s workshop napagaralan namin ung tungkol sa pentecost about sa holy spirit kung paano Siya kumikilos sa buhay ng bawat isa dahil ito din ang magiging topic sa bagong manual na gagamitin sa sunday school this july-august.
Kanina ay nakapag youth fellowship dn ako namiss ko din kasama an mga youth. Ang ginawa namin kanina ay bible study with Ptr. Nelso and about Seeking God First ang aming topic, Salamat sa Diyos dahil ginamit Niya si Pastor Nelson para ipaalala sa akin na dapat ang Diyos ang unahin ko bago lahat ng bagay, na ang ibig sabihin pala ng iprioritize mo si Jesus over everything ay do His will over your selfish desires, yun nga po yung gusto ng emotions mo , yung mga bad intentions sa kapwa, ung nakakapagsatisfy sa laman mo, natutunan ko po na dapat maging buhay na patotoo ako ng Panginoon saan man ako pumunta sa bahay, church o work , kailangan maging living testimony ako ni Jesus, ngayong araw na ito ay nirevive sa akin ng Panginoon iyon, yun ung hinahanap kong nawawala sa akin, naramdaman ko na ito ang kulang, I was fed by the system of this world, naniwala sa mga walang kabuluhang bagay, sa mga nakikita lamang sa social media, nakalimutan ko ang Panginoon, na nilagay Niya ako rito para maglingkod , para magmature , para umunawa at para maging buhay na patotoo Niya. Natutunan ko din nakapag hindi talaga ipinahintulot ng Panginoon kahit ganong hirap pang gawin mo ay hindi talaga mangyayari, dahil lahat ng bagay ay kailangan ng blessing ng Diyos para ito ay mapangyari , gaya na lamang ng sa aking trabaho ilang beses akong nag apply sa software companies ngunit di niloob ng Diyos na pumasok ako doon, sa stefanini napakabilis ng proseso at dito nga ako nilagay ng Diyos alam ko may magandang plano Siya sa buhay ko kung bakit dito Niya ako nilagay. Kaya Praise and Glory to Jesus for He is Good , Merciful and Loving God.
Salamat din sa Panginoon dahil nakapagbonding muli ako kasama ang mga kabataan kami ay kumain sa fungry, ang sarap ng mga foods lalo na ung fries and burger nakakatuwa lang na mag hang out kasama nila, sana marami pa kaming bagong moments na ganito at ayun nagkaron din ako ng new friend na si Ikey :) Salamat O Lord sa fruitful and masayang araw na ito ! Sa Iyo po lahat ng papuri at pasasalamat . AMEN ! ^_^
Verse of the day:
“Seek ye first the kingdom of God and His righteousness and all this thing shall be added unto you” - Matthew 6:33
0 notes
ronastory · 9 years ago
Text
Journey#21
June 25,2016 - It was a fruitful day :) , ngayon ay nakapagmeeting kami sa d'news revival kung paano maibabalik at iaayos ang d'news sa paparating na anniversary ng church , masaya ako mgng part ng d'news at makapagcontribute sa web team , naisip ko dn na magsulat ng mga tula tungkol kay Jesus at sa buhay na binigay Niya sa akin, excited na ko dhil mailalabas ko ang lahat sa pagsusulat ko. Thankful din ako kay God dhil sa treat Niya sa amin sa dad's gnamit Niya si tita para mkapaf family bonding kmi muli, ang dmi nmin nakaon and busog na busog tlga kami :) Salamat din sa Panginoon sa Kanyang protection sa amin pagpunta at pag uwi ng bahay , it was tiring but a very happy day :) Verse of the day : "Give thanks to the Lord, for He is good , His love endures forever " Psalm 107:1
0 notes
ronastory · 9 years ago
Text
Journey #20
June 24, 2016 - Ngayong araw na ito ay job offer ko na sa stefanini at 4 pm . Im very thankful dahil magkakawork na ulit ako. But before I go to the job offer , there are lot of things that happened that also teaches me a lesson. Nung nasa bahay pa ko I was so lazy enough to do things kaya late ndn ako nakaligo and nakaprepare , nung paalis na ko I was looking for my earphones which is very important for me because I always want to listen on music when I'm at a journey however I can't find my earphones and unfortunately na kay Renzo pala yung earphones ko . I was so angry to the point that Im shouting because I can't control my emotions , I left the house with a heavy heart, and it was already 2 pm when I left. During my journey I'm still frustrated about what happened in my earphones, and I'm also thinking about my job offer , maya maya lang mayroong tumawag na unknown number sa phone ko , so I answered it , it was the hr from tpg telecom