the angel kissed my weary [🫀] 死人 woebegone, my bones shall be.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
2:36 AM, the fourteenth of april. silky, spring-raw hair, golden eyes, the scent of fresh honeysuckle and rosemary—a sugary mixture that had once been planted in her mother’s blossoming garden, hand brushing through her long, thick auburn locks as she watched the sunlight’s petals fall from the sky, dancing across the lawn’s emerald grass like a million golden butterflies and setting in a brilliant blaze over the treetops. bathed in amber light, I smiled, love-struck eyes amid the field of easter tide’s blooms, my hand combing through the thick tresses with gentle strokes; [Liebe] beautiful. silent, yet ever-present / intoxicate me delicately, quietly. / I stood there, helpless, craving more. until my knees buckled beneath me, the heat, pollen, and fragrant wind combining to make me woozy—until I fell onto those same, dreamy arms that always held me dear and never let go. a whisper in my ear, a soft touch to my rosy cheek, a caress to my back that set off a thousand little shivers as the world turned upside down—my own personal fairy tale.
12:47 AM, the seventeenth of july. a full belly, flushed cheeks, my heart thudding with adrenaline. (...) meine liebe’s birthday. her unadulterated glee filled the room, my lone soul; the way her gaze softened upon mine and all the flowers of spring’s breath and all its petals burst forth in that one look that I feared I would be swept in it forevermore, yet knew I was already caught—dearly, irrevocably caught. “dearest, I love you.” her voice which has always been musical and honeyed lulled me into bliss; she smelled of vanilla, of strawberries and wildflowers, and of her favorite, freshly squeezed lemonade, and of the sweetly-laced july’s first kiss. sweet, so sweet that I wanted it to last long—longer than the night and far—a hopeless desire worth risking for. I wanted to be selfish just for once, to hold her and be held still. [Traum] “touch me”, I begged a simple plea, yet the only one I could utter. should she not wait for the clock to tick past midnight, should she stay with me until the very end of seventeen: until my lips went numb and limbs turned to putty.
this morning, still the day of seventeenth: I saw her mother tending her garden, honeysuckles in her hand glowed in the dawn, and a picture of her own daughter bloomed before my very eyes—the reason I awoke and all the flowers ran out of water at sundown; my hands shook violently as I reached out to grab them, as they fled from my grasp, their petals drooping lifelessly, wilted and dry, the stems crumbling away to dust. I was fooled, yet again by my mind’s despairing demands—her mother was wearing black. I felt hollowed out, empty like a cauldron that had been drained of its contents and left to fill again by the next flood—a waterlogged vessel with holes in its walls where water leaks out into the cracks; an old house in need of repair, broken windows, and leaking foundation. / the house that’s too much of a wreck to fix. a poetic madness.
I remembered her. I remembered her on the exact day of her birthday. to the dreams that were once carved of beams and now broke me whole, you haunted me in my dreams and I had fun while it lasted, and until I woke up no longer brushing her hair. I was no longer looking at her, adoringly, with a smile etched on my face. the sun was no longer there. seventeen was not fun anymore—like it used to be. I want her to be here, I want to love her, again; the taste of bile and tears, of blood and sorrow caught in my throat. I felt as though my ears would burst from their pressure—from the longing in my heart. the weight of my grief is crushing my chest, crushing my heart—oh, to be greedy of the fleeting again, I want to dream of her every night: until my skin turns pale with death, until my bones turn to dust, until my veins turn to blackened ink.
7:49 PM, the nineteenth of november. my thoughts wander, my mind lost in daydreams of spring’s warm breezes; a mellow blanket tucked around my shoulders, cozy kisses pressed against my cheek and forehead, the warmth of home and laughter filling me up like a hot milk at night, and a girl, auburn locks, golden eyes, that smell of vanilla. (...) I am hurting, yet delicately; slowly, until I am no more but the fragments of myself scattered across my autumn-scented bedsheets, drifting in the cold sunbeams of november. / stop it. you are hopeless. / I talked to God—I asked Him, “how am I to feel when I wake up every morning, without her beside me? how do I find comfort when the world is so lonely without someone to care for it so tenderly? God, how will I live? can I truly live?” the answers did not come fast enough—they came too slow. he could not give them to me—but then again, He could not exactly give them to anyone either, could he?
and it hurts, oh Heavens does it hurt, to know that there is nothing I can do; so violently do I feel. Liebestraum, you were a fantasy on my lips, yet an ache in my bones.

