Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
ANG KAMALAYAN NG FEMINISMO SA PANITIKANG FILIPINO, SAD FEW NOTES ON CREATIVE WRITING BLOG #03
Bilang isang estudyante may responsibilidad akong maging mulat lalo na sa katotohanan, at lalo na rin isa akong Iskolar ng Bayan. Hindi ko kayang manahimik at manatiling bulag habang may nangyayaring hindi maayos sa bansa natin. At para saakin, isa sa pinakamagandang paraan para mailabas ito ay ang pag susulat.
Sa nabasa kong akda na Sad Few Notes on Creative Writing, nakakalungkot man isipin pero totoo, kasi may mga taong nag susulat para lang kumita ng pera at may mga taong nag susulat para takpan ang katotohanan at kikita ng malaking pera. Para saakin ang pag susulat ay hindi binibili ng ibang tao para lang manatili kang tahimik ka sa katotohanan, kasi etong paraan na ‘to marami ka nang mahihikayat na mga tao para maging mulat sa katotohanan, bayaran ka man o hindi. Dahil para saakin, ang tunay na manunulat ay hindi nag susulat lang para kumita ng pera, pero nag susulat ka kasi may gusto kang sabihin, may gusto kang iparating sa mga mambabasa, may bayad man o wala kasi passion mo ‘yon.
At para saakin ang pag susulat ay hindi lang para sa mga kalalakihan, kung hindi para rin saaming mga kababaihan. Ang mga makata ay hindi lang para sa mga kalalakihan, dahil para rin ito saamin. Dahil hindi naman bumabase sa kasarian ng tao ang mga kayang gawin. Hindi ko sinasabi dahil sa babae ako, pero masasabi ko na mahalaga ang babae lalo na sa Lipunan, bakit? Una, babae ang nag luluwal sa tao, at katulad ng mga lalaki, kaya ring lumaban ng mga kababaihan pagdating sa larangan ng siyensya, matematika, at iba pang Gawain na mayroong stereotype sa kasalukuyang lipunan. Kung tutuusin, noon pa naman pinaglalaban natin ang karapatan ng mga kababaihan, pero may mga ibang kababaihan talaga na hindi natin kaparehas mag-isip at dapat nating intindihin ‘yon, at bigyan ng Edukasyon na tayong mga babae ay hindi laruan at parausan ng mga lalaki. Kumbaga sa ingles ay pride nating mga babae n asana bigyan tayo ng respeto sa lipunan na ginagalawan natin.
Bilang isang babae, hindi ako basta-basta tatahimik lang dahil hindi ako apektado, pero sisigaw ako kasi alam kong kahit hindi ako apektado, alam ko sa sarili ko na bahagi ako nang kilusan pagdating sa pag sulong ng karapatan ng mga kababaihan, at para saakin bilang Iskolar ng Bayan, hinihikayat ko lahat, lalaki man o babae na ipaglaban natin ‘yung karapatan natin na maging ganap na katanggap-tanggap sa lipunan at hindi bilang isang “asawa” lang at “mag-aalaga” lang ng magiging anak natin, dahil babae rin tayo. Malakas tayo, at may paninindigan.
0 notes
Text
FORCED BY HABIT, KUBETA BLOG #02
Kung ako tatanungin n’yo ngayon kung sa lahat ata nang nabasa ko, masasabi kong etong dalawang akdang ‘to ang nakakatawa, at sumasalamin sa katotohanan sa buhay. Dalawa ito eh, ‘yung Forced by Habit at Kubeta. Mapanlinlang ‘yung paksa diba, pero ang totoo ‘yung kwento n’yan kakaiba eh.
Hindi ko aakalain na ganoon ‘yung magiging katapusan, o, magiging kahihinatnan ng kwento. Kasi nga nag base lang ako sa pamagat pero noong binasa ko na, nagulat ako, kasi ‘di naman ganoon ‘yung ekspektasyon ko. Sa madaling salita, nagulat ako at natawa- talagang natawa. Ang ganda nitong istoryang ‘to pang libangan, o kaya kung gusto mong mag basa naman ng gawang Pinoy, ito ‘yung maibibigay kong rekomendasyon sa ‘yo.
Una ‘yung Forced by Habit nakakatawa nga s’ya pero kung kakalkalin mo ‘yung totoong ibig sabihin ng kwento, maganda s’ya. Para lang naman saakin, realidad ‘yon na hindi nating kayang magsabi ng katotohanan lalo na kung “kasarian” ang pag-uusapan, bakit? Kasi takot tayong may masabi ‘yung ibang tao saatin. Nakakatawa na mararamdaman mong may mali sa sistema natin o sa konsepto nang pag iisip ng tao. Damang-dama ko e, damang-dama ko nung sinabi n’ya na “pag magkasama kami, pakiramdam naming totoo kami sa isa’t isa” at masasabi ko talaga na ‘yun yung totoong pag-ibig eh. Sadyang nagkaroon lang tayo ng konsepto sa utak na mayroong lalaki at babae. ‘yung lalaki ay para lang sa babae, at ‘yung babae ay para lang lalaki. Pero hindi e, pakiramdam ko gusto sabihin ng may-akda saatin na dapat basagin natin ‘yung stereotype pagdating sa kasarian. Kasi pakiramdam ko doon natin makikita ‘yun totoong saya ng isang tao kung walang manghuhusga sakanya at manliliit sakanya. Kung ihahalintulad ko ‘to sa panahon natin ngayon, nakakatuwa, kasi hindi na s’ya katulad noon na takot maging loud and proud sa kasarian natin, ngayon ay parang normal na lang.
