Text
Pandemic
Wow, I’ve been trying to do my best to keep myself as busy as possible this pandemic but I haven’t thought of me going back to Tumblr and post an entry.
Imagine, I was just browsing through internet and then some demon whispered “tumblaaahhhh” in my ear. It feels so good to be back. I hope I can be back for good because I wanna keep a diary but too lazy to write in a ‘not-so-aesthetic’ notebook. Maarte jud ko, sorry na.
But first, lemme backread. :D
2 notes
·
View notes
Text
Sinulog 2017
Whew! Sa sobrang sabog, ngayon lang ako nakapag-update. 3 araw na tuluy-tuloy na party tapos ang tulog 3 hours lang, di nga ba kayo masasabog nyan?10 days kame don sa Cebu ni Julie Ann kasi 11 kame dumating, 21 kame umuwi.
Day before ng byahe, don kame nagstay kina Alyssa kasi makikisakay nga kame sa car nila since pupunta rin naman daw ng Cebu ang parents nya. Walanghiya talaga kame no? Di sasama ang anak pero ang kaibigan ng anak, sasama parin. Hahahaha. 3 kame nina Mark Paul and Julie ann. Akala ko ba joke lang yung pick up daw ang gagamiting service papuntang Cebu tapos sa labas lang kame, kaso kame pala ang najoke kasi hindi joke yon. 12am na ako nakasleep tapos 3am pa ang byahe sa sobrang excited ha naligo ako kahit alam kong bawal whew. =)
Ayun nga, masaya pa kame nung una don sa labas ng pick up kasi bya tumblr post ba na roadtrip with friends tapos lipad lipad ang hair and all kaso nung ilang oras na, naiiyak na kame sa sobrang hilo. Naka-dalawang suka na me kaagad ZC to Liloy pa lang so tinulog ko nalang ng ilang oras hanggang sa ginising ako na nasa Manukan na raw. Kumain kame ng lunch sandali. Ayoko man talaga kumain kasi nasusuka pa ako plus nasasayangan lang ako kay alam ko I’ll just puke it out. (PAK ENGLISH HA!) kaso pinilit ko parin sarili ko kasi ako parin kawawa sabandang huli. Sukang suka ako nung sinubo ko yung manok so nagbaon na ako ng plastic nung pag-alis namin sa carenderia. Pag-andar namin, natulog ako ulit pero sumuka ako before that. -___- (told ya, sayang)
Dapitan bound, sumaya na ulit ang diwa namin kasi sasakay na kame ng barge papuntang Dumaguete. (You know naman how much I love the ocean view) badtrip na badtrip pa ako nung una kasi premium na lang ang meron vacant seats so sa loob kame which is aircon, walang view. Hilo mode na naman. Sumuka ulit ako, guys ha? Walang wala nang laman ang tiyan ko pero pinipilit parin ako ng suka na iluwal lahat, nahihiya na nga ang lamang loob ko parang anytime magvovolunteer na ring lumabas.
Since nag-CR na rin naman ako, tinake ko na ang chance na lumabas dun sa room at mag-stay sa labas. Tuwang-tuwa ang bata bes ha kahit na mag-isa ako sa labas. Tulog kasi the bestfriends sa loob.
After non, kumain kame sa Dumaguete then off to port once again. Naabutan kame ng ulan so no choice kame. Hello? Hindi ang ulan ang mag-aadjust.
Masaya ang barge ng Dumaguete to Cebu kasi walang tao. Kame lang pati yung mag-couple na kano. Masama pa talaga yung panahon. Saktong sakto sa theme ko sa instagram. Hahahaha. Picture picture.
Pagkarating pa lang namin sa Cebu, binaba na kame ng parents ni Alyssa sa may sakayan ng bus cos mag-o’oslob sila 1 night pero kailangan na naming bumalik sa Cebu City.
