Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
DBTI: Tahanan-Palaruan (Deskriptibo)
ni Juan Mercedez
Nilalaman
“Munting Pangarap”
(Tekstong Naratibo)
Agosto 23, 2021; ang unang araw ng Senior High School sad DB-Makati na kung saan napasok ang anak ni Aling Marites na si Junjun. Nang makauwi na si Junjun ay sinurpresa siya ni Aling Marites ng isang magarbong handaan para sa hapunan. “Congrats Anak!! Grabe ngayon ay isa ka nang ganap na Senior High School student, noon kaliit-liit mo pa at ayaw mo iwan ka sa eskwelahan.”, sinabi ng paiyak ni Aling Marites. “Ma, huwag ka naman umiyal, ito ay para sa ikabubuti nating lahat at sana ay ako ay makapagtapos na sa wakas” ang iginiit ni Junjun sa kanyang ina. Nang sila ay nakain ay pinag-usapan nila ang araw ni Junjun at ang kanyang mga bagong subject; “Anak, Kamusta naman ang iyong pasok?”, “Okay naman ma! Ako ay naninibago lamang dahil halos bago ang aking mga subject na General Chemistry, General Mathematics, Reading and Writing, Komunikasyon at Pananaliksik, at iba pa. Sana nga ay hindi ako mahirapan dito sapagkat mukhang magagaling ang aking mga guro.”, ito ang isinagot ni Junjun sa kanyang ina. “Ahh ganun ba anak, tugma naman ang mga ito sa iyong napiling strand?” tanong ni Aling Marites; “Hmm, oo naman siguro po kasi STEM naman ang aking napili at lahat naman na ito ay makakatulong siguro sa akin pag ako ay naging isang doctor na”. Ang ngiti ni Aling Marites ay abot hanggang tainga ng marinig niya ang pangarap ng kanyang anak at hindi na siya nakapagsalita.
Para sa mga Nangangarap.
(Tekstong Impormatibo)
DBTI:
Ang Don Bosco Technical Institute-Makati ay isang eskwelahan na nasa loob ng Makati; ito ay isang pribadong paaralan na pinamumunuan at pagmamay-ari ng Salesians of Don Bosco(SDB). Ang DB-Makati ay nag-aalok ng ng mahusay na edukasyon sa larangan ng akademiko at teknikal sa Elementarya, Junior High School, at Senior High School. Sa Elementarya, ang nilalaman ng kanilang curriculum ay ang mga paksa ng Ingles, Matematika, Agham, Filipino, Art, Kompyuter, Pisikal na Edukasyon, Christian Living, at ang Work Education. Ganito ang mga paksa nila sa elementarya upang maging handa ang kanilang mga estudyante para sa mas mabigat na mga gawain dulot ng kanilang Dual Curriculum sa Junior High School. Ang Dual Curriculum na mayroon sa mga paaralan ng Don Bosco ay isang bokasyon ng mga pari ng Salesians at ni Don Bosco upang makapagbigay ng kaalamang teknikal sa kanilang mga mag-aaral at maari niila magamit kung sila ay kukuha ng isang teknikal na course pagtungtong nila sa kolehiyo. Ang huli namang antas ng edukasyon na makikita sa Don Bosco-Makati ay ang kanilang Senior High School. Katulad ng mga ibang eskwelahan, mayroong sila mga strand na nag-iiba batay sa espesyalisasyon na naka pokus; ang mga strand na ito ay ang STEM, para sa mga gusto ang mga agham at engineering, ang HUMSS, para sa mga humanidades, ang ABM naman para sa matematika at ekonomiks na mga paksa, at ang huli naman ay ang Arts and Design strand na kung saan binibigyan prioridad ang larangan ng sining. Ang curriculum na inayos para sa SHS ay mayroon ang mga estudyante na nakatalaga na core subjects at specialized subjects. Sa kanilang core subjects, ito ay ang mga general na mga paksa na kinakailangan kunin ng bawat estudyante ng SHS at kinabibilangan dito ay ang mga paksa na General Mathematics, at Pagbasa at Pagsusuri. Subalit, ang specialized subjects ay hindi magkaparehas base sa strand na iyong napili; ang halimbawa para dito ay ang specialized subject ng mga mag-aaral ng STEM ay ang General Chemistry at Pre-Calculus habang ang mga estudyante na kumuha ng HUMSS na strand ay Ideas for the Social Sciences at ang Introduction to the Philosophy of the Human Person. Marami pang magandang mga programa ang Don Bosco-Makati kaya kung kayo ay mayroon pang tanong tungkol kanilang curriculum, programa, o iba pa, maari kayo mag inquire sa kanilang website sa donbosco.edu.ph. Maraming Salamat!
(Tekstong Deskriptibo)
DBTI: Ikalawang Tahanan
Ano-ano ang mga kinakailangan ng isang paaralan para mapabuti at mapasaya ang isang estudyante? Mga magaling na guro? Malaki na establecimiento? O naka aircon ba dapat ang mga silid-aralan? Ang SHS-DBTI ay mayroong apat na iba’t ibang mga strand na maari mong pagpilian STEM, ABM, HUMSS at A&D. Bilang isang STEM student ang aking napiling strand ay mahirap ngunit makakaya kapag ikaw ay nagsipag sa pag aaral at pagpapasa ng mga iyong gawain. Minsan nga dahil sa aking paksa na Pre-calculus, kahit na antok na antok na ako hindi ako maaring matulog dahil kailangan ko tapusin ang mga gawain na kinakailangan; isang beses rin dahil sa aking Genchem kahit ako ay naglalaway at sumasakit ang aking tiyan hindi parin ako maaring kumain dahil kinakailangan ko making sa klase upang maintindihan ang paksa na tinuturo ngunit dito sa paaralan na ito, makikita mo ang kasabihang ang ating mga guro ay ang ating ikalawang magulang sapagkat gagawin nila ang lahat basta’t ikaw ay matuto ng mabuti kahit sila’y pagod na pagod at kulang sa tulog tiya-tiyagain parin nila pumasok at magturo upang kaming mga mag aaral ay magkaroon ng magandang kinabukasan, ito ang iilan lamang sa mga magandang benepisyo kapag ikaw ay isang SHS-STEM student dito sa DBTI, dito mo rin masasabi na ang ating paaralan ay ang tunay na ating ikalawang paaralan.
1 note
·
View note