sashoppeepaskona-blog
sashoppeepaskona-blog
Untitled
51 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Myerkules 02/06/19
Ang hectic ng araw na ‘to huhu. Di ko natapos yung essay na pinapagawa sa pagpag. Kailangan ko tuloy ihabol to bukas. Dire-diretso tatlong subjects na one hour lecture. Ang sakit sa mata tumingin sa projector ng tatlong oras hahaha. 
Sana hindi na ganito bukas :<
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Martes 02/05/19
Nag bisikleta lang ako buong maghapon ngayong araw. Sobrang sarap sa pakiramdam ng pag eexercise. Nasobrahan ata ako at namimilipit sa sakit yung muscles ko sa legs.
Pero worth it naman kasi na-enjoy ko yung time na nilaan ko para sa pagbibisikleta.
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Lunes 02/04/19
Nakakapagod ‘tong araw na to. Lunes na lunes ang daming expectations and pinapagawa ng mga teachers. Nirurush nila every lessons, and sandamakmak na homeworks whew.
Fighting.
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Huwebes 01/31/19
Unti-unti na akong natututo maggitara. Nakakatuwa na nagbubunga na yung ilang araw kong pagprapraktis. Sana maging bihasa pa ako sa paggigitara haha.
Nakakatuwa na may alam akong musical instrument gamitin. 
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Myerkules 01/30/19
Ngayong araw nakipagkita ako sa mga kaibigan ko dati nung elementary days ko. Nakita ko yung best friend ko dati nung grade 4 ako haha. Grabe anlaki ng pinagbago nila. Lagi kong maaasahan yung mga yun tuwing may problema ako dati. Napapaisip nalang tuloy ako kung ano na kayang itsura namin pag matatanda na kami. Magkakakilala pa kaya kami?
Sobrang saya ng araw na to. Pinag-usapan namin lahat ng mga nangyari dati wiwu
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Martes 01/29/19
Sobrang interesting ng mga klase namin ngayong araw nacover namin halos lahat ng stoichiometry habang may free time kami para mag relax and pahinga. Nakakaamaze talaga mga teacher na andami kong natutunan pero at the same time di nakakastress sa mga klase nila.
Balang araw kung sakaling maging guro ako, gusto kong maging katulad nila. Nagagawa nila tungkulin nila ng walang pressure tsaka walang hirap sa part ng students na hinahandle nila
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Lunes 01/28/19
Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Natapos ko lahat ng activities tsaka mga gawain ngayon at ang ganda din ng panahon ngayon. For the first time nakumpleto ko 8 hours ng tulog haha. Nagising ako na ready para sa mga gawain ngayong araw. Nag stay muna ako sa Mcdo para gawain yung mga assignments na binigay kahapon.
Nothing beats a good rest. Ang laki pala talaga ng epekto ng nakakakumpleto ng tulog. I’ll do my best to continue this routine
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Myerkules 01/23/19
Nagkaroon ng mahabang pagsusulit sa Pagpag. Nasagutan ko naman ito ng maayos. Sa tingin ko ay mataas naman ang makukuha kong marka. Malaking tulong talaga ang pakikinig sa aking guro tuwing talakayan. Hindi ko na kinailangang magreview bago mag-exam
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Martes 01/22/19
Maybe sometimes we are getting tired of study or work or something like that.I often feel tired of study just for marks. and now i understand it is the marks that makes me feeling tired of working or studying all the time. I hated it. Today my grandmother's one word woke me up :"If u are climbing a mountain in the idea of just taking a walk , u will never feel tired, and you will soon get your destination unconsciously....."
That's very very right, isn't it ? 
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Lunes 01/21/19
Monday na naman ulit. Kailangan ko na naman harapin ang limang araw ng paghihirap sa buhay ko haha. Sobrang dadali na ng mga lesson namin sa araw na ‘to. 
Kakayanin ko din ‘to. Matatapos ko din pag-aaral ko. Sa ngayon, ito na lang nagbibigay motibasyon sakin para pumasok at mag-aral.
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Linggo 01/20/19
REST DAY. Natutuwa akong ibalita sa inyo na ang BIOMAN t-shirt ay nalabhan na at nakasampay kasabay ng ibang mga damit namin.
Magsisimba na sana ako pero kailangang ihatid si pinsan sa airport dahil pupunta siya sa Italy kasama ng sarili niyang choir para kumanta. Na-late ako sa pananghalian nila ng tatay niya kasi bumili pa ako ng Subway sandwich at chichirya na babaunin niya sa flight. Bumili na rin ako ng milk Wintermelon tea para sa sarili ko bilang gantimpala sa pagsagupa ko sa isang linggong kabaliwan.
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Myerkules 01/16/19
Sobrang puyat na ako kasi ilang gabi na rin na ala-una ng madaling araw ang tulog ko dahil sa isang proyekto. Buti na lang at walang trapik masyado kaya nakarating ako sa eskwalahan ng maaga. 
Buti nalang at wala ang dalawa naming guro at nakapagpahinga at nakabawi pa ako ng tulog. Nagpahinga agad ako pagkatapos ng aming klase at isinantabi muna lahat ng gawain para sa araw na iyon. 