tjat I applied on jobstreet and they are offering a provisioning support engineer role for me with a dayshift sched they said they could offer me up to 22k , napaisip ako ng sobra , ito ang gusto kong sched and sbi nila I.t position ito , they asked me to go for the initial interview on monday at 10 am , napa oo ako agad, however it was a very big conflict im on my way to the job offer and here again another panglito na offer , so I prayed is this what God really wants me to have ? , nireveal skin ng Diyos ung possible career path ko sa stefanini and ito na yun eh mas mdmi ako mtutunan dto dhl I will pursue network engineer path , dun sa isang offer ay di pa nman ako sure kung mapapasok ako , eh yung dito surebol na eh , so ayun nagpatuloy ako sa job offer but Im late for almost 30 mins nag txt na ung h.r kung otw na ba ko , sobrang nkkhiya late ako sa job offer ayoko na mangyri uli to , gusto ko mgng maayos sa scheds ko at wag malate , so ayun pinirmahan ko na ung contract and they offered me 21k , di ko ineexpect I was disappointed because I expected 22k ksi gnito dn inoffer nila sa prev colleague ko sa alorica na lumipat dun , ayun umalis ako ng stefanini ng with heavu heart pa din pero habang naglalakad ako sa ayala Im praying to God na alisin tong pakiramdam na to , na imbis na mainis ay maging thankful ako dpat dhil may work na ko at wag kong tingnan ung sweldo kundi dapat mtutunan ko mahalin ung job ko at mgng masata sa mga bago kong matutunan , natatandaan ko nga ung snabi ni kuya allan na huwag nmin tingnan ung sweldo, ayusin nmin ang aming trabaho para makapagbgay ngiti sa mukha ng Diyos at ang pera ay susunod na lang yun , matapos nun ay gumaan na ang loob ko at meron akong nkasalubong na babae na nanghhngi ng donation pra sa home for the aged nagoffer sya ng mga lucky bracelets worth 100, inoffer nya ay ung sa money catcher , love , career, health ata ung isa , kaso ung pinili kp career hndi dhil sa naniniwala ko sa luck , I do it para makatulong sa foundation nila , masayang makatulong at mgng cheerful giver kaysa ang magdamot, thank God dhil nireveal nya muli sa akin na dpat ako mgng mapagbgay khit dn sa personal things ko, ayun napakain dn ako sa glorietta ng marami rami trineat ko sarili ko dhl my new work na ko , pero gusto ko na panatilihin ung diet ko pg nagkawork na ko pra di ako tumaba uli mhirap dn kc magpapayat, Salamat sa Diyos dhil iningatan Niya ako sa pag uwi kahit traffic ay nakasakay ako ng ligtas at nakauwi ng ligtas :) Verse of the day: "Many are the plans in a man's heart", but it is the Lord's purpose that prevails" -Proverbs 19:21
0 notes
ronastory · 9 years ago
Text
Journey #19
June 23, 2016
- Praise God ! Napakadaming nireveal sa akin ni Lord ngayong araw na ito ! :) Hindi naging maganda ang umaga ko dahil nagkasala ako, I followed my selfish desires of flesh and di ko nasunod ang Panginoon, isa ito sa mga struggles ko na patuloy kong nagagawa, I already said a lot of times na hindi ko na gagawin pero na gagawa ko pa din, I want to quit doing this and turn back and face Jesus completely dalhin ung cross ko , I feel so ashamed of what I have done, pero nung nag devotion ako napakabuti ng Panginoon dahil napakamapagpatawad Niya sinabi Niya na alam Niya ang mga kahinaan ko at ready Siya na linisin ako at baguhin ako, I realized that God’s grace is enough for me to remember para makapag turn back ako sa mga kasalanan ko at magpatuloy sa Journey ko with God :)
Ayun this day is my final interview patuloy kong pinapanalangin ang guidance and wisdom na mangagaling kay Lord para sa work na ito, 3:30 pm ang interview ko , thank God dahil nagkaron ako ng idea kung saan ung place dahil ginamit ni Lord si Ivan na kawork ko dati na nagttrabaho ngayon sa stefanini para ituro kung san ung location ng building.
Nakasama ko din sina nicole, avin , dionyl, at mike ngayon dahil nag aapply din sila sa kanilang field , architect naman ang kanilang mga natapos, ayung nagkikita kita kami sa Glorietta, and ayun nasa timezone sila , nagkavideoke at naglaro sila, Praise God dahil si nicole ay natanggap na sa kanyang trabaho sa DMCI homes at magsstart na ito sa june 30, kinabahan ulit ako sa isip ko sana ako din ay makapasa ngayong araw na ito sa interview.