4 hours na byahe ha. 4 hours. Timing na may naf’feel pa akong hilo. Pagod na pagod na akong sumuka so dinaan ko ulit sa tulog. Si manong na nasa tabi ni Mark Paul naman everytime na tanungin namin kung malapit na, hindi umaandar yung oras nya. Lagi nyang sinasabing 4 hours kahit naka 2 hours na kameng tumatakbo. Yung tipong hindi ko na magalaw ang ulo ko kasi anytime soon lalabas na naman ang laman ng tiyan ko.
Nakailang gising na ako, hindi parin kame dumadating. Bwiset na bwiset na ako tapos nung nakita ko na ang signage na Bulacao, nakahinga na ako ng maluwag bes.
Bumaba kame sa Bulacao, Jollibee since sinabi nilang dun daw kame susunduin ng pinsan ko. Dun nga talaga! :D
Pagkarating namin sa bahay namin, wala na kameng ganang kumain. Gusto ko nang humiga at matulog ng sobra kaso you can’t say no to lola. Pag sinabi nyang kain, kain. Kumain kame kasi bumili sila ng bucket meal tapos naligo, natulog. Alangan naman magparty party pa kame 9pm na kame nakarating ng Cebu.
0 notes
Text
Late post 06-04-16 Gustong gusto kong maligo sa Anuling. Marami kasi talagang falls don. Namiss ko na rin yung lugar na yon. Dun ko nagawa yung first cliff jumping ko at ang saya bwiset. Pinilit ko mga friends kong makijoin sa kagaguhan ko kaya ayon sa 10 na magbarkada, 4 lang nagpakita buti nalang at sinama ni Chini si Roy, so naging lima kame. Drawing kasi tong iba eh. 1pm palang, bumyahe na kame gamit motor kasi malayo yon. Mga 1 hour drive rin galing sa bahay. Syet, imaginin nyo lang ang init that time, hindi biro. All covered naman kame. Taas-baba-taas-baba. Di biro ang daanan papasok. Ang taas talaga. Nadismaya ako nung pagdating namin don. Yung malalaking bato na inakyatan namin pang cliff jumping, nawala na. Naging dam na sya. Nainis ako don. Tapos sabi pa nila, sa pinakataas na lang daw, marami nga kasing falls don kaya maraming pagpipilian. Kaso natakot na kameng umakyat gamit ang motor, baka kasi di na makayanan kaya pinark namin sa may kubo tapos naglakad paakyat. Picture picture syempre, di mawawala yang snapchat na yan. 😂 Ilang hakbang palang pataas, sumusuko na si Ate Kelly. Hahahaha payat kasi, kame pa tong chubby ang nauuna paakyat. Pagdating namin sa may flat surface, sinilip namin yung baba, tangina brown yung kulay ng tubig. Ulan daw kasi sa pinakataas. Huhuhu. Nasayang effort namin. 😭😭😭 alam nyo yun, ginawa nyo ang lahat, uuwi lang pala kame ng tuyo. So ayon, uuwi na sana kame nang naihi ako kaya nakiihi muna saglit. Paglabas ko ng bahay ni Auntie (hindi ko kilala pero nakiihi ako sa bahay nila) umuusok na naman. Naging tambucho na naman sila friends. Tatlo kasi sila ni Roy, Ate Kelly at Bugs ang naninigarilyo. Nagcoke muna kame bago bumaba. Nakareceive ako ng text galing sa papa ko na pumunta daw ng Wesmincom Navy dahil may party daw don. Family day kasi so libre food at ligo. Hahahaha. Dumeretso kame don kaso pagdating namin, nagsisiuwian na kasi 4pm na yon eh. Don namin naalala na wala pala kame naglunch. Huhubells. Nakakaawa na talaga kame. Since may jollibee naman malapit, nagburger steak na lang kame ganyan talaga pag poorita problems. Kame na lang ni Roy ang nagdrive thru para less hassle. - Pansin ko rin na mejo close na kame ni Roy sa dami ng napagusapan namin. 😂 Kumain na nga kame, ayun. Lahat tahimik. Walang ngumunguya, lahat tulon kaagad. Tapos ayun. Hoy, wag kayo. Ang linaw ng tubig sa Navy. First time namin don kasi bawal yun for outsiders. Shet ha? Tapos ang linis ng lugar. Nagsisi tuloy kame ba't pa kame pumunta punta don sa Anuling na yon. Badtrip. Pero naligo parin kame. Nakahawak pa si Chini ng ebak that time, patanga tanga kasi. 💩🤗 Umuwi kame mga 7. Wow! Hahahaha
0 notes
Photo

Point ko is, kawawa naman ang boobs ko. Di na nahiya yung pwet. Cheret! 😂
0 notes
Text
So, ayun na nga about sa bisita ni Roy.