Pangalawa, etong kubeta. Nagulat naman ako nito, hindi ko talaga aakalain na ganun ‘yung magiging takbo ng istorya, maganda s’ya sa totoo lang. Kasi sumasalamin nga sya sa totoong buhay natin. Biruin mo dahil lang sa kubeta, naihalintulad na ng may-akda ‘yung totoong sitwasyon sa bansa natin. Akalain mo ‘yun mula noon hanggang ngayon ‘yun pa rin problema natin. Nang dahil lang sa kubeta nakita natin kung gaano ka bulok ‘yung sistema ng gobyerno. Habang binabasa ko ‘to, pakiramdam ko gustong sabihin saakin nang may-akda na kahit gaano pa kaliit, o kalaki ‘yung problema ng bawat tao, dapat binibigyan ng solusyon o kahit man lang pansin para maiwasan o mabawasan man lang. Kasi sabi ditto, malaking epekto ‘yung hindi maayos na kubeta, bukod sa nakakapag-dehumanize ito, nagkakaroon din ng mga sakit ‘yung mga katulad ng TB. Alam mo ‘yun, hindi man ‘yun ‘yung pinaka-PUNTO ng may-akda pero gusto n’yang iparating sa mambabasa ‘yung realidad na epekto ng bulok na sistema. Para sa simpleng “Kubeta” lang, kinonek na n’ya lahat.
1 note
·
View note
Text
IMPENG NEGRO, KASAL BLOG #01
Ang mga akdang “Impeng Negro, at Kasal” ay isang magandang istorya na nabasa ko simula noong Senior High School pa ako. Masasabi ko na sa lahat ata nang pinabasa saamin noon ni makatang Rafal, eto ‘yung isa sa mga akda na hindi ko makakalimutan. Una, dahil sa ganda ng kwento nito, pangalawa ay kung paano nito kinukuha ang kaluluwa ng mambabasa para maranasan ang kwento at masasabi kong noon pa lang ay kinuha na nito ang kaluluwa ko pag ito’y aking binabasa.
Biruin mo, masasabi mong piksyon eto pero bakit sumasalamin ito sa katotohanan o sa realidad ng mundo, at nakakatuwa kasi nabasa ko na naman sila ulit, mistulang “nostalgic” ika nga nila kasi naalala ko noon na pinabasa saamin ‘to halos alas nuebe ng gabi sa PUP Main Campus, tapos ginawang takdang-aralin na lang.
Pero pwera biro, etong mga ganitong kwento masasabi kong “underrated” pero kailangan bigyan pa rin ng pansin kasi hindi s’ya basta-basta kwento na maraming kaparehas, sobrang direkta kung paano inihain sa mga mambabasa—kaya ko siguro eto nagustuhan kasi ‘yung paksang tinatalakay dito ay hindi lang umiikot sa kwento ng pag-ibig, o, anumang ka-shittan sa mundo pero tinatalakay ditto ‘yung pinakailaliman. Paano ko nasabi?
Unang-una ‘yung Impeng Negro, sumasalamin ditto ‘yung pagiging racism ni Ogor kay Impen na base sa interpretasyon ko, totoo, totoong nangyayari sa mundo pero may kasamang piksyon pa rin para mas mahatak ‘yung mga mambabasa at mas lalong maintindihan ‘yung nararamdaman ni Impen, simulang noong pag titiis nya pa lang sa pagsabi sakanya ng “Negro” pag kukumpara sa kapatid n’yan Kano, miski sa nanay n’ya—na kung ano-ano ang sinasabi ni Ogor na konektado kay Impen.
Ikalawa naman ay ‘yung Kasal. Kung titignan n’yo sa pamagat parang “ay nako, pag-ibig na naman.. paulit-ulit na lang” pero kung babasahin mo, mapapa-wow ka! Bakit? Hindi kasi s’ya kwento ng pag-ibig na may nagmahal, tapos iniwan, may nasaktan, may kung anek-anek na nakikita o napapanood natin. Bagkus, ang kwento ‘tong huhukayin hanggang kailaliman ‘yung “pag-ibig”. Hindi porke kinasal na ang dalawang tao, ay ibig sabihin na no’n ay ligtas na ang pag-ibig nila, ngunit nagsisimula pa lamang iyon. Pinakagusto ko ditto sa lahat ay ‘yung hindi porke naghiwalay ay dapat may masisi sa relasyon, dapat may masaktan. Pero hindi, mali pala, dapat kung papasok ka muna sa isang relasyon, bigyan mo muna lahat ng tuldok, kasi ‘pag ‘di mo ‘to nabigyan ng tuldok, habang buhay ka pala mawawala, kakahanap ng “tuldok” at mahihirapang magsimula ulit. Dahil, hindi kasal ang rason para mas tumibay ang relasyon.
