Tumgik
sawawuu · 2 years
Text
An Open Letter to my Ate
Hi Ate ko. It’s been, hmm, idk since when I feel like I’m your bunso. hehe
Nalulungkot ako, kasi actually alam ko pala 😅
Hmm ever since that December fiasco, i feel like I’ve lost you.
Parang simula nun, nagbago na yung treatment mo sakin. The way you talk to me. Di ko alam kung nagooverthink lang ba ako or ano. Pero bihira mo na nga rin ako tawagin na bunso e hehe
I feel like ever since that happened, hindi na kita mabawi. Lahat naman ginagawa ko para makabawi pero parang hindi enough? Para kasing malayo na loob mo. May mga beses na gusto ko maginarte sa maliliit na bagay pero wag nalang kasi baka lalo kita matulak palayo. esp. nitong birthday ko. Pero okay lang, nakamove on nako haha Syempre, sabi ko nga, masaya naman nako that day, kayo nalang Glewb Family ko ang wala, okay na sana talaga yung araw ko.
Anyway,
gusto ko iopen sayo kaso I know kasi you have your reasons. alam ko na kasalanan ko.
Minsan, everytime you say no to me, bumabalik ako sa incident na yun, incident? sabi? haha charot
de kasi iniisip ko na, kaya di na natin nagagawa mga bagay bagay like we used to is kasi nga dahil don. Overthinking aku. hehe And minsan din kasi pakiramdam ko pinipilit ko nalang sarili ko e.
I’m trying to save this. I messed up this good relationship we have. I fvcking messed it up.
Everyday, I’m trying. Pero parang di na talaga kita mabawi. Parang di enough efforts ko. Making you kulit. Making you feel na youre important to me. Little efforts na sana naaappreciate mo din.
Pero ewan ko ih. Very different lang talaga.
Dito ko nalang sa tumblr ikkwento. Kasi ayoko na rin siya iopen pa sayo. Ang drama kasi pakinggan. Hahaha
Pero I just want to let it out kasi.
Ayun.
Ate ko, I’m sorry for everything. Sa lahat ng sama ng loob ko na binigay ko sayo; sa stress; sa pagiging toxic; for bleeding in you;
Tumblr media
I am not asking you to stay (well ofc, I hope you would hehe), but if hindi na talaga kaya? Just let me know so I can move on.
Labyu,
Bunso
0 notes
sawawuu · 2 years
Text
Just another toxic-me day ;)
Few months ago, someone important to me told me how toxic I am to her, to all the other people around me, and to how I respond to certain situations.
Hindi ko makakalimutan yung araw na yun. Ay actually pala, very blurred yung araw na yun sakin pero that specific moment, that specific convo, hindi siya mawala sa isip ko. Pwede kasing tama siya. Pero pwede rin na mali siya. Depende yun e. Sa tingin ko. Depende sa tolerance? Haha Next time ielaborate ko yan. Wala diyan yung storya ko ngayong gabi e haha charot
So why this day is another toxic-me day? Bcos something happened. Medyo few weeks ago na rin pero mas natulak lang siya ngayong araw. And hindi ko na naman nacontrol kung paano ako nagreact. Confusing na nga actually. Pakiramdam ko ever since, invalid yung emotions ko. Parang wala na ba ko right magtampo? Wala na ba ko right magmukmok? Wala na ba ko right mayamot? Wala na ba ko right mainis?
Nandon yung doubt na, baka kasi kapag pinakita ko or sinabi ko yung tunay kong nararamdaman, magcause lang ng something. Kaya ending, itago nalang natin. Kimkimin nalang natin. Atin nalang. Sanay naman tayo.
Grabe. Kahit ngayong typing na ako ng nasa isip ko, hindi ko pa rin siya magawang iOpen ng todo. Haha Hindi talaga kasi ako palashare sa totoo lang. Konting tao lang yung pinagsasabihan ko talaga ng nararamdaman ko. Pero lately kinda disappointing... kasi yung one person na nakasanayan kong pagshare-an, medyo naging distant and cold na sakin. So parang hinahanap ko na naman yung lugar ko. 