So ayun nga nag iba iba na kami ng journey pumunta na ko sa pag iinterviewhan ko at sila naman sa pag aapplyan pa nila magkikita kita na lang kami mamaya sa BGC dahil may aapplyan din sila dun.
So ayun nga nakarating din ako sa building with the help of kuya guards na tinuro dn skin ung actual na dadaanan ko papunta dun, nakarating ako ng mga 3 pm and nagstart ang interview ng 3:30 dn , si sir dennis ocana ang nag interview sa akin, nung una ineexpect ko na brusko ung mag iinterview sa akin pero nagulat ako nung makita ko sya na mukhang kaedaran ko lang at mukhang mabait pa, so ayun sa interview naging okay naman ang flow mga situational questions at technical questions ang tinanong sa akin . Sa situational okay naman ako kasi may pagkakahawig pala ung work ko dati sa process tsaka ung applyan ko ngayon , sa technical medyo hirap pa ko kasi di ako naexpose sa networking at troubleshooting nung college , pero thank God kasi  mukhang okay naman ung naging interview at nakaraming very good din akong narinig kay sir dennis xD, so ayun nga after ng interview sabi call na lang daw ako ng hr for the feedback sa interview , so ayun waiting ulit ako struggle is real kinakabahan ako sa isip ko gusto ko na talagang makapasok sa trabahong ito ayoko ng pakawalan to, so ayun wala naman ako magagawa kundi ang mag wait talaga.
Mineet ko sina nicole, avin, dionyl at mike sa bgc nakakatuwa kasi naglibot libot kami dun ang ganda din pala dun at ayun nakapunta kami sa sm aura at nagpahinga sa tower sa taas ang sarap ng view, kahit nakakapagod maglakad lakad worth it naman dahil nakabonding ko din sila. Nung pauwi na kami chineck ko ung phone ko and eto na yung pinakahihintay ko nagtext na sakin ung stefanini at iniinform ako na nakapasa ako sa final interview ! napasigaw ako sa tuwa sa wakas may assurance na may work na ako ! Praise God ! :D  iniinform din ng hr na bukas ay itetext daw nila ako ulit for the job offer, super excited na ko sa new work ko, I know maraming mgging challenges but I believe in God’s plan at kasama ko siya rito, nagkaroon din ako ng new goals sa buhay, mula ngayon motivation ko ng magkaroon ng CCNA certification  after maregular ako dito sa stefanini , mag iipon na ko pang CCNA at mag nenetwork engineer ako ! :D , new goals thank you Lord ! Salamat sa guidance mo po sa lahat at tunay po na ang plano mo ay makakabuti para sa aming lahat! Sa Iyo ang lahat ng papuri at pasasalamat . Amen :)
Verse of the day:
12 Then you will call on me and come and pray to me, and I will listen to you. 13 You will seek me and find me when you seek me with all your heart.
Jeremiah 29: 12-13
1 note · View note
ronastory · 9 years ago
Text
Journey # 18
June 22, 2016
- Ayun hanggang ngayon conflict pa din ang isip ko kung itutuloy ko ba ung sa stefanini, ang pinagpray ko kasi kay Lord ay dayshift na trabaho with weekends off kaso bakit ganito shifting schedule na di pa sure kung weekends off, so ayun ung bumabagabag sa akin pero ang Panginoon ay mabuti dahil patuloy Niya akong nireremind sa Kanyang word na patuloy Niya akong nirerestore at nag iinterecede Siya sa buhay ko, gaya nung sa devotion ko kanina about dun sa nagawa ni pedro na idineny Niya si Jesus ng tatlong beses, ngunit ang Panginoon ay mapagpatawad at nirestore muli si Pedro nang siya’y lumapit mula sa Panginoon at nagsisi sa Kanyang mga kasalanan, patuloy na nagpaalala na ang aking Diyos ay mabuti at mapagpatawad. 
Ayun sabi sain 8-12 noon daw ang behavioral interview sa phone, so naghintay ako mga 9 pasado na tumawag ung H.R kabado talga ko nung una , ayun nagtanong siya sa akin ng situational questions at career goals ko naging okay din ang result Praise God at inendorse niya na ko sa final interview bukas 3:30 pm, so ayun nga di ko alam kung matutuwa ako kasi confused pa din ako kung hahanap ba ako ng dayshift with weekends off na work ang alam ko lng ksi na may ganun ay tech support lang di ko sure sa i.t  helpdesk.
