Tumgik
shielaaaaa-blog1 · 6 years
Text
HAYOP! sa kamay ng TAO!
Malaking bahagi ang ginagampanan ng hayop sa buhay ng mga tao. sila ay nagsisilbing aliw, kasiyahan,libangan at kasama  Itinuturing din ang hayop bilang kaibigan o kaya naman ay parte na ng knilang pamilya hnd lang pagbibigay aliw ang pakinabang ng hayop sa tao nakakatulong din ang hayop especially sa mga pulis halimbawa nalang ang aso, ang aso ay may kakayahan na makaamoy dahil ang aso ay may malakas itong pang amoy na ginagamit ng mga pulis sa pag hahanap ng isang bagay nag sisilbi din ang aso bilang bantay sa tahanan,. Binantyagan din  sila bilang man's bestfriend dahil malapit sila sa tao. ngunit hnd lahat ng hayop ay nakakaranas ng mabuting pagaaruga at pagmamahal galing sa tao dahil karamihan sa mga hayop ay nakakaranas ng pagmamalupit, pagmamaltrato, at pang aabuso sa kamay ng tao tulad ng paluin ng kahoyng  2 por 2 sa kahit saang parte ng katawan, buhusan ng kumukulong tubig, at hnd pinapakain iilan lamang yan sa nararanasan ng mga hayop. nakakalungkot isipin na may mga hayop ang nakakaranas ng mga ito . Nkakalungkot din isipin na  karamihan sa mga hayop ay kinakatay at ibinebenta upang pagkakitaan lubha ngang  nakakaalarma ang mga ito. Dahil ang hayop wla man sariling pagiisip ngunit sila ay may damdamin din. Karapatan ng mga hayop na mahalin at alagaan. Karapatan nilang mabuhay, pakainin, linisan at bigyan ng kaukulang pansin dahil sila ay gawa rin ng ating Poong Maykapal katulad nating mga tao. ngunit sa kasamaang palad marami din sa atin ang nilalabag ang kanilang karapatan. mayroon  batas para sa mga hayop  na tinatawag na Republic Act No. 8485 na mas kilala bilang Animal Welfare Act ay nagsusulong na pangalagaan ang kapakanan ng mga hayop. Ang batas na ito ay naglalayong maparusahan ang mga taong lalabag sa karapatan ng mga hayop. kaya  Bilang isang studyante, mamamayan at may malasakit sa mga hayop ay nag sasabi at nag  paalala na huwag nating abusuhin ang karapatan ng hayop bagkusTratuhin natin sila ng wasto at ng may pagmamahal na parang isang pamilya ng sanggayon ay magkaroon tayo ng maunlad at maayos na pamumuhay.
1 note · View note