Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Kaalaman Tungkol sa Paaralan ni Don Bosco
Celimen, Jethro Aldrich T.
11-3 Quadrio
Impormatibo
Ang Don Bosco Technical Institute of Makati ay isang pribadong institusyong pang-edukasyon ng Katoliko na pagmamay-ari at pinapatakbo ng mga Salesian ng Don Bosco (SDB). Ang campus nito ay matatagpuan sa Chino Roces Avenue Makati City, Metro Manila.
Ang Don Bosco Technical Institute-Makati ay isang paaralang Katoliko na animated ng mga Salesian ng Don Bosco. Itinatag noong 1954 sa pamamagitan ng pangungunang pagsisikap ni Fr.Carlo Braga at ang kanyang mga confreres. Ang institusyon ay nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa Grade School, Junior high, Senior high, at mga mag-aaral ng Technical Vocational Education Training Center. Kasama ang Mga Kasosyo sa mission, inihahanda nito ang mga mag-aaral na maging Lingkod-Pinuno sa lipunan. Ang Don Bosco ay nakatuon na maging tapat sa charism at misyon ni St. John Bosco. Ang paaralan ay ipinangalan kay St. John Bosco na ipinahayag ng Simbahang Katoliko bilang "Ama at Guro ng Kabataan." Inialay ni San Juan Bosco ang kanyang buhay sa edukasyon ng mga kabataan. Upang ipagpatuloy ang gawaing ito, nagtatag siya ng isang relihiyosong kongregasyon ng mga pari at kapatid - ang Mga Salesian ng Don Bosco. Don Bosco-Makati ay isang nakakaalaga, tumutugon, nakatuon sa pananaliksik, at makabagong paaralan ng Salesian para sa mga kabataan.
Ang Senior high ay may mga academic program na Accountancy, Business and Management (ABM) Strand, Humanities and Social Sciences (HUMSS) Strand, Science Technology Engineering and Mathematics (STEM) Strand, at and Arts and Design Track. Ang layunin ng Don Bosco Senior High School ay ihanda ang mga mag-aaral para sa tertiary na edukasyon at / o bigyan sila ng mga kasanayang panteknolohiya para sa pagkakaroon ng hanapbuhay o sariling trabaho sa isang mabilis na paglilipat at progresibong globalisadong kapaligiran, muling kumpirmahing, palakasin at paigtingin ang espirituwal, moral, sibiko, pangkulturang, emosyonal, pisikal at intelektwal na pagbuo na nakuha ng mga nag-aaral sa Junior High School, bigyang kapangyarihan ang mga mag-aaral na maging tagapagtaguyod ng pagbabago sa lipunan, at maghulma ng mga mag-aaral na sumasalamin sa mga halaga ng isang makabagong, pag-aalaga, tumutugon at oriented na pananaliksik na institusyon.
0 notes
Text
Unang araw ko sa Don bosco Makati
Gonzales, Anton Sebastian G.
11-3 Quadrio
Naratibo
“Welcome sa Don Bosco Makati Technical Institute Makati” sabi ng guide namin. Ako’y nakatayo sa tinatawag nilang main lobby, kasama ang mga iba pang bagong estudyante. Ngayon ay ang unang araw ng mga klase na F2F. Ako’y baytang 11 ngayong taon, ngunit huling termino na namin ngayon. Medyo nakakalungkot isipin, kaya’t mas magandang di’ nalang isipin. Nang kami’y mukhang handa na ay nagsalita ang guide namin at sinabi: “Alright boys and girls, sundan nyo ko at simulant na natin ang tour nyo”. Nang marinig namin ‘yon ay nanahimik kami at sinundan sya sa paglakad nya. Unang dinaanan namin ay ang isang malaking dome na tinawag nyang Savio Dome, kung saan naglilibot ang iba pang mga estudyante. Habang kami’y naglalakad sa susunod na dome ay tinuro saamin ang lugar ng mga silid aralan ng Junior High. Sunod ay ang Magone dome, na may hati sa tatlong court na may iba’t-ibang kulay. Naglakad kami papunta sa gitna, at tinuro ng guide namin kung saan ang entrance para sa nga grade school, kung saan ang school supplies, at kung saan ang mga silid-aralan ng grade school. Mula doon ay pumunta kami sa cafeteria, at kami’y umikot ng saglit doon para makita daw namin ang mga pagkaing binebenta doon. Naglakad kami muli, ngunit ngayon ay papunta kami sa cafeteria malapit sa football field, dinaanan lang namin ito ng saglit ngunit nabigyan naman kami ng sapat na oras para makita