0 notes
Text
you find me no more than a little lyrist hovering before the heartstrings of my love’s soul, a lovely apparition that dances over the horizon of springtide, a wisp of breath that wafts across soft recesses of the sun; and so I will soon be as light and transient as a fairy in the morning sky, or as dark and heavy as a cloud of mist for back then, when the sky was overcast and the clouds threatened rain, my heart could not bear it still. it kept weeping like the wind blowing down a river valley and drifting away like a torrent-crisped leaf on the breeze, but then there is still you who can calm a storm in its cradle.
Heavens, until my heart revives with the dawning of the sun—the chirping of a bird, merry twittering of a hummingbird, warbling of the thrush or nightingale, may I be the sweetest music that ever came from heaven���s lips. until my heart becomes alive again after its death throes on the last day of spring—may my voice never cease to weave flowers into a wondrous garland.
希望从来不是罪过,也不是徒劳。
to hope is never a sin nor is it a futile act.
I wait to meet you, I pray for you to say to me; if my voice does not tremble too much, if not for a moment, if it should falter—“may I have you in my hands?”—my beloved, at long last shall I play a melody, and you will find the world to be all sweet / do I perhaps remind you of honey-dewed strawberries and myrtle boughs? / with the fragrance of thyme and the gentle breeze that stirs the leaves of the trees breathing in harmony as the fallen rays of the sun are reflected upon their surface by the mirror of the dewy grass and every bud, each tiny seed is an exquisite poem—a symphony—an enchantment—in itself.
pardon my halting words and my stumbling tongue as I try to convey the feeling that has been beating faster than the drumbeats of a thousand marching men through my very veins. I am unable to make sense of what I desire to express, yet my heart is as pellucid as glass and as transparent as crystal—as the purest of diamond gems, and it shimmers in the rays of the sun that seem to twirl above the ground like a hazy, starry night.
I am no mere lyrist, I pondered, but also a poet—an ardent lover and a fervent seeker who wants only your caress to my heart’s fragile strings. mayhaps I sound like an otherwordly choir of angels singing a beautiful hymn; a nervous one, this time.

0 notes
Text
Ligaya, tamis ng pusong buhay-dagat; mga ala-alang ngayon ay pait at hinagpis na lang.
ako na yata ’yung pinaka-masayang tao tuwing kasama kita. sa isang sulyap mo ay mararamdaman ang awit ng mga sirena sa puso kong malaon nang nauukit ng buhanging wagas—tulad ng init ng araw na naghahalo sa alon na umaabot hanggang sa malalayong dalampasigan, gayundin ang akit na sumasalimbay sa bawat paglapat ng mga paa mo sa tubig na para bang buong mundo ay natutunaw sa’yong grasya. kung naririnig mo man ang pag-awit nila ng walang-katapusang serenata, ito ay tanging tugon sa aking sinisinta, sa’yo, na umiindak sa tugtuging aking nililikha. pinagmamasdan ang repleksiyon habang nagtatampisaw; hinahawakan ang malambot mong kamay habang pinagmamasdan ang pag-silay ng araw at nagngingitian na para bang nakikita lang ang isa’t-isa. ikaw ang pintig ng puso, ang init ng araw ko, at ang kislap ng gabi ko; kasama ka sa mga ala-alang hinding-hindi ko gugustuhing makalimutan.
Ligaya, pakinggan mo ang alingawngaw ng pag-ibig na nagmumula sa kalaliman ng damdamin ko, sabihin mo kung naririnig mo ’yung himig ng pusong handang mag-tanggol ng pag-sinta sa kabila ng lahat ng hamon at unos. tuwing binabanggit mo ’yung pangalan ko, nasa ilalim ako ng ilalim, na para bang napunta ako sa paraisong hindi ko alam ay namamalagi pala [ naisip ko na bagay ang pangalan ko sa apelyido mo ] habang ang halimunmon mo ay patuloy na nakikisabay sa simoy ng hangin tulad ng halimuyak ng mga bulaklak na nakikita ko sa hardin niyo. nararamdaman mo ba ’yung mata kong mukha mo lang ang tinititigan habang nakikipag-laro ka sa tubig? [ mas lalo ka lang gumanda sa paningin ko nang sumalamin ang sinag ng araw sa’yo ] malamang ay nakita mo rin ’yung labi kong pinipigilan ang pag-ngiti sa sobrang kilig. tuwing sinasabi mo ang pariralang “Isagani, aking minamahal”, ang pagmumula ng pisngi ko ay nagiging alon na sumisidhi at sumisiklab; hindi mapigilang sumulpot at hindi mapigilang tumigil. ganito mo pinupuno ng kasiyahan ang puso’t kaluluwa ko.
