roselyn30
roselyn30
Roselyn R. Bañares
7 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
roselyn30 · 7 months ago
Text
Cader Beach Resort
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Cader Beach sa Sta. Maria, Davao Occidental ay isang simpleng paraiso na puno ng kulay at katahimikan. Pagdating ko pa lang, agad akong humanga sa makukulay na kurtinang nakapalibot sa mga kubo. Ang disenyo nito ay simple pero maaliwalas, akmang-akma sa natural na ganda ng lugar. Ang malamig na simoy ng hangin at tanawin ng dagat ay agad nagbigay ng pakiramdam ng kapayapaan. Habang naglalakad ako sa baybayin, na-enjoy ko ang malambot na buhangin sa ilalim ng aking paa at ang kalmadong alon na tila inaakay ang aking mga iniisip palayo. Napansin ko rin ang mga recycled na upuan at lamesa, isang patunay na ang lugar ay hindi lang maganda kundi may malasakit din sa kalikasan. Doon ako tumambay, pinakinggan ang tunog ng alon, at ninamnam ang sariwang hangin.Ang Cader Beach ay hindi lang isang lugar para magpahinga kundi isang paalala na minsan, ang pinakasimpleng bagay ang siyang nagbibigay ng pinakamatamis na saya. Ito ang klase ng lugar na gusto kong balikan, para sa katahimikan at koneksyon sa kalikasan na minsan ay nalilimutan natin sa abala ng buhay.
Rodelyn Gamban
@refinaej03
1 note · View note
roselyn30 · 7 months ago
Text
Lagpan, San Agustin Beach
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Lagpan Beach sa San Agustin isang lugar na tila ginawa para sa mga naghahanap ng ginhawa at pahinga. Habang naglalakad ako sa mabatong buhangin, naramdaman ko ang lamig ng hangin mula sa dagat na parang yumayakap sa akin. Sa malayo, kitang-kita ang kabundukan na tila sumusuporta sa kagandahan ng karagatan, at sa sandaling iyon, napagtanto ko kung gaano kaganda ang likas na yaman ng ating lugar.Habang nakaupo ako sa tabing-dagat, pinagmamasdan ko ang banayad na alon at maulap na langit. Sa halip na magdala ng lungkot, ang mga ulap ay nagbigay ng kakaibang aliwalas sa tanawin. Narinig ko ang alingawngaw ng alon na parang musika—isang simpleng tunog na nagdala ng kapayapaan sa isip ko. Doon, parang huminto ang oras; sapat na ang simpleng tanawin upang mapawi ang bigat ng pakiramdam.Naging paalala ang Lagpan Beach sa akin na minsan, kailangan nating bumalik sa mga ganitong lugar para magmuni-muni at magpasalamat. Sa gitna ng abala sa buhay, napakahalaga ng mga ganitong sandali para pahalagahan ang kalikasan at ang kapayapaang dulot nito. Para sa akin, ang Lagpan ay hindi lang basta destinasyon isa itong espesyal na karanasan na nagbigay-liwanag sa puso at isip ko.
Louie Jay Dabon
@refinaej03
1 note · View note
roselyn30 · 7 months ago
Text
Maldives, Malita Davao Occidental
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Noong nagpunta ako sa Maldives sa Malita, Davao Occidental, isang tahimik na lugar na agad ko nang minahal. Ang puting buhangin at asul na dagat ay tumambad sa aking mga mata, at napaka-relaxing ng pakiramdam ko habang tinatanaw ang malinis na tubig. Ang lugar ay perpekto para sa mga gustong makalayo sa ingay ng siyudad at magpahinga sa tabi ng dagat. Habang naglalakad ako sa baybayin, nakita ko ang mga makukulay na isda at mga coral reef na talagang nakakabilib. Ang dagat dito ay puno ng buhay, kaya’t sinubukan ko ring mag-snorkeling at nag-enjoy ako sa ilalim ng tubig. Bukod sa tanawin, ang hangin ay malamig at sariwa, kaya’t bawat sandali ay puno ng kapayapaan. Ang mga cottages at kainan sa paligid ay nagbigay saya sa aking pagbisita. Magiliw ang mga tao at pakiramdam ko ay tila kabilang ako sa lugar na ito. Sa kabuuan, ang Maldives, Malita ay isang perpektong lugar para sa mga gustong magpahinga at makapag-reflect sa kalikasan, kasama ang mga mahal sa buhay.