Lalaki yun tapos una kasi kame dumating diba? Kame ang first bisita so kame nakaupo sa sala nila. Tapos dumating bisita nya, etong si tita (na hindi naman may-ari ng bahay, kapatid lang ng mama nila Chini) tinawag si Roy at dinala don samin. Pinagalitan si Roy. Huhuhu. Kawawa naman.
Sinabi ba namang “Ano ba yang bisita mo, patanggalin mo yang sapatos nya ang dumi dumi.”
THE HECK!? Bisita yon. Fiesta yon! May bisita bang pinapatanggal ang sapatos?! Napahiya si Roy. Syempre pati na rin yung bisita nya. May part rin na napahiya kame kasi nakasapatos kameng LAHAT!
Naaawa ako kasi everytime na lalabas pasok sya, tinatanggal nya na talaga ang shoes nya habang kame nakasapatos. Bwiset! Hindi naman kanya yung bahay ah? Hindi rin naman sya yung nag-lilinis. Di naman masyadong madumi ang sapatos dahil di naman nag-iiwan ng marka. Akala kasi namin yung maputik talaga, wala naman. Parang di lang nalabhan ang sapatos eh. Oa lang si tita.
NABATRIP AKO THE ENTIRE DAY DAHIL SAKANYA! AT GALIT NA AKO SA LAGAY NA TO.
0 notes
Text
Fiesta Pasobolong
8May 28, 2016
Grabe yang experience ko. Fiesta nga kasi sa baranggay nila Chini so pinaghandaan na namin tong overnight na ‘to. Nagpakabait ako sa parents ko ng 2 weeks para payagan ako, thank God, pumayag naman.
Otapos, wala nga masyadong bisita eh kasi hindi nag-invite yung mama at si Joshua (aba, dapat lang. Charot!). 10am palang, andon na kame ni Julie Ann tapos humabol lang sila Mark Paul at Bugs. Boring pa non kasi walang videoke, wala kameng magawa kundi magtitigan.
Meet Mark Paul the gay & Me

Andon si Roy (Pinsan ni Chini at Joshua na naging ka-chatmate ko dahil sa pagrereto sakin kay Josh nung mga panahong nasa Manila pa sya) medyo close kame ne’to dahil nagkakasundo kame sa pagmumura. Pero medyo mailang na sya sakin ngayon, di masyadong namamansin eh, akala mo di ako sinasabihan ng putang ina sa chat. Bwiset. Namiss ko na sya. -___- //May bisita rin si Roy, may kwento rin ako about sa kaibigan nya na ikinabwiset ko talaga. Pero mamaya na, unahin ko muna yung akin.
Tapos si Joshua, sa kwarto lang tumatambay so... wala talaga. Bored na bored na kameng lima hanggang sa nag-alas singko na, nagpaalam kame sa papa ni Chini kung pwede sabihin nya sa kapitbahay na maki-videoke kame since wala naman na silang bisita. At ayun, pumayag!!! Saya ko, bes.