pero, bakit ngayon, sa kalagitnaan ng makulimlim at umuulang gabi mo pa isinagawa ang huling yakap mo? [ sabihin mo nga na nananaginip lang ako at hindi ito totoo ] parang-awa mo na, Ligaya—huwag mo akong iwan. ikaw ’yung una kong minahal at mamahalin pa rin hanggang sa pag-tanda. huwag nating hayaan na mauwi ang lahat sa mga ala-alang mababaon lang ng limot dahil hindi ko kaya—hindi ko alam kung paano na wala ka. bumabalik-balik ang pag-asa sa isip ko, na sana ay muli kitang makita, masilayan ang mga mata mo, marinig ang tinig mo. [ nandito ako, patuloy na bumubulong sa mga pangako ng kahapon at nagbabalik-tanaw sa mga sandaling magkasama tayo ] alam kong ikakasira ko lang kung hanggang ngayon ay iniisip pa rin kita—pero hindi ko kaya. [ ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko ] sa isang sulyap mo, dati ay nagiging awit ng saya na ngayon ay himutok na lang; lahat ng mga sinabi mo sa’kin noon ay nauupos na tila mga kandila na unti-unting namamatay.
ang bawat umaga noon ay isang pagkakataon na muling masilayan ang ngiti mo habang dinidiligan ang paborito mong bulaklak at ang bawat gabi ay pagkakataon na maging maligaya habang nanonood tayo ng pelikula. ’yung pareho tayong pagod mula sa trabaho at parehong nakakunot ang kilay natin pero ’di nag-tagal ay maligaya na ulit dahil nakita ang paborito mong karakter—makita lang na masaya ka, masaya na rin ako. makita lang na naka-relaks ang katawan mo, nawawala na rin ang pagod ko. at kadalasan, kapag natapos na ’yung isang oras at tatlumpu’t-dalawang minuto, madadatnan ko na lang ’yung hitsura mong alam ko ay natutulog na [ at palagi kong nararamdaman ang biglaang pag-udyok na mag-tanim ng halik sa’yong noo ]. ngayon? ang bawat umaga ay umaasa na lang sa salamisim at ang bawat gabi ay nagiging saksi sa pagtitiis ng pangungulila sa’yo. iniwan mong sumasakit ang ulo ko, ang mga ala-ala natin ay piraso ng hinagpis na nagbabadyang mawala na lang sa mga palad ko.
Ligaya, mula sa mga butil ng ulan na yumuyuko’t umiiyak, hinahanap-hanap ko ang mga paglalakbay, halakhak, at lihim na pag-iibigan; sa bawat hakbang ko, lalo lang akong nawawala sa dilim at hindi ko alam kung paano magsisimula ulit. ano ginawa mo sa’kin? patuloy akong naputol na parang mga alon na walang tigil na bumabasag sa pader ng puso kong matagal nang nadurog. minahal mo nga ako at minahal din kita. ang problema nga lang, ipinagtanggol kita pero ako ’yung hindi ipinaglaban. Ligaya, napaka-lupit mo naman pala kung makamtan.

2 notes
·
View notes
Text
“promises are meant to be fulfilled”, sabi mo.
marami tayong pangakong binuo. kapag naka-ipon na tayo ng sapat na pondo, bibili tayo ng sarili nating bahay, o kaya naman mag-tatayo ng isang restawran sa kalye ng Escolta; paulit-ulit mo pang binabanggit ang tanyag nitong katangian para lang ma-kumbinsi ako at i-limbag sa utak ko ’yung mga nais mong gawin bilang [ magiging ] asawa kong dalubhasa kung mag-luto. mula sa mga lokal at hanggang sa internasyonal na pagkain ay kayang-kaya mong i-hain—tuwing sinasabi ko ’yan sa iyo ay nakikita ko ’yung ngiti na nagbabantang sumulpot mula sa labi mo at ’yung mga mata mong nagiging gasuklay na buwan. pero sa lahat ng mga ipinangako mo sa akin, may higit akong naaalala—hindi natin iiwan ang isa’t-isa. ano man ang mangyari, ano mang sagwil ang maranasan. alam natin na nandito tayo para sa isa’t-isa at kaya nating patibayin ang pagmamahal nating yari sa bagong pitas na mga bulaklak.