Mga tanghali na din ng bumyahe ako pauwi, bumabagabag pa din talaga sa isip ko kung ano ba dapat ang gawin ko, so ayun nung nasa mrt ako naisip ko na manghingi ng advice at makipagmeet muna kina mariel at nicole, sabi ko meet muna kami sa sm . So ayun si mariel nakapunta si nicole ay may pinuntahan na relative nila, so ayun nag usap kami ni mariel inexplain ko yung nararamdaman at naiisip ko , sinabi ko sa kanya na mas gusto ko to kesa sa programming kaso nga lang magkakaconflict sa church ministry kasi baka pang gabi ako at di sure ang weekends off, after kung sabihin lahat nagatataka ko ang tagal ng response ni mariel, talagang pinag iisipan niyang mabuti yung sasabihin niya bago siya magsalita, ito talaga ang isa sa mga personality na hinahangaan ko sa kanya, kaya trusted sya pagdating sa mga advices, nagulat ako sa sinabi niya  na mag go daw ako dun, sabi ko paano yung ministry? sabi niya hindi lang naman sa church ang ministry ni Lord maari mo itong gawin sa labas which is mas mahalaga dahil mrmi ang hndi pa nakakakilala kay Lord sa labas , pero ang tanong Niya sa akin ay kakayanin ko ba na manitili sa Panginoon kapag di na ako masyado makapag church?, napaisip din ako dun pero gaya nga nung nasa hospital ako at nagseshare ako kay tatay naisip ko na kakayanin ko ito dahil alam ko na ang Diyos ay lagi kong kasama, so ayun nga salamat sa Panginoon dahil ginamit Niya si mariel para maging instrument para malinawan ang isip ko, nung napadaan kami sa pcbs may pinabasa din syang book sa akin na tungkol sa career, nakalagay doon na kahit sang career ka man ang mahalaga ay yung nakakapagbigay ka ng ngiti sa mukha ng Diyos, so mas naisip ko na oo nga magogrow din ako pag lumabas ako sa comfort zone ko, so ayun salamat sa Diyos dahil iningatan Niya din kami pauwi at nagbigay pa Siya ng isa pang confirmation na nanggaling kay tita nung tinawagan niya ako at tinanong about sa interview ko sinabihan niya akong mag go na kahit pang gabi kasi kadalasan ng i.t professionals ay 24/7 tlga ang operation, so ayun napagdesisyonan ko na na ipagpatuloy ito, pagdating ko ay nagreview review ako ng troubleshooting ng internet at hardware para paghandaan ang final interview ko bukas, dalangin ko na sana ay makapasa ko at patnubayan ako ng Diyos.
Verse of the day:
1 For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.12 Then you will call on me and come and pray to me, and I will listen to you. 13 You will seek me and find me when you seek me with all your heart. 
- Jeremiah 29:11-13
0 notes
ronastory · 9 years ago
Text
Journey # 17
June 21, 2016
 - Ang daming nireveal sa akin ni Lord ngayong araw na ito. Ngayon ay exam ko na sa accenture for the second time ay susubukan ko uli kung para ako sa software engineer. Sinimulan ko ang araw na ito sa devotion, ang message sa akin ni Lord ay pinaalalahanan Niya ako tungkol sa mga great stone of help Niya sa aking buhay, naisip ko yung nakaraan kung paano Niya inayos yung buhay ko, nakagraduate ako ng college at kung paano Niya binigay sa akin ang first job ko, ito ang nagsilbing kalakasan sa akin sa araw na ito sa pag aapply ko. Habang nasa byahe ako, nung nakasakay na ako sa mrt, tumanaw ako sa bintana at nakita ko ang isang jeep na may nakalagay na verse mula sa matthew 19:26 - “Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”
Noong nabasa ko ito mas lalo itong nagbigay motivation sa akin para sa pag apply ko. At iyon ito na nga nakarating na ako sa boni station kung saan nandito malapit ang office ng accenture. Noong una ay namali pa ako ng nadaanan nakalimutan ko na kasi ito since last year pa ang punta ko dito mula nung huling exam ko, pagakyat ko sa taas ay akala ko sarado pa ang recruitment yun pala sa kabilang pinto na, ayun pagpasok ko okay naman inaccomodate naman nila ako at eto nga mag eexam na ulit ako pra sa associate software engineer position which is bumagsak na ako nung una pero itatry ko uli, ayun sabi ko sa sarili ko pag iisipan ko na tlga ng mabuti to at hindi na ako magmamadali kasi nung una na time pressure ako kaya minadali ko ung exam, ayun tinake time ko tlga ung exam meron pa ngang item dun na di ko nasagutan kasi naubos oras ko, so ayun nasakto ko ung oras sa exam natapos pa din ako in time. Nasa waiting area na ako kinakabahan but this time alam ko ginawa ko na yung best ko, so ayun eto na nga tinawag na yung