sha-shav
sha-shav
Untitled
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
sha-shav · 4 years ago
Text
BAGUIO CATHEDRAL
Tumblr media
litrato mula sa Daniel's Eco-Travels
Isa sa pinakamagandang simbahan na aking nakita ay ang simbahan sa Baguio City. Napakaganda nito sa loob at labas, mamamangha ka sa ganda ng mga disenyo nito.
MGA DAPAT GAWIN SA BAGUIO
MAGHANAP NG HOTEL O HOUSE RENT
Tumblr media
litrato mula sa Hotels.com Philippines
Ang Baguio ay isa sa kilalang puntahan ng mga turista, kaya hindi kami nahirapang maghanap ng mga Hotel upang matutuluyan habang na mamasyal. O kaya, marami ring pwedeng pag pilian sa internet ng mga Hotel o House Rent na mas malulugod ang ating kagustuhan; dahil unang beses naming mag punta sa Baguio, kami ay nagpareserba sa RedDoors Hotel bago ang pagpunta namin dito. Upang hindi sayang oras sa paghahanap ng matutuluyan at mas makapili ng mura at magandang matutuluyan.
KUMAIN NG MASUSTANSYANG UMAGAHAN
Tumblr media
litrato mula sa Pinay Traveller
Maraming mga lugar na pwedeng puntahan sa Baguio.; ang pagsisimula ng umaga ay mahalaga upang maayos ang ating paglilibot. Umagahan daw ang pinakamahalagang pagkain ng mga tao sa araw-araw. Maraming pagkain tayong pwedeng kainin tulad ng tapsilog, longsilog, sisilog, tosilog at marami pang ibang silogan na karaniwang nasa putahe ng umagahan sa mga Hotel. Ito ang isa sa mga karaniwang umagahan ng mga Filipino na tiyak na masarap at sulit sa murang halaga lamang.
PUMUNTA SA UKAY-UKAY
Tumblr media
litrato mula sa ABS-CBN News
Hinding hindi ka pwedeng umalis ng Baguio ng hindi pumupunta sa ukay-ukay. Ang Baguio ay isa sa mga kilalang may pinaka mura at maraming tindahan ng ukay-ukay. Bukod sa maraming tindahan ang meron dito, marami ring pagpipilian ng iba’t ibang klaseng tulad ng damit, bag, sapatos, mga lumang gamit at iba pa. Sa dinami-raming tindahan na pinasukan namin, kami ay nasobrahan sa kampante na may mas maganda pa kaming mapipili sa ibang tindahan. Ngunit ito pala ay kabaliktaran dahil halos pare-parehas lang ang kalidad na meron ibat-ibang tindahan.
PARA SA MIRYENDA, KUMAIN NG KARANIWANG KINAKAIN NG MGA LOKAL
Tumblr media Tumblr media
litrato mula sa Pinay Traveller
Maraming restawran na may iba't ibang pagkain mayroon ang Baguio. Isa sa mga karaniwang kinakain ay ang lutong Filipino na Chop Suey, Adobo, Tinapay at Kape. Ito ay isa sa mga pinaka gustong kinakain kapag nasa Baguio dahil masarap ito habang malamig ang simoy ng hangin o temperatura at kasama na ang mga tanawin.
BUMILI NG MGA PASALUBONG
Tumblr media
litrato mula sa Baguio City Guides
Maraming masasarap at tiyak na kasya sa badyet ang pwedeng bilhin sa Baguio. Marami ring mga palaman sa tinapay tulad ng strawberry jam, peanut butter at iba pa ang makikita sa mga tindahan dito. Ang karaniwang aming binili ay yung nasa malalaking garapon na, upang mas marami ang laman at marami ring makakakain sa amin. At bumili narin kami ng limang kilong strawberries para ipamigay pasalubong.
PUMUNTA SA PALENGKE
Tumblr media
litrato mula sa Pinay Traveller
Kilala ang lugar na Baguio sa may pinakamurang presyo ng mga gulay dahil karamihan dito kumukuha ng mga gulay na ibinebenta sa ibat-ibang probinsya at syudad. Bukod sa mura ang presyo, ang mga gulay ay sariwa pa at mas masarap ang lasa kapag ito ay naluto na. Sa palengke rin ang bagsakan ng mga Strawberries na kilalang-kilala sa Baguio dahil dito lang nagkakaroon ng ganitong prutas. Bumili rin kami ng walis tambo at pasalubong dahil mas mura ang aming nakita rito.
Bilang isa sa mga maiinit na bansa sa buong mundo, ang Baguio City ay isa sa lugar na karaniwang pinupuntahan ng mga tao lalo na’t sa tag init. Ito’y naging puntahan ng mga tao dahil sa lamig ng temperatura rito. Ginawa rin nilang magandang dulot ang malamig na temperatura sa pagbuo ng iba’t ibang pasyalan na maaring puntahan ng mga turista. Higit sa mga atraksyong mayroon ito, marami ring mga pagkain na nakakasiguradong mura at masarap. Mapayapa at nakakasiguradong makakatakas sa kahit anong problemang mayroon tayo kahit sa maiikling panahon lamang. Hindi na napagkakaila kung bakit ito ay isa sa mga puntahan ng tao. Ang mga taglay na katangian mayroon ang lungsod na ito ay higit pa sa kapayapaang inaasam ng mga tao; mula sa aming karanasan, inaasahan naming may naibigay kaming konting kaalaman sa inyo tungkol sa katangian mayroon ang Baguio City.