Ang dami kong tinaboy ngayong araw sa totoo lang. Mga calls na di ko sinagot. Wala kasi akong gana makipagusap. At alam ko kasi kapag din nakipagkwentuhan ako, baka mashare ko lang. E ayoko na nga magkwento haha kasi feeling ko ang toxic ko na naman at this point. Kaya hinahayaan ko nalang sana lumipas. Funny nga puta, makarinig lang ako ngayong araw ng malungkot na kanta tas nagiimagine ako, naluluha ako. Hahahaha GANON NAKO KALALA NGAYON. Hindi naman ako ganito dati. Or kasi dati sanay ako na maraming tao nakapalibot. Sanay ako na makipaglaro at gumalaw. Pero dahil sa pandemic, nag isa ako e. Mag-isa lang sa kwarto all day. And it’s tough for me. Isa siguro sa factor yun.
May ishare ako next time. Naalala ko na ano yung ikkwento ko. Hahaha dito ko nalang ikkwento kasi wala naman nakakaalam nitong tumblr account ko. Anyway. Ayon.
Goodnight na siguro muna. Magmuni muni muna ako. Pero atleast nakahinga ako onti.
0 notes
sawawuu · 2 years
Text
Trust Issues
Hmm...
if I am going to trace kung san san nanggagaling lahat ng pagdududa ko, baka abutin tayo ng siyam-siyam. Haha Wala e. Ganun siguro talaga. May mga namimeet tayong tao na, hindi pwedeng magstay. Hindi lahat gustong magstay. Yung iba naman, siguro kinailangan lang din umalis.
Someone told me na, it’s not up to us e. Hindi natin controlled yung pagiisip ng mga tao sa paligid natin.
But we can always control how we respond, I guess? Pwedeng dalhin natin every day which can cause us, you know, pain talaga e. Extra baggage siya na dala dala natin if hindi natin ilelet go. But how do we let go of our past? Idk. Siguro kasi, it’s just so traumatizing to be left behind? Kada may mamimeet ka, hindi mawala sa isip ko na, baka isang araw, iwanan din naman ako nito. Sabi nga sakin, lagi ko daw kasi iniisip na gagawin sakin. E well, bakit, hindi ba?
---
Friendship </3
I’ve met a lot of people when I was younger. Always first impression ng mga tao sakin, maldita haha alam mo yun? yung hindi madaling iapproach. Sometimes, yes. Sometimes, no. Kaya parang pag nakajive na nila ko, nagugulat sila kasi gaga rin pala talaga ako haha
I have friends nung high school na hindi ko na friends ngayon. Sa barkada namin actually. Nagugulat nalang kami na, ay cut off na pala kami sa life nila. Haha We were just talking about this stuff last get together namin. Kung bakit may mga taong madaling mag-cut off? Sabi nga ni Talene, subukan niyo gawin. Hahaha but ofc, never namin namin gagawin yun. Goobil Ladies go way way way back pa. And what we have now, secured ako. I know. So, going back. Then after high school, I worked as a receptionist and Souvenir Staff ng one year sa JEDS. So I’ve met a lot of people na naging tropa na. And until now, barkada ko pa rin sila. But then there’s these two persons na nakaclose ko nung nagSouvenir ako. Kumare ko na sila pareho now. Haha so nagexpand yung barkadahan. Pero this person, mas naging close kami kasi kami magkasama sa loob. I mean, 12 hrs duty ba naman sa gabi ng dalawa or tatlo lang kami minsan diba. Tapos minsan no off pa yon. Buong buhay na yata namin napagkwentuhan na namin. Haha So we became really close compared sa iba namin tropa. Umaalis kami minsan. Movie. Dinner. Anything na trip namin. We’ve been friends for 4 years ata before something happened? I mean, until now naman naging tropa na ulit kami. Pero ayon, before kami magdrift, four years din yung pinagsamahan namin. And then, imagine bigla nalang siya nawala. :) Nung una, busy sa work and all kaya di na siya nakakasama sa mga gig ng trops. So okay. And then one day, No chats. No texts. No calls. Wala. Nagrireach out ako, kami. Actually, buong barkada namin. Nagtataka na. Kasi as in off the grid. Pero kasi sakin, double ang effect niya kasi mas close kami e. (see screenshots of messages on the next post) It was 2017, I guess?