Jeffrex Gamban
@refinaej03
2 notes · View notes
roselyn30 · 7 months ago
Text
Colagsing Heaven Beach Resort
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Colagsing Heaven Beach Resort ay isang tagong paraiso sa Sta. Maria, Davao Occidental. Kilala ito sa mala-pulbos na puting buhangin at malinaw na tubig na tila salamin. Pagdating pa lang, sasalubungin ka ng sariwang hangin at tanawin na nagbibigay ng kakaibang aliwalas. Habang naglalakad ako sa pampang, ramdam ko ang pino at malamig na buhangin sa aking paa. Ang dagat ay tahimik na umaawit sa bawat hampas ng alon. Sa paligid, ang mga punong niyog ay nagbibigay ng lilim at nagdadala ng payapang pakiramdam.Para sa akin, ang Colagsing ay higit pa sa isang lugar para mag-relax. Ito ay isang kanlungan kung saan maaari kang makahanap ng kapayapaan at mas mapalapit sa kalikasan. Ang simpleng kagandahan nito ay nagbigay sa akin ng pagkakataong muling magmuni-muni at magpahinga.
Angelo Hermita
@refinaej03
2 notes · View notes
roselyn30 · 7 months ago
Text
LITTLE BORACAY. SAN AGUSTIN, STA MARIA DAVAO OCCIDENTAL
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Little Boracay Beach Resort isa sa mga lugar na hinding-hindi ko makakalimutan ay ang Little Boracay Beach Resort sa Sta. Maria, Davao Occidental. Simple pero sobrang ganda ng lugar. Pagdating ko, bumungad sa akin ang malinaw na tubig at puting buhangin. Parang nasa totoong Boracay! Naglakad-lakad ako sa dalampasigan at ramdam ko ang presko ng hangin. Nag-enjoy din ang pamilya ko. Nag-swimming kami, nag-picture, at kumain sa mga cottage. Hindi rin mahal ang entrance, kaya hindi mabigat sa bulsa. Para sa akin, ang Little Boracay ay hindi lang basta beach. Isa itong lugar kung saan naramdaman ko ang saya at pahinga kasama ang mga mahal ko sa buhay.
Kriss Ann Maganyan
@refinaej03
1 note · View note
roselyn30 · 7 months ago
Text
SBBR. SAN AGUSTIN, STA MARIA DAVAO OCCIDENTAL
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Splash Blue Beach Resorts (SBBR) sa Sta. Maria, Davao Occidental ay isang lugar kung saan maaaring mag-enjoy ng tahimik na bakasyon kasama ang pamilya at mga kaibigan. Ang tampok ng resort ay ang kanilang malinis na pool na perpekto para sa mga matatanda at mga bata. Sa aking pagbisita, napansin ko ang maaliwalas na paligid na may mga puno ng niyog at malawak na espasyo para sa pagpapahinga. May mga slide ang pool na patok sa mga bata, at may mga kubo na perpekto para magpahinga pagkatapos ng paglangoy. Ang kapaligiran ng SBBR ay nakakapagbigay ng kasiyahan at kapayapaan, isang lugar na sulit balikan para sa mga naghahanap ng simpleng aliw sa gitna ng magandang tanawin.
Rishell Bague
@refinaej03
1 note · View note
roselyn30 · 7 months ago
Text
Brgy. Miasong South Cotabato
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Brgy. Miasong sa South Cotabato ay isang malamig at tahimik na lugar sa kabukiran. Pumunta kami rito noong kasal ng aking pinsan, at talagang napakaganda ng tanawin. Maraming gulay at prutas dito, kaya sariwa ang hangin at maganda ang paligid. Ang lamig ng panahon ay nakaka-relax at masarap maglakad-lakad.Isa sa mga hindi ko malilimutan ay ang pagkuha ng pinya mula sa taniman. Ang tamis ng pinya ay kakaiba, at mas masarap ito dahil sariwa. Habang abala ang ibang tao sa kasal, nagkaroon kami ng oras para maglibot at makita ang buhay sa bukid. Napaka-simple ng pamumuhay dito, pero masaya at nakakagaan ng pakiramdam.Ang Brgy. Miasong ay isang lugar na puno ng ganda at katahimikan. Ang malamig na simoy ng hangin at berdeng kapaligiran ay nagbibigay ng ginhawa. Isa itong lugar na gusto kong balikan dahil sa saya at alaala na ibinigay nito.
Roselyn R. Bañares
6 notes · View notes