pero anong nangyari? nalanta sila. unti-unting nawala ’yung kulay nilang magaganda at nawalan na nang tuluyan ’yung buhay na kanilang dala. siguro, isa rin ’yan sa pangako mo—na aalagaan mo sila, na magbibigay ka ng oras para mag-wisik ng tubig sa lupang pinapalibutan nito. pero anong nangyari? hindi natupad. pinili ko pa ring diligan ito nang mag-isa dahil alam kong ito na ang huling pagkakataon na gagawin mo iyon; inaasahan ko ang pagbabago, ginawa ko ang lahat para lang bumalik ’yung tingin mong puno ng dalisay na pag-sinta, pero nakalipas lang ang ilang buwan ay niloko mo na naman ako na para bang hindi ako tao at hindi masasaktan sa ginawa mo. [ ano ba ang akala mo sa akin, isang bato na hindi mawawasak kahit na malaki ang distansiya ng pagka-hapak? ]
sabi mo, ako lang ang mamahalin mo, pero nag-mahal ka ng taong malapit sa’yo. dahilan mo pa ay “hindi ko kaya dahil hindi kita nakakasama”—anak ng [ puta ], ano ba ang mayroon sa kaniya na wala ako maliban sa kalapitan niya sa lugar niyo? ipaliwanag mo nga, para saan pa ’yung mga binuo mong pangako kung ikaw lang din ang ang sisira? sinira mo rin ’yung pinaghirapan kong muling i-buo [ tiwala ko sa’yo ]. nag-pauto na naman ako sa taong alam kong hindi ako ipaglalaban.
jusko, hindi mo man lang kasi ako inisip. paano naman akong malayo pero ikaw lang ang iniibig at ’yung puso kong isa lang ang minamahal nang tunay? marami pa akong tanong, pero iniwan mo na ako bago pa masagot ang mga nais kong malaman—that’s one promise left broken. nag-sayang ako ng oras para manalangin kay Bathala kahit na alam kong wala ring patutunguhan; ano pa ang silbi ng pananalig kung wala na talagang pag-asa? siguro kung hindi ako tanga at hindi ka gago sa pag-ibig, hindi mangyayari ang pinaka-masakit ng pag-durog at pag-iyak ng sarili kong kaluluwa; siguro ay magiging magulang na tayo ng mga pusang kinahihiligan natin simula pagkabata, magiging patok ang mga niluluto mo dahil sa bukod-tanging mga sangkap na ginagamit mo. minahal kita, pero mas lalo lang akong masasaktan kung kakapit pa rin ako sa mga ala-ala nating hindi na mauulit at mababalik. mas pipiliin ko na lang na huwag na muling umibig kaysa marinig iyang mga pangako mong hindi mo na naman tutuparin.

1 note
·
View note
Text
tara, samahan mo akong mag-bisikleta.
noong bata pa ako, binilhan ako ng bike na may training wheels. nakaka-kaba kasi wala pa akong experience sa pagbi-bisikleta, but mind you, sobrang saya ko. ’yung feeling na sumasagad ang hangin sa buhok mo tapos parang wala kang problema sa mundo at hawak mo na ang kalayaan. pinakita rin sa’kin ng bisikleta ko ang iba’t-ibang ruta na dati ay hindi ko alam—naalala ko pa, umiyak ako kasi hindi ko na malaman kung nasaan ako; para akong tagak na nag-aaral lumipad pero kinakabahan at mayroon pa ring takot.
ngayon, isang simpleng bisikleta na may dalawang gulong na ang ginagamit ko. noong nakilala kita, ang bawat kilometro na tinatahak ko para mapawi lang ang init ng araw ay biglang nagkaroon ng kahulugan. nagiging makulay ang mga landasin, nagiging tahimik ang kalsadang maingay, nagiging tagpo ng kakaibang karanasan tuwing mag-kasama tayo. pasensiya na, tinititigan ko kasi ’yang mukha mo. sino ba naman ang hindi maaakit sa kislap ng mga mata mong iyan na para bang sinasalamin ’yung mga paboritong bituin ng isang tao? at tsaka hindi ko rin mapigilan, nandiyan favorite constellation ko, e. your eyes reflect everything—and I’d be willing to drown myself into those love-thronged orbs.
“pst, saan mo gustong pumunta?”
“kahit saan, ayos lang sa’kin.”
“sa puso mo, puwede ba?”
kung puwede lang talaga, aba, hindi na ako magdadalawang-isip. alam kong cliché, corny, o kung ano man tawagin mo sa sinabi ko, pero gusto kong malaman kung pangalan ko rin ba ang sinisigaw ng puso mo, kung pareho lang tayo ng nakikita. tuwing sinasamahan mo ako, para bang bumagal ang oras at tayo lang ang malayang gumagalaw; monotonous kumbaga o time dilation / teorya ng pangkalahatang relatibidad ni Einstein kung sa Agham. hindi ko naman kaya mag-reklamo kasi kahit na ikaw ang dahilan sa sobrang maluwat na pag-patak ng minuto na parang itinigil ng mundo ang kaniyang pag-ikot, ikaw pa rin naman ang dahilan kung bakit nagiging espesyal ang mga araw na pinaka-ayaw ko. kung may paksa kaming Filipino ngayon, kasama naman kita mamaya.
