Tumgik
sevillabea-blog · 7 years
Text
Mga Salita
Nagustuhan kong magsulat ng mga salita para sa iyo aking sinta, Ang mga salita'ng ikaw ang laman at wala ng iba. Mga salita'ng nais kong sabihin sayo ng may malawak na ngiti sa aking labi. Mga salita'ng kinahumalingan kong banggitin dahil alam kong iyon din ang iyong sasabihin.. "Gusto kita" Isa..dalawa..tatlo..apat..lima..anim..pito..walo..siyam.. Siyam na letra na gusto kong sabihin ng paulit ulit hanggang sa magsawa ang aking mga bibig sa pagsasalita. Siyam na letra pero kakaiba ang kayang iparamdam sa ating nadarama. Siyam na letra at parang ayoko ng lumisan ka pa. Siyam na letra kaya maaaring intindihin mo sana. "Hindi ko alam basta ang alam ko sya lang" yan ang lagi kong sinasabi sa tuwing may nagtatanong saakin kung bakit sayo? bakit ikaw? bakit nga ba sayo? bakit ikaw? bakit hindi sakanila? bakit hindi sakanya? Nung una, wala akong pakialam sayo at hindi ako interesado ang tungkol sa buhay mo. pero nagulat na lang din ako na sa bawat paglingon ko, ikaw ang hinahanap ng mga mata ko. Siguro nasanay ako sa atensyon na binibigay mo kaya hinahanap hanap ko.. Siguro kasi ikaw lang yung nagpapatawa sakin ng malupet! Siguro kasi ikaw yung dahilan kung bakit hindi ko magawang maging malungkot dahil lagi kang nandyan para patawanin ako kahit na ni pagngiti hindi ko magawa dahil nasasaktan pa ako. Siguro kasi ikaw lang yung nagbigay ng halaga sa presensya ko, na hindi pinapansin ng iba. kaya sana, pakinggan mong mabuti ang aking mga salita na para lang sayo sinta. Salamat sa pagpapahalaga at pagpapatawa. Salamat dahil nakilala kita.
0 notes
sevillabea-blog · 7 years
Text
Paalam mahal, hanggang sa muli...
Ito na ba ang huli nating pagkikita? Ito na ba ang huli nating pagsasama? Ito na ba ang tinatawag nilang "katapusan" ? dahil kung ito ngayon, ay lulubos-lubusin ko na. Lulubosin ko na ika'y masilayan. Lulubosin ko na ika'y mahawakan. Lulubosin na ika'y mahagkan. Kung ito man ang katapusan.. Gusto kong humiling kay bathala ng kahit isang pagkakataon na ika'y makausap ng masinsinan. Gusto kong hilingin na sana bago matapos ang lahat ay ika'y muling masilayan. Gusto kong hilingin na ika'y hindi mawala. Gusto kong hilingin na sana'y ang iyong nararamdaman ay hindi magbago. Gusto kong hilingin na kahit ako'y iyong iiwan ay ang iyong nararamdaman ay manatili parin. Paalam mahal, Paalam sa mga araw na ika'y nakatawanan. Paalam sa mga araw na ika'y nakaaway ngunit hindi ka nakipaghiwalay. Paalam sa mga araw na kasama kita at parang tayong dalawa lang ang meron sa kalsada. Paalam at sana'y tayo ay muling magkita. Nasasaktan ako sa iyong pamamaalam pero hayaan mo, baka bukas makalawa o sa mga susunod pa.. mawala rin itong pait at sakit na iyong iniwan sa akin para masabi'ng kahit papaano ay may naiwan ka saking alaala ngunit ng iyong paglisan sa aking tabi. Sa iyong pagiwan saakin. Sa iyong iniwang sakit. Paalam mahal ngunit hanggang dito na lang ang lahat ng aking sasabihin dahil alam kong hindi mo na ito maririnig pang muli. Paalam at hanggang sa muli.
0 notes
sevillabea-blog · 7 years
Text
Hindi ko pinaniwalaan kasi ayaw kong matawag na assumera kaya binalewala
Naaala mo pa ba nung sinabi ko sayo'ng "gusto kita" ? Naaalala mo pa ba yung gabi na umamin ka? Naaalala mo pa ba yung minsan na tinanong kita kung bakit ako? Naaalala mo pa ba yung sinagot mo sa tanong ko? "Hindi ko din alam kung bakit ikaw hahaha" Naaalala mo pa ba? kasi ako, tandang-tanda ko pa. Natatandaan ko pa yung mga araw na nalilito ako sa nararamdaman ko para sayo. Natatandaan ko pa yung mga araw na sinasabi ko sa sarili kong, "wala lang to. nababaliw lang ako" Natatandaan ko pa yung mga araw na naguluhan ako dahil sa mga kilos na pinapakita mo. Yung kilos mo na nagsasabi'ng, "hindi ka nababaliw dahil lahat ito ay totoo" Yung kilos mo na mas pinapahiwatig pa na gusto mo talaga ako. Hindi ako assumera at ayokong matawag na assumera kaya binalewala ko lahat ng pagpaparamdam mo. Binalewala ko yung sa tuwing may nangungulit sakin, pinagsasabihan mo na tigilan ako. Binalewala ko yung unang beses kong naiwan yung baon kong pera kaya nanghingi ako sayo at walang alinlangang binigyan mo ako. Binalewala ko yung mga sinasabi nila na parang may namamagitan sa ating dalawa. Binalewala ko yung tuwing maglalakad tayo kasama ang barkada, tapos maya maya nasa tabi na kita. Binalewala ko kasi ayaw kong matawag na assumera at pilingera. Ngunit isang araw may nagtanong saakin... "May tanong ako, Oo at hindi lang isasagot mo." "ano?" "kayo ba ni ***?" "hindi" deretso kong sagot. hindi ako nagulat sa tinanong nya dahil halos lahat ng kakilala natin at nakakakita satin laging may nakaabang na ganyan. at kung minsan pa nga ay tinutukso tayong dalawa pero tayo naman ay si tanggi at parang nandidiri. Hanggang sa hindi ko namamalayan na lahat pala ng kinikilos mo ay parang kakaiba na. Yung kaibigan ko lagi akong sinasabihan na may gusto ka din daw sakin at hindi ako naniniwala. hindi ako naniwala. Hindi ako naniwala, hindi dahil sa di na kita gusto. Hindi ako naniwala dahil gaya nga ng paulit ulit kong sinasabi... Ayaw kong maging Assumera at Pilingera Pero nung umamin ka, doon ko napagtanto na tama nga sila. Tama nga na parang may kung ano sa ating dalawa na hindi ko maipaliwanag. Tama sila dahil sila nakikita nila. At ngayon? heto tayo. ay wala nga palang tayo. Pero merong ikaw at ako sa mundong ito. at nagkakamabutihan na tayo
0 notes