Tumgik
rreave-blog · 7 years
Text
Ang Aking Paniniwala
Mapapahalagahan ko ang mga paniniwala ng mga Seventh-day Adventists sa pamamagitan ng pag sunod nito at pag aral ng mabuti sa mga panininawala ng aking relihiyon para mas makabisado ito. Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa ibang tao na walang nalalaman tungkol sa mga paniniwala ng aking relihiyon at turoan ang mga taong walang nalalaman at sa pamamagitan ng pagaaral at pag gawa nito sa aktwal para ma ipakita na pinapahalagahan ko ang aking pagiging Adventist.
1 note · View note
rreave-blog · 7 years
Text
Ang Papel ng Musika sa Aking Buhay / RRAO (1)
Ang musika ay isang napakahalagang parte ng buhay. Tayo'y nakikinig sa iba't ibang klase na musika pag tayo ay nalulungkot sapagkat ito'y nagpapagaan ng ating damdamin, kapag tayo'y masaya dahil ito'y mas nagpapasaya sa atin at kahit kapag tayo ay may gustong sabihin na sa kanta o musika na ating pinakikinggan nalang natin idadaan. Simula pa noong bata pa ako, mahilig na talaga ako sa musika kaya't saking pagtanda, natuto akong sumulat at gumawa ng mga kanta. Sa pamamagitan ng pagsusulat ng kanta at sa pagkanta mismo ay nasasabi ko ang aking nararamdaman at ito'y nagpapagaan ng aking loob. Noong ako'y bata pa, gumawa ako ng kanta para sa kaarawan ni Mama at simula noon napamahal ako sa paglikha ng kanta.
Hindi ako magaling sa pagbabahagi ng aking nararamdaman kaya ginagamit ko ang kanta para ma ibahagi ang gusto kong sabihin. Pag ako ay masaya, malungkot, inspirado, umiibig, at kahit ano pa ang emosyong aking nararamdaman, aking idinadaan sa kanta. Gustong-gusto ko ring kumanta, mahal ko ang musika at masaya ako pag ako'y nakikinig ng iba't ibang musika o kanta ngunit natutunan ko na dapat din tayong mag ingat sa mga musika na ating pina pakinggan dahil hindi lahat ng mensahe ng kanta ay maganda. Marami narin akong mga kanta na narinig na ang mga mensahe na ipanaparating ay pagpakamatay, gumawa ng krimen, pagiging masama at ito'y hindi maganda kasi ito ay nakakasira ng ating pagka tao at ng ating pananaw sa buhay pag palaging pinapapakikinggan.
Si Lucifer o si Satan ay napakahusay na musikero at ginagamit niya ang musika para linlangin tayo. Noon wala akong tiwala sa sarili ko pag ako'y kumakanta sa simbahan dahil hindi ako sanay pero pag sa mga hotel o kaya sa ibang okasyon kayang kaya kong kumanta kaya na isipan ko na hindi tama ang aking ginagawa. Napagtanto kong binigyan ako ng Diyos ng talento at dapat akong magpasalamat sa kanya at puriin siya, magagawa ko iyon sa pamamagitan ng pagamit ng aking talento para sa Kanya kaya ngayon ako'y nag iingat na sa mga musika na aking pinapakinggan at kumakanta na ako sa simbahan. Kahit ano mang talento meron tayo, dapat nating linangin ito at gamitin para sa kaluwalhatian ng Diyos.
-Reave
Tumblr media
credits: Pinterest
3 notes · View notes