Kantahan lang kame na parang wala nang bukas. Naka-duet ko pa si Joshua na “Bakit ngayon ka lang”. ‘di nya lang alam, yun rin ang gusto kong sabihin sa kanya. Lundeh!
Tapos, mga 8pm dumating na sila Ate Kelly at Bernele. Complete na kame so umuwi na kame ulit kila Chini at kumaen ng dinner para makapagstart na sa inuman. Whoo!
Nakapag-one shot na ako ng empoy ng bigla akong tawagin ng mama ni Chini at pinapakanta ako sa isa pa nilang kapitbahay dahil ipapakilala nya na daw ang “singer na girlfriend ni Joshua”, pwedeng magwala? Si tita naman kase. Kumanta ako ng 2 songs, dahil gusto ko nang makainom. Bumalik na kame ni Chin kahit pinipilit parin ako ni tita.
Nakapag-apat na shot na kame, at nahihilo na. Bwiset ang weak! 5 lang kasi kameng umiinom tapos 3 bote ng empoy. Badtrip, aalis si Joshua that time dahil pupunta raw syang fonda. Andun pala yung boyfriend nya, host kasi sa program. Nabwiset lang ako dahil sakin pa talaga sya nagpahatid para magkita sila ng boyfriend nya ha? Kapal. Since hindi ko sya matiis, hinatid ko paren. TAKE NOTE: NAHIHILO NA AKO! Nahihirapan na ako sa pag-balance.
Pagbalik ko, ayun. Kasama na si Roy sa inuman. At last, nakausap ko na sya ulit. Birthday nya kasi May 29, kaya sabi namin di kame malalasing hanggang 12am! Eh, 11 pa lang tumba na kameng dalawa. Hahaha!




Actually wala akong maalala, ang naaalala ko lang, sinabi ko sa tita ni Joshua na bading sya at may boyfriend sya which is kinatatakutan ko ngayon dahil patay na ako kay Joshua. :( at nagkahawakan kame ng kamay ni Roy the whole time at ang panghuli, binuhat ako ni Josh papuntang kwarto. Bwiset!!! KINILIG AKO SA BADING POTA!


Yan, yan kame ni Roy. At nahuli raw kameng ni Joshua na nakaganon. Eh sa gago sya, buti nga kinomfort pa ko ni Roy. Hays sadlyf.
Kinabukasan. awkward na awkward kame ni Roy, pati na rin kay Joshua! Kaya kahit hangover ako, umuwi na kame kaagad. Di na mauulit yung iinom kame don kila Chini. Bwiset. Tuwang tuwa rin ang magulang ni Joshua eh.
0 notes
Text
05.14.16 Napaka-unhealthy ng araw tong petsang to. Nagsama sama ang mga taong nauhaw e. Ininvite kasi ako ng close friend kong si Ate Kelly na uminom don kila Chini. (Makabanggit ng pangalan, kala mo kilala nyo e) oh tapos nakatira yon sa bundok. 30minutes travel galing town papunta don, since gusto ko rin magchill at magdrive pumayag ako. Kaso naginvite rin tong bestfriend kong higante na paalis na dahil sa Cebu na siya magsstay for good. Since 10pm pa naman yon, pumayag ako. Wow! Don palang kila Chini, ramdam ko na ang tipsy. 3 lang kasi kame tapos isang bote ng gin. Tinatawanan lang kame ng parents nya e. Ang cool. Bwiset. Buti nga dumating yung kapatid ni Chin nung paalis na kame. Sya nga kasi yung crush kong si Josh. 😝 (o tapos?) Tapos ayon, nung pauwi na kame ni Ate kelly mejo hilo kasi ako non nakisabay pa nanay ni Chini pabalik ng town kaya kailangan kong magdrive na parang hindi nakainom. Sobra kong triny ang best ko na ibalance ang motor - success naman. Nung nasa Daniels na ako, don na nagstart na magblack out ang isip ko. Wala ako masyadong maalala. May mga videos akong nasnapchat at yun lang maalala ko. Pota! May binablackmail pa mga kasama ko sakin na may video akong breathless. Hays. Tapos nagpahatid ulit ang kaibigan ko, bwiset yung foot break ginagawa ko nang kambyada e. Naaalala ko yon kasi nagreklamo ako sa kaibigan kong di machange gear. 