0 notes
sha-shav · 4 years ago
Text
Baguio: Isang Magandang Pasyalan
Tumblr media
litrato mula sa Manila Bulletin
Ang Baguio City ay isa sa pinaka kilalang lugar at tourist spot sa Pilipinas. Ito rin ay kilala bilang "Summer Capital of the Philippines". Ito ay mayroong malamig na klima na napakasarap sa pakiramdam. Mayroon ding iba't ibang pagkain na pwede mong kainin sa lugar na ito. Marami ring iba't ibang lugar na maari mong puntahan at pasyalan na pwedeng gumawa ng mga aktibidad na mas makapagdulot ng kasiyahan sa mga taong pumupunta rito. Mayaman din sa kasaysayan at kultura ang Baguio City, malawak at maraming mga pananim na gulay din ang matatagpuan dito.
MGA PAGKAIN NA PWEDENG KAININ
TAHO
Tumblr media
litrato mula kay johntugare
Ang taho ay isa sa aking paboritong pagkain tuwing umaga. Masarap ito lalo na kapag ito ay mainit. Bagay na bagay ito sa klima na mayroon ang Baguio City. Ang taho rito ay di karaniwang taho na makikita mo na arnibal at sago lang, ang taho sa Baguio ay strawberry flavor na kilalang-kilala sa lugar na ito.
STRAWBERRY
Tumblr media
litrato mula sa Yummy PH
Isa sa kilalang kilalang produkto ng Baguio City ay ang strawberry. Sariwa at manamis-namis ang mga strawberry sa lugar na ito. Maari ring ikaw mismo ang pumitas ng mga ito at mamili ng kukuhanin na mga strawberry.
STRAWBERRY ICE CREAM
Tumblr media
litrato mula sa The Poor Traveler
Sa Baguio City kahit na ito ay mayroong malamig na klima hindi pa rin mawawala ang Strawberry Ice cream. Sakto ang timpla ng bawat pagkain sa lugar na ito. Karamihan sa mga pumupunta sa lugar na ito ay mahilig sa sorbetes na kahit malamig na ay gusto pa rin nilang kumakain ng sorbetes. Isa sa kilalang pagkain ng mga pinoy ang pagkain ng sorbetes
SUNDOT KULANGOT
Tumblr media
litrato mula sa Chasing Joyce
Ang Sundot Kulangot ay isang uri ng kalamay na gawa sa coconut milk, brown sugar at glutinous rice na gawa sa Baguio City. Ito ang pinakamaliit na kilalang tradisyunal na binalot ng kalamay. Ito ay nakalagay sa maliit na klase ng coconut shell. Ginagamitan itong daliri o ng stick sa pagkain nito.
MGA LUGAR NA PWEDENG PUNTAHAN
BURNHAM PARK
Tumblr media
litrato mula sa Philippines Primer
Ang Burnham Park ay isa sa pinaka kilalang lugar na maari mong puntahan sa Baguio City. Ipinangalan ito sa gumawa nito na si Daniel Burnham na isang Amerikano. Dito kadalasan nagpupunta ang buong pamilya upang magpicnic o kaya kumuha ng mga litrato. Napapaligiran ito ng iba't ibang halaman, puno at mga bulaklak kung kaya't napakasarap sa pakiramdam kapag nandito ka. Ito rin ay napapaligiran ng mga pagkainan na maari mong kainan kapag ikaw ay dinalaw ng gutom.
MINES VIEW
Tumblr media
litrato mula kay Daniel's Eco-Travels
Ang Mines View ay isa sa paboritong kong lugar dahil sa mataas na lugar at sariwang hangin na malalanghap mo. Napakasarap at payapa ang lugar na ito dahil ito ay mataas at kapag tumingin ka sa ibaba nito ay makikita mo ang abandonadong minahan ng ginto at tanso ng mga Itogon. Marami ka ring makikitang mga tindahan na maaari mong pagbilhan ng mga subenir at mga pang pasalubong. Matatanaw mo rin dito ang mga bundok na mayroon ang Cordillera. Masarap sumigaw at isigaw lahat ng problema mo sa lugar na ito dahil parang isinisigaw mo ito sa kawalan at walang may pakialam.
MANSION HOUSE
Tumblr media
litrato mula kay Thrashklown05
Ang Mansion House ang isa sa pinaka binabantayang lugar sa Baguio City. Makikita mo rito ang mga sundalo na nagmamartsa paikot sa lugar para bantayan ang lugar na ito. Napapalibutan ito ng mga puno, halaman at mga bulaklak. Mayroong iba't ibang sundalo na nagbabantay at nagpapalitan sa pagbabantay sa lugar.
LA TRINIDAD STRAWBERRY FARM
Tumblr media
litrato mula sa The Backpack Adventures
Ang La Trinidad Strawberry Farm ay isang lungsod sa La Trinidad, Benguet na ginawa upang pagtamnan ng mga strawberries. Malawak at malaki ang lugar na ito na tinataniman ng mga strawberries. Sa lugar na ito ay maaring ikaw mismo ang pumitas ng sarili mong mga strawberry na bibilhin at ipamimigay na pasalubong. Sariwa at magaganda ang tubo ng mga strawberry dahil sa magandang klima sa lugar ng Benguet.
WRIGHT PARK
Tumblr media
litrato mula sa PHBus
Sa Wright Park ay dito mo matatagpuan ang mga makukulay na bulaklak at napakaraming pine trees. Maari ka ring makapagrelax sa lugar na ito dahil sa ganda ng mga tanawin. Maari ka ring sumakay sa mga kabayo na makikita mo sa lugar na ito.
2 notes · View notes