And then one day, after two years, she came back :) You know, it was just so traumatizing losing a very close friend ng hindi mo alam ang dahilan. Yung tao na pinagkatiwalaan mo. Yung taong tinuring mo na rin na kapatid. Gone. Just gone. So ff, she came back with an explanation saming magbabarkada. And ayon. Up to now, okay naman na kami. Pero yung closeness namin, hindi na rin bumalik e. Idk. It’s just too painful for me yung mga ganong kaganapan. Don’t get me wrong, if she calls me at 3am bcos something happened, ofc I will always pick up :) But yeah, it is what it is.
And aside from that friendshipp break up. I have a lot of fair shares of betrayal stories ofcourzee.. Some other time, I will share it also haha makagaan sa loob ko. Salamats Tumblr :D
---
EX ;)
And of course, saan pa ba manggagaling ang mabigat na pagdududa sa mga tao, kundi syempre sa lalaking iniwan at niloko ako. Hahaha It was also the year of fvcking 2017. The year of many heartbreaks for me. 
So ayon. While I was busy reviewing??? haha para sa Board Exam ko, I thought everything is going right with this guy. He even met my family and you know.. 
Sabi ko nga, akala ko, nagkamali na ako sa part na,  I just can't believe you're mine. Pero mas nagkamali pala ako sa part na, In my life where everything was wrong, something finally went right. 
Dumating nalang ulit yung araw na hindi ko na siya makapa. Ofcourse, work and all again daw. Busy talking to clients. Meetings. I understand. Kasi may mga days pa rin naman na nadadalaw niya ko sa dorm until he can’t bcos daw dami niya ginagawa. Hanggang sa, I ask, what’s wrong. Bcos I can feel na may mali na e. And then he gave me this bullshit reasons na well, pinaniwalaan ko naman. Haha And then, one day. I saw her with the girl. Dun sa restaurant na gusto namin kainan. Ang tindi. And then, that’s the end of it. I just confronted him. At galit na galit ako that time. Never ko naimagine na darating ako sa point na yun. Na mangyayari sakin. (tho ineexpect ko na at some point, kakarmahin ako) Haha di ko lang inakala na sa ganung paraan din.
---
May mga araw/gabi ka nalang na mapapatanong ka, ano kayang kulang sakin? Bakit ako pinagpalit? Bakit ako iniwan? Nung mga panahon na yun, mabuti naman akong tao? Hahaha Until now naman, kahit naman gaga ako, okay naman ako as a person ah? hahaha Kahit ayaw ko, nauuwi pa rin ako sa self-blame. Ahh siguro kasi ang shitty ko talaga as a person. Ang toxic ko kasi. Ayon.
Sabi nga ng tropa ng kapatid ko, kapag gago ka, ganon ang istorya. pag nagpakatino ka, ganon pa din. So bakit pa diba? Hahaha
Kaya ayon. pakiramdam ko, Default mode na naman ako. Bahala na kung ano isipin ng mga tao ganon. Isipin niyo nalang kung ano gusto niyo isipin. Umalis nalang kung aalis. Ganun rin naman. Diba? 
Di ko alam. Pero I just feel like typing this down. Nayuyugyog na naman kasi isip ko. Daming ganap lately. Natitrigger yung mga past trauma and all. Natatakot ako na iwanan ako nung mga taong napalapit sakin, siguro. Overthinking yes. Pero minsan di ko talaga maiwasan mag-isip. Minsan siguro assurance lang din hanap ko. Takot kasi ako sa changes din siguro. Kaya minsan kapag may nababago sa paligid, feeling ko laging may mangyayari. Pero how hard it is ba na marinig mo na, don’t worry, I will stay as long as you know, fate permits haha Bakit ba bigla nalang kayong magiging cold? Bigla nalang kayong parang wala lang ako? Yun yung mahirap e. Haha Sabi ko nga, pinilit ko ba kayong pumasok sa buhay ko? Hindi naman diba? But you did. Bat di niyo mapanindigan? Oh well.. because, shitty ko din talaga. toxic. -.-
Wala. Ayon nga. Even how great you are minsan, how good you are. If puro bad nalang nakita sayo, wala. Same shit.