pangalan ko, with other applicants, kinakabahan ako mukhang regret letter uli to ha, tpos ayun na nga walang letter na binigay kundi sinabi na lang samin na hindi kami nakapasa, super nadown ako ang sakit sakit for the 2nd time I failed, umalis ako sa recruitment ng accenture ng mabigat ang loob I feel ashamed of myself that time, so ayun mixed emotions na ako gutom, pagod, sadness, so dinaan ko na lang sa kain kumain ako sa sisig hooray, ayun nung nabusog ako, di ko na alam kung saan ako ppnta kung didiretso ba ko kina tatay para ibigay yung bible sa kanya, o mamaya na lang ako ppnta dun at mag apply uli ako sa iba. So ayun nga binasa ko mga mesages ko nakita ko ung sa ingram micro sa mckinley, so ayun naisipan ko pumunta dun pero 8-12 noon lng ung intial screening nila so sa isip ko siguro punta lang ako mckinley pra hanapin ung office nila tpos alis ndn ako, so ayun nagtanong tanong ako kay kuyang pulis kung paano makapunta sa mckinley first time kasi akong ppnta dun pag nakataon, so sabi nga ni kuya sa may guadalupe dw ako pmunta sakay daw ako dun pwede ko nman dw lakarin since isang station lng pagitan nila ng guadalupe, so ayun nilakad ko na lang habang naglalakad ako sa gitna ng inatan ng katanghalian nagplay sa playlist ko ang kantang Jesus takes the wheel so ayun tamang tama ako dun sa part na ,
 “ Fifty miles to go and she was running low on faith and gasoline It'd been a long hard year She had a lot on her mind and she didn't pay attention She was going way too fast Before she knew it she was spinning on a thin black sheet of glass She saw both their lives flash before her eyes She didn't even have time to cry She was so scared She threw her hands up in the air Jesus take the wheel Take it from my hands Cause I can't do this on my own I'm letting go So give me one more chance Save me from this road I'm on Jesus take the wheel ”
mangiyak ngiyak akong naglalakad kasi hirap na hirap na ako hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari di ko alam kung saan ako pupunta, kung ano na magiging trabaho ko, pero pinagkatiwala ko na kay Lord to , kunin muna sa aking ang wheel Lord kayo na po ang bahala, 
so ayun nung nasa guadalupe na ako, for some reason dahil na rin siguro sa init at tatawid pa ko sa kabila pra makasakay sa mckinley nag iba uli isip ko at naisipan ko na sumakay ng mrt at mag ayala para dun nlng sumakay ng mckinley at magtanong tanong ulit dun, nung nakapunta na ko sa glorietta naisipan kong mag apply na lang sa sykes na tech support kaso di na din natuloy at di ko ndn tinuloy yung pagpunta ko mckinley ayun super gulo ng utak ko hanggang sa nakarating ako sa greenbelt ng palakad lakad ayun naiiyak pa din ako at ayun dumating sa point na umupo ako sa tapat ng ayala museum dun chineck ko inbox ko nabasa ko dun ung mga message ng mga previous employer na naginvite sakin ng interview at hindi ko pinuntahan nagbakasakali ako na puntahan ung isa sa nabasa ko na sa bandang makati lang din , yung nezda global sa may rufino , so eto lakad lakad uli ako nagkaron na ko ng konting motivation , kaso nung nakarating na ko sa building napaisip uli ako na huwag na tumuloy parang iba eh di ko tlga feel dito, so lumabas ako ng building naglakad lakad uli ako sa makati, uhaw na uhaw ako along the way may nakita akong starbucks gusto ko mawala ang depression na nararamdaman ko kaya naisipan kong itreat ang sarili ko, so ayun bumili ako ng mocha frappe at choco donut inenjoy ko ung ambience sa coffee shop at nagpalamig muna habang kumakain ako iniisip ko yung bagay na ano bang gusto kong gawin sa buhay ko talaga, naisip ko na mukhang hndi ako pra sa software engineer, nagkaroon pa naman kami ng deal na mariel na kapag 2 or more na bumagsak ako sa it field na interview mag teteacher na ko so sumasagi ndn sa isip ko na mag teacher na lang kung sakaling wala talaga, 1st application ko : fujitsu = failed, 2nd application ko: accenture  failed, 3rd =? last na to pag wala tlga mag iiba na ako, habang nasa coffee shop ako nag iisip ako kung saang it firm ako mag aapply hanggang sa napatingin ako sa pamilyar na bulding malapit sa coffee shop na yun, yun ay ung GT tower at naisip ko yung stefanini, isa itong ITO company at it helpdesk ang inoffer nila, dali daling gumalaw ang katawan ko at nakita ko na lang ang sariling kong naglalakad papunta doon, sa pagkakataong ito nagkaron