Tumgik
shaun-ramos-17-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
Pagsusuri: The Breakfast Club
Tema:
Paksa
Ang pelikulang ito ay pinapakita ang mga problema at bagay na pinagdadaan ng isang menor de edad na amerikano. Hindi lang isang amerikano kundi bilang estudyante rin. Dito natin malalaman na may mga ibat't ibang uri na estudyante na nakalibot sa ating paaralan.
Layunin
Ang layunin o intensyon ng pelikulang ito ay mapakita ang buhay ng kabataan ngayon. Dito natin makikita ang mga pinagdadaanan ng estudyante na isang matalino, rebel, atleta, maganda o “weirdo”. Bawat taong ito ay may sariling ugali at mundo.
Mensahe
Ang mensahe ng  pelikulang ito ay sumasalamin sa kabtaan ngayon. Tayo ay nagbubuo ng mga grupo at “stereotypes” sa loob ng klase kaso dapat malaman natin na pareho lang tayo lahat. Dapat hindi din tayo humusga sa mga taong hindi natin kakilala dahil hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan nila. Upang magkaroon ng makabuluhang kaugnayan sa ibang tao, kailangan mong maglaan ng oras upang malaman ang tao na namamalagi sa ilalim ng panlabas, sapagkat kung ano ang namamalagi sa labas ay nagsasabi lamang ng napakaliit na bahagi ng kuwento nila sa buhay.
Tauhan:
Tumblr media
Pagganap
John Bender – Judd Nelson
Allison Reynolds – Ally Sheedy
Claire Standish – Molly Ringwald
Andrew Clark – Emilio Estevez
Brian Johnson – Anthony Michael Hall
Richard Vernon – Paul Gleason
Carl Reed – John Kapelos
Pagbabago
Nagsimula sila sa loob ng detensyon na hindi magkakilala at walang balak magpakilala. Ngunit dahil sa inip at tagal ng detensyon sila ay nagsimulang magkaroon ng komunikasyon sa isa’t isa. Hindi sila nagkwentuhan at binahagi ang mga pinagdadaanan nila sa sariling nilang buhay. Dito sila nagkaroon ng pagkakaugnayan at pagkakaintindi sa bawat isa at dahil dito iniwan nila ang paaralan magkakaibigan.
Cinematography
Ang estilo ng pag-edit ng The Breakfast Club ay klasikong kasama ang pagiging totoo. Nasabi kong ito ay pagiging totoo dahil sila ay limang tinedyer sa isang "detensyon na sinusubukan na magpakilala at ikwento ang mga pinagdadaanan sa buhay nila. Ang Breakfast Club para sakin ay may tatlong klaseng pagkukuha ng eksena. Una ang malayong pagkukuha o "long shot", ang eksenang ito pinapakita ang lahat ng mga character pati na rin ang natitirang bahagi ng eksena. Pangalawa ang antas ng mata o "eye level" ay parang nakikipagusap sa karater ng harap harapan. Gayun din kung paano natin pinapanood. Ang pangatlo at huli ang malapit na pagkuha o "close up" ay kapag ang kamera ay nakakakuha ng malapit sa isang partikular na character. Ang isang halimbawa nito ay ang eksena kung saan nakaupo si Claire, Bender, Allison, Andrew, at Brian sa sahig ng library habang sila ay nagkukwentuhan tungkol sa kanilang sarili. Ito ay gumagalaw ang camera mula sa bawat karakter pinaguusapan. Kapag pinag-uusapan ni Claire ang kamera ay nasa kanya, pagkatapos ay lumipat ito kay Brian at iba pa. Sa paggawa nito hindi lamang natin nakikita kung aling character ang pinag-uusapan kundi nakakakuha din tayo ng pakiramdam ng damdamin at emosyon.
Musika at Tunog
Ang pelikulang ito ay walang masyadong musika pero punong puno ng ingay ng pananalita. Masasabi natin na kada salita lumalabas sa bibig natin ay importante para malaman ang kanilang ugali. Kaya dahil wala masyadong musika sa pelikula nito dahil nakapokus ang ingay sa mga karakter. Kadalasan maririnig natin ang ingay ng boses ni John Bender dahil siya ang pinaka madaldal at matapang sa kanila. Nagkaroon lang ng musika pagnagasasayawan sila at sa dulo ng pelikula pinatugtog ang “Don't You (Forget About Me)” by simple minds.
Konklusyon
Sa katapusan ng pelikula, ang bawat isang karakter ay lumabas na isang bagong pagkatao. Si Brian, Claire, Andrew, Allison, at Bender ay lumabas sa detensyon kasama ang kanilang problema at mga isyu sa kanilang isipan, ngunit sa huli, sa tulong ng bawat iba pang mga salita ng karunungan at karanasan, bawat isa ay nakayanan ang mga problema nila. Tinabi nila ang lahat ng kanilang pagkakaiba at nakalikha ng pagkakaisa at pakikipagkaibigan sa isa't isa. Dapat malamin natin na kahit iba iba tayong ng ugali, lahat tayo ay may pinagdadaanan sa buhay.
Rekomendasyon
Ang pelikulang ito ay merong magandang mensahe at may matutunan sa dulo. Ngunit dapat makinig at manood tayo ng mabuti upang maintindihan ang pelikula. Irerekomeda ko ito para sa kabataan natin ngayon. kahit matagal na ang pelikulang ito, ito parin ay nagpapakit ng magandang menahe at nasasalamin parin ang kabataan hanggang ngayon. Bibigyan ko ito nang 8/10, 8 lang dahil may kulang sa panimula nito. Dapat sa simula palang nagbigay ito ng magandang akit para tuluyan panoorin ng mga tao.
Submitted: Shaun R. Benzon, 10-Simplicity
0 notes