2 notes
·
View notes
Text
PANITIKAN
Tayong mga Pilipino ay ganap na mahilig sa pagbabasa lalo na’t nasanay tayo sa mga kwentong kinalakihan natin. Katulad na lamang ng mga bugtong-bugtong, mga alamat, epiko, maiklang kwento, sanaysay. Lahat ng ito’y bumabagsak sa Panitikan. Ano nga ba ang panitikan? Bakit kailangang pa-aralan ang panitkan? At paano ba ito pinag-aaralan?
Ang panitikan ay isang aktibidad na nagiging kasanayan na natin sa pang araw-araw na buhay, nagbibigay ng saya sa mga oras na malungkot tayo, at kung minsan ang mga pantikan ay sumasalamin sa realidad. Marami itong genre kung titignan, mayroong pang-isports, mga kwento na ginagawang pelikula o kung saan tinatawag natin ang panitkan bilang libangan sa buhay. Ang panitikan ay puno ng piksyon o mga kathang isip lamang na nagbibigay daan satin upang lalong makapag-isip tayo ng kakaiba na hindi sumasalamin sa katotohanan. Ang panitikan din ay isang daan para makapunta sa lugar na hindi natin napupuntahan gamit ang isip. Realidad din ang sumasalamin sa panitikan, na kung saan ito rin ang dahilan para makapag-bigay daan sa katotohanan, dahil kung walang panitikan tayong mga tao ay sunod na lang nang sunod, ang kinaganda pa sa panitikan ay hindi ka nito huhusgahan kung sakaling ikaw’y nakakaranas ng parehas sa kwento, bagkus bibigyan ka pa nito ng ideya kung paano mo mairaraos ang problema na kinakaharap mo.
Mahalaga ang panitikan satin dahil sabi ko nga, ito’y nagbibigay ng saya sa mga oras na tayo’y malungkot. Kailangan itong pag-aralan dahil dito tayo nakakakuha ng ideya sa mga bagay-bagay, napapabilis nito ang oras maging hinaharap o mga historya na hindi natin nararanasan sa kasalukuyan. Kailangan din natin itong pag-aralan para mas maintindihan natin ang isa’t isa, matutunan natin maging mabuting tao, tinutulungan din tayo ng panitkan para maging matalino sa realidad at hind imaging mangmang o alipin ng Gobyerno. Sa panitikan sasalamin ditto ang katayuan ang kababaihan at kalalakihan bilang pantay lamang at walang ideya na mayroong “mataas” o “mababa”. Makikita rin natin ang mga katotohanan patungkol sa mga isyu sa lipunan katulad na lang ng mga mahihirap at mayaman. At katulad nang paulit-ulit kong sinasabi makikita natin ang katotohanan. Dahil, kung walang panitikan walang pag-iisip, walang kwestyon na mangyayari at higit sa lahat tinuturuan tayo hindi imaging mangmang.
Kung tutuusin ang Panitikan ay pawang katotohanan at pawang kasinungalingan, dahil ang panitikan ay may dalawang klase ang piksyon, at hindi piksyon. Maganda na malaman natin ang panitikan dahil binubuksan nito ang ating isipan at puso sa kung ano ang tama at mali. Ngunit, hindi natin makukuha ‘yan sa simpleng pagbabasa, matututunan nating pag-aralan ang panitikan sa pagre-relasyon natin sa kwento, matututunan natin sa kasanayan ng tao at pati rin sa mga bagay na ginagawa natin sa pang araw-araw na buhay. Dahil ang panitikan ay hindi naman ito katulad ng siyensya na puro pormulasyon lang, dahil ang panitikan ay sinasamahan ng buong puso at isip para matutunan ito. Eksplorasyon sa mga bagay-bagay at eksprimentasyon paano ito nangyari, na kung saan ito at magiging benepisyo sa mga mambababasa dahil natututunan nilang maging mulat sa isyu ng lipunan hindi lang sa realidad pati rin sa mga bagay na hindi nage-exist sa panahon ngayon. Nagkakaroon sila ng ideya para makapag-isip na may kulang at hindi perpekto ang kanilang buhay kaya kailangan mag sikap para maabot ang pangarap. Sa pag-aaral din ng panitikan ay kailangan ng “consciousness” o tinatawag na kamalayan, dahil naniniwala ako na pag ikaw’y nagbabasa, hindi ka lang nagbabasa bagkus nilalagay mo ang sarili mo sa binabasa mo, at hinahayaan mo ang sarili mo na gamitin ka ng kwento upang maranasan mo ang mga sitwasyon sa kwento.
3 notes
·
View notes