Sometimes, I asked, why do I care so much about all these people? E sila nga wala silang pakialam sakin. Na tipong if mawawala ako sa buhay nila, would they care? Hmm. I doubt.
Salamats, Tumblr.
0 notes
sawawuu · 2 years
Text
Tumblr media
Ride With Me
After 718247292872 years, nakapagset ulit kami ng ride 😅 And one word to describe lang talaga, SOLID.
We woke up at 3:00 in the morning HAHA Lintek ang aaga magising, pero subukan mong utusan sa ibang bagay mga di magising Haha plan lang talaga is Gabaldon kami. Pero we got there early kasi kaya ayon, since wala naman kaming ibang pupuntahan, rumekta na kami Dingalan 😂 Nagsearch nalang ako ng top destination haha kasi wala rin kami alam na puntahan don e. Then nakita ko yung Tanawan Falls. AY PRE. Heaven. Why? Wala signal. HAHAHA pinakamasarap lagi puntahan na lugar is yung mga walang signal. Hahahaha pagkaganon, kahit anong mangyari sa baba, BAHALA NA KAYO. Basta kami dito sa taas, tatalon haha
Sobrang worth it nung total of 8hr-drive papunta at pauwi. As in pag tungtong mo kasi Gabaldon, puro bundok at kulay green nalang talaga makikita mo. Tangina. Sabi nga namin, pwede bang dito nalang kami haha Ang swerte nung mga nandun, pag bukas ng pinto or bintana yun agad makikita. Grabe. Sobrang simple ng life. Ughh.
Then, may nameet kaming family sa Tanawan Falls. Sila lang kasi kaisa isang tindahan na meron don. AT PUTA! Binibigyan ako ng halaman na Monstera hahahahaha hayop. nahiya lang ako talaga 😂😂���� Kunin ko talaga yon haha bigay ko kay Ate hahaha
So ayon. Buong ride, grabe yung utak ko. Kung san san din tumatakbo. Ang sarap sa feels lalo pag ako na nagdadrive. Pagkaganon kasi, pakiramdam ko, sarili ko at sakay ko lang ang dala ko. Wala na iba.
Hindi ko maexplain ano mga naiiisip ko. Halo halo.
Meron yung kung paano ako magsstart na naman bukas sa work. Dami ko backlogs dahil pumetiks ako last week. Meron din yung kung paano ko itatawid itong week na ito ng matiwasay. Meron din yung kung paano ba ako iiwas sa mga tao. Ang hirap din kasi ng ganito yung personality HAHAHA yung tipong ang hirap magshare pero dahil ang daldal mo, gusto mo lang magshare haha pero syempre thats becos comfortable ako sa mga tao sa paligid ko e. Yun nga lang, yoko na sana sila maumay sakin. Yoko maging toxic sa kanila. Mga ganon bang bagay. So isip isip ako syempre pano ko gagawin yon and all. Pano ko sa mga moments na gusto ko sana kausap. Kaya naisip ko, itwitter at itumblr ko nalang.
Ayern. Tapos na yung long weekend. Time to go back to reality na ulit.
Pero kaya yan. Sus. Para yan lang. Lilipas din naman yan. Tangina. Napakabasic.
Thank you, Tumblr.
0 notes
sawawuu · 2 years
Text
It’s ME time!!
Hi!
Been a while since I open my tumblr account. Well, pakiramdam ko lang this time, I have a lot of thingz to say.