😑 Umuwi akong 1:30am at buti nalang tulog na mga magulang ko. Hay salamat! Nong tinanong nila ano oras ako umuwi, sinabi kong 12. Di ako pinagalitan. 😋 Thanks, Lord. Lasenggo na sa lasenggo pero di ako yumoyosi. 😌
2 notes
·
View notes
Text
Okay lang naman magka-ex eh. Syempre, normal na yan ngayon. Kaso first time kasi naming dalawa ng ex ko na magka-ex. Gets? Hahaha. Eh kaso bwiset. Napakabitter ng mga gago. Silang dalawa ng girlfriend nya, of course feeling ko pinag-uusapan parin ako kasi panay post ni girl ng mga napakabistong clues na ginagawa namin dati e. Tangina. Ganun ata talaga ‘pag bata yung girlfriend ng ex mo tapos nakisali pa pagka-immature ng ex mo. Hay. Nakakarindi lang naman, pati nga mama ko napamura na’t muntik na magmessage kay Jose e. Ayoko na ng gulo pero naghahanap taalaga to ng paraan ang mga to e.
Uuuuyy, di pa nakakamove on sakin. Hahahaha. Wag ka na mag-papansin, papansinin naman kita pag nagkasalubong tayo e. Ikaw ba naman, 6 years rin pinagsamahan natin. Hahahahahahaha. Labyu.
0 notes
Text
I don’t have the time or energy to lurk on people so don’t assume I know something about you just because you put it on social media.
Except if your that special enough. ;)
0 notes
Text
Deactivate sa Twitter
Rason kasi is, lagi na lang ako Twitter ng Twitter, pagkamulat pa lang, kakapain agad ang phone sa sidetable para icheck ang Twitter tapos bago matutulog, magt-Twitter na naman. Ina-adjust ko na sarili ko sa Twitter na yan kaya nagdecide akong madeactivate at gumawa ng bago pero less following para di na ako ganahan mag-update.
KASO... may nagfeeling pala na, akala nya kaya ako nag-deactivate dahil sakanya. Tangina naman. Di lang pala usisera at pakealamera to. Assumera pa. Di nya siguro alam na naka-mute sya eversince finollow back ko sya. Nas-stress ako. Ganyan talaga ako ka-Ph3ym0uZxs
Sorry b3h, di kita naisip sa lahat ng plano ko. Ba’t ka kasi pumapapel. -____-
0 notes
Photo



O diba? Ang kyot? Hahahaha. Bwiset. Crush ko nga pala, guys. Hays!
Gan'to kase yon, bigla bigla na lang tong nag-invite mama nya na sumama daw sa family outing nila. Nakakatouch. Nahiya pa ako nung una at nagpahard to get, eh nabalitaan kong pati mga tita nya at pinsan nya na ang nagtatanong kung sure ba raw ako sasama kaya um-ok na ako. Tangina, sarap sa feeling.
Anakan mo na ako, crush. Charot! Wag nga kayo ganyan. ☺️
0 notes
Text
Shit lang
Ang saya ko. Di ako magsisisi na may motor akong pinautang sa mga magulang ko. Tangina! Ikaw nga, umangkas kasi crush ko kanina tapos tatlo kame so, sya sa gitna tapos tumatama talaga yung katawan nya sakin. Hay. Putragis, di ko nga mabilang ilang break yung ginawa ko para lalo dumikit katawan nya sa likod. Hahahaha.
Sorry nay, malandi na talaga ang anak mo. :( Wag nyo po sana ako itakwil.
0 notes