ang mga binebenta doon. Kami ay lumabas kung saan kami nanggaling at pumasok sa lugar ng pool. Mula doon ay tinuro ng guro kung saan ang bihisan at paliguan. Pagkatapos noon ay lumabas kami sa lugar ng pool, lumagpas muli ng cafeteria, kumanan sa may hagdanan, at umakyat sa isang maliit na pook tambayan. Habang kami ay naroon ay tinuro samin ang karugtong nitong parte at kung saan makakababa/makakaaakyat galling doon. Nang masabi ng guro ang kanyang sasabihin ay bumaba kami ng hagdanan, at pumunta ng gym, at sa isa pang gym sa likod . Pagkatapos noon ay pumunta kami sa bandang likod ng football field, sa pasukan ng cafeteria ng tinataawag nilang Braga Building. Muli ay pinalibot kami para makita namin ang tinitindang pagkain doon. Pagkatapos ay pumasok kami sa Braga, at inikot namin ang mga floor nito. Habang iniikot namin ay pinakita at tinuro sa amin kung saan kami pwede tumambay, kung saan ang faculty, ang mga laboratory, mga shop room, at ang Auditorium. Pinakita rin sa amin kung saan ang mga banyo, ang chapel at ang isang kwarto sa tapat ng chapel. Kada floor na inakyat namin ay tinuro rin saamin kung anong baytang ang gagamit ng mga silid-aralan doon. Pagkatapos ng lahat na iyon ay bumaba kami ng Braga. “At dito magwawakas ang ating tour around the school, tandan nyo lahat ng tinuro kong lugar para hindi kayo mawala dito. Pwede na po kayo kumain, at pag narinig niyo na ang bell ay aakyat na kayo sa inyong mga silid-aralan. Yun lang po, at magandang araw sainyo”.
0 notes
Text
Sa Institusyon na ito
Echaure, Reiner Joseph J.
11-3 Quadrio
Deskriptibo
Walang minuto na ikaw ay walang ginagawa sa Don Bosco Makati. Iyon ang aking naisip habang ako ay nag-aaral doon. Magandang araw sa iyo! Ako si Reiner Echaure ng Bosconian Gazzette. Maraming masasayang alaala ang aking nagawa kasama ang aking mga kaibigan sa Don Bosco. Ito ay dahil sa paaralan na ito marami kang puwedeng gawin na hindi ka mamamatay sa pagkainip. Sandamakmak din ang mga kaganapan na nangyayari sa paaralan na ito. At ang pinakaimportante ay marami kang matutunanan habang nag-aaral ka dito.
Sa haba ng pag-aaral ko sa eskuwelahan na ito, walang isang minuto na wala akong ginagawa. Bawat minuto may mga nakakatuwang bagay na nangyayari. Maari ito sa sa klasrum o sa labas. Ang halakhak ng mga tumatawang bata, ang sigaw ng nagagalit na guro. Ilan iyan ang sa mga bagay na hindi mawawala dito. Mas lalo na tuwing break period. Ang amoy ng pawis ng tumatakbong mga bata ay iyong malalanghap sa dami nito. Tandang-tanda ko pa ang mga panahon na kami ng aking mga kaibigan ay nag-uunahan makapunta sa court para hindi kami maagawan ng puwesto. Paborito ko ang pakiramdam ng bola sa aking kamay ng laro namin. Ang sakit ng paa dahil tinakbo ang buong eskuwelahan na napakalaki. Ngunit kung tahimik ang iyong nais, mayroong silid-aklatan na puwedeng tambayan. Ang amoy ng mga libro at ang tahimik na kapaligiran ay siguradong magugustuhan mo. Sa dami ng mga librong puwedeng basahin ay parang mga mundo na puwede mo bisitahin na kinakailangan ay buksan ang mga aklat lamang. Dito panigurado ako na marami kang magagawa na hindi ka maiinip.
Isa sa mga paborito ko sa Don Bosco ay ang mga pangyayari na buwan buwan. Buwan ng Wika, Nutrition Month, Foundation Day, ilan yan sa mga pangyayari na nagaganap bawat buwan. Tuwing Foundation Day, makikita ang mga tindahan ng mga estudyante at isang konsiyerto mula sa isang banda o taong sikat. Naalala ko pa ang amoy ng mga bagong lutong pagkain na binebenta sa bawat tabi. Ang sarap din sa tenga ng mga musikang pinapatugtog. Makikita mo ang dami ng estudyante sa buong eskuwelahan na nagsisiyahan sa pangyayaring ito. Isa pa sa mga gusto kong pangyayari sa paaralan na ito ay ang mga misang pinagdidiriwang linggo linggo. Parati mo mararamdaman si Kristo dahil dito. Kaya aking nasasabi na maraming mga pangyayari sa Don Bosco.