ng drive sa puso at isip ko hanggang nasa recruitment na ako, hindi na ako nagdalawang isip at nagsabi akong “mag aapply po ako” at ayun dali daling pinaupo ako at pinaexam , ayun merong analytical, technical at grammar ulit, pero this time ayoko na magfailed inayos ko nagfocus ako, feeling ko mas nakaya ko sya kaysa ngayon , at positive feedback nakapasa nga ako at pangalawa pinatest ulit ako ng i.t test essay type naman more on troubleshooting , basic lang alam ko sa troubleshooting pero pinush ko pa din , positive feedback ulit nakapasa ako, nakamove on na ko sa next process ung initial interview, for some reason nawala ang kaba ko at confidence ang naramdaman ko at sa wakas nakapasa ulit ako at ineschedule ako for behavioral interview bukas sobrang saya ko , pero may nagcoconflict sa isip ko sinabihan nila ako na shifting sched ako possibly more on graveyard at hndi sure na weekends off naisip ko yung mga ministry ko sa church paano na yung choir, sunday school/outreach at youth fellowships, nagcoconflict yung puso at isip ko nasa gitna ako ng desperado ng makakuha ng work at sa gawain sa church, after nun pinahinga ko muna isip ko pumunta muna ko kina tatay at nagstay doon, Thank you Lord dahil ginamit mo po kami ni tita para magbahagi ng Iyong salita kay tatay, masaya ako dahil nakapagdevotion kami ni tatay ulit at binigay na namin ung bible at devotional book niya, tinuruan ko din si tatay kung paano mag devotion at kung paano gamitin ang bible masaya ako dahil si tatay ay patuloy na nagogrow at nais matuto sa Panginoon, ayun Lord dalangin ko po nasa work ko po ay ilagay mo ako sa work na kung saan magogrow ako at kung saan ay di magcoconflict sa ministry mo hanggang ngayon po kasi magulo pa din ang isip ko kung ito na po ba ung work na inihanda mo para sa akin, Sa Iyo ko na po pinagkakatiwala ang lahat, salamat po sa araw na ito. Amen ! 
Verse of the day:
matthew 19:26 - “Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”
1 note · View note
ronastory · 9 years ago
Text
Journey # 16
June 20, 2016 - I realized something important , yan ang overall na masasabi ko sa mga napagdaanan konngayong araw na ito, kagabi ay matagal tagal kaming nakapag usap ni josiah , marami akong nalaman tungkol sa kanya masaya yung convo na yun ang problema nga lang ay hndi nggng maganda ang intention ko. , I think of him as my love interest , isa sya sa mga youth sa church , syempre bilang nakakatanda at officer ng youth dapat mas mature ako at alam ko kung ano ang tama at mali , kaso eto na naman si emotions mali talaga , ang hirap pigilan, sabi ko kanina pag gising ko ndi ko na sya muna kakausapin ngayong araw na to para mag li low kaso wala eh ndi ko napigilan at nakausap ko pa din , pero thank God dahil may naiparealize sya sa akin ngayong araw na ito , ito ay hindi si josiah ang taong para sa akin , naramdamab ko yun at pansin ko yun sa mga chat nyang kadalasang isang tanong at isang sagot , at tsaka mali tlga ung intention ko nung una kaya nais ko munang magpalinis sa Panginoon bago ang lahat I want to have a clear and pure intention sa bawat youth at hanggat maari wala akong love interest sa kanila , Lord I have decided na itigil na ito at mag turn sa Iyo huwag mo pong hayaan na itong weakness ko ay patuloy na gamitin ng kaaway para malayo ako sa Iyo. Lord guard my heart and strengthen my heart ... Salamat din po Panginoon sa pag provide mo po ng financial para po makabili ako ng bible ni tatay nawa po ay magamit po ito ni tatay sa pag grow at pagpupuri sa Iyo. Sa Iyo ko po pinagkakatiwala ang lahat . Amen. "Above all else guard your heart , for everything you do flows from it" -Proverbs 4:23
1 note · View note
ronastory · 9 years ago
Text
Journey # 15
June 19, 2016
 - Masaya ako ngayong araw na ito dahil nagkasama sama muli ang aming pamilya, pumunta sina tito melvin at tita anne kanina kasama sina baby angel at daniel nakakaktuwa at nagkasalo salo kami sa lunch kanina, Salamat sa Panginoon sa Kanyang biyaya na binigay ang sarap ng pagkain na pinagsaluhan namin kanina, yung liempong baboy , inihaw na bangus , yung steamed siomai at yung avocado shake ni tita. Ayun nagkabonding bonding kami , at sinimulan ko din pala ang araw na ito sa pagdedevotion namin kaninang umaga ni tatay ang aming napag usapan ay nagpaalala sa amin na ang Diyos ang aming kanlungan sa kabila ngmga pagsubok.