“nasugatan ka na naman—mag-ingat ka kasi!”
para ka ring nanay ko. ’yung tipong pinagsasabihan ako kung nagawa ko na ba ’yung takdang-aralin na kinabukasan hindi ko ginawa, tapos ikaw ’tong magsusumbong sa guro tungkol sa’kin. minsan, kung may nangyaring maganda at bigla kang naging anghel, pinapakopya mo ako hanggang hindi pa pinapapasa ’yung mga notebook natin. tapos kung nasugatan man ako, nandiyan ka para alagaan ako at ’yung natamo kong sugat. kahit na sinabi kong napa-hinto ako dahil may pusa sa harap ko, aatakihin mo ako ng nag-aalala mong mukha sabay sabi ng, “kahit na, ayoko kayang makita kang masugatan.” at sinundan ng isang malumanay na palo sa balikat ko. gusto kong sabihin na hindi mo naman kasalanan, na ayos lang, pero pinili ko na lang na titigan ka at pakinggan ’yang mga babbles mo na halos hindi ko na maintindihan. ang cute mo rin minsan, ano? kahit nagmumukha kang angry bird diyan.
kaya kung ako sa’yo, sasamahan mo ako [ napag-tanto ko kasing ako rin ang iniibig ng puso mo ]. hindi nagwawasto ang pag-galaw ng gulong ko tuwing hindi kita kasama [ gusto lang kitang makasama ], tsaka malay mo, magkaroon ulit ng aberya [ nananabik akong marinig ang boses mo ].

1 note
·
View note
Text
maganda ka. sa bawat araw, oras, minuto, at segundo, maganda ka—hindi mo lang siguro mahalata.
kung ang tingin mo sa sarili mo ay hindi ka nababagay sa mundo dahil sa mga kapintasan mo, riyan ka nagkakamali. tandaan mo, walang taong perpekto; lahat tayo ay may sari-sariling kakulangan at kahinaan. nabanggit mo sa’kin noon na namamangha ka sa inang kalikasan dahil sa ubod nitong bighani, (at tulad mo), mayroon din itong mga pagkukulang. may mga bahagi ng kagubatan na pumipinsala, may mga araw rin ng tagtuyot kaya nawawala ang mga huni ng ibon at sariwang hangin. pero sa kabila ng karahasan at pag-yanig ng alindog, umiiral pa rin ang kadakilaan nito, ’di ba? kasi I find myself agreeing with that.
uulitin ko: kung ang tingin mo sa sarili mo ay hindi ka nababagay sa mundo, may mga bagay akong alam mula sa kalikasan na nagpapaalala sa’kin ng pamamalagi mo, (at tulad mo), namamangha rin ako sa kanila. ’yung ayaw mong lumabas dahil sa mukha mong “hindi perpekto” at “puno ng tigyawat”—mga achenes ng isang presas na palagi kong pinapabili kay ina dahil sa linamnam nito. ’yung mga pilat na pinipili mong i-tago dahil sa tingin mo sinisira nito ’yang hitsura mo—mga kometa na bumabagsak mula sa kalangitan ng gabi kung saan ako nakaka-tagpo ng ginhawa, at ’yung kapansin-pansing mga ugat mo na sabi mo ay hindi bagay sa’yo sa kadahilanang hindi itinuturing ideyal para sa katawan ng isang babae—mga ugat ng isang puno na nagbibigay ng sustansiya, lakas, at nagpapabuti ng kalidad ng hangin. sa kabila ng mga pagkukulang mo, mayroong kahulugan at dingal sa likod nito.
gusto kong malaman mo na ang mga “kapintasan” mo ay paborito ko tungkol sa’yo; gusto kong sabihin na porke hindi kaaya-aya ang tingin mo sa sarili mo, ganoon na rin ang tingin ng ibang tao sa’yo. mahalaga ka sa paningin ko / maganda ka at maganda rin ang puso mo. you’re meant to be here—ikaw at ako sa mundong ginagalawan natin; ikaw ’yung pinaka-magandang babae na habang-buhay kong pahahalagahan at ako naman ’yung taong hindi ka pagsasawaang hangaan. walang halong biro at mas lalo nang walang halong pagsisinungaling. maganda ka—at sana’y mahalata mo na.

2 notes
·
View notes
Text
“...and I will rip my lips out if they say your name once more.”
this blog of mine serves as a platform to post my pieces only.

1 note
·
View note