Sa sobrang dami, wala ako mailagay. Haha
Hmm, to start. I've been on a idk what you can call it, pero hiatus ba pwede? Facebook Hiatus 😂 Platform na full of judgmental peops haha I only have twitter and IG now pero kasi dito sa accts nato, I can be me e. Tas bahala kayo diyan. Haha So why, hmm. sa FB kasi ang daming nakikita. Ang dami kong nababasa. Ang daming pwedeng magtrigger ng feelings ko and all. Tapos ayaw ko magshare ng posts na pwede akong makarelate tapos isipin ng ibang tao for them yon. Di ko alam. Pero ayon, okay sakin minsan kahit papano tahimik lang. No notifs. :)
Next, eto na naman ako sa puntong ayaw kong pumasok. Haha Sunod sunod na naman kasi akong umaalis. At ang sarap sa feelings!!! Grabe. Sobrang free lang. Alam niyo yun? Yung walang iniintindi. Inom dito. Drive don. Tambay dito. Kain don. DAMN. FEELS SO GOOD.
Yoko na bumalik sa reality. Haha Yoko na bumalik sa mga work orders ko. Yoko na makipagulayaw sa support teams. Yoko na umupo sa harap ng laptop ko mag-isa. Gusto ko na ng mga katabi sa desk. Gusto ko na yung may mga taong kaharap. Gusto ko na yung may mga taong kachikahan at kasabay kumain. Gusto ko na bumalik sa mga gabi na pwede kaming umuwi kahit anong oras. Kahit pa maaga pasok kinabukasan, sige lang. bayo lang. Pero hindi pwede. Hindi pwedeng puro saya lang. Hindi pwedeng huminto yung buhay sa magandang parte lang. Hindi pwedeng mag-stay yung buhay sa parte lang na parati kang masaya. At some point, kaya natin naaappreciate yung magagandang bagay, yung tinatawag na masayang parte ay just because galing tayo sa lungkot. galing tayo sa pain. galing tayo sa masakit na part. Sabi nga ng boss ko sakin, Without sadness, happiness has no meaning. And yeah, he's right. Paano ko madidifferentiate yung mga bagay bagay kung parating pareho lang. Paano ko malalaman na masaya pala ko kung di ko nararanasan masaktan or malungkot. But you know what, Tumblr, yeah. you. I'm talking to you. HAHA I've been too sad for a while now. Parang tama mga tao sa paligid ko. Tama si Ate. Tama si Kuya. Parang ang ginagawa ko ngayon e tambayan lang yung sitwasyon ko. Wala akong ginagawa para umusad. Nakatingin lang ako parati sa negative. Sobra. Yung gulo ng isip ko ngayon. Yung gulo ng pakiramdam ko ngayon. Sa totoo lang, wala naman makakaintindi e. Ang daling makarinig ng payo from other people. Gets ko lahat yon. Naiintindihan ko. Pero minsan, actually madalas. Ang kailangan ko lang naman, sasama sakin. makikinig sakin. kahit wala na kayong sabihin. Maramdaman ko lang na hindi ako mag-isa sa pinagdadaanan ko (tinatambayan na nga ata, ayaw umalis e 😂) Ang daling sabihin na, try to move on. try to look forward for better days. Of course, sino ba namang ayaw diba. Pero gusto kong sabihin na, sa pagkakataon nato, talagang nasa rock bottom ako. Sa ilalim pa nga ata ako ng rock bottom 😂 Sabi nga ni Rachel, there's rock bottom, a big pile of shit, and then there's me. Haha And sa totoo lang, I am craving ba tamang term for attention. for care. for love. Longing yung feeling ko parati. Ang dami ko kasing issues sa sarili ko na takot na takot ako harapin. Takot ako mag-isa. Takot ako maiwan. Kaya parang sa twing nakakaramdam ako ng changes sa paligid. Sa mga tao. Natatakot ako. Kapag nararamdaman ko na may nagsslide sakin, ang nangyayari, ginagrasp ko. Inaagapan ko sana. Turned out, nagiging clingy tuloy ako. Which is, idk, wrong ba? Wrong daw. Kasi dapat daw matutunan ko na kayanin mag-isa. Na hindi umasa sa mga tao. Which is true naman. Pero all my life, ako na yung naging sandalan ng mga tao. All my life, ako yung kailangan parating matatag. Actually until now naman. Pero for once, hindi ba pwedeng ako naman yunh magbreakdown? Hindi ba pwedeng ako naman pakinggan niyo? Hindi ba pwedeng ako naman yung umabot sa point na pinagsasawaan niyong pakinggan? Haha Hindi sa sinusumbat ko, pero putangina, nung kailangan niyo kong lahat, andyan ako ah. anytime. Nung kayo yung nasa kalagayan ko, wala naman kayo narinig sakin. Pero bakit nung ako na nasa kalagayan nato, ang kailangan ko gawin is tumayo sa sarili kong mga paa? Hindi ko sinusumbat ah. Kasi lahat ng ginagawa ko para sa mga mahal ko, ginusto ko at gusto ko pa rin gawin yon lahat. Pero siguro, nakakalungkot lang na, hindi lahat ng tao sa paligid natin, kagaya natin. Hindi lahat kayang gawin yung ginagawa natin for them. Pero don't worry, kahit kasi ganon, ready pa rin ako gawin yun para sa inyong lahat. Masaya akong ginagawa yun for all the people I love. Minsan nga, mas masaya ako na hinahanap ako. Kasi pakiramdam ko sa mga ganung pagkakataon, importante ako. Pakiramdam ko may bilang ako.