Dahil ang Don Bosco ay isang technical school, marami kang matutunang bagay na hindi mo mahahanap sa ibang mga eskuwelahan. Ang mga technology dito ay iba kumpara sa ibang paaralan. Ang lamig ng kompyuter room bawat pagpasok, ang amoy ng bakal pagpasok sa auto at mech room, ang amoy ng lapis sa drafting room, at ang amoy ng rubber sa electrical room. Ito ang mararanasan mo pag dito ka nag-aral. Marami kang matutunan kasama ang iyong mga kaibigan sa Don Bosco. Mayroong malawak na kurikulum sa Don Bosco. At hindi nawawala dito ang Christian Living kung saan mas matututo tayo tungkol sa ating panginoon at kung paano mabuhay bilang isang Kristiyano.
Nagiging makulay ang buhay ng isang estudyanteng nag-aaral sa Don Bosco. At tulad nga ng aking sinabi, walang minutong wala kang ginagawa. Hindi ka mawawalan ng gagawin, bawat linggo may pangyayaring magaganap, at marami kang matutunan. Sa mga lumang pader nito mapupulot mo ang aral na maidadala mo habang buhay. Kaya ano pa ba ang hinihintay mo? Mag-aaral ka ba dito o hindi?
0 notes
Text
“Pag-tanggal ng isang instrumento sa orchestra”
Gonzales Anton 11-3
Sinasabi nila na pinag-isipan nila ng maaigi ang kanilang mga aksyon at desisyon, na nagtanong sila sa mga exsperto tungkol sa mga maaaring epekto ng plano nila, ngunit, parang hindi nila pinag-isipan. Parang hindi nila naisip kung pano nila mababago ang mga buhay ng libo-libong mga guro. Kung anong klaseng paghihirap ang kanilang pagdadaanan para sila’y makatrabaho. Kailangan nilang mag-hanap ng eskuwela kung saan sila magtuturo. Kailangan din nilang mag-aral ulit at mag-training ulit. Parang hindi rin nila naisip na kahit ang ibang mga asignatura ay maapektuhan, dahil sa plano nila sa mga guro ng Filipino at Panitikan.
Kung titingnan, ang desisyon nila na gawing hanggang sad ulo nalang ng high school ang Filipino at panitikan ay may mga malalaking impakto. Parang sinasabi nila na hindi na importanteng matutunan pa ng mga estudyante ang mga paksa na iyon. Kahit na ang mga bata ngayon sa high school ay hirap nang matandaan ang mga tinuro sakanila tungkol sa kasaysayan ng ating bansa. May mga ibang tao nga noon na nagtataka kung bakit lumpo si Apolinario Mabini sa pelikulang Heneral Luna. Para bang binawasan nila ng gamit ang mga guro na turuan ang kabataan tungkol sa ating kasaysayang at lengguahe. Parang nag bawas sila ng isang instrumento sa isang maliit na orchestra. Nakakalungkot rin na isipin na mas ginugusto pa ng isang taong lumaki sa ibang bansa ,na matutunan ang ating lengguahe, panitikan at kasaysayan, kaysa sa ating mga bata na pinalaki dito.
Ako ay hindi sumasang-ayon sa mga desisyon na ginawa ng CHED at DepEd. Ngunit dahil sa mga ating kasulukuyang kalagayan, mas matalinong desisyon na ayusin na lang ang plano imbis na ibahin. Bawasan ang negatibo na epekto at dagdagan ang positibo na impakto kumbaga.

0 notes
Text
Wika natin, pag-gamit ay padalasin!
Anton Gonzales 11-3
Hiii! Hello! It’s mee, Sebastian. So may problema cam ko today, kaya pasulat nalang I po-post ko today. So may pinagawa samin na parang sanaysay yung teacher namin. Ilang araw na rin lumipas since binigay niya yung assignment. Pero bilang estudyante, at para sa akin mismo, “cramming is life”. So yun, ngayon ko lang ginagawa. Pero eto, eto na ang aking sanaysay:
Ako mismo ay sumasang-ayon sa mga guro na gustong ayusin ang paggamit ng mga bata sa wikang Filipino. Madami-dami na nga ang mga bata na simpleng gramatika nalang ng Filipino ay hindi pa alam. Madami rin sa kanila ay kulang ang bokabularyo na meron sila. Kung gusto natin na maipasa pa natin nang maayos ang wikang Filipino sa ating susunod na henerasyon, kailangang maiiging maturuan ang mga estudyante ngayon, hanggang sa kaya na nilang magsalita at magsulat ng ating wika na halos wala nang mali.
Ngunit hindi rin naman natin mapipigilan ang mga pagbabago ng mga salita sa ating lengguahe. Sadyang madadagdagan talaga ng bagong salita ang Filipino, kahit gusto man natin o hingi. Parang kung pano nagbabago ang mundo natin, ay nagbabago rin ang lengguahe natin. Ngunit sana maalala rin nila ang mga lumang, malalalim na salita na bihira nang magamit ngayon.
So ayun. Yan po ang aking mga ”thoughts” tungkol sa paksa na binigay samin. Salamat nalan sa lahat ng nagbasa nito! Stay safe po kayo kung nasan man kayo!
1 note
·
View note