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Martes 01/15/19
Pangatlong beses ko nang nakita ang BIOMAN t-shirt na suot ni Mama. Tiningnan ko ng kakaiba si Mama sa mesa habang kumakain kami ng agahan. Ang ulam? Corned beef at hotdog.
“Mama, hindi pa ba ‘yan namamaho at lagi mo na siyang suot?”
Sabi ni Mama: “Bakit, naamoy mo na bang mabaho?”
Mapahawak ako bigla sa mukha ko sabay umiling. Ipagtitirik ko na rin ng kandila at dadasalan ang BIOMAN t-shirt.
Pagkatapos ng trabaho, pumunta ako sa isang Church Anniversary celebration dahil nandoon din si Mama.
Taimtim kaming nakikinig ng preaching ng biglang humirit na naman si Mama.
“ Nasusunog na ‘yung kanin na niluluto sa ibaba.”
Kahit na sunog ang kanin, masarap naman ang adobo na ulam, kaya din ko na rin napansin ang lasa.  Sana di na lang rin nabanggit ni Mama.
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Lunes 01/14/19
Muling nagbukas ang Hotel de Mama. May mga bisita kaming matutulog para sa mamayang gabi: tito ko na galing ng Surigao, at mga inaanak ni mama sa kasal.
Ipinasyal at gumali kami hanggang hating-gabi kaya na-late ako ng gising at nahuli tuloy ako sa klase. Nasabon ako ng bongga ng guro ko dahil late ako. Gusto ko nang ipagtirik ng kandila ang sarili ko at ipagdasal.
Late rin akong dumating sa entrance of colors practice. Di ko pa naayos ang mga pagmamartsa at tamang pag cocommanda para sa program sa sabado kaya di rin namin naayos agad. Pakonswelo na lang sa akin ang masarap na sopas at chili con carne na luto ni mama sa bahay. Pwede pa akong mabuhay sa susunod na araw, nakatikim na ako ng masarap eh.
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Linggo 01/13/19
Napakagandang simulan ang isang linggo ng REST DAY. Nagising ako ng alas-diyes. Pipikit, tapos, didilat, tapos pipikit ulit. Paulit-ulit ko itong gagawin hanggang sa sumakit ang ulo ko o kapag sumakit na ang likod ko sa kakahiga. Titingin ako sa relo. Alas onse. Oras na kumain. Saka lang ako babangon.
Pagdating sa kusina, naghanap ako ng makakain. Lagi naman may pagkain, pero kahit paano ay pihikan pa rin ako. Sa first meal ko sa buong araw: ayoko ng gulay, ayoko ng isda, ayoko ng ‘mamaw’ (ulam na natira kahapon o na nasa refrigerator na ng tatlong araw o mahigit o kahit anung kakaiba ang kulay, itsura o amoy). So nagluto ako ng scrambled eggs at instant pancit canton.
Pagkatapos ko kumain at makainom ng dalawang tasang kape, nagtimpla pa ako ng isa pang tasa para dalhin sa living room at doon ako hihilata para manood ng TV. Ay, ang sarap ng katahimikan, baboy-reflex mode. 
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Huwebes 01/10/19
Parang Martes lang rin. Pero habang kumakain ako ng tortang talong (hindi gulay ang talong kapag naluto siya sa scrambled egg), bigla akong sinuntok ni Mama sabay hirit:
“Ginawa nila akong presidente ng mga mangungutang. Ang pangit, noh?”
Honda Baby akong dumating sa eskwelahan(Honda-Dot. On the dot. Gets?) Nawiwindang ako sa dami ng gagawin at seatworks. Tapos Minsan ko lang tiningnan cell phone ko ng patago, tapos balik trabaho ulit. Bawal kasi ang cell phone sa klase, kailangan kasing nakatuon ang aming buong atensyon sa aming guro na kasalukuyang nagtutuo.
Kinabahan ako bigla kasi nakatayo ang aming guro sa tapat ng desk ko. Ako ba ang nahuling may cell phone sa loob ng klase?
Ay, buti naman at hindi ako. ‘Yung kaklase ko pala na bagong bili lang ang kanyang Iphone 8 na wiling-wili sa paglalaro. Nakatutok naman ng bongga sa kanya ang CCTV camera. Scary!
0 notes
sashoppeepaskona-blog · 6 years ago
Text
Myerkules 01/09/19
Kailangang gumising ng maaga kasi may pasok ako sa eskwela. Ang alarm ko ay tumunog ng alas-kwatro pero bumangon na ako ng alas-singko. Bumangon at tumunganga. Nakarating na ako sa kusina ng alas-sais.
Seryoso akong kumakain ng pansit bihon na luto ni Ate Merly ng biglang tumambling ako sa upuan. Tama ba itong nakikita ko? Nakabihis para umalis si Mama pero ang t-shirt niya ay may BIOMAN na design. Oo, BIOMAN. ‘Yung paborito kong Japanese action show noong bata ako.
Tinanong ako ni Mama. “Bakit, pangit ba ang t-shirt ko?”
Oo, Mama, pangit ang t-shirt mo kasi sa akin ‘yan bagay.
0 notes