Tamang tama nga “pagsubok” ang daming pagsubok na dumaan sa akin sa araw na ito, una nakakalungkot kasi uuwi na kami sa cavite may part sa puso ko na gusto mag stay , gusto ko na patuloy na basahan ng bible si tatay at maalagaan sila, mamimiss ko tlga sila , pero kailangan ko ndn umuwi dahil mayroon din akong responsibilities sa church. Nung pauwi naman kami napapansin ko na umiikli ang pasensya ko at nagiging bossy na naman ako, nasabihan ko ng di maganda sina mama at papa, nung pagdating namin sa bahay nalaman ko na nasa church pa ung mga kasama ko, nung nasa byahe ko super excited ako at gusto ko sila makita sabi ko sa isip ko miss ko na sila miss kaya nila ako? kaso yun pagdating ko sa church nakita ko na nagmmeeting ung mga nsa d’news sa totoo lang nagtampo ako bakit di ako tinext ni ate jem dahil dun kung ano ano na naman pumasok sa isip ko yung feeling na na oop ako at gusto ko na umuwi, nung nakita ko yun pauwi na tlga ko , pero sinasabi ng holyspirit sa akin na bumalik ako, so ayun bumalik ako at umupo, at dahil dun napasama ako sa d’news at isa sa mga mag memaintain ng webpage nito, di pa din maalis sa isipan ko habang nagmemeeting yung negative thoughts grabe ang bigat bigat talaga, pero naririnig ko sa puso ko na sinasabi ng holy spirit na mali to , so ayun hanggng sa nag suggest ako at nagtanong kung ano ba tlga ang responsibility ng isang webpage maintenance kay ate jem after nun gumaan gaan na yung loob ko uli, kaso eto na naman negative thoughts tanong ako ng tanong kung namiss ba nila ko, sabi nila nicole hndi daw, alam ko namang joke yun pero na hurt pa din ako, tpos ayun yung emotions ko pa din di ko macontrol, ayun nga magkakaroon dn kmi ng meeting ng 1 pm sa d’news sa saturday, eh ang conflict nun kasi ay mayroon kaming family dinner ng saturday din , nagpaalam na nga ako sa choir na di ako makakasama, pero ang conflict talaga di ko alam kung paano ko sisimulan alam kong magagalit sina mama pag sinabi ko to sa kanila, pero gusto ko talagang i manage ang lahat ayokong pabayaang yung responsibilities ko sa family at sa church.
So ayun nga hanggang sa umuwi ako pre occupied yung isip ko , hanggang sa nagkasagutan kami nina mama at papa at nataasan ko sila ng boses, hndi kasi nila ako pinapayagan na umattend sa meeting, dahil dun nagkulong ako sa kwarto kasi sobrang sobrang bigat na talaga ng nararamdaman ko sasabog na talaga ko , yung nasa utak ko lang nun ay ayoko na gusto ko na sumuko bat ganito nangyayari, pero ang Panginoon napakabuti pinaalala Niya sa akin na nandito Siya sa tabi ko at nakikita Niya yung nangyayari sa akin. Napakabuti ng Panginoon dhil pinarealize Niya sa akin yung pagkakamali ko, ako dapat ang unang umunawa sa family ko dahil ako ang nakakilala ng mabuti sa Diyos , ako ang nakakarinig at nakakapag aral ng Kanyang salita, pumasok sa isip ko yung naging devotion ko nung mga nakaraan araw na dapat sundin ko ang mga natutunan ko at napag aralan ko sa bibliya , dapat maging magandang halimbawa ako sa family ko, na taglayin ko yung fruit of the holy spirit, especially yung gentleness at self control pag makikipag usap ako sa aking mga magulang, nilagay din ng Panginoon sa isipan ko yung Filipos 4:8 na dapat ang maging laman ng aking isipan ay yung mga bagay na kapuri puri at para sa ikararangal ng Diyos, sa aking pananalangin naramdaman ko ang presensya ng Panginoon na yumayakap sa akin na nagsasabing kailangan kong malagpasan itong step of faith na ito upang magmature ako sa pananampalataya at hindi lang manatiling stagnant, naalala ko muli na ang pagiging Kristyano ay hindi madali na dapat kang dumaan talaga sa rough waters para mag grow ka, naging eye opener din sa akin ito na ang kalaban ay gumagamit ng mga simpleng bagay para makapag distract sa paglilingkod mo sa Kanya , the more na ginagamit ka ng Panginoon the more na ang kalaban ay gagawa ng way para ilayo ka sa Kanya ginagamit Niya yung weakness mo para pahinain ka, Kaya dapat lagi akong maging alerto at gamitin ko yung full armor of God para maging matatag ako pagdating ng mga temptations, Lord I pray to you when rough times came, kapag dumating yung time na mauubusan na ako ng pasensya o bago dumating ang mga negative thoughts sa isip ko, help me to seek You, remind me of your presence O Lord mag pray at magtiwala sa Iyo, i calm mo po yung heart ko ilagay mo po sa isipan ko ang nais mong sabihin at sumunod po ako sa Iyo. Sa Iyo ko po O Diyos pinagkakatiwala ang lahat ito po ang aking dalangin . In Jesus name I pray, AMEN .