Ayon, di ko na alam anong punto nitong tinatype ko. I am just saying yung mga gusto kong sabihin. Bahala na kayo. Haha and besides, kung ayaw niyo naman basahin. Edi wag. 😂 This is for me naman. Para makaluwag. Para makapagsabi ako ng nararamdaman ko and not bother people.
Oooohh. I should do this siguro more often. Baka by this, medyo makaluwag ng dalahin. Manawa ako sa sarili ko ganon. Manawa ako pakinggan at maglubay ako. Hahaha
So ayon. Sa ngayon, ito na muna. Parang wala pa ako maiduktong e. 🙃
Thank you, Tumblr.
0 notes
sawawuu · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media
0 notes
sawawuu · 5 years
Text
Si-Way
It’s been a year and a half simula nung magkasama sama kami. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagsimula kami after ng election last 2018. Out of frustrations and unfulfilled dreams, something wonderful came up.
Hindi ako nahihiya na madalas, hindi pa rin nawawala na masabihan kami na, “ahh sila ‘yung mga natalong SK”. I will always be proud na parte ng pagkatao ko ngayon ang pagkatalo ko noon. Sabi nga namin, mga KKB kami. Kabataang Kinulang sa Boto. Hehe But, hindi ibig sabihin nun na we are against sa mga leader namin ngayon. We build an organization because we just want to continue what we promise on our campaigns. Dahil naniniwala ako na kahit hindi tayo nanalo, kahit hindi ka tumakbo, basta mayroon kang puso na maglingkod, mayroon kang magagawa. It doesn’t matter kung maliit or engrande, as long as mayroon kang ginagawa para sa bayan mo, it will always be more than enough.
Hindi madali ang magbuo ng isang organization. Maraming factors ang kinoconsider. Hindi naman pwedeng kumuha ng mga miyembro na kung sino sino lang. Kaya most of our officers and representatives talaga ay mga hindi pinalad noon, because alam namin na mayroon silang will to serve our beloved Calumpit. Sobrang blessed na rin namin dahil tinanggap kami ng buo ng aming Adviser na palaging nakasuporta sa amin.
And why am I doing this? Gusto lang sila i-flex. Gusto ko lang ipakita kung gaano rin ako kaswerte na mapabilang sa grupong ito. Gusto ko rin na makilala niyo pa kami. Na we are more than just, “mga hindi pinalad”, “mga talunan”, ika nga ng iba. Na ang Kabataang Calumpiteño ay may pakialam. I wanted our organization to inspire also other people. Hindi lang mga Kabataan.
 As the President, I do not want this organization to make a difference. Yes. I just wanted this organization to inspire other people to do the same. In that way, I think, it is basically the same.
I am very thankful that they’ve found me. Yes again. Hindi ako ang nakakita sa kanila. Sila ang nakahanap sakin. Lalo nung mga panahon na kahit ako, hindi ko na makita ang sarili ko. Nawala ang purpose ko. Akala ko winning the election means everything. That’s my dream since forever. Pero hindi pala. If you really want to do something, if you are really determined to pursue what you want, you cannot let yourself be caged by failure. Ang daming paraan to fulfill your dreams. Kailangan mo lang makita ang mga taong tutulong sayo at hahatak sayo pataas. That is why I am glad to be with these great and amazing people.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hindi ko alam kung hanggang saan kami tatagal. Pero masaya ako kung maipapasa namin ang aming mga nasimulan sa mga tamang tao pa rin.
