Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Filipino Comfort Dish
Ang Sinigang, bilang isang putaheng Filipino, ay tunay na comfort dish! Sundan ang napakadaling recipe na ito na magtuturo sa'yo kung paano ito lutuin kahit ikaw ay first-timer.

Anong meron sa sinigang na baboy recipe na ito na sobrang madaling gawin na kahit newbie ay kaya itong lutuin?
Ito ay simpleng sinigang na baboy recipe. Hindi kailangang gawing komplikado ang simpleng hapunan. Meron ito ng lahat ng sangkap na kailangan para maging malinamnam.
Hindi kailangan ng mga sinigang recipe ng sampalok o tamarind para umasim ang lasa. Maraming ibang sangkap-kamias, kamatis, at oo, kahit hilaw na mangga-na pwede ring magbigay ng asim sa karne, at gawin itong sobrang malinamnam.
Sinigang na Baboy Ingredients
500 grams pork, sinigang cut
water, pang kulo
1 medium tomato, nakahiwa sa apat na piraso
1 small white onion, nakahiwa sa apat na piraso
1 cup taro (gabi), nakahiwa
3-4 tablespoons sinigang na gabi mix
1 piece green chili (siling pangsigang)
1-2 tablespoons fish sauce (patis)
1/2 cup sitaw (green beans), nakahiwa ng 2-inch na haba
1/4 cup radish (labanos), nakahiwa
1/2 cup okra
2 cups kangkong leaves or water spinach leaves, hinugasan at naka-trim
asin
Paano lutoin ang sinigang na baboy?
Ilagay ang karne, kamatis, at sibuyas sa kaserola na may tubig, at ang karne ay nakalubog sa tubig. Kapag kumulo, hinaan ang apoy, at hayaan ito sa loob nang 1-1 ½ oras o hanggang sa lumambot ang karne. Salain ang ibabaw ng tubig at alisin ang anumang dumi. Pwedeng magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
Pagkatapos lutuin ang karne nang 30 minuto, idagdag ang hiniwang gabi. Kapag malambot na ang karne, idagdag na ang sinigang mix at siling tagalog o green chili, at pakuluan nang 5 minuto. Idagdag ang sitaw, labanos, at okra, at pakuluan ulit nang 5 minuto.
Timplahan ng patis, saka idagdag ang dahon ng kangkong, at pakuluan sa loob ng 2-3 minuto. Iayon ang timpla sa panlasa. Ihain habang mainit pa.
1 note
·
View note