“ But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness,gentleness and self-control. Against such things there is no law.”
Galatians 5:22-23
0 notes
ronastory · 9 years ago
Text
Journey #14
June 18 , 2016
 Salamat sa Panginoon dahil nagkasama sama kami muli kina tatay dumating kanina si Rachelle at si Papa, umaga pa lang ay natuwa ako sa sinabi ni tatay na siya ay malakas na muli ! :) Tinugon ng Diyos ang aming panalangin na lumakas si tatay.
Nagpapasalamat din ako sa Panginoon dahil sa Kanyang mensahe sa akin sa araw na ito na ang ating Diyos ay ang Diyos na nakakakita, ito din ang shinare ko kay tatay nung devotion namin nung gabi.
Thankful ako dahil masaya si tatay nung natugon ng Diyos ang Kanyang panalangin na siya’y makadumi . Nakikita ko din sa mga mukha ni tatay ang kasiyahan niya nandito at nagkasama sama ang bawat isa .
Humihingi din ako ng kapatwaran kay Lord kasi ang utak ko na naman ay na pre occupied ng mga fantasies ko about love tapos nag adik ako sa harvest moon, nasabihan nga ako ni tatay na mas maganda pa daw na magbasa ako ng bible kaysa magpipindot sa cellphone, naging paalala din sa akin yun na dapat talaga na maging mapagmatyag ako dahil ang mga simpleng bagay ay ginagamit ng kaaway para mawala ang atensyon ko sa Diyos na kailangan ko lagi na isuot ang full army of God.
Verse of the day:
10 Finally, be strong in the Lord and in his mighty power. 11 Put on the full armor of God, so that you can take your stand against the devil’s schemes. 12 For our struggle is not against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities, against the powers of this dark world and against the spiritual forces of evil in the heavenly realms.13 Therefore put on the full armor of God, so that when the day of evil comes, you may be able to stand your ground, and after you have done everything, to stand. 14 Stand firm then, with the belt of truth buckled around your waist, with the breastplate of righteousness in place, 15 and with your feet fitted with the readiness that comes from the gospel of peace. 16 In addition to all this, take up the shield of faith, with which you can extinguish all the flaming arrows of the evil one. 17 Take the helmet of salvation and the sword of the Spirit, which is the word of God.
18 And pray in the Spirit on all occasions with all kinds of prayers and requests. With this in mind, be alert and always keep on praying for all the Lord’s people.
                                                                                 - Ephesians 6:10-18
0 notes
ronastory · 9 years ago
Text
Journey#13
June 17, 2016 - Masaya ang araw na ito dahil nagkasama sama kaming lahat at pumunta ndn dito kina tatay si renzo at si mama. Salamat sa Diyos dahil nakapagshare uli ako ng salita ng Diyos kay tatay , ang message ay about ang Diyos ang pag ibig na ang pag ibig ng Panginoon ay tunay na genuine sa atin. Salamat dn sa Diyos dahil unti unting lumalakas si tatay. Dalangin ko na magpatuloy si tatay sa pag seek kay Lord and mag grow sa faith. Naenjoy ko ndn ang stay ko dito feeling ko ay nagretreat ako at natutuwa ako dahil nagiging kagamit gamit ako sa Diyos. Lord dalangin ko na ingatan mo po ang emotions ko , wag mo po akong hayaan na magpadala sa fantasies ko bagkus iguide mo po ang isipan at puso ko at lead mo po sa realidad . Sayo po ang lahat ng papuri at pasasalamat ! Amen ! :-) Verse of the day : "The Lord ia my sheperd I shall not want. He maketh me to lie down in green pastures: He leadeth me beside still waters. He restoreth my soul , He leadeth me in the paths of righteousness for His name's sake" -Psalm 23:1-3
0 notes