Si-Way. 
Sila ang naging Daan ko para makita at magawa ko ang pinapangarap ko. 
Tumblr media
0 notes
sawawuu · 5 years
Text
Five
On my way home last Friday, nakita ko ‘yung tweet ng barkada ni Mikmik. Sabi niya, she still constantly wondering what would their barkada life would be if he’s still with us. Siguro daw nangunguna sa walwalan ‘tong isang to. Siguro daw magugustuhan din niya mag-SAMG. (But you know what, I doubt that. Haha mahal yun. Kuripot nito e haha) Then, while I was reading it, naiyak nalang ako. Halo-halong emosyon yung naramdaman ko.
Nanghihinayang ako. Nanghihinayang ako kasi hindi niya naranasan magbayad ng kuryente at tubig. Haha charot. Srsly, nanghihinayang ako kasi hindi niya naranasan yung mga nararanasan ng mga barkada niya ngayon. Maghanap ng trabaho. Kumita ng sariling pera. Bumili ng mga gusto niyang bilin. Magbayad ng bills. Mag-walwal kahit na wala ng pera. Maramdaman ‘yung Petsa de Peligro. You know, ‘yung nagkaroon ng normal na buhay. Kahit maraming challenges, masarap pa rin naman talaga mabuhay. Nanghihinayang ako kasi alam ko malayo mararating niya. Sayang, hindi niya na naabot yung pangarap niya...
Nalulungkot ako. Hindi naman sa lahat ng oras nagagawa namin magmukmok. Hindi naman namin pwedeng ihinto ang buhay. Kailangan namin lumaban pa rin. Nakakatawa kami, oo. Pero every time na meron event sa mga buhay namin, nandun pa rin ‘yung, “Sana nandito ka...” Lalo na kapag bayaran na ng kung anik-anik, “Sana nandito ka para ikaw magbayad niyan.” Hahahaha De, alam ko kasi na malaki ang pangarap mo para sa amin. Alam kong magiging successful ka...
Nagagalit ako. Sa mga taong parang walang pakialam sa inyo. Kasi nga naman, normal ang buhay nila e. Kumpleto ang pamilya nila. Nagagalit ako sa mundo. Kasi kung sino pa ang naka-argabyado, parang sila pa ‘yung masaya. Pero alam kong darating din ang panahon na makukuha rin namin ang inaasam naming hustisya. Oo, hindi naman na maibabalik ang buhay niyo kung matanggalan sila ng benefits, mawala sa posisyon o kung anuman, pero malaking luwag sa kalooban kung mapapatunayan na guilty sila sa kapabayaan. Na kung may pakialam sana sila sa inyo, hindi mangyayari ang lahat...
Pero masaya na rin naman. Magaan sa loob na mayroon pa rin mga taong nagdadasal para sa inyo. May mga tao pa rin na nagmamahal sa inyo at hindi kayo nakakalimutan. Masaya na rin naman dahil alam namin na you are all in a much better place now. Masyadong masalimuot ang mundo. Sa parte na yon, medyo maswerte kayo ng konti. Kaya masaya na rin ako para sa inyo. Na nandyan kayo sa lugar na safe kayo; na magkakasama kayong magkakaibigan; na alam namin na hindi kayo makakaramdam ng lungkot...
Hindi naman na mawawala sa amin ang magtanong na ano nga ba ang buhay namin kung nandito kayo? Habang buhay na namin dadalin ang tanong na yan. Kagaya ng habang buhay na rin namin dala dala ang sakit, lungkot, galit. Isa nalang din naman talaga ang hiling ko sa ngayon... Sana wag mo na kami masyado iniintindi. Para talagang peaceful ka na, kayo. 
Tapos na ang laban niyo sa buhay. Kami naman. 
Patuloy kaming lalaban para sa inyo...
Tumblr media
1 note · View note