Tumgik
samanthagracerodas · 2 years
Photo
Tumblr media
“Panahon na ba para babaan ang edad ng pwedeng makulong?”
Malaki ang pagbabago sa ekonomiya ng bansa sa paglipas ng panahon. Sa kasalukuyan, kinakaharap ng ating bansa ang lumalaking bilang ng mga krimen sangkot ang mga kabataan na isa sa mga nagiging dahilan ng kahirapan at pagtaas ng mga kasong hindi nabibigyan ng makatarungang hustisya sa sistema ng Pilipinas. Isa sa mga pinakamainit na isyu ngayon na pinag-uusapan ay ang tungkol sa pagpapababa sa edad ng pwedeng makulong. Ito ang isa sa mga maiinit na isyu sa Pilipinas na pinagtatalunan nang mga mambabatas at mamamayan.
Ang age of criminal responsibility ay ang edad na itinakda ng batas kung saan maaaring mapanagot ang isang tao sa krimen na nagawa nito. Iba-iba ang edad na ito sa iba’t-ibang bansa (McGrath et al., 2013)
Napakarami na ngayon ang nasasangkot sa krimen na ang edad ay bago mag-18 at pababa. Dahil sa pagiging menor-de-edad, hindi basta-bastang maposasan ang mga ito ng mga awtoridad at ikulong at pabayarin ng danyos. Karaniwang ipinapasa ang mga ito sa Department of Social Welfare o kaya’y isinasauli sa mga magulang para sila na ang bahalang magdisiplina sa mga ito. Tunay na hindi katanggap tanggap ang ganitong sistema ng pagkakakulong sapagkat nagiging isang kalamangan ito sa mga kabataan, sila ay nagkakaroon ng madidilim na balak na taliwas sa karunungan ng isang tao na walang takot at pangangamba.
Ayon sa pulisiya at Philippine Drug Enforcement Agency, may natatagpuan silang mga sangkot sa droga na nasa edad 9 hanggang 15 taong gulang, sa mga kasong matatagpuan sa mga barangay laganap ang krimeng akyat-bahay at iba pang pagnanakaw at droga sangkot ang mga menor-de-edad. Ang kabataan ang naging isa sa mga kagamitan ng mga may edad sa paggawa ng krimen ngunit dahil sa kanilang edad, karaniwan na lang na pinapakawalan ng mga kinauukulan. Hihintayin pa ba natin na gumawa ang mga sindikato ng isang grupo ng mga kabataan sa paggawa ng krimen? Upang tayo’y magising sa katotohanan na maraming kayang gawin ang mga kabataan isa na rito ang magpalaganap ng isang krimen.
Kumakailan lamang ay mabilisang ipinasa sa ikalawang pagbasa sa Kongreso ang panukalang batas na magpapababa sa minimum age of criminal responsibility (MACR) mula sa kasalukuyang 15 taong gulang patungong 12. Mas mataas ito sa naunang ipinasa ng Committee on Justice na nagtatakda sa minimum age na 9 na taon.
Mas mainam na ito ay tunay na maisasakatuparan sa lalong madaling panahon, sapagkat ang bugso ng damdamin at pagiging mapusok ng mga kabataan ay tumataas at umiiral. Marami man ang nagsasabi na hindi ito makatutulong at makakabigay lamang ng masamang epekto sa kabataan ngunit ito ay may magandang layunin para sa lahat lalo na sa pagdidisiplina at patutuwid sa mga kabataan.
Talasanggunian:
https://www.sciencedirect.com/topics/social-sciences/criminal-responsibility
https://www.remate.ph/dapat-bang-makulong-na-ang-edad-9-15-anyos/
0 notes
samanthagracerodas · 2 years
Video
undefined
tumblr
Visayas Mindanao
0 notes
samanthagracerodas · 2 years
Photo
Tumblr media
𝓐𝓷𝓰 𝓐𝓴𝓲𝓷𝓰 𝓣𝓪𝓵𝓪𝓶𝓫𝓾𝓱𝓪𝔂
Ayon sa ama ng panitikang Amerikano na si Mark Twain na siyang tumatak sa aking puso’t isipan ay “Ang pinakamahalagang araw sa buhay ay ang araw na isinilang ka at ang araw na natuklasan mo ang dahilan kung bakit”. Minsan tinatanong natin sa ating sarili kung ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit tayo nabuhay sa mundong ito. Ano nga ba ang misyon natin dito? Dito sa ibabaw ang bawat tao ay may kanya-kanyang layunin sa buhay. Mga bagay o mga pangarap na nais makamtan at mapagtagumpayan upang makamit lamang ang matagal nang inaasam-asam na kaligayahan at malaman kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng ating buhay.
Taong dalawang libo’t apat ika- 30 ng Hulyo ng ako ay ipinanganak sa pangalang Samantha Grace O. Rodas na ayon sa aking mga magulang na ang aking pangalang Samantha Grace ay nangangahulugang “God has heard” at “Favor” sapagkat 12 taon ang kanilang hinintay bago ako dumating. Ako’y ipinanganak  sa lugar na tinaguriang “Tuna Capital of the Philippines” General Santos City sa mismong General Santos Doctors’ Hospital. Ang aking mga magulang ay sina Melvin M. Rodas at Jerlin V. Ostique. Sa kasamaang palad ako’y nag-iisang anak sapagkat hindi na nagkaanak pang muli ang aking mga magulang. Dati ang palagi kong hiling ay ang mabiyayaan ako ng kapatid sapagkat ang buhay nag-iisang anak ay nakakainip at wala akong ideya kung paano makipaglaro sa mga nakababatang bata at lahat ng atensyon at paggigipit ay nasa akin. Kaya’t para sa akin ang pagiging nag-iisang anak ay may katumbas na negatibo at positibong epekto.
Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa General Santos Doctors’ Medical School Foundation Inc. bilang isang Senior High School student sa ilalim ng STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics) strand. Dahil noong ako’y nasa High School pa lamang paborito ko na ang asignaturang Matematika at Agham kaya’t ito ang naging dahilan kung bakit ko tinahak ang mundo ng STEM.
Ako’y limang taon pa lamang noong nagdesisyon ang aking mga magulang na maghiwalay dahil sa mga bagay na hindi nila napagkakasunduan lalo na pagdating sa pinansiyal. Ngunit saludo pa rin ako sa kanila dahil kahit may kanya-kanya na silang pamilya hindi pa rin sila nagkulang sa pagbibigay sa akin ng pagmamahal at pag-aalaga.
Noong ako'y nasa murang edad pa lamang, ako ay isang mahiyaing bata. Bihira akong makipag-usap sa ibang tao. Halimbawa na nito ang mga bisita, kamag-anak at iba pa. Kalimitan ako ay laging nasa aking silid pag mayroong bisita sa aming bahay at kapag naman nasa ibang bahay ako ay laging nasa tabi o likuran ng aking mga magulang. Ngunit sa paglipas ng panahon naiibsan ko na ang aking pagkamahiyain dahil sabi nga sa akin nga mga kamag-anak ko na mas mabuti tingnan ang isang tao kung hindi ito mahiyain. Kaya simula noong araw na ako'y mabigyan payo nila, unti-unti na akong natutong makisalamuha sa ibang tao.
Noong ako'y nagsimula na sa aking pag-aaral, maraming mga pagsubok ang dumating sa akin. Nagkaroon ako ng karanasang makilahok sa mga patimpalak na may kaugnayan sa Matematika tulad ng MTAP (The Mathematics Teachers Association of the Philippines) Competition kung saan isa ako sa mga pambato ng aming paaralan at pumupunta kami sa ibang paaralan upang makipagtunggali at ito’y labis na nakatulong upang ako’y magkaroon ng lakas ng loob at magkaroon ng tiwala sa sarili.  Dito na nagsimula ang aking pag-iisip sa mga bagay-bagay na pwedeng maging solusyon sa problemang maaaring mangyari. Ito ang isa sa naging instrumento ko upang ako'y lumaking maging mabuti at maparaang tao. Ang aking pinagdaanan at naging karanasan sa Elementarya at Sekondaryang paaralan ay isa sa maituturing kong pinakamahalaga sa lahat, sapagkat ito ay ang mga araw kung saan naranasan ko ang tunay na kahulugan ng kasiyahan kung saan ako'y nakatanggap ng mga karangalan noong araw ng "recognition" at iba pang araw ng pagpaparangal sa mga estudyante. At sa bagay ding ito naranasan ko ang kalungkutan sa mga bagay tulad ng pag-ibig sa iyong kaibigan dahil sa labis mong pag-aalala sa kanila. Sa pangkalahatan ng aking mga naging parangal sa aking pag-aaral, masasabi kong ito ang naging produkto ng aking paghihirap sa aking pag-aaral. Ito ang nagsilbing inspirasyon ko upang ako'y gumawa ng mga bagay na nagbibigay sa akin ng mga kasiyahan at pagbibigay parangal sa aking mga magulang at kamag-anak.
Marami akong nahiligan noong ako'y nasa murang edad pa lamang. Ngunit ang paglalaro ng "badminton" ang siyang nagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng kasiyahan sa mga sports o mga hilig sa buhay. Mahilig din akong gumawa ng mga gawaing bahay na nagsisilbing kasanayan ko sa aking pagtanda. Ngunit sa pangkalahatan, ang pag-aaral ang nangingibabaw sa lahat ng aking mga hilig. Mahirap man o nakakatamad sa umpisa, ngunit ito’y aking nilalabanan sapagkat ito ang pinakamahalagang instrumento upang ako'y mamuhay ng mabuti at masaya. Sa buhay ko ngayon, marami pa akong dapat pang matutunan. Ito ang magbibigay sa akin upang makamit ko ang aking mga pangarap para ako'y maging matagumpay, hindi lang sa aking sarili, kundi rin sa aking kapwa.
Mahilig din akong makinig sa musika sapagkat nakakatulong ito lalo na kung minsan na “stress” ako ito lang ang ginagawa ko, ang makinig sa musika at sinasabayan ko rin ng pagdidilig sa mga halaman. Opo, kami ay may mga halaman sa bahay at kung bibilangin aabot sa tatlong daan ang nasa paso sapagkat ito ang nakahiligang gawin ng aking pangalawang ina at tinuturing na niyang pangalawang anak ang kanyang mga halaman.
Marami akong nakahiligan ngunit ang isa sa pinakahindi mawawala sa isipan jo ay ang paglilingkod sa Diyos, nang ako’y bata pa lamang mahilig na akong magsimba kung saan tuwing hapon bago umuwi ng bahay galing paaralan ay dumadaan muna ako at ang aking kaibigan na si Abigail sa aming simbahan. Kung saan umabot sa punto na gusto kong pagsilbihan ang Diyos. Sumali ako sa choir, grupo ng mga mang-aawit sa simbahan, kahit na hindi kagandahan ang aking boses basta’t ang aking damdamin para sa Diyos ay tunay.
Mahalaga sa ating buhay na kahit marami tayong mga hilig gawin o may mga problemang dumarating sa atin. Huwag nating kalimutan ang ating Diyos. Palagi natin siyang unahin bago ang iba dahil kung wala siya wala tayo.
0 notes