shangshangblacksxz-blog
shangshangblacksxz-blog
BlackHuman
4 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
shangshangblacksxz-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
INTRAMURALS Intramurals?doon mo makikita ang pagkakaisa ng mga estudyante kong paano sila magkakaisa para makuha ang ng mga tropiyo at mga medalya. Isa din ito na nagpapakita ng pagtutulongan . Lahat ng mga estudyante ay may sariling mga kaabalahan sa pagsali ng mga laro kagaya ng mga volleyball,basketball,badminton at iba pa . Sa mga larong ito may mga hindi inasahan na gulo o pangyayari. At kahit ganito ang nangyayari makikita mo paring desidido upang makamit ang mga medalya at tropiyo. May cheerdance din na bawat strand ay merong sumali at sayaw doon, sayaw dito, kanta doon, kanta dito at may mga sari-saring mga cheer, cheer dito,cheer doon . Sa ganitong patimpalak hindi din natin maiwasan ang gulo kagaya ng pagkaroon ng argumento dahil sa mga pangyayari na hindi inasahan o inasahan man. At nagkaroon ng mga argumento tuloy-tuloy parin ang pagdiwang ng intramurals. At kahit pagod ang importante ay na enjoy natin ang event na ito dahil minsan lang ito natin mararanasan sa ating buhay.
1 note · View note
shangshangblacksxz-blog · 8 years ago
Text
Educational Tour with Food Trip
Akala ko boring hindi naman pala . Yung dahil sa mga kabaliwan ng mga kaklase mo ay nagbigay ito ng kulay sa inyong lakbay . Hindi lang tungkol sa education ang pinaguusapan meron din pangkain na tiyak magugustohan .
Masaya ang lakbay kapag kasama ang mga kaklase yung kahit malayo kayo ng upuan may paraan parin upang makahingi ka ng nga pagkain sa mga kaklase mo . Nagustuhan kodin ang lakbay aral namin dahil marami din akong nakuhang impormasyon hindi ko pa alam . Nasayahan din ako sa pag gawa ng piyaya at paglilibot-libot sa mga pinuntahan namin. At ang pinakaborito ko ay yung pinayagan kami ng aming guro na mamasyal pumunta kami mga arcade sa SM at doon sumayaw , naglaro at nag window shopping din kami doon dahil wala sapat na pera para bumuli ng mga nagustuhan namin at kahit ganon atleast na enjoy naming magkaibigan na mamasyal . At da best din ang kainan namin kahit saan kain dito ,kain doon at picture dito picture doon.
Hindi naman lahat ng mga lakbayin ay boring nagdudulot lang ito ng matinding boring kapag hindi kayo nagkakaisa . Kahit papano hindi naman dahil lahat kaming magkaklase ay nagkakaisa kapag kalokohan na ang pinaguusapan.
0 notes
shangshangblacksxz-blog · 8 years ago
Text
First Time
Akala ko okay na ang lahat . Bilang isang estudyante may kanyang-kanyang paraan tayo para maka-pasa . Paano kong ginawa mo naman ang lahat ngunit na-uwi lang sa wala? Bagsak kong bagsak wala ng ka echosan.
Hindi man ako matalino medyo may pagka-bobo lang minsan pero ginawa konaman ang lahat para maipasa kolang ang mga subject pero may isa talagang nagnining-ning sa bagsak as in "B-A-G-S-A-K" bagsak na bagsak. Kong pwede ko lang sana gamitin ang mahika ko sa naibagsak kong subject kaso hindi DAHIL WALA NAMAN AKONG KAPANGYARIHAN . Napaisip ako minsan sana may time machine para maulit ko ang mga pagkakamali ko kaso WALA DIN. Kong pwede ko lang papuntahin sa bahay ng guro ang mga MAUTE sa MARAWI nagawa kona(lol). Di kaya papapuntahin ko si AMANG DUTERTE para ipa announce na MARTIAL LAW para sa hustisya sa mga estudyante pati narin ang mga grupo ng JEJEMONATICS/JEJEMONATION(1k4w 1@n9 $hH@p@+ n@😂). Napagalitan din ako ng aking mga magulang dahil hindi ko naipasa ang subject nayon. Nawalan din ako ng gana mag aral dahil sa pagkakaroon ng bagsak na grades kaso naiisip ko ang mga pinaghirapan ng aking magulang kaya hindi pa huli ang lahat.
Bilang isang Stupident babawi ako sa ikalawang-markahan namin baka ikaputi ko rin yun(char lang) . Kahit umulan bumagyo ayos lang basta hindi parin ako susuko sang pagtupad ng aking pangarap (patuloy ang pangarap🎶🎤). At naniniwala din ako sa kasabihan ni Nora Aunor na WALA HIMALA at sa kantang Chasing Pavements para sa EKONOMIYA!.
0 notes
shangshangblacksxz-blog · 8 years ago
Text
Inosenting Pasaway
Sabi nila "being normal is boring but being crazy is awesome" naranasan nyo na bang mapagalitan na ng guro dahil sa pinanggagawa ninyo? O di kaya pinagbintanggan namay kasalanan ka? Kasi ako naranasan ko ng magpakainosente para hindi mapagalitan,yung pagsasabihan ka ng kong ano-ano, ang masasabi mo nalang ay "wala akong kasalanan".
Nang ako ay junior highschool palang ay marami na akong ginawang kalokohan dahil makulit o pasaway na talaga ako. Isang araw pumunta kami sa Computer Laboratory ng paaralan namin kasama ang mga kaibigan kong kagaya ko mga makukulit din. Pumasok kami sa loob ngunit pinalabas kami dahil marami pang estudyante sa loob at dahil narin sa pagiging maingay namin . At dahil hindi kami makapapayag na hindi kami makapasok sa loob may naisip kaming kalokohan ng aking mga kaibigan . Bago kami lumabas tinignan muna namin kong ano ang ginagawa nila , may mga sumusulat ,may kumakain,at may gumagamit ng computer. Pinatay namin ang ilaw at tumakbo para hindi makita ng guro kong sino ang pumatay ng ilaw sa loob at huminto na kami sa aming silid aralan ang tumawa ng tumawa doon dahil sa epic ng mga itsura nila. Pagkabukas may pasok kami ,pagkatapos ng iba naming leksyon ay ang next subject namin ay tungkol sa computer at guro ay yung pinatayan namin ng ilaw sa computer laboratory. Habang papasok na guro yung puso ko ay tumatalon-talon sa kaba dahil sa kalokohan naming ginawa. Pagkapasok ng guro ay nagtanong agad siya na " Sino ang pumatay ng mga ilaw sa computer lab habang ako ay nagtuturo doon sa loob ?" sabay turo ng mga kaklase naming mga mababait sa aming magkakaibigan . Tumingin samin ang guro at sabi ko " wala akong kasalanan" . Nagtanong ulit ang guro namin "Sino talaga ang pumatay ng nga ilaw sa computer lab ?" at dahil sobrang bait ng mga kaibigan ko ay tinuro ako nila at dahil mabait din ako sinabi ko sa guro namin na " WALA AKONG KASALANAN"sabay kunyare sumusulat ng ano-anong makita ko.
Hindi naman masama ang pagiging pasaway wag lang itong gawing pangkabuhayan dahil kapag inaaraw-araw mo kayo din ang mahihirapan.
0 notes